The Unexpected Visitor

1698 Words

Malaki ang mga hakbang niya nang mapatapat siya sa Van sa takot na bigla na lang may humila sa kanya papasok, pero bigla na lang bumukas ang pintuan nito. Napasigaw ng malakas si Alex  sa matinding takot at halos mag-histerical na siya. Kumalma lang siya nang makilala niya ang boses ni Mark. "Come on get in," sabi nito. "Boss?!" nanlalaki ang mga matang sambit niya. "Wala ng sasakyang dumaraan dito ng ganitong oras, sakay na." Parang wala sa sariling agad siyang sumakay sa Van. Dala na rin marahil nang matinding takot. Panay ang punas niya sa pawisan niyang mga pisngi kasabay ng pagpaypay ng isa niyang kamay. Naramdaman niya rin ang hapdi sa nagpaltos niyang sakong kaya agad niyang tinanggal ang suot niyang sapatos. Mariin siyang napapikit at napasandal sa upuan. "This is too much!"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD