Chapter Three

1203 Words
Pagbaba ng bayan ay unang pinuntahan nila Carmella ang flower shop ni Belinda. Pagtigil ng sasakyan kung saan nila sinakay ang mga gulay na naani nila at ang mga bulaklak ay masayang bumaba ang kambal. “Garrie, Jerrie, hintayin niyo ako,” sabi ni Carmella sa mga anak ngunit nagtuloy-tuloy lamang ang mga bata at binuksan ang pinto ng flower shop ni Belinda. “Carmella, kami na lang ni Pedring ang magdadala ng mga gulay sa palengke. Dito ka na lamang kasama ang mga anak mo,’’ sabi ni Nanay Josie. “Sigurado po ba kayo, Nay?’’ tanong niya. “Oo kaya na namin ito ni Pedring. Mamaya ay dadaanan na lang namin kayo dito para hindi na mapagod ang dalawang bata.” “Sige po, Nay. Kayo ang bahala.” Pag-alis ng sasakyan ay pumasok si Carmella sa flower shop bitbit ang mga bulaklak. “Oh, Carmella, nandyan kana pala,” nakangiting bati ni Belinda. “Ito na ang mga bulaklak mo, Bel,’’ sabi niya sa kaibigan at tinulungan siyan na ilapag ang mga bulaklak sa mesa. “Salamat, Carmella.” “Nauna na nga na pumasok dito ang mga anak ko, eh,” natatawa na sabi ni Carmella sa kaibigan. “Naku, okay lang ‘yon. Alam mo naman na malakas sa akin ang kambal,” sagot naman nito. “Kung alam mo lang na sobra silang excited bumaba ng bayan.” “Ikaw naman kasi Carmella, bakit hindi na lang kasi kayo dito sa bayan tumira kaysa sa bundok, hindi nae-expose ang mga bata.” “Masaya naman sila sa bundok, Bel. At alam ko na kuntento naman sila sa buhay na mayroon kami sa bundok,” sagot niya sa kaibigan habang pinagmamasdan niya ang mga anak na isa-isang tinitignan ang mga bulaklak na nakaayos sa loob ng shop. “Oo, nandoon na tayo, Carmella. Pero sa susunod na taon ay mag-aaral na sila. Ayaw mo ba na ipasok ang mga bata sa magandang paaralan?’’ tanong ng kaibigan. “Gusto ko syempre. Pero matagal pa naman yun, Belinda. Sa ngayon ay mamalagi muna kami sa bundok.” “Hmm...ikaw ang bahala, Carmella.’’  Napaisip si Carmella sa mga sinabi ni Belinda. Alam niya na may punto naman ang sinabi ng kaibigan. “Mommy, gutom na po kami,” sambit ni Jerrie na lumapit sa kanila. “Huh, ganun ba, anak?’’  “Teka at kukuha lang ako ng juice at sandwich sa loob,” sabi ni Belinda at pumasok ito sa isang pinto na nasa loob ng flower shop niya. “Mommy, we’re hungry na,” sabi naman ni Garrie. “Saglit lang anak, kumukuha pa lang si Tita Belinda.” Sakto naman na may pumasok na customer kaya napatingin si Carmella. Napaawang ang bibig ni Carmella nang mamukaan niya kung sino ang pumasok sa shop. Si Gabriel Alvarez. “Excuse me, Miss, nandito ba si Bel—?’’ sabi ng lalaki na napatigil sa pagsasalita. Sakto naman na lumabas na si Belinda na may dalang juice at sandwiches. “Nandito na ang merienda,” nakangiting sabi ni Belinda. “Yehey! Thank you, tita Bel,” tuwang-tuwa na sabi ng kambal. “Oh, Gabriel. Ikaw pala yan.’’ Si Belinda na ngayon lang napansin ang lalaking nasa loob ng flower shop nito. “C-Carmella, ikawba yan?’’ tanong ni Gabriel. “U-Uhm...” nauutal na hindi makasagot si Carmella. “Teka! Do you know each other?” nagtataka na tanong ni Belinda. “Yes, Bel,” mabilis na sagot ni Gabriel. Parang pinagpapawisan ng malapot si Carmella dahil sa takbo ng usapan. Walang salitang lumalabas sa kanyang bibig. “Mommy, ayaw mo ba ng sandwich?” tanong ni Garrie na lumapit kay Carmella. “M-Mommy? May anak ka na Carmella?” tanong ni Gabriel.  Ngunit wala pa rin lumalabas na kahit isang salita sa bibig ng dalaga. “Uy! Carmella, tinatanong ka ni Gabriel,” tawag ni Belinda na tinapik ang kamay niya. “Pasensya na Belinda, pero kailangan na namin umalis,” sabi niya sa kaibigan at kaagad na hinawakan sa kamay ang kanyang mga anak. “Mommy, wait. Kumakain pa kami, eh,” protesta ng kanyang mga anak. “Carmella, saglit lang!’’pigil ni Gabriel sa kanya. Binitawan ni Carmella ang pagkakahawak sa kamay ng kanyang mga anak ngunit nanatili siyang nakatayo at hindi humaharap sa lalaki. “Ilang taon na ang mga anak mo? At kambal ba sila?’’ tanong ni Gabriel. “Y-Yes. They are twins,” nauutal na sabi niya. “Nasaan ang Daddy nila?’’ muling tanong niya. Ngunit hindi na niya nagawang sagutin ito at muling hinawakan ni Carmella ang kamay ng mga anak. “Belinda, sa susunod na lang ulit,” paalam niya sa kaibigan at mabilis na hinila ang kamay ng mga anak at lumabas ng flower shop. “Carmella! Yung bayad ng bulaklak,” pahabol na sabi ni Belinda ngunit hindi na niya siya pinansin pa.  Babalikan na lamang niya sa susunod. Mas mahalaga sa kanya na mailayo ang mga anak sa lugar na iyon. Samantala nakatingin lang si Gabriel sa paglabas ni Carmella sa flower shop bitbit ang dalawang anak niya at nagmamadaling makalayo sa lugar na iyon. “Do you know her personally, Bel?” tanong niya kay Belinda. “Oo, matagal na. Nagbubuntis pa lang siya noon ay kilala ko na si Carmella,” sagot naman ng dalaga. “Ganun ba? Ilang taon na ang mga bata?” “Hmmm... Limang taong gulang na sila.” “Nasaan ang tatay ng mga bata?’’ muli niyang tanong. “Wala. Hindi ko nakita ang tatay nila simula noon,” sabi ni Belinda. “Bakit ba ang dami mo tanong tungkol kay Carmella?'' muling tanong nito. “Wala. Matagal na kasi hindi kami nagkita kaya nagulat lang ako na may anak na pala siya,”sagot niya. “Paano mo nakilala si Carmella?” “Nakilala ko lang siya noon dahil sa isang kaibigan.” “Sinong kaibigan mo?'' muling tanong ng dalaga. ''Basta. Isang matalik  na kaibigan.'' sagot niya. ''Ganun ba? Teka, bakit ka nga pala nandito?''  ''Wala. Gusto lang kita  bisitahin.'' sagot niya at kinindatan ang dalaga. ''Asus! Baka naman binobola mo ako.'' sabi nito. ''Hindi ah. Ako pa, eh loyal ako sayo kahit hindi mo pa ako sinasagot.'' “Mukha mo! Kung hindi ko pa alam Gabriel Alvarez, eh, madami kang chicks sa maynila.” “Uy! Paninirang puri yan, Belinda. Wala kang patunay,” sabi niya sa dalaga. “Totoo naman. Ikaw pa! Kailan ka ba nagkagusto sa babaeng probinsyana, aber?'' nakadilat ang mga matang tanong ng dalaga sa kanya. “Ikaw pa lang ang nagustuhan ko na probinsyana,” sagot niya. “Bolero ka talaga, Alvarez!” “Hindi, uy! Seryoso ako sayo, Belinda. Aakyat ba ako ng Baguio kung hindi ako seryoso sayo.'' “Aba, malay ko kung gusto mo lang bumili ng Strawberry at bulaklak na galing Baguio.” “Ang babaw naman masyado ng tingin mo sa akin Belinda,” parang nagtatampong sabi niya. “Hindi bagay sayo ang mag-inarte, Gabriel.” Iniba na lamang ni Gabriel ang usapan nila ni Belinda at hindi na muling nagtanong pa tungkol kay Carmella at sa mga anak nito. Ilang sandali pa siyang nanatili sa shop ni Belinda bago siya nagpaalam sa dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD