bc

When It Comes To Love (TRUE LOVE SERIES #2)

book_age16+
979
FOLLOW
4.7K
READ
fated
independent
brave
sweet
bxg
lighthearted
campus
city
highschool
school
like
intro-logo
Blurb

#2

Hindi ko lubos akalain na mapapa-ibig ako at masasaktan kalaunan. Si Pinky, na walang ibang inatupag kundi ang pag-ta-trabaho. May dumating na oportunidad sa kaniya at kinuha naman niya agad ito.

Sa kaniyang pag-ta-trabaho ay nakilala niya si Indigo, may pinapahiwatig ito ngunit pilit na ipinagsasawalang bahala ito ni Pinky.

Isa siyang guro at si Indigo naman ay estudyante. Sa pagkakataong iyon ay isang pagkakamali na magkaroon sila ng relasyon.

Pilit inintindi, iwinala sa isipan at itinuon sa iba ang atensyon ni Pinky. Paano kung balikan siya nito? Paano kung sa pagkakataong iyon ay puwede na? Hahayaan ba ni Pinky na buksan muli ang puso niya para sa taong naghihintay sa kaniya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Huminga ako nang malalim nang makababa ako sa bus na sinakyan ko. Narito na ako sa Maynila tunay nga'ng napakalaki ng pagkakaiba nito sa probinsiyang kinalakihan ko. Napakaingay at napakaraming tao. Ibinitbit ko ang dala kong bag na naglalaman ng kakaunti kong damit. Nakisabay na rin ako sa mga taong naglalakad. Habang naglalakad ako ay kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko ang kaibigan ko na nauna ng lumawas sa maynila. Itinapat ko ang phone ko sa tenga ko nang sagutin niya ito. "Hello, Rika?" "Hello, Pinks! Narito na ako sa meeting place natin. Nasaan ka na ba?" "Isang sakay na lang, hintayin mo na lang ako. Mabilis na lang 'to." "O siya sige, ingat." "Sige, bye." May isang Jeep na tumigil sa harapan ko. Para mabilis ay sumukay na ako rito, tamang-tama at sa meeting place namin yung ruta ng Jeep. Nang makababa ako ay tinext ko si Rika na narito na ako sa meeting place namin. Mag-a-apartment kasi ako kung saan pansamantalang nakatira rin si Rika. Siya lang ang kakilala ko na narito na sa Maynila. "Pinks!" Napatingin ako roon sa tumawag sa akin. Nakita ko si Rika na may dalang payong. Mainit na rin kasi. Agad ko siyang pinuntahan. "Salamat naman at ligtas kang nakapunta rito," aniya at natawa ako sa kan'ya. Kinuha niya ang dala kong bag at sabay na kaming naglakad. "Saan nga pala yung sinasabi mong opportunity? Saang school?" tanong niya sa akin. "Sa Skyline University. Nag-apply agad ako sa kanila nang makita kong naghahanap sila ng Preschool teacher at malaki ang sahod. Alam mo naman na nangangailangan talaga kami ngayon, Rika. Kaya hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa," sabi ko sa kaniya at tinaguan niya ako. "Mamimiss ko talaga yung mga estudyante ko sa probinsya," dagdag ko pa. Sinong hindi makakamiss sa mga batang 'yon? Ang ku-cute nila e. "Teka, teka. Tama ba yung narinig ko? Skyline University?" Hindi makapaniwalang sabi niya. Tumango ako bilang sagot sa tanong niya. "Omg, omg!" sabi niya sa akin at tila hindi mapakali dahil lang doon. "Bakit?" "Doon din ako nagtuturo e," sabi niya at nagpeace sign sa akin. Inirapan ko siya at tinawanan niya lang ako. Lumuwas ako sa Maynila para sa opportunity na ito. Malaking tulong kasi ito kina Mama, sa buhay namin. Mamaya aayusin ko na ang mga gamit na kakailanganin ko sa pagpasok. Syempre bago ako pumunta rito sa Maynila ay hinintay ko muna ang tawag nila at hindi naman ako nabigo. Natanggap ako. Mabuti na lang din at may sapat akong pera para rito. Hindi ko maiwasan mag-alala para kina Mama at Papa na naiwan ko sa probinsya may katandaan na rin kasi sila. Ayaw ko man iwanan sila pero kailangan para mas gumanda ang buhay namin. "Dito ang room mo, Pinks." Binuksan niya ang room ko at pumasok ako roon. Nagbigay ako ng advanced payment sa kan'ya pagkatapos ay nagpaalam siya sa akin na pupuntahan niya ang kan'yang Tita. Ang Tita niya kasi ang nagma-may ari nito. Inayos ko na ang mga gamit at damit na dala ko. May libro rin akong dala, iba-iba iyon. Mabuti na lang at may maliit na shelf sa gilid ng study table rito. Pagkatapos kong mag-ayos ay humiga ako sa kama. Nagpahinga ako ng ilang saglit. Bumangon ako nang maisipan kong kailangan ko rin palang mamimili ng mga pagkain ko. Mag-isa nga lang pala ako rito kaya kailangan atentibo ako. Bago ako lumabas ng room ko ay sinigurado kong nakalock ito. Tinanong ko si Rika sa Tita niya nang makita ko ito. "Umalis siya, hija. May inasikaso lang," sabi ng Tita niya. "Sige po, salamat po." Tumango lang ito sa akin at iniwan na ako. Saan naman kaya nagpunta si Rika? Alam niya naman na bagong salta lang ako rito tapos umalis pa siya. Anyway, kailangan ko na yata talagang maging explorer sa panahong ito. Hindi na ako puwedeng dumipende. Siguro sa map na nasa cellphone ko na lang kung sakaling maligaw man ako. Nasa labas na ako ng apartment. Habang naglalakad ako ay napatingin-tingin ako sa paligid. Ang daming tao pati mga bata na naglalaro. Paniguradong walang convinience store na malapit sa apartment. Maglalakad-lakad na lang muna siguro ako hanggang sa makakita ako. Nasapo ko ang dibdib ko nang may bigla na lang humawak sa kanang balikat ko. "Ineng, puwede bang magtanong?" Napalingon ako sa nagsalita, sa likuran ko para tingnan kung sino ito. Matanda ito at marumi ang suot nitong damit may dala rin itong sako. "Ginulat niyo naman po ako. Ano po bang itatanong niyo?" "Nakita mo ba 'yung pera ko? Isang daan 'yon e," sabi ng matanda sa akin. Bakas din ang kalungkutan sa mukha nito. "Pasensya na po pero hindi ko po kasi nakita yung pera niyo," sabi ko sa kaniya at nakita kong bumagsak ang dalawa niyang balikat na tila parang nabigo sa kaniyang hinahanap. "Sige, Ineng. Mauna na ako, maraming salamat na lang." Akmang aalis na sana siya nang pigilan ko siya. "Sandali lang po! Kunin niyo na po ito," sabi ko ay inabot sa kaniya ang isang daang piso. "Maraming salamat! Malaking tulong ito." Ngumiti lang ako sa kaniya at pinagmasdan siyang umalis. Nagulat na naman ako nang pagharap ko ay may isang lalaki na nakapamulsa sa nakatingin sa akin. "Ang hilig-hilig niyong sumulpot kung saan-saan. Ganito ba talaga ang mga tao sa manila, full of surprise?" Hindi makapaniwalang sabi ko. Kakalabas ko lang pero ang dami ko ng na-encounter na tao. Correction, mga taong estranghero. "Hindi mo na dapat binigyan ang matandang 'yon," sabi niya sa akin. Aba, walang respeto 'to ha? Tiningnan ko ang kabuuan niya at nakita kong naka-school uniform ito. Nag-aaral pala ang batang ito pero bakit nakulangan yata? sa respeto. "At bakit hindi? Ang bata bata mo pa ganyan ka na magsalita." Nakapamaywang na sabi ko sa kaniya. "Hindi na ako bata. I'm a College Student at yung matanda na binigyan mong pera ay isa lang 'yon sa mga tricks niya para makahingi ng pera. Alam mo ba bakit may mga ganon? Na nanatiling nanghihingi na lang?" "Ako pa talaga ang tinanong mo? Malamang dahil sa mahirap sila. Hayaan mo na siya, isang daan lang naman 'yon." "Hindi sa ganon. Naniniwala pa rin ako na hindi kahirapan ang dahilan. Katamaran lang 'yan kaya nagiging mahirap sila. Huwag masyadong mabait, Miss." At iniwan ako nito. Grabe! Hindi niya ba alam na matanda ako sa kaniya? Aaminin kong namangha ako sa sinabi niya. May punto siya pero nakakaawa talaga yung matanda. This is life, more hardships to endure. Mahirap man ang buhay sa mundong ito, magpapatuloy pa rin ako para sa mga pangarap ko at para sa mga magulang ko. ***

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.8M
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

WHAT IF IT'S ME

read
67.5K
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
243.3K
bc

Rewrite The Stars

read
95.7K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
133.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
71.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook