(4)

1588 Words
Sa garalgal na boses ay namutawi sa bibig ko ang pangalan niya. "Ty," nanginginig kong ani. Unti-unti ay napalingon si Tyron sa direksyon ko at agad lumaki ang mga mata dahil sa gulat. "Sam!" sigaw niya sa'kin. Nagkukumahog ang lalaki sa paghablot ng kumot upang may maitakip sa hubad na katawan. Biglang napatawa naman ang babeng nakasiping niya. Bakas sa pagmumukha nito ang pagka-aliw sa sitwasyon namin ngayon. "What a brave girl," komento no'ng babae. Nakahiga lamang siya sa kama walang saplot at tila hindi niya alintana ang presensya ko. Bigla namang nataranta si Tyron nang makita niya kung anong tinititigan ko. "Go dress yourself up Fiona," utos ni Tyron sa babae. Tumawa lamang ang babae at tumayo sa kama. Halos malaglag ang panga ko nang maglakad ito ng hubo't-hubad sa harapan ko. She has a perfect body. Kaya pala nahumaling si Tyron sa kan'ya. Maganda rin naman ang katawan ko marami ngang nagsasabi na papasa akong maging model kung hindi lang talaga sa height ko. Masyadong minalas ako sa height kaya mahihirapan akong makapasok bilang model. Kahit na nasasaktan ako ngayon ay hindi ko mapigilang mamangha sa katawan at kagandahan ng babaeng 'to. What's her name again? Fiona. Hmm, it suits her very well. Lumapit naman si Fiona sa'kin habang nakatitig lamang ako sa parte ng katawan niya. Ni hindi ko mayuko ang ulo ko dahil mas ginugusto ng isip ko ang tignan ang napaka-perpekto niyang pisikal na anyo. Nanliit ako at biglang naikumpara ko ang aking sarili sa kan'ya. Isa lamang akong alikabok kung ikukumpara ang aming mga anyo. "Thank you for grabbing my clothes," Fiona said. Ang ibig nitong sabihin ay ang mga damit na napulot ko mula sa hagdan. Sa kan'ya pala ito. Mapait akong napangiti at naiyuko ko ang ulo ko dahil sa kahihiyan. Hindi ko alam kung bakit mukhang ako pa ang nahihiya sa mga nangyayari sa'min ngayon. Punong-puno ng kompyansa sa sarili ang babaeng 'to at kitang-kita ko kung paano niya ako tignan mulo ulo hanggang paa. Siguro nasa isip niya ay wala akong panlaban sa anong meron sa kan'ya. Nagmumukha akong talunan. Hindi naman ako ganitong tao eh, I have so much confidence in my own beauty pero ngayon hindi ko na alam. Kinuha ni Fiona ang damit niya mula sa bisig ko at walang habas na nagpalit ng damit sa harap ko. "Fiona! Just do your thing in the bathroom!" sigaw na naman ni Tyron. Nakabihis na rin ang lalaki at nakikita kong may suot na itong boxer shorts sa pang-ibaba. "Chill Ty." Hindi nagpapigil si Fiona at itinuloy pa rin ang pagbibihis niya sa harapan ko. Ano bang ginagawa ko? Nalilito ako at parang mabibiyak na ang ulo ko dahil sa sakit. Nandidilim na rin ang paningin ko dahil pakiramdam ko ay nahigop lahat ng enerhiya ko dahil sa nasaksihan ko kanina. "Did you perhaps saw my underwear?" tanong pa niya sa'kin. Napasinghap ako habang nakaupo pa rin ako sa sahig. Wala na nga talagang respeto ang babaeng ito sa'kin. Biglang nanlisik ang mga mata ko at naipukol ko ang mga tingin ko sa kan'ya. Binababoy nila ako! "Hmm, feisty," sambit ni Fiona nang makita nito ang reaksyon ko. "Well, I'm just asking if you happened saw my thong outside, Chill people," napatawa niyang ani. Nagmamadaling hinawakan ni Tyron ang balikat ni Fiona at pinalabas ito ng kwarto. Medyo nahirapan pa sila dahil nasa pinto ako at nakaharang. "Call me love," malanding sabi ni Fiona kay Ty. "Come on Fiona, leave." "Are you gonna choose that boring girl over me?" tanong naman ni Fiona kay Tyron. Napatakip na lang ako ng kamay sa bibig at pinigilan kong humikbi. Ngayon ay parang nag-sink in na lahat ng nakita ko. Dahan-dahan ay nakadama ako ng nakangingilong sakit sa puso na sa sobrang sakit ay parang tinutusok ng karayum. "Just leave Fiona, I'll call you okay? Now go!" singhal ni Tyron. Umalis naman ang babae at naiwan kaming dalawa. Ano bang dapat kong gawin? Magwala ba ako? Sampalin siya? O ang umiyak sa harapan niya? Bakit hindi ko magawa? Bakit imbes na galit ang maramdaman ko ay awa at takot ang siyang nanaig sa puso ko? Takot ako ngayon dahil alam ko kung saan patutungo itong paghaharap namin. Awa, naaawa ako sa sarili ko dahil ngayon pa lang alam kong madudurog na ako ng pino. "Sam get up." Marahan akong hinila ni Tryon sa kamay. "Why are you here?" marahan niyang tanong sa'kin. I looked at his face. The face of the man I love. Tanga ba ako kung sasabihin kong despite sa nagawa niya sa'kin ngayon ay hindi ko matatanggap kong maghihiwalay kami? Masyado akong mahina pagdating sa kan'ya at kahit na mali ay pipilitin ko ang magpatawad. Ngumiti ako sa kan'ya at inabot ko ang pasalubong. "Ty, pasalubong ko," masayang sambit ko habang may nakaukit na ngiti sa labi. Tinitigan niya lamang ako at parang naguguluhan sa mga ikinikilos ko. "Sam," tawag niya sa'kin. Parang nahahabag siya sa kalagayan ko. Ano ba? Ano bang kinakaawaan niya? Wlaa namang magbabago sa'ming dalawa di ba? Tatanggapin ko naman at buburahin ko sa isip ko lahat ng nasaksihan ko ngayon. "Ty, aren't you happy? I'm here now!" "Sam please, what are you doing?" nagtatakang tanong ni Tyron sa'kin. "Bawal bang dalawin ang boyfriend ko?" tanong ko naman. Parang walang nangyari at nagawa ko pang ngumiti nang todo sa kan'ya. "Hindi ka ba magagalit? Hindi mo ako sasampalin?" he asked. "No! Why would I?" Mas lalong nagulat si Tyron sa naging tugon ko. Bakit ba? Anong problema? Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit nais nitong kalimutan ko ang mga nakita. "Sam, wake up!" sigaw ni Tyron. "Tyron, ano bang nangyayari sa'yo?" tanong ko. Bigla na lang may tumulong luha sa mata ko. Huh? Bakit ako umiiyak? Gulat akong nagpunas ng mukha at nanginginig ako nang makapa ko ang basa kong mga mata. "Ty," nahihirapan kong tawag sa kan'ya. "Bakit?" "Hindi na tayo mag-wowork out Sam," sagot ni Tyron sa'kin. Biglang nagpanting ang tainga ko sa sinabi niya. Ano? Gano'n-gano'n na lang 'yun? "Putangina Ty!" sigaw ko. "Anong workout routine ba ang kailangan nating gawin para mabalik 'yong dati?" iyak ko. Halos hindi ako matignan ni Tyron sa mukha. Masyado ba siyang guilty kaya nagkakagan'yan siya ngayon? "Please Sam, huwag na nating ipilit," pagod nitong ani. "Ty, nakahanda akong kalimutan 'yong nakita ko. Kung pupwede ko lang dukutin itong mata ko gagawin ko. Huwag mo naman gawin sa'kin 'to," mahina kong sambit habang patuloy pa rin sa pag-iyak. "Ayaw ko Ty, hindi ko kaya." "I'm currently working on my career now Sam. Alam mo namang pangarap kong makapasok sa banda di ba? And now it's happening. Si Fiona, anak siya ng may-ari ng isang recording studio at nagbabalak silang bumuo ng banda," pag-kukwento ni Tyron sa'kin. Hindi ko siya maintindihan. Mayaman ang pamilya nila Tyron. Isa nga sila sa mga pinakamayaman sa mundo. May-ari sila ng iba't-ibang sea port at may iba't-iba ring negosyo sa iba't-ibang bansa. Hindi ko maintindihan kung bakit nagkakandahirap pa siya para maging parte ng isang banda kung kaya naman ng pamilya niyang bumuo ng sariling grupo dahil sa yaman nila. "Ty, ano bang gusto mong patunayan?" tanong ko. "Nasa sa'yo na ang lahat, bakit kailangan mo pang magpakahirap para sa pangarap mong 'yan?" "Wala kang alam Samantha. Ito ang ayaw ko sa'yo. Hindi mo napapansin ang mga bagay na gusto ko at puros kagustuhan mo lang ang nasusunod," saad naman ni Tyron sa'kin. "Ty, wala kang sinasabi sa'kin. Sa ilang taon nating pagsasama wala ka ni isang na-ikwento!" sumbat ko naman. "Trabaho mo 'yon Sam! Trabaho mo bilang girlfriend ko ang alamin 'yon." "Kaya ba nagtaksil ka? Dahil hindi ko naibibigay ang mga bagay na nais mo?" tanong ko. "We should stop this. Wala nang patutunguhan pa ang pag-uusap na'to." Bigla akong naalerto at halos liparin ko na ang pagitan naming dalawa para mayakap lang siya. "No Ty, please. Paano ang kasal natin? We promised each other right? Nakalimutan mo na ba iyon?" Pilit na inaalis ni Tyron ang kamay ko sa balikat niya. Nasasaktan ako dahil hindi ko aakalaing manglilimos ako ng pagmamahal sa kan'ya ngayon. "Let's break up." Para akong nabagsakan ng malaking bato sa katawan. Hindi ako makagalaw at para akong naparalisa dahil sa narinig. "You're kidding right?" tanong ko. "No Sam, pakawalan mo na ako." "Paano ang kasal Ty? Napagkasundo na tayo sa isa't-isa," desperada kong sambit. "There's no wedding between us anymore. Malaya ka nang magagawa ang gusto mo," seryosong sagot ni Tyron sa'kin. "No Ty please. Mahal na mahal kita huwag mo namang gawin sa'kin 'to." Nahihirapan na akong huminga at panay lang ako sa pagkapit kay Tyron habang nagmamakaawa. "s*x ba? s*x ba Ty? Ibibigay ko sa'yo." Bigla kong hinubad ang suot kong coat at isa-isa kong tinanggal ang saplot ng pang-itaas ko. Nakatitig lamang si Tryon sa ginagawa ko habang ako naman ay naghuhubad. "Ito ba Ty? Handa na ako, handang-handa na. Huwag mo lang akong iwan." Tanging underwear na lamang ang suot ko ngayon. Kung ito lang ang tanging solusyon para hindi niya ako iwan ay gagawin ko. "It's not about s*x Sam, I don't love you anymore." Mga katagang nanggaling sa bibig niya na ngayon ay nanunuot sa buo kong kalamnan. Hinihiwa ako ng pinong-pino ng mga katagang 'yon. Tyron doesn't love me anymore! Para akong natuklaw ng ahas at napahikbi na lamang sa sahig habang tinatanaw ang papalayong pigura ni Tyron. "Get dress, ihahatid na kita sa airport." Iyon lang at tinalikuran niya na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD