Prelude
Intimidate
Iyan agad ang naramdaman niya ng buksan ang pinto ng office. And there he saw, a man sitting on a swivel chair infront of him. Ang mga siko nito'y nakapatong sa metal table, magkadikit ang kamay na tinatakpan ang kalahati ng kaniyang mukha. Which only exposes his Jet Black Eyes, that sends chills to his spine.
"Maupo ka."
Tila natauhan naman siya nang magsalita ito. His deep voice covered the four corners of the room, even if he spoke effortlessly. Tarantang isinara niya ang pinto at humakbang upang makaupo sa upuang nasa harapan ng bakal na mesa.
He calm himself as he make himself sitted on the chair. Kahit ang upuan ay Bakal. Malamig. Nagpakawala siya ng buntong hininga upang maitago ang nararamdaman niyang kaba. Don't let the river of emotions drown you.
Napalingon siya sa kaniyang likod nang may narinig na parang nag-spray. Only to find out a small black device sa pader na muli nanamang nag-spray ng kung anong liquid substance. Kumalat sa apat na sulok ng kwarto ang matapang na amoy. Perfectly describes the person infront of him.
"Your breath released thousands of bacteria. Thanks to that device, it sprayed to disinfect the room. But I'm not saying you have a bad breath."
Walang emosyong banggit nito. Kung gayon ay ganoon pala yun. Napaisip siya kung naglalabas din ba iyon ng nakakamatay na amoy? Siguro'y oo.
Tumikhim muna siya upang matanggal ang bara sa kaniyang lalamunan na dulot ng kaba bago magsalita.
"I'm sorry, Sir. This is the first time I stepped inside your office."
"I know." Ibinaba nito ang kamay at prenteng ipinatong sa ibabaw ng malamig na mesa. "Usually ang mga kanang kamay ko ang gumagawa ng Missions na ibinibigay sa bawat Agent. But today's different."
Nagpakita ito ng ngiti- na nagpakilabot sa kaniya. Nakakapangilabot na panimula.
"I want you to give this Mission—" inabot nito ang isang short brown envelope. "Sa Black Lila."
Nagulat man ay tinanggap parin niya ang tatlong folder na naglalaman ng Mission Impossible. Ilang taon na siya dito, ngunit ngayon lang niya nalaman ang existence ng imposibleng misyon.
Tumango ito sa kaniya, indikasyon na maaari niya itong basahin.
Nangunot ang noo niya ng mabasa ang imposibleng misyon. Ano ito?
Nakakapagtaka nga naman. Una sa lahat ay ibinibigay lamang ang Mission Impossible sa mga agents na nasa Ring Of Fire. Well, kabilang naman ang Black Lila doon kahit na hindi pa sila graduate sa BGI. Ngunit malabo parin dahil wala itong kinalaman sa kung ano mang problema o kaso na di kaya ng gobyerno.
Mission Impossible:
Walang Forever
Tinignan niyang muli ang nakaimprenta ngunit ito talaga. Malinaw na iyon ang imposibleng misyon. Pero bakit?
"Pwede ko po bang malaman kung bakit ganito?"
Ngumiti itong muli, tumayo sa pagkakaupo at tumalikod. Tila ba siya'y nakatingin sa isang over looking place, ngunit wala kahit isang bintana ang opisina na gawa sa bakal ang pader.
"Natutuwa lang ako sa mga kabataan ngayon. Forever doesn't exist eh?" Panimula nito, bahagyang natawa ngunit sa nakakakilabot na paraan.
"Sabihin na nating, may damdaming kailangan isakripisyo dito upang hindi na maulit ang nakaraan."
Tsaka ito tumawa— muli'y nakakakilabot. Parang hindi maganda. Gayon pa man ay nanatili siyang kalmado. Tumigil ito sa pagtawa't muling nagpatuloy.
"They'll be proclaim graduated in BGI and become permanently on the Ring Of Fire. Those are the rewards if they accept and completed the mission. If not? They shall not step any foot in the grounds of Batteground Incorporated, Black Lila shouldn't be recognize anymore. As if they die because of a mission. Or might as well, I'll kill them?"
Kumalabog ang dibdib niya sa narinig. Hindi, hindi pwede. Sa loob ng ilang taon na pagtuturo niya sa kanila'y naging parang kapatid na niya ang mga ito! At isa pa, anak sila ng mga ate't kuya niya!
"You may leave now, Julius."
"Yes Mr. Quero."
Tumayo siya't yumuko sa harap. Gulo man ay wala siyang karapatan na mangwestyon pa, sa halip ay lumisan na lang. This frustrates him, mataas ang ranggo niya, oo, ngunit wala siyang magagawa. Lalo pa't ito mismo ang nagbigay ng papel na hawak niya ngayon.
Sa pagtalikod niya ay ang pagbukas ng bakal na pinto, ang tanging pasukan at labasan sa loob ng opisinang ito. Bumungad sa kaniya ang isang lalaki na mayroon ding malalim at itim na mata, tulad ng kay Mr. Quero.
"Julius, I want you to meet Mark Niwel. Mark, I want you to meet Julius. Their coach."