Chapter Six
-Tale-
“Son, dalawang araw ka ng namamalagi dito sa bahay? May problema ba sa kompanya mo? At hanggang ngayon ay hindi ka pa bumabalik sa trabaho mo?” Seryosong tanong sa akin ni Mommy, na ikinakunot naman ng aking noo. Narito kami ngayon sa may hardin at pareho kaming nagkakape. Habang ang aking ama ay nakamasid lang sa aming dalawa.
“Oo, nga Kuya? Hindi mo ugali ang magstay dito ng ganito katagal? Sa naalala ko ay oars lang ang nilalagi mo dito sa mansion at never ka pang tumagal dito ng isang araw?” Biglang tanong naman ni Kale ng sumulpot ito sa aking likuran. Wala naman ako naging reaksyon sa mga ito o maging sagot sa kanila, nasimple pa akong nakahawak ng mahigpit sa hawak kong baso ng makita ko sa mata nila Mommy at Kale ang pagtataka ng mga ito.
“Misis ko, hindi ka ba ntutuwa n anmdito ang panganay mo? Hindi ‘bat matgal mo na rin hinihiling na magstay s’ya dito ng matagal? Ngayong andito naman s’ya at nagtataka ka sa pananatili ng anak mo dito?” Singit na tanong ng aking ama na ikinatingin ko naman dito ng makahulugan. Alam kong alam na rin ni Daddy ang dahilan kung bakit ako andito sa mansion, ngun’t hindi niya ito sasabihin sa lahat.
“Wala naman akong ibig sabihin sa pagtatanong ko yan sa panganay mo, Alfredo. Alam ko kasing mag allergy ang anak mo dito sa mansion natin kaya talagang nagtatak lang ako ngayon.” Paliwanag naman ni Mommy at sinamaan ng tingin ang aking ama na ikinatahimik na lang nito. Ganito ang dalawa sa tuwing nagkakaron ng mga pagtatalo. Kung si Daddy ay kilalang matapang at magaling sa mga negosyo kabalidtaran naman iyon sa loob ng aming pamilya. Dahil si Mommy ang boss ng lahat at maging kaming mga anak ay walang nagiging laban dito. Mahirap man tanggapin subalit ang aming ina ang mas nakakatakot sa lahat ng oras o pagkakataon.
“Sa tingin ko mukhang wala naman problema sa trabaho si Kuya, gusto lang n’ya siguro maglaro ng ilang araw.” Makahulugan na sambit naman ni Gale, na ngayon umupo sa tabi ni Mommy at para itong bata na naglalambing dito. Sinamaan ko naman ito ng tingin at gusto ko na sana ito suntukin dahil sa pagsasabi nito sa akin ng kung ano-ano. Kuno’t noo naman itong tinignan ni Mommy, subalit ang pasaway kong kapatid at tumawa lang na nakakainsulto sa akin. Nagpipigil naman ako ng galit ng biglang dumating si Purita na may dalang mga sobre na mukhang nakuha nito sa maid box kanina.
“Puri, sandali lang may gusto lang akong sabihin sayo?” Habol na salita ni Gale sa dalaga, huminto naman ito sa paglalakad at saka tumingin sa kapatid ko at ngumiti ng tipid. Sumama naman ang loob ko dahil sa nakita kong magandang ngiti ni Puri sa aking kapatid na hindi naman nito pinakikita sa akin mula ng dumating ako dito sa mansion. Nag-usap ang dalawa hanggang at hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nito, subalit nakikita kong magkasundo ang dalawa sa kanilang pinag-uusapan.
Nagdesisyon naman akong pumanik na lang muna sa kuwarto ko para maligo at ng mawala ang inis ko sa dalawan tao. Kasalukuyan akong naliligo ng makarinig ako ng pagatwag ng aking pangalan sa loob ng aking banyo. Napangisi pa ako dahil sa alam kong si Puri ang tumatawag sa akin. At dahil likas din akong may kapiluyan at tumabas akong nakatabis lang sa aking pang-ibaba.
“Sweetheart, ako ba ang hinahanap mo?” Pang-aasar ko dito at pinakita ko pa talaga dito ang maganda kong katawan na alam kong hindi pa man din ito nakakakita. Halata dito ang kainosentahan kaya naman nakakasabik na matikman ko kung gaano ng aba ito kasarap sa ibabaw ng kama. Muli naman sumimangot ang mukha nito at halos mamatay ako sa sama ng tingin nito sa akin.
“Ay hindi, akala ko kasi ay walang hayop dito meron pala?” Pang-aasar din nitong tanong sa akin nito. Natawa naman ako dahil sa alam kong nabibikon naman ito sa akin.
“Ang gwapo ko namang hayop sa paningin mo, Sweetheart?” Ganti ko dito at nilapit ko ito hanggang sa makorner ko ito sa gilid at napasandal naman ito sa pader na malapit sa aking kama. Nanglaki naman ang mat anito ng mapagtanto nitong makalapit naman kaming dalawa at gusto ko na rin itong halikan dahil sa labing nito nakabuka.
“Pwde po ba Senyorito lumayo ka at hindi maganda kung may ibang tao ang makakakita sa atin, sa ganitong ayos?” May diin nitong sambit sa akin na ikinatawa ko naman dito ng mahina.
“Ano naman ang dapat mong ikatakot, Puri? Dalaga at binata naman ako? Kaya ko naman panagutan ano man ang mangyayari sa ating dalawa, at saka ikaw ang pumasok dito sa kuwarto ko? Sa tingin mo ba hindi ko alam kung ano ang dahilan at naririto ka sa loob?” Turan ko dito sa mahina at mapang-akit na boses. Halos manigas naman ito sa kanyang pagkakatayo at hindi alam kung paano kakawala sa pagkakadikit nito sa akin.
“Wala akong balak na makasama ka Senyorito Tale. At kung magkakaroon man ako ng lalake sa buhay ko ay sisiguraduhin kong hindi ikaw. Kaya lang namana ko nagpunta dito dahil sa inutusan ako ng Mommy mo natawagin at may dumating ka dawn a bisita sa baba.” Paliwanag nito at mabilis din ang kilos nito n amalakas akong tinulak kaya naman napapaupo ako sa kama ng hindi ko rin mapaniwalaan.
“Kahit kaylan talaga ang bastos mong lalake. Kawawa ang mga babaeng mapupunta sa kamay mo dahil sa pagiging manyak n’yo Senyorito.” Galit nitong tugon at saka na ito lumabas ng aking kuwarto. Sadyang malakas ang loob ng babaeng yon at base sa kilos nito ay hindi agad ito mapapasuko ng kahit na sino. Napasuntok naman ako sa aking kama dahil sa alam kong nainsulto naman ako ng baaeng yon, subalit hindi ako titigil hangg’t hindi ko ito nakukuha.
“Migs, anong ginagawa mo dito?” Walang buhay kong salita sa aking tauhan na ngayon ay naghihintay sa akin sa may sala.
“Boss, pasensya na po kung nagpunta agada ko dito ng walang pasabi. Pero kasi po ay dalawang araw na rin kayong hindi nagpaparamdam at hindi n’yo rin sinasagot ang mga atwag ko. may malaking transaction na magaganapo naman at kabilin-bilinan po ni Boss Mhico na kailangan n’yong punata at alam n’yo na kung ano ang mangyayari sa gabing yon.” N akayuko nitong paliwanag sa akin na ikinatingin ko lang dito.
“Sige, ihanda mo ang lahat ng kakailangan ko ngayong gabi at aalis tayo bago pa man dumilim.” Seryoso kong utos dito at umalis na rin naman ito sa aking harapan. Napapailing naman ako dahil mukhang hindi maaasar ng ilang araw si Puri, pero napangiti naman ako dahil sa pinaplano ko ngayon na alam kong mas ikakagalit ng dalaga sa akin.