"Here, kainin mo na 'to." Binigay ko sa kaniya ang isang tinapay at bottled water. Nakaupo kami ngayon sa isang bench rito nasa gitna namin si Alex habang naglalaro sa phone ng tito niya. Sinabi ko roon sa driver na hindi na kami makakasama. Sinabihan ko rin ai Sir Evans na siya na lang muna ang sumama sa mga bata. Kailangan ko kasing samahan ang dalawang 'to. "May relasyon ba kayo ni Sir Evans?" Biglang tanong ni Indigo. "Huh? Wala, bakit mo natanong?" "Napapansin ko lang, magkasama kasi kayo lagi. Well, nevermind." Hindi na ako nakasagot sa sinabi niya. Hindi ko naman maitatanggi dahil totoo naman 'yon. "Tapos ka na ba?" Tanong ko sa kaniya. "Yeah. Thanks, miss." "Our car! Nandito na siya," sabi ni Alex. Napatingin ako roon sa kotse na tumigil sa harapan namin. "Uuwi na kayo

