Nakahinga ng maluwag si Mark nang makapasok sa kwarto ang dalaga. Tumayo pa siya at tinapik-tapik ang pisngi para mai-relax ang sarili. Nag-init kasi ang mga pisngi niya ro'n. "Tama nga pala si Alfred, maganda nga pala siya," bulong niya sa sarili nang maalala ang sinabi ng kaibigan. Bahagya siyang napangiti."Bakit hindi ko 'yon nakikita dati." Nang makabalik sa sala si Alex nakasuot na ito ng t-shirt at pajama. "Sorry po, Sir. Nasanay po kasi ako na walang ibang tao dito sa bahay kaya gaoon akong magdamit," nahihiyang sabi niya. Tumango-tango lang si Mark. "Mag-isa ka lang dito?" tanong nito habang pinagmamasdan ang buong silid. "Opo," maikling sagot niya. "G-Gusto niyo po ba ng kape or juice?" nauutal pang tanong niya. "No, thanks. Maya maya lang din baka tawagan na ako ng mekan

