Hindi dalawin ng antok si Alex nang gabing iyon. Pilit inookupa ni Mark ang isip niya. Tila nabuhay ang pagkagusto niya sa binata nang makasilip siya ng kaunting pag-asa na maari at posible rin itong magkagusto sa kanya. Sa unang beses palang niyang nakita ang picture nito sa isang poster na nakadikit sa dingding ng company, nagkagusto na agad siya rito. Pero ipinagwalang bahala niya lang iyon dahil alam niya namang imposibleng magkagusto rin ito sa kanya. At ngayong nakatanggap siya ng bulaklak na may initial pa nito halos lumundag ang puso niya sa tuwa. Bigla niya tuloy na-realize na hindi pala tuluyang nawala ang pagkagusto niya sa binata kahit pa nga araw-araw siyang sinisigawan nito. "Kaya pala kaya kong i-tolerate ang toyo niya," nangingiting sabi niya. Habang naglalakad sa hallwa

