Chapter Eight -Tale- “Nasasabik kong umuwi ngayon dahil sa alam kong sa mga oras na ito ay naroroon na sa condo unit ko si Purita. Ang buong akala ko pa naman ay hindi papayag si Mommy na ipahiram ito sa akin, gayong nakikita naman nito na hindi kami magkasundo ng babaeng yon. Kaya laking gulat ko talaga ng sabihin sa akin ni Migs, napapunta na si Purita sa lugar ko. Ganon pa man ay lihim pa rin akong natuwa dahil sa alam kong mapapalapit ito sa akin, at gagamitin ko ang araw na mananatili ito sa akin upang makita nito na hindi naman ako ganon kasama. “Boss, hindi pa po kayo pwedeng umuwi dahil kakatawag lang po ngayon ni Boss Mhico at kailangan daw nila ng tulong ngayon. Pinasabog daw kasi ang isa nilang hide out at malala din po ang pinsala sa binti ni Boss Mhico.” Nagmamadaling ulat

