Chapter Two

1267 Words
Alas-sais pa lang ng umaga ay gising na si Carmella upang maghanda ng almusal dahil mamaya ay pupunta sila ng farm upang tingnan ang mga gulay na aanihin. At habang naghahanda siya ng almusal ay nagising na rin ang kanyang mga anak. “Good morning, Mommy,” sabay na pagbati ng kambal. “Good morning mga anak,” nakangiting bati niya at saka niya hinalikan sa noo ang kambal. “Mommy, ano po ang breakfast?” curious na tanong ni Garrie na tinignan kung ano ang kanyang niluluto. “Hotdogs and eggs, at syempre meron din hot chocolate na gawa ni mommy.’’  “Wow, ang sarap naman niyan, Mommy,”  tuwang-tuwa naman na sabi ni Jerrie. “Sige na, maupo na kayo at mamaya ay kakain na tayo,” utos niya sa dalawa. Tumalima naman kaagad ang mga bata na umupo at matiyagang naghihintay sa kanilang almusal nang pumasok naman si Nanay Josie sa kusina. “Oh, ang aga naman gumising ang mga batang ito,” sambit ng matanda. “Oo nga po, Nay. Siguro po ay excited ang dalawang iyan sa pagpunta sa farm dahil kahapon pa nila gustong pumunta doon upang mamitas daw ng mga bulaklak,” sagot ni Carmella. “Mommy, matagal pa po ba iyan?’’ biglang tanong ni Jerrie. “Saglit na lang ito mga anak.’’ “Siya nga pala, Carmella, pwede ng anihin ang mga repolyo ngayong umaga.’’ “Naku, mabuti naman Nay para mai-deliver na natin sa bayan.’’ “Oo nga, anak. Habang tumatagal ay mas lumalago ang taniman. At iyon ay dahil sayo.’’ “Nay naman. Alam nyo naman po na malaki ang utang na loob ko sa inyo, ‘di ba?’’ “Hay! Ano ka ba namang bata ka. Ikaw na lang at ang mga bata ang pamilya ko kaya lahat ng pinaghirapan mo ay sa inyo lahat mapupunta. Lalo na’t matanda na ako,” emosyonal na sabi ni Nanay Josie. “Nay, ang lahat ng ito ay dahil sa tulong niyo sa akin. Kaya habang-buhay ko tatanawin na utang na loob sa inyo ito.’’ At nilapitan niya ang matanda at niyakap ito. “Uy! Si mommy at lola, nagda-drama sila,’’ kantyaw ng dalawang bata. “Ano ba yan, Nay. Umagang-umaga mukhang mag-iiyakan pa tayo,” sabi ni Carmella sa matanda at  kinuha ang mga niluto at nilapag sa mesa. “Oh, siya, mag-almusal na tayo para makapag-handa na tayo sa pagpunta sa taniman.’’ Sabay-sabay silang kumain ng almusal at habang kumakain sila ay hindi maitago ng kambal ang excitement sa mga mukha nila. Pagkatapos nilang kumain ay nagligpit muna siya bago binihisan ang kanyang mga anak. Hindi rin naman ganun kalayo ang farm na pupuntahan nila kaya madali nilang narating ito. At dahil sa tuwa ay kaagad na tumakbo ang kanyang mga anak sa taniman ng mga bulaklak. “Mag-ingat kayo, ha? Baka madapa kayo!” sigaw ni Carmella sa mga anak. “Opo, Mommy,” sagot naman ng mga bata. “Carmella, puntahan ko muna si Pedring para tingnan kung nagsimula na silang mag-ani,” wika ni Nanay Josie. “Sige po, Nay, at susundan ko muna ang kambal.’’ Pag-alis ng matanda ay sinundan niya ang kambal na tuwang-tuwa na namimitas ng mga bulaklak. “Mommy, look. The flowers are beautiful,” sambit ni Jerrie na tuwang-tuwa na pinakita ang napitas niyang mga bulaklak ng marigold. Kinuha niya ang inabot ni Jerrie na isang piraso ng bulaklak at dinala sa kanyang ilong. Sinamyo niya ito. “Hmmmm, maganda nga ang mga ito,” nakangiting sagot niya sa anak. ‘’Mommy, tara doon kay kuya Garrie. Nandoon siya, oh.’’ At nilingon ang kapatid niya at tinuro kung saan ito namimitas ng bulaklak. “Sure, sweetie. Let’s go.’’  Pinuntahan nila si Garrie na abalang namimitas ng mga rosas. Nakita niya kung paano niya pag-iingatan na pitasin ang bawat bulaklak. “Mommy, for you.’’ Nakangiting tumingin sa kanya ang anak at inabot niya ang isang bugkos ng mga rosas. Parang hinamplos ang puso niya dahil sa ginawa ng anak. Malambing si Garrie sa kanya. Kahit na minsan ay malikot at sutil na bata pero sobrang lambing naman nito. “Wow. Thank you, sweetie.’’ Sinamahan niya ang kambal na mamitas ng mga bulaklak nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Tinignan niya kung sino ang tumatawag. Si Belinda ang tumatawag. “Hello, Belinda napatawag ka?’’ tanong agad niya sa kabilang linya. “Carmella, oo, gusto ko sana na magpa-deliver sayo ng mga bulaklak,” sabi naman nito. “Tamang-tama. Nandito kami ngayon sa farm, namimitas ng mga bulaklak at gulay.’’ “Magdala ka rito sa shop ng Roses at Stargazers.’’ “Sige, Belinda, mamaya ay bababa kami ng bayan. Isasabay ko na rin dalhin ang mga orders mo.’’ “Sige, salamat, Carmella,” paalam ni Belinda sa kabilang linya. Nakangiting binulsa niya ang kanyang cellphone at muling lumapit sa mga anak na namimitas pa rin ng mga bulaklak. “Mommy, sino po ang tumawag sa inyo?’’ tanong ni Jerrie. “Si Tita Belinda, anak. Nagpapa-deliver siya sa atin ng mga bulaklak,” sagot niya. “Really, Mommy?” “Yup, sweetie. Kaya dalian natin mamitas ng bulaklak kasi mamaya ay pupunta tayo sa bayan para i-deliver ang order ni Tita Belinda.” “Sige po, Mommy,” sagot ni Jerrie at tuwang-tuwa na nagpatuloy ito sa pamimitas ng bulaklak. Nagpatulong naman si Carmella sa ibang tauhan ng farm upang mamitas ng bulaklak na gusto ni Belinda. Si Belinda ang may-ari ng Belinda’s Flower Shop na nasa bayan. Regular na customer niya ito, at hindi lang basta customer kundi naging malapit na kaibigan na rin niya ang dalaga. Malapit din si Belinda sa kanyang mga anak. Kaya kapag bumababa sila ng bayan ay tuwang-tuwa si Belinda kapag pumupunta sila sa shop nito. Pagkatapos nilang mamitas ng mga bulaklak ay pinuntahan nila si Nanay Josie sa taniman ng mga gulay. “Lola,” tawag ng kambal sa matanda. “Oh, nandito na pala ang mga apo ko,” tugon na nakangiting sinalubong naman ng matanda ang dalawang bata. “Nay. Tapos na po ba kayo rito?’’ tanong ni Carmella. “Oo, anak. Pwede na itong ibaba sa bayan,” sagot naman nito. “Sakto Nay, sasama na po kami sa pagbaba  sa bayan dahil may ide-deliver po ako na mga bulaklak sa shop ni Belinda.” “Aba eh, mabuti naman kung ganun. Sige at ipapaayos ko na ang mga ito para makababa na tayo.” “Yehey! Pupunta kami sa bayan.” At tuwang-tuwa na nagtatalon ang kambal. “Tignan nyo, Nay ang mga apo niyo, parang mas excited pa sila kaysa sa atin,” nakangiting sabi niya. “Siyempre, minsan lang sila makababa ng bayan kaya ganyan sila kasaya,” sagot naman ng matanda. “Oh, mga anak. Kapag nasa bayan na tayo, ‘wag kayong masyadong malikot, ah,” bilin niya sa kambal. “Yes, Mommy,” sagot naman agad ng dalawa. “Oh, siya, tama na iyan at maghanda na kayo para makababa na tayo,” wika ni Nanay Josie. “Opo, Lola,” mabilis na sagot naman ng kambal. “Pedring lahat ba ay ayos na?'' tanong ni Nanay Josie kay Mang Pedring. “Oo, Josie, ayos na ang mga ito. Pwede ng ibaba sa bayan,” sagot naman ni Mang Pedring, ang katiwala sa farm. “Mang Pedring, pakisabihan po ang isang tauhan natin na ingatan po ang mga bulaklak sa pagdadala sa sasakyan. Order po iyon ni Belinda,” wika ni Carmella kay Mang Pedring. “Oh, sige, Carmella. Kami na ang bahala sa mga iyon,” sagot naman ni Mang Pedring. “Maraming salamat, Mang Pedring.'' 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD