Chapter 1

1240 Words
Valerie Kaye Ruiz Point of View Kinagat ko ang aking ibabang labi habang nakatingin sa aking binabasang libro. Napagpasyahan kong magtungo sa library dahil kahit papaano ay tahimik roon. Gusto ko kasing nagbabasa ng libro lalo na sa tuwing break time. Para lang makaalis sa reyalidad. Ang pangit kasi ng karanasan ko sa reyalidad. Binu-bully ako dahil lang sa nagbabasa ako ng mga fiction book, which is hindi naman acceptable. Ayos pa sana kung na-bully ako dahil may naaway akong sikat pero hindi. Dahil lang sa pagbabasa kaya nila ako binabato nang masasakit na salita. Kinagat ko na lamang ang aking ibabang labi habang patuloy na binabasa ang librong tungkol sa babaeng na-bully pero kaagad nagbago ang lahat nang dumating ang isang guwapong magliligtas sa kaniya sa buhay na kinalakihan niya. “Stop hurting her or else,” pagbabasa ko sa salitang binitawan ng male lead. “Ipararamdam ko sa inyo ang ginagawa niyo sa kaniya.” Tinakpan ko ang aking bibig nang yakapin ng male lead ang female lead saka umalis sa lugar na iyon. Sinusubukan kong hindi tumili dahil nasa library ako. Kaya iniangat ko ang aking ulo pero hanep! Nasa harapan ko si Gillean! Kung hindi ako nagkakamali ay kaklase ko ito at miyembro ng bandang MCAR. Binubuo sila nang apat na miyembro. Sina Rowan Yael Mercado, David Zephyr Ciervo, Gillean Luca Avena at Russel Lincoln Romero. Sikat sila sa campus namin at marami rin silang fans kaso hindi naman kasi talaga ako mahilig sa music kaya hindi ko alam kung sinu-sino ang nakatoka sa pagkanta, pagtugtog ng acoustic guitar, electric guitar, violin, piano o drums. Basta ang alam ko lang ay isa silang banda at sobrang sikat nila dahil sa gig nila o hindi kaya ay kapag tutugtog sila rito sa campus sa tuwing may event. Sa pagkakaalam ko rin ay mahilig din sila sa sport dahil naririnig ko iyan sa mga fan nila pero hindi ko nga lang alam kung ano. Nakaupo si Gillean sa bakanteng upuan na nasa aking harapan. Nakatingin din siya sa akin ay bahagyang nakakrus ang kaniyang mga braso sa kaniyang dibdib. Magulo ang kaniyang buhok at halatang sinusuklay lang iyon gamit ang kaniyang daliri. May makapal siyang kilay at pilik-mata. May bughaw na mga mata rin siya at sobrang tangos din ng kaniyang ilong. Pink lips nga rin siya na akala mo ay may inilalagay na liptint. Ang malala pa ay hindi man lang ito nagda-dry tapos may sharp din siyang jaw na kagaya sa nababasa ko. Iyon bang umiigting ang panga? Kaya nakakagulat pero at the same time ay nakakamangha talagang titigan ang mga ganitong guwapong mukha. Bukod sa maganda rin ang kaniyang pangangatawan, miyembro rin siya ng banda. Kaya paniguradong magaling din itong kumanta. Kapag din tumitingin si Gillean, akala mo ay binabasa niya ang mga mata mo. Guwapo rin siya pero ang aura niya, mabigat. Kaya naman hindi na ako tumingin pa sa kaniya at pinili ko na lamang iyuko ang aking ulo. Ngumunguya siya ng bubble gum habang nakatingin sa akin. Nakakahiya tuloy! Baka nakita niya rin akong nagpipigil ng sigaw dahil sa binabasa ko. Mukha siguro akong timang sa part na iyon! “Gil!” tawag ng isang boses lalaki. Hindi ko sigurado kung close sila pero nakakapagtaka lang dahil Gil ang itinatawag sa kaniya kahit na Gillean naman ang name. Mukhang masiyahin ang pangalan pero masungit naman. Ang bigat din ng aura niya. Parang masungit na strikto? Napailing na lamang ako at kaagad na inilagay ang ruler sa libro para naman alam ko kung saang part ako tumigil magbasa. Kung tutuusin ay break time naman namin ngayon at matagal pa ang next subject ko. Kaya nakakapagtaka lang na nandito si Gillean kahit na hindi naman ito mahilig tumambay sa library. Pero nagbabago naman ang taste ng tao. Kaya bakit naman ako manghuhusga, hindi ba? Normal lang naman kasing magbago ang taste ng mga tao. Kapag hindi nagbago ang taste? Abnormal. Chos! Syempre, hindi. Depende lang talaga sa preference iyan ng tao. Kung ayaw magbago, walang kaso. Kung nagbago, wala ring kaso. Nasa tao naman talaga kasi iyan. May mga bakante rin namang table rito pero nakakapagtaka kasi talaga kung bakit dito pa naisipan ni Gillean pumuwesto. Baka mas lalo lamang ang pag-initan dahil baka akalain nilang nilalapitan ko siya kahit na hindi naman. “Kanina ka pa namin hinahanap,” saad ng lalaki na bagong dating. “May practice tayo, eh.” Practice? Baka ito iyong kabanda niya? Puwede rin namang member siya ng kung anong sports lalo pa at halata namang active siya sa kung ano. “Kaya pala,” saad ng isang lalaki at kaagad na natawa. “Busy, eh.” “What the hell are you talking about?” malutong na tanong ni Gillean. Nanlaki naman ang aking mga mata dahil sa aking narinig. Malutong ang kaniyang pagmumura pero kahit na ganoon ay hindi naman iyon pangit sa aking pandinig. Sa katunayan nga ay ang hot ng kaniyang pagkakasabi na para lamang sa binabasa ko sa libro. Kaya naman kinagat ko ang aking ibabang labi para pigilan ang aking pagtili. Iba pala sa pakiramdam kapag naririnig mo iyong madalas na sabihin ng male lead sa libro! Ngunit naalala kong may mga kasama pala ako rito sa aking table kaya naman tinapik ko ang aking pisngi pero napalakas yata. “Why did you slap your face?” nalilitong tanong ni Gillean. Bigla naman akong napalingon sa kaniya at sa mga kasama niya sa banda na ngayon ay nagtataka sa aking ginawa. “Are you out of your mind?” gulantang na dagdag ni Gillean. Kaya naman napaawang ang aking labi dahil sa hiya. Hanep! Kaya ako nasasabihan na weird dahil sa ginagawa ko! “Ano,” kinakabahan kong saad. Sinubukan kong hanapin ang aking sasabihin pero wala naman akong mahanap. Kaya naman kaagad kong inayos na lang ang aking mga gamit ay dali-dali sanang umalis sa lugar na iyon. Kung puwede lang sana akong lamunin ng lupa ay ginawa ko na. Nakakahiya kasi! Nakita nilang sinampal ko ang pisngi ko kahit naman hindi dapat! Tapik lang sana! Bakit naman napalakas? Bago pa man ako makalagpas sa puwesto ni Gillean ay mabilis niyang iniharang ang kaniyang bisig sa aking dadaanan na sakto iyon sa aking tiyan. Nanigas ako sa aking kinatatayuan at hindi ko alam kung paano ako makakatakas sa lalaking ito dahil sinadya pa niyang ipulupot ito sa aking maliit na bewang. “Mamaya na ako sasama sa practice. Malapit na ang next subject ko,” wika ni Gillean habang nakayakap pa rin sa aking bewang. “Sige. Alis na rin muna kami. Diretso ka na lang sa club natin,” paalam naman ng isa bago tuluyan silang mawala sa aming puwesto. Bigla naman akong hinila ni Gillean at nagulat ako nang mapaupo ako sa matigas na bagay. Naramdaman ko namang tumama ang kaniyang mainit na hininga sa aking ulo na naging dahilan para kilabutan ako. Wait— nakaupo ba ako sa kandungan niya?! Ano ang gagawin ko? Aalis na dapat ako. Nakakahiya na nga ang nangyari kanina tapos mas lalong nakakahiya pa ngayon ang nangyayari? Seriously?! “Ano bang pumasok sa kokote mo at sinampal mo ang mukha mo?” mababa ngunit mariing tanong ni Gillean sa akin. Nanuyo naman ang aking lalamunan sa naging paraan ng kaniyang pagsasalita. Hindi ko alam kung bakit sexy ang boses niya pero bakit nakikita ko sa kaniya iyong mga fictional character na nababasa ko?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD