Chapter Seven -Purita- “Nakakalungkot naman at umalis na agad si Senyorito Tale.” Malumbay na sambit ni Sophia habang nagpupunas ito ng mga plato na nahugasan na rin naman nito kanina. Ako naman ay lihim na natutuwa dahil sa mawawala ang isang asungot dito sa mansion. Hindi talaga ako komportable na makasama ang mokong na yon at baka kung ano lang ang magawa ko dito na hindi maganda at makalimutan kong amo ko rin ito. “Ang sabi ni Senyorito Gale, may kasinatahan na daw sa ibang lugar si Senyorito Tale. Kaya bakit umaasa ka pa rin na mapapnsin ng amo nating lalake?” Baliwala kong tanong dito na ikinanguso naman nito sa akin. “Kaylan man ay walang naging seryosong relasyon ang Senyorito Tale ko. At saka nangako na kami sa isa’t-isa na kami pa rin hanggang dulo, nahihiya lang kaming ipaal

