Chapter Five

1165 Words
Chapter Five -Purita- “Nakakainis talaga ang lalakeng yon, kung hindi lang siya anak ng amo ko kanina ko pa sinunog ng buhay ang mokong na yon.” Salita ko sa aking sarili habang nagdidilig ako sa may hardin ng mga bulaklak at nasasakal ko pa ang hose na hawak ko dahil sa naiinis pa rin ako sa nangyari kaninang medaling-araw ng makita ko si senyorito Tale. Nasa ganoon ako inis ng bigla naman tumabi sa akin si Sophia na kinikilig pa. “Purita, alam mo bang ngayon daw darating si Senyorito Tale ang love of my life ko? Ang tagal na rin mula ng huli silang nagpunta dito kasama pa niya noon sina Senyorita Gale at Senyorita Kale.” Natutuwa at kinikilig nitong sambit sa harapan ko, nawalan naman ako ng gana dahil sa pinagsasabi nito. Lalo na kung ang pag-uusapan ay ung hayop na lalakeng yon. “Kanina pa dumating ang sinasabi mong love of my love mo. At siguradong tulog pa yon don sa lunga niya.” Inis kong turan dito na ikinalaki naman ng mata nito. “Teaka kaylan siya dumating? Bakit, hindi ko man lang nakita ang love of my life ko.?” Natatakanta naman nitong tanong sa akin at akala mo naman magugunaw ang mundo kung hindi nito makikita ang hinayupak na lalakeng yon. “At teka lang! Parang galit ang tono mo kanina? Nagseselos ka ba, ha? Para sabihin ko sayo akin lang ang love of my life ko at walang sino man ang makakaagaw non sa akin.” Pagtataray pa nito na ikinairap ko lang din dito. “Wala akong planong makipag-agawan sa mukhang kuhol na yon sayo, kaya naman sayong-sayo na siya at isaksak mo yan sa p*nty mong butas.” Pikon kong sambit dito at galit naman itong umalis, hinayaan ko naman ito dahil wala naman talaga kong planong makipag-usap sa babaeng mababa ang tingin sa kanilang mga sarili. Napahinga na lang ako dahil mukhang hindi ko talaga makakasundo ang mokong na yon. Ilang sandali pa akong nanatili don ng mapansin kong may dalawang sasakyan ang dumating at bumaba don ang isang maganda at maputing babae. At sa isang kotse naman ay isang makisig na lalakeat s’ympre maganda rin ang mukha nito, para silang mga bidang artista na napapalabas sa telebision. Hanggang sa nalaman kong ang dalawa pa lang bagong dating ay mga anak ni Don at Donya Cecelia. Sila pala sina Gale Carter ang pangalawa at may sarili na itong mga negosyo sa iba’t –ibang bansa. Si Kale Carter naman ang bunsong anak at ito ang kasing edad ko at isa rin itong sikat at magaling na modelo ng bansa o maging sa ibansa na pinupuntahan nito. Sa totoo lang ay nakakahanga ang mga Carter at makikita sa kanilang pamumuhay ang sobra-sobrang karangayaan na wala sa ibang tao. Subalit nakakalungkot lang din na mukhang ang mayayaman ay may mga problemang hindi kayang lutasin ng pera o kahit na anong yaman sa mundo. “Hi, anong name mo?” Tanong sa akin ni Senyorito Gale na nasa tabi ko na pala ngayon? Nagulat pa ako dahil para itong kabute na bigla-bigla namang sumusulpot sa gilid ko. Bigla naman ako nahiya kaya hindi agad ako nakapagsalita dito. “Pipi ka?” Sunod agad nitong tanong na ikinailing ko naman dito. Tumango naman ito at tumawa ng tipid. “So, ano nga ang name mo?” Ulit nito at makikita sa mata nito ang determinadong malaman ang pangalan ko. Napalunok pa ako bago sumagot dito. “Ako po si Purita, apo po ako ni Lola Nelia. Narito din po ako para manilbihin sa pamilya n’yo.” Nakayuko kong paliwanag dito na ikinatahimik naman dito sa tabi ko. “Ah, ikaw pala ang bagong pet?” Salita nito sa mahinang boses, ngun’t narinig ko naman. Hindi lang ako sigurado kung tama ba ang narinig kong “PET”?” “Ano po yon, Senyorito?” Pagtatanong ko dito na ikinapaling naman ng ulo nito. At saka ako iniwan na may ngiti sa kanyang labi. Nagtaka naman ako pero hindi ko na lang muna pinansin ang inasal nito at mukhang may saltik ang mga Carter. Muli naman akong napahinga ng malalim dahil sa mukhang ang mag-asawang Carter lang ang normal sa bahay na ito. Nasa hapag kainan ang pamilya Carter at ako naman ay naglalagay ng pagkain sa may mesa ng bigla akong napatingin sa puwesto ni Tale at sinimangutan ko lang ito na hindi nahahalata ng ibang naroroon. Hanggang sa bumalik na lang ako ng kusina para naman tulungan si Lola Nelia na ayusin ang iba pang pagkain na ilalabas mamaya. Nakita ko naman si Sophia na naglagay ng pulang lipstick sa labi nito, inayos din nito ang suot na maid’s uniform at biniksan ang isang bitones na ikinilabas ng kabiyak ng s*s* nito, at saka na rin ito lumabas na may dalang tray ng juice. Napangiwi naman ako dahil sa inaasta nito, alam kong may gusto it okay Senyorito Tale, subalit nakakahiya ang kinikilos nito dahil halata naman na gusto nitong akitin ang binata. “Lola, ako na po dito sa mga hugasin at sa tingin ko magiging abala si Sophia sa pang-aakit kay Senyorito Tale.” Pabirong sambit ko subalit may laman, natawa lang sa akin si Lola at alam din naman nito ang ibig kong sabihin. “Ewan ko ba sa batang yan, sinabi ko na tigilan si Senyorito Tale at hindi naman siya seseryusohin ng binata yon. Pero makulit kaya naman hinayaan ko na lang din. Tutal naman malaki na s’ya at alam na rin n’ya ang ginagawa niya.” Baliwalang pagkakasabi ni Lolo Nelia sa akin. “Kung ako sa kanya maghanap siya ng ibang lalake, dahil tama ang sinabi n’yong hindi naman siya mamahalin ng ganong klaseng lalake. Mukhang babaero ang lalakeng yon, at base sa kung paano tumingin ang lalakeng yon at siguradong sanay na rin yon makipaglaro sa mga babaeng katulad ni Sophia.” Kibit balikat kong tugon kay Lola Nelia. Patuloy lang ako sa aking paghuhugas ng bigla na lang may nagsalita sa akin tabi na ikinagulat ko naman. “Try mong makipaglaro sa akin, malay mo maging paborito kitang ka playgame.?” Nakangisi nitong sambit sa akin. Malapit ang mukha nito at sa akin at kung hindi pa ako iiwas at mahahalikan na ako nito. Maganda ang mata nitong kulay asul at ang labi nitong mapupuna na parang ang sarap halikan dahil mamasa-masa pa nito. Naaamoy ko din ang mabango nitong hininga na ikinalulunod ng aking pagkatao. Wala naman ako lalo nagawa ng hawakan nito ang bewang ko at mas idinikit sa kanya. Kung sakaling makikita lang ito ni Sophia sigurado sasabog ang babaeng yon sa ingit at selos. Pero dahil nasa katinuan pa ako ay tinulak ko ito papalayo sa akin at masama ko itong tinignan. At sa pagkakataong yon ay bigla naman pumasok si Sophia na nagulat pa ng konti. Hindi naman ito pinansin ni Senyosito Tale at umalis na ng parang walang nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD