I chase Tyron's back and hug him from behind. Ayaw kong umuwi, gusto kong dito na lang ako, dito na ako titira at mag-aaral. Walang maghihiwalay, hindi ako papayag.
"Let go of me Sam, ihahatid na kita sa airport," wika nito. Pilit inaalis ni Tyron ang mga kamay kong nakakapit sa leeg niya. Natatakot akong bumitaw dahil baka mawala na siya ng tuluyan sa'kin.
"We can work this out, Ty. I know, pagsubok lang 'to. God is preparing us for something bigger, just don't let go and hold on to what we have," ani ko.
Hinarap ako muli ni Tyron. He looks so pissed at me and parang hindi ito makapaniwala sa lahat ng sinasabi ko.
"Are you insane?" he angrily asked. "Are you really expecting after all I did ay may plano pa ako sa'yo? I'm not gonna settle my life to you Sam, I have my own dreams. Just f*****g let go of your feelings and let me chase my dreams!" he shouted habang hawak ang magkabilaan kong balikat at niyuyugyog iyon
Baon na baon ang kan'yang mga kamay sa balikat ko at ramdam ko ang sakit niyon. Pero imbes na itaboy ko ang kamay niya ay nakuha ko pang halikan 'yun at nagmakaawa ulit.
"Tyron, hahayaan naman kita eh. Hahayaan kitang habulin ang pangarap mo, pero huwag mo nang ipagkait sa'kin na makasama ka." Tears are flowing down to my cheeks, nagpang-abot na ang pawis, sipon at luha roon.
"I can support you all the way. Hindi ako aangal Ty, I will cheer you away from the spotlight kung kinakailangan. I'll wait for you until you decide to come back again. Magiging mabuti akong girlfriend, pangako," I pleaded as if my whole life is depending to him.
Pero sadya atang sarado na ang puso at isip ni Tyron sa iyak at pagmamakaawa ko. Napabitaw ang lalaki sa madiin nitong pagkaka-hawak sa balikat ko at tinignan ako mula ulo hanggang paano.
"Tignan mo nga ang sarili mo sa salamin Samantha, may dignidad ka pa bang natitira para sa sarili mo. Stop begging, you disgust me!" sambit ni Tyron.
Muli akong napaupo sa sahig. Pagod na pagod na ako at mukhang hindi ko na kaya pang marinig ang susunod niyang sasabihin. Ano bang nagawa kong kasalanan sa kan'ya? Bakit kung tratuhin niya ako ay parang isang basura? Minahal niya rin naman ako di ba? Minahal niya ako, kahit sabihin nating nawala na 'yung pagmamahal niya para sa'kin. Hindi niya ba ako kayang irespeto? Kahit hindi na bilang girlfriend, kung 'di isang tao na lang.
"Get up Sam! Kapag nagtagal ka pa rito ay baka maabutan ka nila mama at papa. Mas malaking perwisyo 'yun."
Tinitigan ko lang ang biglaang pagkabalisa ng kan'yang ekspresyon sa mukha. Alam kong takot siya sa sarili niyang mga magulang dahil masyadong mataas ang expectation nila kay Tyron lalo pa't nag-iisang anak lang siya. No one will inherit to all of their assets and business aside from him. Naiintindihan ko ang pressure niya dahil solong anak din ako, ang pinagkaiba naming dalawa ay hindi ako duwag at sunod-sunuran sa gusto ng mga magulang ko. If there's something I want to do in my life ay ginagawa ko ng buong tapang at hindi ako nagsisinungaling. What he is doing right now is mas pinapalala niya ang sitwasyon, he is hiding his passion because he is scared to his parents reactions kapag nalaman nila ang kinakalokohan niya.
"Tapos ka na bang umiyak? Please take your dramas somewhere else Sam, at any moment ay darating na sila," hindi mapakali nitong wika.
Tyron changed. He is not the man I love before, kinain na siya ng ambisyon niya. Na-realize kong masyado akong nag padalos-dalos. Iniyakan ko ang maling tao. Tsk! Waste of tears.
I get up from the floor and stand up like there's nothing huge fight happened between us. Isa-isa kong pinulot ang mga damit ko na nakakalat sa sahig. I'm just wearing my undies while I'm begging at him just awhile ago. Halos ialay ko pa ang sarili ko huwag niya lang akong iwan. Hindi ko akalain na sa ganito kami magtatapos. Mabuti na rin 'yun, I'm not going to waste my life for someone who treats me like garbage that needs to dispose. I'm not a garbage Ty, I'm Samantha Rye Bernardo and no man can break me apart.
Pagkatapos kong magbihis ay tinapik ko ang balikat ni Tyron para tawagin ang pansin nito. Nasa gilid kasi ito ng pinto at nagmamatyag sa mga magulang niya at baka biglang sumulpot at malaman nila ang kagaguhang ginawa ng anak nila sa'kin.
"What? Are you done?" tanong pa nito.
"You're not going to break up with me, because I'm the one who'll do that." Tinitigan ko saglit ang mata niya. This is the last time Ty, thanks for the happiness and traumas you inflected me. "I'm breaking up with you, you're free Tyron."
Nagpatiuna akong maglakad sa kan'ya at iniwan siya sa pinto na saglit natulala dahil sa narinig.
"Come on Ty, baka abutan tayo nila Tita. Ihatid mo na ako sa airport," ani ko.
Tumalima ito agad dahil sa narinig at dumiretso kami sa may garahe nila. Agad naman akong sumakay sa backseat at hinayaan siyang ihatid ako sa airport. Nagsisisi ako kung bakit nagpunta pa ako rito, trauma lang pala ang mapapala ko sa pagdalaw sa kan'ya. This is nightmare for me and I can never erase this bad memory in my brain. Nakatatak na sa buo kong pagkatao at sa kasulok-sulokang parte ng utak ko ang ginawa niya. I'm sure, this will haunt me for a long time. Ang pinoproblema ko ngayon ay kung paano ko ipapaalam sa mga magulang ko na wala ng kasalang magaganap sa pagitan naming dalawa ni Tyron. Our parents are business partners and this might affect the partnership our parents have.
"We're here," Tyron said. "I think this is goodbye then, live your life Samantha, huwag mong sayangin ang buhay mo sa tulad ko. You'll find someone who can love you better than I do."
"I don't need any man Tyron, I can live on my own. After what you did? Sa palagay mo ba ay magmamahal pa ako ulit?" Mapait akong napangiti sa kan'ya. "You broke me to pieces Ty, and I can never go back to what I used to be before. Thank you for tearing my heart apart, I will never forget this day."
"I wish you well Samantha," wika pa nito. Napaka-plastik niya talagang pakinggan ngayon. He is talking like normal , like it's never a big deal to him na ginanito niya ako. He's a total jerk and asshole. An ex that needs to be dumped all over and over again. Ngayon ko lang napansin na mukha pala siyang giraffe.
"I wish you hell Ty," wika ko naman. "I will never wish you good luck sa career mo kasi alam kong hindi ka magiging successful!" Pabalibag kong isinirado ang pinto ng sasakyan niya. Sana kahit 'yun man lang ay makaganti ako. Ayaw ko namang manakit dahil hindi ako ganoong tao. Let karma do its work.
Habang naglalakad ako papasok sa airport ay parang ang kalahati ng puso ko ay naiwan ko sa bahay nila. Eksakto noong nakita kong mag-kasiping ang hubo't-hubad nilang mga katawan, parang nahati ang puso ko mula noon at kailanman ay hindi na ito mabubuo. Gusto kong umiyak at magwala. Putangina! Ang sakit pala talaga, even I put my cheerful aura ay nananaig pa rin ang pighati ang pagkamuhi ko sa nangyari. Ubos na ubos na ang luha ko, tanging pamamaga na lamang ng mata ko ang siyang palatandaan niyon.
"Kaya mo 'yan Sam, ikaw pa," pang-aalo ko sa sarili.
Hindi naman nagtagal at tinawag na ang flight ko pabalik ng Pilipinas. Bago ako tuluyang makapasok sa eroplano ay nag-iwan ako ng huling sulyap sa likod ko. "You're no longer part of my life Tyron," I said at kasabay ng pagtalikod ko ay ang pag-iwan ko sa lahat ng aming alaala.
I went back to the Philippines with my broken heart. No one knew, no one knew that I was suffering in silence. Hindi ko alam na dahil sa kabiguang ito ay mapapahamak ako lalo. After the plane landed. I decided to walk for a while. Hindi ako dumiretso ng bahay at hinayaan ang mga paa kong dalhin ako sa kahit saang lugar. I only have my handbag at noong isang araw pa 'tong suot ko. Hindi rin ako kumakain at patuloy lamang ako sa paglalakad. I don't know what's happening, at mukha akong nakaapak lang sa ulap. I feel like I'm in cloud nine kahit nasasaktan ako. Nasisiraan na ba ako ng bait? Bakit hindi ko magawang itigil itong mga binti ko sa paghakbang?
"Jackpot Pre, ang ganda at ang kinis!" rinig kong bulungan ng kung sinuman. Nakayuko lang kasi akong naglalakad at nararamdaman ko ang unti-unting pagbigat ng talukap ng mga mata ko. Ilang araw na pala simula noong nakauwi ako? I lost count dahil nagpalaboy-laboy lamang ako sa kalsada.
"Miss? Gusto mo bang sumama sa'min?" May lumapit sa'kin na apat na kalalakihan. May mga malalaking katawan ang mga ito at napakaraming tattoo sa katawan.
"Huh? Nasaan ako?" tanong ko nang natauhan ako bigla. "Nasaan ako?!" Nagpupumiglas ako sa hawak ng mga lalaking 'to. Hindi ko matandaan kung paano ako napunta sa isang liblib na lugar na'to.
"Relax Miss, ang kinis-kinis mo. Halatang mayaman ka," saad no'ng kalbo. Nakatitig ito sa buo kong katawan at inamoy ang leeg ko.
"Hmm, mukhang ilang araw ka hindi naligo ah? Maasim kasi ang amoy mo!" Nagtatawanan silang lahat dahil sa sinabi no'ng kalbo. Ako naman ay hindi ko na nagawang mag-komento dahil napagtanto kong nasa panganib ang buhay ko ngayon. Anong laban ko sa mga lalaking 'to? Apat sila, samantalang mag-isa lang ako habang napakalampa ko pa.
"Dalhin niyo 'yan kay boss," ani no'ng isa. Puno ng tattoo ang buong mukha ng lalaking nagsaita at may hikaw ito sa dila. Nanginginig ako sa takot sa kung anong mangyayari sa'kin ngayon.
"Please po, pakawalan niyo ako. Parang awa niyo na," pagmamakaawa ko. Namamalat ang boses ko at nakakaramdam na ako ng pagkalam ng sikmura ko dahil sa gutom.
"Pagkatapos mo kaming paligayahin, pakakawalan ka na namin okay?" Halos isubsob no'ng lalaki ang pagmumukha niya sa dibdib ko at bigla akong napatili nang gawin niya iyon.
"Anong ibig niyong sabihin?" kinakabahan kong tanong. May ideya na ako sa kahihitnan ko at natatakot na talaga ako. Isa itong tagong daan at malabong may mapadaan dito para mapansin ako.
"Siyempre ano pa ba? Wawasakin namin 'yang p**e mo!" Halos bumaligtad ang sikmura ko nang marinig ko iyon. Ito na ba ang katapusan ko? Sa ganito ba ako mamamatay? Lintek na buhay na'to, hindi man lang ako binigyan ng pagkakataong mag-move on sa hayop kong fiancéé at magagahasa pa ako. Wala na akong nagawa noong kaladkarin nila ako kung saan. Papaano ako kikilos para makatakas kung may kan'ya-kan'ya silang hawak na patalim? Sa huling pagkakataon ay nagawa ko pang matawag ang pangalan ni Tyron, isang desperadong tawag na nanghihingi ng tulong mula sa lalaking pinakamamahal ko. Kasabay ng pagtawag ko sa pangalan niya ay ang pagpatak ng luha sa'king mga mata. "Somebody please, please help me," wika ko sa isipan.
Very Important Note from the Author: Hi Guys, as much as I want to update this story ay hindi ko muna magagawa dahil I applied this to be signed story and as of now ay nasa process pa siya kaya hindi ko magawang mag-update. Rest assured everyone as long as this story get signed ay magtutuloy-tuloy na ang magiging update nito. Sana ay maintindihan niyo at huwag kayong bumitiw kila Sam and Lenonn. Salamat sa pag-intindi. Mabuhay kayong lahat, mahal ko kayo.