(7)

1902 Words
"Flowers po ulit sa'yo, ma'am." Napalingon ako sa kapapasok pa lang na nurse na may bitbit na namang isang bungkos na purple tulips. Isang linggo na ako rito sa hospital at sa araw-araw ay may natatanggap talaga akong isang bungkos na fresh tulips. Tinanong ko na ang nurse kung kilala niya ba ang nagpapabigay pero wala akong nakuha na sagot dahil siya rin mismo ay hindi rin alam kung sino. Dinedeliver lamang daw ito sa tamang oras at pinabibigay sa akin. Wala naman akong manliligaw atsaka may secret admirer ba ako? Malabo ring mangyari kung ang gagong Tyron na 'yon ang nagpapadala. He dumped me! Kinalimutan na nga yata no'n ang existence ko. Hindi ako mapigilang mapakunot-noo nang mailagay no'ng nurse sa vase ang mga bulaklak. Naiintriga ako sa kung sino man ang nagpapadala. "Hija," mahinang tawag sa akin ng isang babae na kapapasok lang din sa kuwarto kung nasaan ako ngayon. I saw my mother's worried face. Kasama nito si Dad na nasa gilid na ngayon ng aking hospital bed. "M-mom," mahina kong tawag kay mommy. Pilit na nilalabanan ang mga luhang nais kumawala sa mga mata ko. Sa tuwing naaalala ko ang nangyari sa akin ay nanunumbalik lahat ng takot at pangamba sa puso ko. Noong isang araw pa lang sana ako i-di-discharge pero dahil sa kagustuhan kong manatili muna rito ay umabot ako ng isang linggo. Natatakot akong lumabas. Natatakot akong humarap sa napakaraming tao. Pakiramdam ko ay nariyan lang sa paligid ko 'yong mga masasamang taong dumukot sa akin noong nakaraan. Tila ay nababaliw ako kapag inaatake ako ng nerbiyos. Nagpa-kunsulta na ako sa isang Psychiatrist and I'm suffering from an acute severe trauma kaya hirap ako ngayon. "Iuuwi ka na namin ngayon, anak," Dad said. Bigla akong nakaramdam ng panghihina ng katawan nang sabihin iyon ni Dad sa akin. Nahilo ako kung kaya't mahigpit akong napakapit sa bedsheet na hinihigaan ko. Kahit gustuhin ko mang manatili rito ay hindi na pupuwede. Cleared na ako at puwedeng-puwede na akong lumabas. May weekly session lang ako sa Psychiatrist ko para sa trauma ko. Wala na akong nagawa nang makalabas na kami ng hospital. Hindi ko na rin nalaman pa kung sino ang taong nagbibigay sa akin ng bulaklak. Hindi naging madali ang adjustments ko nang ma-discharge ako sa hospital. Lagi akong nagkukulong sa kwarto at ayaw na ayaw kong nasisinagan ng araw ang katawan ko. Nagmumukmok ako at takot akong magpakita sa mga tao. Kahit sa mga kakilala ko at lalong-lalo na sa bestfriend kong si Abigail. Hindi nito alam ang nangyari sa akin. Nagtataka na nga ang isang 'yon kung bakit mahigit isang linggo na akong hindi pumapasok. Hindi ko magawang ikuwento sa kan'ya ang lahat ng nangyari. Hindi ko pa kaya sa ngayon. Nahihirapan ako at naiinis ako dahil hindi ako dating ganito. Hindi ko na nga halos kilala ang sarili ko. Ibang-iba na sa Samantha dati, sa Samantha na walang iniisip kung hindi ang magpakasaya sa buhay. Ngayon? Punong-puno ng takot, pangamba, at galit ang puso ko. Kung minsan nga ang pinandidirihan ko ang sarili ko dahil sa wala akong nagawa no'ng hawak-hawakan ako no'ng mga demonyong taong dumakip sa akin. Kung paano dinurog ni Tyron ang pagkatao ko. Wala siyang itinira sa akin kahit na kaunting awa. Wala talaga siyang silbi! Puro sarili lang nito ang iniisip at ang pangarap nito! Na kahit alam nitong madudurog ako ay pipilitin pa rin nito ang kagustuhan. Tila ay wala kaming pinagsamahang dalawa kung paano niya ako itrato. Isang hikbi na naman ang kumawala sa bibig ko. Hindi ko na alam kung paano ako magsisimula. Paano ako babangon ulit? Paano ko sasabihin sa mga magulang ko ang panggagago ni Tyron sa akin na siyang naging dahilan kung bakit ako napahamak. Hindi ko masabi sa kanila ang totoo dahil alam ko kapag nalaman nila 'yon ay puputulin na nila ang koneksyon ng pamilya namin sa pamilya nila Tyron. Sa mga Cy na siyang business partners ng mga magulang ko at isa sa mga pinakamayaman na negosyante sa bansa. Ayaw ko mang aminin pero isa ang mga Cy sa dahilan kung bakit unti-unting umuusbong ang apeyido namin sa larangan ng negosyo. Nakikilala ang pamilya namin and a lot of investors wants to invest in our company. Dahil iyon sa koneksyon na mayroon ang mga Cy sa amin. Kaya kahit ayaw ko mang sarilinin ay wala akong magagawa. For my family's future, I'll endure everything. Kahit pa ang pagtakpan ang katarantaduhan ni Tyron ay gagawin ko. Hindi malalaman ng mga Cy o ng pamilya ko ang nangyari sa pagitan namin. Magpapaka-plastik ako kung kinakailangan. Ipagsasawalang bahala ko muna ang arranged marriage sa pagitan namin ni Tyron. "Sam." Isang katok galing sa pinto ng kuwarto ko ang kumuha sa atensyon ko. "Nasa labas ang kaibigan mong si Abigail," aniya ni Manang. "L-lalabas na h-ho, Manang." Dali-dali ko namang pinunasan ang luha sa mga mata ko. Patakbo akong humarap sa vanity mirror ko at nag-apply ng lipstick sa labi. Ayaw kong mahalata ni Abi ang kaputlaan ng buo kong mukha. Baka kasi ay mapaghinalaan pa ako no'n. At habang naglalakad ako papunta sa sala ay nag-iisip na ako ng idadahilan ko kung bakit ako hindi nakapasok ng mahigit isang linggo. Pagkababa ko pa lang ay sumalubong na kaagad sa akin ang nakakunot na noo at nakataas na kilay ng bestfriend ko. She checked me from head to toe. Bigla naman akong napatayo ng tuwid sa ginawa nito. Masyado pa namang matalino ang isang 'to at mabilis maka-pick up ng mga bagay-bagay. "Sorry talaga bestfriend at hindi ako nagparamdam sa'yo ng isang linggo," paawa kong sabi sa kaibigan sabay nguso ko rito. Yumakap ako sa braso nito at parang bata na nagpaliwanag. Siyempre, hindi ko sinabi ang totoo. Gumawa lang ako ng kuwento. "So, sinasabi mo sa akin ngayon na nagkasakit ka dahil sa snow sa US?" nagdududang tanong nito sa akin. "Talaga lang ha?" "Oo nga! 'Yong snow talaga dahilan kung bakit hindi ako nakapasok ng isang linggo. Atsaka kilala mo naman sila mommy 'di ba? Kahit kaunting sakit ay mag-o-overreact 'yon. Pina-admit pa nga ako," pagsisinungaling ko. Alam kong nag-aalangan pa si Abi sa sinabi ko. I know she wants more details. At alam ko ring kating-kati na siyang malaman kung anong nangyari sa akin sa US. "Bakit naman hindi ka man lang nagsabi sa akin na nasa hospital ka? Sa hospital ka lang namin nagpa-admit tapos wala kang pasabi?" nagtatampong tanong nito. "Sorry na kasi. Ayaw ko lang kasing istorbohin ka. 'Di ba nag-re-review ka for the upcoming debate competition na sasalihan mo? Alam ko kung gaano ka-importante sa'yo 'yon kaya hindi na ako nagsabi," I said calmly. "Pero kahit na, Sam. Dapat nagsabi ka pa rin. Wala namang mawawala sa akin kung dadalawin kita kahit isang oras lang sa isang araw. Kaibigan kita kaya mag-aalala talaga ako sa'yo." Parang marahang hinaplos ang puso ko sa sinabi ni Abi sa akin. Parang gusto kong umiyak at magsumbong sa kan'ya pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayaw ko ng palakihin ang problemang ito. Sarili kong problema si Tyron at kung lalabas ang totoong nangyari sa pagitan namin ay maraming maapektuhan. "Kaya please, sa susunod na may ganitong pangyayari ay magsabi ka. Dahil kung hindi? Ay talagang magtatampo na ako ng tuluyan sa'yo at hindi na kita kikibuin pa," wika paa ni Abigail na ngayon ay nakabusangot na ang pagmumukha. Tumango na lamang ako at niyakap siya nang mahigpit. Gusto kong may makapitan pero ayaw kong maging pabigat. Dahil alam ko rin naman na may problemang dinadala rin si Abi sa pamilya niya. Abi is eager to do everything just to prove to her parents that she's their daughter they can be proud of. DUMAAN ang mga araw, linggo, buwan at mga taon. Paunti-unti ay naging okay ako. Bumalik na ang dating sigla ko. Nakalimutan ko na rin ang panloloko sa akin ni Tyron. Hindi na rin naman kami nagkita pang muli. Sikat na siya ngayon. Natupad na ni Tyron ang pangarap niya. Minsan ay nakikita ko siya sa telebisyon at nakikita ko ang saya sa mukha nito habang nag-pe-perform. Akala ko nga noon ay magiging bitter ako, pero hindi. Masaya ako sa naabot niya. Dahil siguro napatawad ko na siya? Himala ring hindi ako kinukulit ng pamilya ko sa pagpapakasal kay Tyron. Mukhang napansin ata nilang hindi kami okay dahil sa hindi na rin naman pumupunta si Tyron sa bahay namin, hindi gaya no'ng dati. Atsaka mas namomroblema ako sa kaibigan kong si Abi. Nandito kasi siya ngayon sa bahay namin. Nabuntis kasi ang gaga at pinalayas siya sa kanila. Naaawa ako at the same time excited ako sa magiging baby niya. Only child ako kaya ganito na lang excitement ko. Hindi ko nga inakala na naunahan ako ni Abi na magkaanak. One night stand lang daw ang nangyari pero nakabuo agad ang gaga! Na-gi-guilty rin ako. Partly kasalanan ko rin kung bakit pinalayas si Abi sa kanila. Knowing her parents, hindi sila magdadalawang-isip na magtakwil ng anak. Napaka-high standard nila Tito't Tita. Atsaka may reputasyon kasi sila ang pamilya nila na dapat pangalagaan. Dahil sa akin kung kaya't naisuko ni bestfriend ang Bataan. Sinama-sama ko pa kasi itong si Abi sa club. Nakalimutan ko pang i-seminar ang gaga na uso talaga sa mga club ang hook up. Ayon! Nadale ng foreigner. Hindi ko naman alam na trip niya pala ang mga mahahabang nilalang! "Please, Sam. Kailangan ko na talagang umalis dito. Kilala mo naman parents ko, 'di ba? Hindi ko gusto na madamay pa sila Tita at Tito sa problema ko," naiiyak na sabi ni Abi sa akin. After a week of staying dito sa amin ay nais ni Abi na umalis. I don't want her to go. Delikado sa kan'ya ang mag-isa lalo pa at buntis siya. Atsaka saan naman siya aber pupunta? She can't live alone tapos may baby pa! Sanay na may katulong si Abi dahil katulad ko hindi kami nakaranas ng hirap sa buhay. "My parents won't mind. Atsaka, magagalit pa sila sa'yo kapag umalis ka. Delikado, Abi!" sagot ko sa kaibigan habang inaalis isa-isa ang mga damit nito sa maleta. Nakapag-imapake na kasi si Abi kanina, tapos ayoko siyang umalis kaya kinuha ko ulit sa maleta nito ang mga damit niya. "Sam naman. I need to be independent. Lalo pa ngayon na I decided to raise my baby alone," sabi nito sabay himas sa tiyan. "Atsaka kung palagi na lang akong aasa, papaano ako mabubuhay mag-isa?" Napatulala ako sa sinabi nito. Parang isang sampal sa akin ang tanong nito. Bukod sa pagiging Bernardo ko, ano pa nga ba ang napatunayan ko na matatawag kong akin? Na pinaghirapan ko at hindi galing sa mga magulang ko? "Are you sure you want to do this?" Hindi na ako nagmatigas pa. Tama si Abi. She needs to learn how to stand alone on her own. Gustong-gusto kong tumulong sa kan'ya para hindi na siya mahirapan sana but I want to respect her decision also. "I'm sure, Sam. Atsaka hindi naman ako nag-iisa…" Hinawakan ni Abi ang kamay ko atsaka ngumiti sa akin. "We have each other atsaka itong inaanak mo sa tiyan ko." "I am always here for you, Abi." Nag-iyakan kami at mahigpit na nagyakapan. Isa sa mga pinagkukunan ko ng lakas noong may problema ako ay si Abi. Kaya I want to help as much as I can. "Promise, maghahanap tayo ng apartment mo," bulong ko rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD