MAMB C-4

2305 Words
"Yaya wake up na... I'm hungry!!!"   "HMmmmmm.. o-o naaa.. tatayo na wag mo kong yugyugin"   "YAYA" Lalo pa niyang nilakasan ang pagyugyog kaya ako pinilit nalang na bumangon.   "Anong oras na ba?" kinusot ko ang mata at inunat ang mga braso at kamay.   "Seven in the morning na yaya pig!" Oo nga pala wala na ako kila nay lydia. Nandito na pala ako sa bago kong amo. "Ah, goodmorning Oddy." Tumayo na ako at niligpit ang kutson, pagkatapos ay humakbang patungong banyo.   "AHH!  AY!" napasigaw na lang ako ng bigla akong dumalas malapit sa pintuan ng banyo. Ang lakas ng pagbagsak ko na parang nabali ang buto ko sa balakang. Masakit din ang bewang at puwet ko.   "Aguy! Aguy!" mangiyak ngiyak na sabi ko habang tumatayo. Hindi pa ako tumatayo ay nadulas ulit ako at padapa naman ang bagsak ko. "Aguy! aguy!"   "YAYA are you ok?" tanong ni Oddy. Nakaupo siya sa kama at hawak ang isang camera. Tinutok niya sa akin iyon at nag-flash.   Talagang kinuhaan pa ako ng litrato ng biik na ito!   "Tingin mo okay ako? Bakit basa itong sahig? Bakit malagkit?" tanong ko gumapang nalang ako papalayo sa basa kung saan ako nadulas.   "HAHAHAHAH!!!!" isang nakakabinging tawa ang narinig ko kay oddy dahilan para samaan ko siya ng tingin. Siya ang gumawa nito. Bwisit.   "IKAW!!!!!" nanggigigil ako sa inis. Siya naman ay biglang tumako palabas ng kwarto.   "Magbiro kana sa lasing wag lang sa bagong gising!" sigaw ko at dahan-dahan tumayo. "Ano ba itong madulas na ito" pagtatakang tanong ko at inamoy ang kamay ko. "Pisting yawa! Paano siya nakakuha ng mantika?!"   Isang katok ang narinig ko mula sa pintong nakahawi, nakita ko doon si Aeolus na nakatingin sa akin.   "Pagpasensyahan mo na si oddy" pumasok siya sa kwarto, napansin kong naka formal siya. mukang may pupuntahan si mokong, tamang tama habang wala siya ako muna magdidisplina sa anak niya.   "Oo Sir, kahapon ko pa siya pingapapasensyahan malapit na akong masagad eh," inis na sabi ko.   "Anyway, aalis pala ako, mamayang gabi pa ang balik ko, so ikaw na munang bahala kay Oddy and----" huminto siya sa pagsasalita at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.   "And? Ano yon sir?"   "Change your clothes bumabakat na yang dibdib mo sa damit,"sabay talikod niya. "You just tempting me to eat you," saad niya ulit at lumabas na nang kwarto.   "Edi kainin mo! Magkainan tayo!" sigaw ko tapos narinig ko na lang na tumawa siya.   Pag-alis niya ay pumasok agad ako ng banyo para linisin ang sarili pagkatapos ay nilinis ko rin ang sahig. Bukod sa pag-aalalaga sa batang makulit na yon at ako din pala ang taga linis ng kalat niya.   Oddy!Lilitsunin talaga kita!    ________________________   "YAYA what's our breakfast?" tanong ni Oddy at habang nakakuyakoy na nakatingin sa ginagawa ko.   Kala niya siguro nakalimutan ko na ang ginawa niya kanina. "Ahm, scramble egg saka tuyo and fried rice, buti may stock din kayo ng tuyo ano."   "I don't know, nong isang araw lang pinautos ni daddy sa mga bodyguard niya na mag grocery." Matino siya kausap ngayon. Bait baitan si biik dahil may kasalanan siya.   "Matagal na ba kayo nakatira dito?" Kinuha ko ang bowl at doon nilagay ang itlog.   "Yes, pero umuwi kami nang korea nung nawala si Mommy"   "Nawala si mommy mo? Bakit? Umalis ba siya?" pagtataka ko.   "Yaya you asking so many question!"   "Eh bakit ka sumasagot?" pilosopong tanong ko.   "Whatever!" sabay irap niya sa akin.   "Ganito na lang ipagluluto kita ng gusto mo mamayang tanghalian," pang-uuto ko.   "That's a brilliant idea, yaya use your brain na hindi na yung fat mo," nakangiting sagot niya. Ngayon ko lang napansin na ngumiti si Oddy. Ang gwapo at cute niya at masasabi kong mas gwapo pa siya sa daddy niya.   "Nasan nga ang mommy mo?" Tanong ko ulit baka sagutin na niya ako.   "She died," malungkot na tinig ang narinig ko kay Oddy.   Natigil ako sa pagbabatik ng itlog tapos napatitig kay Oddy. Kaya siguro ganito siya kasalbahe dahil walang inang nag-aalaga sa kanya. Kahit mayaman sila ay masasabi kong maswerte ako dahil buhay pa ang magulang ko pero siya daddy na lang niya ang kasama niya. Hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot habang nakatingin sa kanya.   "Yaya pig!" bigla siyang sumigaw dahilan para bumalik ako sa pagbabatik ng itlog.   "Sabi sa akin ni Daddy mo mamayang gabi daw siya uuwi kaya tayo lang dalawa lang nandito," pag-iiba ko ng usapan.   "I know, he always do that uuwi ng gabi, mas gugustuhin niyang kasama ang mga babae niya kesa sa akin," sambit niya ulit ako naman ay sinulyapan siya, may lungkot at dismaya ang mukha niya.   Marami pa akong gustong itanong sa kanya pero naunahan na ako ng awa, baka pag-tinanong ko ulit siya ay lalo siyang maging malungkot. "Oddy kailangan pala nating mag-exercise mamaya."   "I can't yaya, nakakapagod kaya."   "Paano ka mababawasan ng timbang kung hindi ka mag-eexercise?"   "Yaya pag sinabi kong ayaw ko! Ayaw ko!" Sumigaw na naman siya.   Umiling-iling na lang ako at tinuloy na lang ang pagluluto siya naman ay umalis sa pagkakaupo. Hindi ko na siya nilingon dahil abala na ako sa pag luluto ng fried rice. Ilang saglit pa ay nakita ko ulit si Oddy na nakaupo na at may hawak na dalawang baso, ang isa ay may kape at ang isa ay may gatas.   "Yaya for you," sabay abot niya ng isang basong kape.   "Aba ang bait naman ng alaga ko, salamat." Ngumiti siya at humigop ng gatas. Bumabawi siguro dahil may kasalanan siya.   "Drink it na yaya, baka lumamig."   "Marunong ka nang magtimpla ng kape at gatas?"   "Yeah, I learn it nung buhay pa si mommy."   "Eh diba five years old ka palang."   "I'm going six next month, tinuruan ako ni mommy nung four years old na ako."    Bigla akong napaisip.  Ibig sabihin two years ago nang namatay ang mommy niya.    "Ahh ganon ba Oddy, teka next month six years old kana?  Aba malapit kana pala mag-birthday, dapat paghandaan natin yan!" excited na sambit ko at nilingon siya, siya naman ay walang reaksyon nakatingin lang siya sa akin.   "Bat hindi ka excited, birthday mo yun dapat magiing masaya ka". sambit ko ulit.   "Yaya its just an ordinary day... Yaya drink your coffee na lalamig na yan!!" sumigaw ulit siya dahilan para inumin ko na ang kape.   "Pwehh!" Sinuka ko bigla yung kape dahil iba ang lasa, lasang maalat na hindi ko maintindihan.   Pag lingon ko kay oddy ay tumawa agad siya ng malakas. "Hahahahaha!"   "Oddy!"   "I put salt instead of sugar!" natatawang sabi niya sabay takbo palabas ng kusina. Napamumog ako bigla, naduwal duwal pa ako dahil nasa dila ko pa rin yung lasa.   "Oddy!" Sumigaw na lang ako dahil sa inis, wala akong magawa dahil bata si oddy.. batang makulit at napaka sadista.   Buong araw yatang sumakit ang ulo at katawan ko dahil kay Oddy, kung hindi ako madudulas at madadapa naman ako. May lubid sa daraanan ko, o di kaya'y basa ang sahig, di ko aakalain na ito ang sasapitin ko sa kanya. Bata lang siya pero yung kalokohan niya parang matanda na.  ______________________   Maghahapon na nang mga oras na yun kaya dumiretso na ako ng kusina para magluto. Nakasunod din sa likuran ko si Oddy habang hawak niya ang tablet.   "Oddy behave ka lang ha magluluto si yaya, dadating na yata ang daddy mo mamaya kaya dapat may pagkain na siyang dadatnan".   "k," sagot niya at umupo sa upuan nasa mesa.   "Ano kayang masarap ulamin, kaninang tanghali nag tinola kami, ahah!!! Sinigang naman ngayon!" sambit ko na parang may kausap.   Kinuha ko agad ang mga ingredients na kakailanganin ko saka nagtuloy na pagluto, pagkatapos kong magluto ay naka abang na din si Oddy sa harap ng mesa. Mukang nagutom si biik dahil sa mabangong amoy ng sinigang.   "Yaya let's eat na, mamaya pa darating si daddy, baka nga hindi yun umuwi dito."   "Muka nga," sagot ko at naglagay na nang plato sa mesa at nilagyna ang pinggan ni oddy ng pagkain.   "Yaya sino nagturo sayo magluto?" tanong niya habang ngumunguya.   "Si papang, siya ang nagturo sa akin."   "Papang?"   "Papang ang tawag ko sa father ko,"   "Bakit papang? Bakit hindi daddy?" umiral na naman ang pagkamadaldal niya.   "Ahh kasi yun na yung kinalakihan namin, saka hindi kami mayaman para tawagin ko si papang ng daddy, maswerte ka dahil meron kang bagay na hindi ko nakagisnan nung bata pa ako". kinuha ko ang isang basong tubig saka ininum iyon.   "I see, mahirap siguro magpalaki ng baboy na katulad mo yaya."   Potah! Napamura na lang ako sa isip ko. Pero ang sintido ko nagungulubot na.   "Ay hindi naman, pero sayo nahirapan ako, patabaing biik hehe," biro ko at tumawa. Siya naman ay sinamaan ako ng tingin at bumalik sa pagkain. Mayamaya ay natapos na kaming kumain.   "Yaya I'll go back to my room," paalam nito at tumuloy nang lumakad.   "Sige baby Oddy," sagot ko at niligpit na ang mga plato sa mesa para hugasan. Ilang saglit pa ay narinig ko si oddy na nasa pinto at nakakibit balikat na nakangiti. Hindi ko siya narinig na lumapit sa pinto dahil abala ako sa paghuhugas ng plato.   "Yaya come here," sabay senyas niya na lumapit sa kanya.   "Bakit Oddy?" tanong ko at lumapit sa kanya. Hindi pa ako nakakalapit ay bigla na lang akong bumagsak. Ang sakit ng balakang at puwet ko na parang maraming tumusok.   "Ouch! Aray! Aray!" nangingiwing sambit ko at dahan dahan tumayo.   "Oddy! Ano naman ito!" napalakas na ang boses ko. Pero siya tumawa nang pagkalakas lakas at napahawak pa sa tiyan.   "Hahahaha! You should see your step yaya!"    "Kalokohan mo talaga!" naiinis na sabi ko habang inaayos ang damit.   "Ouch!" Napaaray ako bigla nang may maramdamng mahapdi sa mga kamay ko. Pagtingin ko ay puro thumbtacks ang nakatusok sa buong kamay ko. Pati balakang at puwet ko. Dali dali kong tinanggal ang mga thumbtacks na nakatusok sa katawan ko, hindi ko maramdaman ang hapdi at sakit dahil wala na... inis na inis na ako, ubos na din ang pasensya ko.     "Yaya pig! Yaya pig! Hahaha!" Hindi pa rin siya tumitigil sa kakatawa kaya lalong nagsalubong ang kilay ko at lumakad palapit sa kanya. Kahit pa ika ika ay pinilit kong lumapit sa kanya.     "Oddy!" sumigaw na ako akmang tatalikod siya ay hinablot ko agad ang kamay niya at pinalo iyon ng malakas.   PAK! PAK!  PAK!    "Sa susunod na gawin mo yan hindi lang yan ang aabutin mo! Sobra na yang ginagawa mo! Nakita mo itong kamay ko?! Dumugo na dahil sa kagagawan mo, puno na rin ng pasa mga tuhod ko! Kung balak mo akong patayin sabahin mo na! Ako pa mismo ang magbibigay sayo ng kutsilyo para isaksak sa akin!" galit na sambit ko.   Tumigil siya sa pagtawa at napatitig sa akin, nakita kong gumilid ang mga luha niya sa mata. At yung kamay niya ay nabahiran na din ng dugo ko.   "Ano?! Iiyak ka?! Dapat nga ako pa ang umiyak dahil sa ginawa mo! Kung hindi ka kayang disiplinahin ng ama mo, pwes! Ako mismo ang didisiplina sayo!"Sumigaw na ako at binitawan ang kamay niya. Humihikbi siyang nakatingin sa akin mayamaya ay tumalikod siya at patakbong umalis ng kusina.   "What happen?" tanong ni Aeolus na kadarating lang. Nadaanan pa siya ng anak niya habang papalapit ng kusina.   "Pinalo ko ang anak mo," pabalang na sagot ko.   "What?! Are you crazy? Ako nga na daddy niya hindi siya pinapalo and ikaw?! Ikaw pa ang papalo sa kanya?!" napataas ang boses niya dahilan para lalong akong mainis.   "Kaya matigas ang ulo ng anak mo dahil hindi mo dinidisiplina, at ako?! Ako lang na yaya niya ang papalo sa kanya? Tama ba? Ha? Ser?" Pucha oo nga pala nakalimutan ko, maid lang pala ako dito." Napamura na ako dahil sa inis at galit na nararamdaman ko.    Napabuntong hininga si Aeolus at tumalim ang tingin niya sa kin ako naman ay tinaasan siya ng kilay na katulad ng pagtaas ni Jackie ng kilay.   "Ms. Maria Lolita you don't have a right para saktan o paluin ang anak ko, wala sa kontrata mo na pwede mo siyang disiplinahin!" Napalakas ang boses niya at yung kilay niya ay nagsalubong na din.   Umiling-iling ako at nagkibit balikat habang nakatingin sa kanya. Akala niya siguro masisindak ako sa pagsigaw niya. Pwes nagkakamali siya! Ako masisindak? No way!   "Oo nga pala Sir wala sa kontrata ko ang disiplinahin siya, pero wala din sa kontrata ko na tratuhin niya ako na para bang hayop." Inirapan ko siya at bumuntong hininga. "Sir kung hindi mo kayang disiplinahin yang anak mo para ano pa't alagaan ko siya diba?! Kung tatratuhin niya lang ako ng ganito mabuti pang maghanap ka na lang ng mag-aalaga sa kanya."   Nakita ko kung paano naging kamao ang palad niya ako naman ay ngumisi lang habang nakatingin sa kanya. Nadidismaya ako at naiinis, hindi ko kinaya ang ginawa sa akin ni Oddy. Nabalot kami nang ilang segundong katahimikan hanggang napahawak na lang siya sa sintido at tila ba pinapakalma ang sarili.   "Kakausapin ko si Oddy?" sambit niya. Ako naman ay nagpunta nang labao at nagtuloy na lang sa paghuhugas.   Nasindak ko siya.. sabi na nga ba hindi niya ako kayang paalisin, ako ang nanalo.    "Ouch!" Napa aray ako bigla dahil ang hapdi ng palad ko, nakalimutan kong dumudugo na pala dahil sa mga tusok ng thumbtacks.   "Wag ka na munang maghugas, magbihis ka at gamutin yang pasa sa braso mo. Alisin mo din yang thumbtacks sa katawan mo." Hindi ko siya nilingon narinig ko na lang na lumakad na siya paalis ng kusina.   Napapangiwi na  ako habang naghuhugas ng pinggan, nagsuot na lang ako ng gloves para hindi humapdi ang kamay ko habang naghuhugas, syempre ma pride ako kaya hindi ko sinunod ang singkit na mokong na yon.   "Kawawang Oddy, na disiplina nang wala sa oras," pailing iling sabi ko habang nag-aayos ng mga pinggan. _____________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD