MAMB C-3

3114 Words
"Oddy what do you want for dinner?" Kailangan ko talagang mag english pag kasama ko ang makulit ng biik na ito.   "I want delicious and yummy food," sagot niya at umupo sa upuan na nasa harap ng mesa. Magkaharapan kame.   "Wait I check what here's in refrigerator." Hindi ako magaling mag ingles dahil hindi ko ito favorite subject nung nag aaral pa ako. Binuksan ko ang malaking fridge na malapit sa lababo. "Wow ang dami pa lang naka stock dito."   "Yaya say it in english!" saway ng biik.   "Bakit pa eh naiintindihan mo naman ako diba? Daddy mo nga nagtatagalog kaya dapat magtagalog ka din." Kumuha ako ng karne at inilagay yun sa bowl.   "I said say it in english!" sumigaw na siya. Kitang kita ko ang naniningkit niyang mata at tumutulis niyang nguso.   Kailangan kong habaan ang pasensya sa batang ito. Hello two hundred thousand kaya ang sahod ko para alagaan ang biik na ito. "Wag mo kong sigawan-- I mean don't shout to me baby Oddy."   "I won't shout if you talk to me in english!"   Pisting Yawa! Bakulun kita kar-un!. Sa isip na lang ako nagmura. "Ohh yeah sure!" Napilitan na lang ako kahit ang totoo gusto ko na siyang tirisin. Kinuha ko na lang ang chopping board at kutsilyo saka umupo para simulan ang paghiwa ng karne.   "What' cha gonna cook?" May accent pa ang makulit.   "I will cook adobo."   "Is it good for me? Remember dad told you that I'm on a diet."   "Yeah it's good for you, you know." Kainis, nauubusan na ako ng ingles.   "Good for me? Why?"   "You know it's good for you. Ahm, it's delicious and good for the heart." Tama naman ang sinabi ko,  basta yon na yon.   "Can you explain it yaya pig cause I don't understand."   Nahinto ako sa paghihiwa at tinignan si Oddy, gusto kong sungitan siya pero hindi pwede. "Oddy you have tablet right?"   "Yes."   "You have internet?"   "Yes yaya pig."   "Use google, it can answer your question."Bravo Lottie! hindi ka lang mataba pati utak mo mataba! "But I want your answer!" Humigpit ang hawak ko sa kutsilyo at itinusok sa karneng nasa harap ko.   "You know Oddy there are things that is hard to explain, yaya is not smart that's why I can not answer your question."   "Answer it!" Bigla niyang kinuha yung kutsilyo at itinutok sa akin.   Napalunok na lang ako habang nakatingin sa kanya. "O--okay Oddy sasagutin ko na ang tanong mo."   "English!"   "Okay I answer your ta-ta-nong----ay question!" natataranta na ako habang nakatingin sa kutsilyo.   "Why adobo is good for me?!" Nangingiwi ang bibig niya na tila ba isasaksak niya talaga sa akin ang kutsilyo.   "Adobo is is--" nag-iisip ako ng sagot na hindi ko alam kung ano ba talaga ang isasagot ko sa biik na ito.   "Answer yaya pig!" Lalo niyang nilapit yung kutsilyo sa akin at sa leeg ko talaga itinutok.   Subukan mo lang isaksak sa akin yang kutsilyo!. Tocino kakakalabasan mo!   "Adobo is--is compose of pig . Like me and like you we're cute. Pig is good for the heart."   "Really yaya pig?!"   "Yes of course, no joke."   Biglang nag ring ang telepono na malapit kay Oddy. Nag katinginan pa kame kung sino ang sasagot. Binaba ni Oddy ang kutsilyo at sinagot ang telepono.   "Oddy!" rinig na rinig ko ang boses ni Aeolus sa kabilang linya halatang galit siya.   "Dad!  Dont shout!" sumigaw din siya. Umiling iling na lang ako at nagpatuloy sa paghihiwa pero ang tenga ko pasimpleng nakikinig sa usapan ng mag-ama.   "Dont do it again!!!! Hindi kita pinalaking maging killer!" sigaw ng daddy.   Buti nga sayo biik.   "Okay!" sagot ni oddy at pabagsak na binaba ang telepono. "It's disgusting to have many cctv camera," sabay lingon niya sa kisame pati ako at napatingin din. Ngayon ko lang napansin na marami palang cctv na nandito sa mansyon.   "May cctv din ba sa kwarto natin?" tanong ko at bumalik ng tingin sa karneng hinihiwa ko.   "Yes yaya, same with your room."   Napaismid ako bigla dahil naalala kong nagbihis ako kanina nang bra at panty na lang ang suot ko. Pucha nakita ni Aeolus ang dabyana kong katawan.   "Ambot!" Kinuha ko ang bawang at sibuyas para hiwain din.   "Yaya pig! What is ambott?"   "Ah it means ewan."   "Ewan?!"   "Ewan, bisaya kasi si yaya pig mo."   "Bisaya?"   Naku po patawarin! yan na naman siya sa sunod sunod na tanong niya.   "Bisaya means Be happy." Eto na lang sinagot ko para di na madugtungan ang tanong niya.   "Ahh," tumango-tango siya. Ako naman ay kumuha na nang kaserola. Bubuksan ko na sana ang stove pero di ko alam kung paano.   Napaka high tech naman nito paano ko ba ito bubuksan. Pisting Yawa nakakabobo ah!   "Yaya pig you don't know how to use that stove?" Lumapit na sa akin si Oddy.   "Oo alam mo naman si Yaya basic na stove lang ang alam gamitin, sabi ko sayo hindi ako matalino diba, hahaha," palusot ko nalang.   "You don't have to be smart to used this." Bigla niyang pinindot ang switch na pula at may pinindot ulit na itim na switch.   "See yaya, it easy to use. Use your brain yaya not your fat!" Parang uusok yung tenga ko dahil sa pang-iinsulto ng biik na ito.   "Ahh." Ito na lang sinabi ko at nagtuloy ng magluto. Pagkatapos ng ulam ay nag-saing naman ako.   "Oddy nasan ang bigas niyo?"   "There yaya pig," sabay turo nito sa mukang refrigerator.   "Oddy ref yan eh wala namang bigas dyan."   "Yaya use your brain not your fat!" Umiling-iling siya tapos nilapitan yung mukang ref. Binuksan niya iyon. Mukang ref ang loob nito pero yung bukasan ay kasing laki ng maliit na cabinet.   "Oh! Yayamanin naman." Eto na lang nasabi ko dahil ang high tech ng lagayan nila ng bigas.   "Give it to me yaya," sabay turo ni Oddy ng hawak kong kaldero. Lumapit ako sa kanya at ibinigay iyon. Nilagay niya doon sa loob at may pinindot, awtomatikong may lumabas na bigas at doon mismo sa kaldero na salin.   "Wow ang galing," ani kong namanagha sabay palakpak. Ignorante lang ang pig.   "Yaya get it na," sambit ni Oddy nang matapos nang lagyan iyon ng bigas. Kinuha ko agad saka nilingon si Oddy.   "Ituro mo sa akin kung paano gamitin yan ha."   "Sure, but."   "Anong but?"   "Yaya pig magmakaawa ka muna!"  Biglang nangulubot ang noo ko na pati yata ugat sa sintido ko ay bumakat. Hindi talaga siya makausap ng matino. "Sige Oddy pero magluluto muna si yaya ha."   "English!" bulyaw niya na nakakabingi.   "Sure but yaya will cook you first!"   "What?!"   "I said, yaya will going to cook now." ---------------------   "Lets eat!"   "Teka teka, magdasal muna tayo bago kumain."   "Yaya pig I'm hungry na!"   "Oddy, listen to your yaya."   "Okay, ako na ang magdadasal." Pumikit na ako para umpisahan ang pagdarasal. Tahimik ang dalawang mokong kaya nagsalita na ako.   "Dear lord, thank you for the food. Thank you sa dalawang taong nasa harap ko ngayon. Pagkatapos po naming kumain ay si Sir po ang maghuhugas ng plato dahil babantayan ko po si Oddy. Lagyan niyo din po ng kabaitan ang pagkain para bumait na ang alaga ko. Thank you Lord. Amen."   Pagdilat ko ay saktong yung mata nilang dalawa ay nakatitig sa akin lalo na si Aeolus na nakasalubong na ang kilay. Nginitian ko na lang siya at nag-umpisa ng maglagay ng kanin at ulam sa plato ni Oddy.   "Oddy kumain ka lang ng sapat bawal ang masiba."   "Whatever yaya pig!" singhal niya at nag-umpisa ng kumain.   Pagkatapos kong maglagay ng pagkain ni oddy ay naglagay na rin ako sa plato ko at nag umpisa ng kumain. Nilingon ko si Aeolus nakita kong wala pang pagkain sa plato niya at nakatitig lang siya sa pagkain.   "Sir kain na," aya ko, nasa tabi ko siya at isang upuan lang ang pagitan naming dalawa.   "You will wash these plates later," sambit niya habang nangingiwi ang bibig.   Iyon pala ang pinuputok ng butchi niya kaya hindi pa kumakain. Syempre ako idadaan ko sa lambing alam ko na ang mga galawan at rason na ganyan. Kinuha ko ang kanin at nagsalin sa plato niya pagkatapos ay nilagyan ko din siya ng ulam saka nilapit ang mukha ko sa kanya.   "Sweetheart kain na, hindi na masarap yan pag lumamig." Biglang nanlaki ang mata ko dahil hinamas niya ang hita ko. Sa haba ng braso niya ay naabot niya talaga ang hita ko.   "Sweetheart, I like your pata. Your crispy delicious pata." Ang lambing lambing ng boses niya na para bang binulong niya pa sa akin.   "Rated SPG!" sigaw ni Oddy. Bigla akong umayos ng upo at nag simulang kumain pati din siya ay umayos ng upo.   "It's good!" sabat ni Aeolus habang kumakain dahilan para tignan ko siya.   "See, I told you masarap diba," pagmamalaki ko.   "Yeah masarap," sabay kindat niya sa akin. Ako din ay kinindatan siya pero ang totoo para akong kinikilig.   Lottie may asawa na yan. At ikaw may boyfriend kana kaya tigil tigilan mo na ang kalokohan mo. Bigla akong kinausap ng konsensya ko kaya nagtuloy na lang ako sa pagkain.   "Ms. Maria Lolita," sambit ulit ni Aeolus kaya nahinto ako sa pagsubo.   "Bakit Sir?"   "Before I forgot, yung kwarto mo at kwarto lang ni Oddy ang pwede mong puntahan at buksan. Yung dalawang kwarto sa taas ay wag na wag mong bubuksan. Pati ikaw Oddy don't open those two room."   "But dad its mom------".   "You heard what I said Oddy!" Napalakas na ang boses ni Aeolus kaya hindi na ako nagsalita.   "Okay Dad," sagot ni oddy sabay tayo at umalis.   Napaisip tuloy ako sa sinabi ni Aeolus. Sabagay kung bawal buksan edi wag. Palagay ko may lihim itong mansyon pero hindi na ko maglalakas ng loob na alamin pa. Pati din itong singkit na si Aeolus kutob kong may lihim din sa pagkatao niya.   "I don't know what to do on him," pailing iling na sambit ni Aeolus. Binilisan niya na din ang pagkain pagkatapos ay tumayo na  siya para lumakad.   "Hep hep hep!" pigil ko.   "Why?"   "Ikaw ang maghuhugas remember?" Kala niya siguro makakatakas siya. Mabuti na lang tapos na din akong kumain.   "No," umiling siya at nagkrus ng balikat.   "Sir ang sabihin mo hindi ka marunong maghugas." Kinuha ko ang plato at nilagay yun sa lababo. Pagkatapos ay pinunasan ko naman ang mesa. Siya naman ay nakatayo lang at nakamasid sa akin.   "Ako ang amo mo bat ko gagawin yan?" Napaseryoso ang mukha niya pero ako binalewala lang ang reaksyon niya.   "Si sir hindi marunong maghugas lalalalala," pakantang sambit ko.   "Alam mo ba Sir importante sa isang lalake na marunong maghugas ng plato." Bigla siyang lumakad papuntang lababo at hinugasan ang mga plato. Bingo! ako ang nanalo.   "Alam mo sir yan ang gusto naming mga babae sa isang lalaki yung marunong maghugas ng plato," pang-uuto ko habang nakatingin sa kanya.   "Whatever, alam mo ba ang sarap ng luto mo. I think you put some spell in your abodo iba na kasi ang tingin ko sayo ngayon."   "Talaga Sir anong tingin mo sa akin?" hindi ko maiwasang kiligin syempre di ko pinahalata sa kanya.   "Come here sasabihin ko," sagot niya dahilan para lumapit ako sa kanya.   "Ano yon sir?" tanong ko sabay kagat ng bibig ko.   "Iba na ang tingin ko sayo Ms. Lottie cause you look now sexy!" nangigigil na sambit niya. "If you gonna help me to wash this you look more sexier," saad niya ulit.   "O sige ba, yon lang pala eh," sagot ko at tinulungan siyang maghugas ng pinggan. Mayamaya ay humagikgik siya ng tawa kaya ako natawa na lang din.   "Hindi ka pala talaga marunong maghugas mabuti na lang mabait ako." Nililigpit ko na ang mga plato at baso siya naman ay naghuhugas na ng kamay.   "Your complementing yourself Ms. Lolita." Tapos na siyang maghugas ng kamay ako naman ay kinuha ang basahang pampunas ng kamay at lumapit sa kanya.   "Sir Lottie na lang, wag ng Ms. Lolita." Akmang ilalagay niya ang basa niyang kamay sa bulsa niya ay kinuha ko agad iyon at pinunasan.   "What are you doing?" pagtataka niya.   "Sir pinupunasan ko lang ang kamay mo. Amo kita diba? Kaya pagsisilbihan kita."   "Okay," matipid na sagot niya dahilan para tignan ko siya. Kitang-kita ko ang pagtataka sa mukha niya habang nakatingin sa akin.   "Ano kaba Sir walang malisya sa akin ito, pero ewan ko baka meron sayo," biro ko at binitawan na ang kamay niya pagkatapos kong punasan. "Sir magpalit ka pala ng polo," sambit ko ulit dahilan para tignan niya ang suot niya.   "Oh nabasa na pala ang damit ko, yes I will. Gusto mo bang ikaw ang magpalit ng polo ko."   Potah kang singkit ka pag pinalitan ko yan baka hindi na kita bihisan. Huhubaran na lang kita. Gusto kong sabihin sa kanya pero hindi pwede baka paalisin niya ako bigla.   "Sir may asawa kana wag ka nang lumandi," saway ko at humagikgik ng tawa.   "Cause you seducing me."   "Pupuntahan ko na si Oddy. Goodnight Sir." Binalewala ko nalang ang sinabi niya at mabilis na lumakad palabas ng kusina.   "Lottie!" pahabol na tawag niya kaya ako lalong nagmadaling humakbang.   Magkakaroon pa ako ng kasalanan sa jowa ko. Sayang lang gwapo ka pa naman Sir. -----------------   "Oddy nasan ang remote ng TV niyo?"   "Here?" sabay abot sa akin ng remote ng TV   "Tamang tama malapit na ang Halik inaabangan ko talaga ang s*x video ni Jade at Ace"   "Yaya PIG ang ingay mo!".   Nilibot ko ang tingin sa kwarto ni Oddy ngayon ko lang napansin na napakaganda ng kwarto niya at talagang masasabing sa kanya ito. "Infairness Oddy ang ganda ng kwarto mo, alam mo ang swerte mo dahil meron kang ganitong kwarto nung bata kasi ako wala akong kwarto."   "Saan ka natutulog sa kulungan yaya pig?" Hindi na talaga natigil ang bibig niya.   "Katabi ko ang mga magulang ko pag natutulog."   "Yaya quiet kana!"   "Sorry naman, masama bang magkwento." Pagpindot ko ng remote ay saktong nanginig ang katawan ko kaya nabitawan ko iyon.   "Hahaha!" Isang malakas na tawa ang narinig ko kay Oddy dahilan para lingunin ko siya umiling iling pa ako dahil bigla akong nahilo. Saka sinamaan ng tingin si Oddy. Umuusok na yata ang ilong at tenga ko sa batang ito.   Ano namang kalokohan ang ginawa ng batang ito Grr!   "Oddy malapit ng mapuno ang salop!" Naiinis na sabi ko sakto namang nag ring ang telepono kaya pinuntahan ko agad iyon na katabi ng lampshade kung saan katabi ng kama ni oddy.   "Hello?" sagot ko.   "Give it to Oddy!" naiinis na sambit ni Aeolus sa kabilang linya.   "Daddy mo daw," sabay abot ko ng telepono kay Oddy na nasa kama. Kinuha niya agad iyon at sinagot ang tawag.   "Lahat ng electric shock device na meron ka ibigay mo sa akin!" Rinig na ringi ko ang sigaw ng ama niya.   Buti nga sigaw lang ang ginagawa sa kanya ng daddy niya kung si Papang yan latay na ang puwet niya.   "I have two device Dad, yung isa ay nasa iyo na, yung isa ay nasa remote," pabalang na sagot niya.   "Give that to your yaya."   "I give it to her, she held it a while ago," sabay hagikgik ni Oddy dahilan para magsalubong na ang kilay ko.   "Then go now to sleep!"   "Whatever!" sabay baba ni Oddy ng telepono.   "Magsleep kana Oddy."   "Yoursuch a loser yaya pig!"   "Hehehe, pasalamat ka at malaki ang sahod ko dahil kung hindi kanina pa ako umalis" malambing na sabi ko siya naman ang umismid lang.   Inayos ko na ang unan niya kaya nahiga na rin siya pagkatapos ay kiinumutan ko naman siya. Kinuha ko ulit ang remote.   "Ay! ah-ah-ah!"Nanginig na naman ako, nakalimutan kong may device pa pala iyon.   "Hahahah! Yaya pig!" natatawang sambit ni Oddy habang nakatingin sa akin. Ako naman ay panay ang batok sa ulo at pag-iling mukang magkakasakit yata ako sa utak dahil sa kalokohan ng biik na ito.   "Tama na ang tawa matulog na tayo," saway ko at dahan-dahan dinampot ang remote at tinanggal ang scotch tape kung saan nakadikit ang device tapos ay nagpunta ako ng banyo at tinapon iyon sa inidoro. Ewan ko na lang kung makuha pa niya ang device na iyon.   "What did you do?"   "I flush it sa inidoro. You want to get it? Go! Get it!" pang-aasar ko makabawi man lang.    Pakdulun kita kar-un! Pisting yawa. Nagmura na lang ako sa isip ko, wala naman akong choice.   "Yuck iw!"  Hindi na ako nagsalita sa halip ay tumabi na lang ako sa kanya sa paghiga.   "Yaya pig hindi ka dito matutulog."   "Ano ka?! Hello? Sabi ng daddy mo tatabihan daw kita sa pagtulog, dito ako matutulog." Magrereklamo pa siya eh nakalagay kaya yun sa kontrata ko.   "I know na dito ka matutulog what I mean is hindi ka dito sa bed ko, yaya hindi tayo kasya ang taba mo!"   "Tsk. Bakit ikaw? Hindi mataba?" tanong ko, siya naman ay nagsalubong agad ang kilay.   "Yaya pig! Mataba!" Sumigaw na siya kaya ako umalis na lang sa kama niya.   "San ako hihiga aber?!" sabay pameywang ko sa kanya.   "See that," sabay turo niya sa kutson na katabi ng malaking cabinet.   "Ah okay, hindi na masama," sabay lakad ko para kunin ang kutson pagkatapos ay inayos ko iyon at itinabi sa kama ni Oddy.   "Unan ko?"   "Here!" at ibinato sa mukha ko ang unan. Nakakagigil talaga siya, napaka sadista ng batang ito. Napabuntong hinga na lang ako at binalewala ang ginawa niya.   ANG HALIK MO. NAMIMIS KO. ANG HALIK MO. NAMIMIS KO.     Saktong pagbukas ko ng TV ay yun agad ang bungad na palabas.   "Ayan na, lagot ka ngayon Jade katapusan na nang mga kalandian mo!" gigil na sambit ko habang nanunuod.   "Yaya quiet, I'm sleeping!"   "Tseh! Sleeping eh gising ka pa nga hawak mo pa yang tablet oh," binulong ko na lang. "Ouch!" Bigla akong napahawak sa ulo dahil binato niya ako nga matigas na bagay dahilan para lingunin ko siya.   "Yaya pig quiet!" naniningkit na mata at tumutulis na nguso ang nakita kong itsura niya. Siya pa talagang may ganang magalit.   "Anong binato mo baby Oddy? Hehehe" pigil na pigil ang inis ko habang nakatitig sa kanya.   "That!" sabay turo niya sa tabi ko.   "Bato? San ka nakakuha ng bato?"   "Whatever! You're such a loser!" singhal niya sabay talukbong ng kama.   Sagad sa buto ang pagkamaldito ng batang ito. Akmang ibabato ko sa kanya yung bato hindi ko na tinuloy inisip ko na lang na two hundred thousand ang presyo ng biik na ito. Nanuod na lang ako ng tv, ilang saglit pa ay narinig ko na lang si oddy na humihilik. Nakakabingi pala ang hilik niya na kala mo malaking tao ang natutulog.   "Okay lang, sanay na ako sa hilik dahil ako mismo malakas din humilik."  ________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD