MAMB C-2

3870 Words
Pagbaba ng sasakyan ay halos malula ako sa ganda at laki ng mansyon na nasa harap ko. Hindi nalalayo ang itsura nito sa apat na mansyon kung saan ako galing.   "Sino kaya ang nakatira dito? Napakayayamanin niya para magkaroon ng ganito kalaking balay. Perti ba ka nami at ka bahul." Umiral na naman ang pagka bisaya ko. Nilingon ko yung bodyguard at sumimpleng bumaba ng tingin sa bandang bewang niya saka bumulong ng "Perti ka bahul."   "Ma'am tara na po, ako na pong magdadala ng maleta mo." Hindi siya nakatingin sa mukha ko kundi sa puwet ng dyoga ko. Normal na sa akin tignan ako ng ganoon dahil eto lang ang maipagmamalaki ko bukod sa bilbil na meron ako.   Pucha! Pakialam ba nila na dabyana ako!. Makikilala ko ang bago kong amo kaya dapat lang maganda at nakapustura ako.   "Ay! Gusto ko yan!" Hinatak ko muna laylayan ng palda ko bago humakbang. Excited ako na makita ang bago kong amo at yung batang aalagaan ko. Naunang lumakad ang bodyguard papasok sa malaking pinto ng mansyon. Nakahawi lang ng kaunti ang pinto kaya hindi ko pa makita ang loob.   Pagpasok namin ay namilog yung mata ko sa ganda ng sala. May hagdan ito papuntang second floor kung saan may berenda. Maaliwalas tignan ang bahay dahil sa dirty white na kulay nito. Malinis din ito na ikaw pa mismo ang mahihiya dahil magmumuka kang dumi.   Nilibot ko ang tingin habang nakasunod kay bodyguard, dumiretso kami sa kaliwang bahagi na tingin ko ay iyon ang sala. "Dito na po Ma'am at yung maleta mo ma'am ilalagay ko na lang sa sala," sabat ulit nito. Napatingin ako sa malaking pinto kung saan kami huminto. Nasa kaliwang bahagi ito hindi din ito pansinin dahil kakulay nito ang pader.   "Ah okay," patangong sagot ko. Sakto namang may nag-ring at kaagad na kinuha ng bodyguard ang cellphone na nasa bulsa niya. "Master, opo," sagot nito at pinutol na ang tawag. Tahimik lang akong nakitingin sa bodyguard, bigla nalang akong kinabahan, ewan ko ba parang may presenya ang silid na ito na pamilyar sa akin.   Pagbukas ng bodyguard ng pinto ay pinauna niya muna akong pumasok saka siya sumunod.May kalakihan ang silid.. Hindi nga ako nagkamali dahil muka itong opisina. May malaking mesa at may swivel chair. Nasa tapat ito ng bintana kaya kahit hindi bukas ang ilaw ay maliwanag ang paligid. May dalawang laptop na nasa mesa at may papel na sa tingin ko ay mga papeles. May sofa din na mahaba at may malaking cabinet malapit doon. May upuan din na mukang tumba tumba. Lahat ng gamit na nandoon ay halatang mamahalin na kung ibebenta siguro mababa na ang 50,000.00. Pati ang malaking TV na nasa pader ay mamahalin. Nakatapat ito sa mesa at swivel chair.   "Gaano kaya kakapal ang wallet ng amo ko," Hindi ko na naman napigil ang bibig ko. Napapaisip tuloy ako kung sino ang magiging amo ko.   "Welcome." Isang pamilyar na boses ang narinig ko dahilan para lingunin ko ang nagsalita. Lumabas siya sa isang pinto na tabi ng cabinet. Hindi ko napansin yung pinto dahil kakulay din ito ng pader.   Napanganga na lang ako ng makita ko ang mukha niya. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, sinampal ko din ang sarili ko baka hindi siya ang nakikita ko pero hindi... Totoo talaga siya.. Si Aeolus m******s ang nakikita ko at hindi ako maaaring magkamali.   "Aeolus m******s?!--ibig kong sabihin ikaw?!" Tumingin lang siya sa akin at binalewala ang sinabi ko. Nilingon nito ang bodyguard at sumenyas na pwede nang lumabas. Paglabas ng tauhan niya ay lumakad naman siya papunta sa sa swivel chair at umupo.   "Well nice to see you again. Maria Lolita Y Perez," nakangising sambit niya.   Talagang binuo niya ang pangalan ko. Hindi ako sumagot bagkus ay tinignan ko lang siya. Pigil na pigil ang reaksyon ko dahil sa pag-iisip na siya ang bago kong amo.   Lottie Two Hundred Thousand yang nasa harap mo kaya magpakabait ka! Kinakausap ko na ang sarili ko para kumalma.   "Ah Sir ikaw ba ang bago kong amo?"  Tumango tango siya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Nakakailang ang tingin niya dahil para niya akong hinuhubaran. "Didiretsahin na kita tutal yun naman ang pinunta mo dito." Nakakainis yung labi niya habang ngumingisi para niya akong inaasar.   Kumalma ka Lottie alalahanin mo Two Hundred Thousand yang mokong na nasa harap mo.  Ayaw kong magpaakpekto sa kanya kaya hinawi ko ang buhok papuntang likod at bahagyang hinatak ang laylayan ng skirt ko. Medyo tumataas dahil sa mala pata kong hita.Tinignan ko siya ng nakataas ang kilay sabay hinga ng malalim kaya lalong lumabas ang hiwa ng dyoga ko.   "Sir Ikaw ba ang bago kong amo? Tama ba?"   "Yeah." Para siyang umungol habang nakatingin sa akin. Pisti pinag papantasyahan na siguro ako ng manyak na ito.   "So, nasan na ang batang aalagaan ko?" "Nagmamadali kaba? Wag naman, sayang yang suot mong red tube pencil dress, you look stunning."   "Talaga sir? Syempre ako pa, sexy ko kaya," pagmamalaki ko.   "You know while looking at you I feel I'm hungry."   "Bakit? Nagugutom kaba sa akin?" Kung nilalandi man ako ng lokong ito aba hindi ako magpapatalo.   "Yeah, muka ka kasing jumbo hotdog sa suot mo," aniya at bahagya siyang tumawa.   "Bwisit ka." Binulong ko na lang mahirap na baka mawala ang Two hundred thousand. "Sir nakakatawa ka talaga, hehehe, gusto mo bigwasan kita?" biro ko pero ang totoo talagang bibigwasan ko ang singkit na ito.   Sa inis ko umupo na lang ako sa sofa at sumandal. Sinamaan ko siya ng tingin kaya huminto na siya sa pagtawa. May kinuha siyang papel sa mesa niya pagkatapos ay lumapit sa akin at iniabot iyon.   "Here's your contract, basahin mo muna."  Kinuha ko agad at binasa. Nagtataka ako dahil mukang hindi naman kontrata ang binigay niya parang kondisyon o rules. Nilingon ko siya ngumiti siya na tila ba kailangan ko ng pirmahan ang kontrata.   "Eh, Sir hindi naman ito kontrata, rules mo yata ito," malumanay pero madiin ang pagkakasabi ko.   "Contract yan, inisa-isa ko lang para malinaw sayo Ms. Maria Lolita."   Parang lalo akong nainis, ayaw na ayaw kong tinatawag ako sa tunay kong pangalan hindi ako komportable. Napaismid na lang ako habang nakatingin sa kanya.   "I think you don't get it. Sige I'll explain it to you." Nagpamulsa siya sa harap ko at bumuntong hininga. "As you can see five rules ang nandyan. Unang Rule."   1. Bawal ang peanut kay Oddy.   "Mahigpit kong pinagbabawal ang pagkain ng peanut lalo na sa loob ng aking bahay o pagkasama mo si Oddy."   2. Help Oddy on his Diet.   "He's on a diet kaya bawal sa kanya ang pagkain ng marami, as much as possible tulungan mo din siyang mag-exercise."   "Diet? Nagpapatawa ka ba sir? Ako nga hindi makapag diet-----"   "Shut up! patapusin mo muna ako Ms. Maria Lolita!"   "K," walang ganang sagot ko.   3. Don't leave Oddy at night.   "Sa kwarto ka ni Oddy matutulog tuwing gabi. May sarili kang kwarto pero pag gabi sa kwarto ka ni Oddy."   4. Don't go outside without my consent lalo na pag kasama mo si Oddy.   "Ano ako preso?!"   "Ms. Maria Lolita tumahimik ka muna!"   "K, Sir," pagtataray ko sabay taas ng kilay   5. Help me when some strangers find me.   "Is that clear Ms. Maria Lolita?"   "Malinaw pero malabo."   "Magtanong kana kung anong malabo?" Marunong din siyang mambuska.  Inismiran ko siya saka nagsalita ulit. "Sir, Oddy po ba ang pangalan ng bata? Anak mo ba siya?"   "Yes, his my son, tatawagin ko siya after you sign that contract," sagot niya sabay turo ng papel na hawak ko.   "Ahh kala ko single ka pa." "Why? are you disappointed?" sarkastikong tanong niya kaya napataas na naman ang isa kong kilay. "Hindi naman, sabagay sa laki mong yan talagang magkakaanak ka," prangkang sagot ko dahilan para tumawa ulit siya. "Malaki?!" natatawang tanong niya. "Oo dako!" Umiling-iling siya alam kong hindi niya naiintidihan ang sinabi ko. Kala mong singkit ka. "Sign that contract kung wala ka nang tanong." Umiling din ako, kahit gusto kong pirmahan na ang kontrata syempre kailangan ko munang magpakipot. "Sir ilang taon na si Oddy? Baka naman malaki na yan hindi na alagain."   "He's five years old, oo nga pala he will start his schooling next week so kailangan mo siyang bantayan kahit nasa school siya." "Wala namang problema don Sir, at yung sinasabi mong diet, hindi ako marunong magdiet sapalagay mo matutulungan ko si Oddy?" "Well, that's your problem, ang importante mabawasan ang timbang niya." "Siya ba ang batang nakita ko kahapon na kasama mo?" "Yes, katulad mo siya mataba din, I'm sure na magkakasundo kayo ng anak ko." "Alam kong mataba ako wag ka nang paulit-ulit, Ser," madiing sabi ko.   "Okay," aniya sabay ngiti niya. "Yung panghuli na sinabi mo, hindi ko ma-gets. Hindi naman related iyon kay Oddy." "Yes, tulungan mo ako if someone finds me here. It's hard to explain malalaman mo yan pag nanagyari na." "Ambot ah! Teka may day-off din ako diba?" "Yes, magdi-day off ka if I'm not busy."   "Ha?!" Ayaw niya pa akong diretsuhin eh muka namang awala akong day-off. Paano yan baka magalit sa akin si Mark. "Ms. Lolita meron kang day off don't worry. Hindi ko lang alam kung kelan." Wala akong naisip na sabihin dahil lumaki na ang butas ng ilong ko at panay hinga ko ng malalim. Lottie two hundred thousand yan! Utang na loob pirmahan mo na. Ano pa ba nga eh gusto ko din ito. Kinuha ko ang ballpen sa kanya at pinirmahan ang kontrata. "Oh ayan na Sir." "Good, Ms. Lolita," sagot niya at kinuha agad ang kontrata. "Oddy come here," tawag niya habang nakatingin sa pinto na nakaawang kung saan siya lumabas kanina. Lumabas doon ang isang batang may katabaan na sa tingin ko ay mas mataba pa sa akin. Lumapit siya sa akin at nilahad ang kamay para makipag shake hands. Kamukhang kamukha siya ng daddy niya mashuba version nga lang siya. "Aba mabait pala itong Anak mo Sir." Ngumiti lang si Aeolus at nagpalipat-lipat ng tingin sa amin ni Oddy.   "Hello ako si Lottie. Ako ang yaya mo, ang mag-aalaga sayo," pakilala ko at nakipag shake hands sa kanya. Bigla akong nanginig na parang kinuryente kaya napabitaw ako sa kamay niya. "Oddy!" saway ng daddy niya habang ako nag-umpisa nang tumirik ang mata, kuryente talaga ang naramdaman ko.   "Are you okay?" tanong ni Aeolus. Kumurap kurap ako at umiling iling, pinukpok ko pa ang ulo ko dahil parang umabot sa ulo ko ang nginig. Nakakahiya dahil nasira ang magandang pagkakaupo ko at napabukaka dahilan para lalong tumaas ang skirt ko. "Ah--ah ehhh---tingin mo okay ako?!" naiinis na sagot ko sabay ayos ng upo at baba ng skirt ko. "Oddy! Give it to me!" napalakas na ang boses ni Aeolus kaya si Oddy binulsa agad ang dalawa niyang kamay. "Dad don't shout! Magkatabi lang tayo!" Grabe itong batang ito, wala nang galang sa Daddy niya, kaya siguro 200,000.00 ang sahod ko dahil matigas ang ulo niya at tingin ko madami siyang kalokohan na gagawin. Hindi siya uubra sa akin, daddy nga niya hindi umubra, siya pa kayang bata lang. Makulit na patabaing biik! Gusto kong isigaw sa kanya pero sa isip ko na lang syempre mahalaga pa rin ang 200,000.00. "Give it to me!" sumigaw na ang daddy niya kaya napilitan siyang ibigay ang hawak niya. "What the hell?! Kelan ka nagkaroon ng ganito?! Electric shock device?!" pasigaw na tanong nito nang makita ang maliit na bagay na kulay itim. Kaya pala di ko napansin sa kamay niya kanina dahil sobrang ulit ng device. "I order it, I have your credit card Dad," pabalang na sagot niya at umupo sa tumba tumbang upuan na malapit sa sofa. Inuga uga niya yun pero hindi gumalaw mabigat kasi siya kaya ako natawa na lang habang pinagmamasdan siya. "Don't laugh! Pig!" singhal niya dahilan para tumigil ako sa pagtawa. "At kelan ka pa nagkaroon ng credit card ko? Kelan ka natutong umorder?" "So many question, pass," ismid niya sa daddy niya at nagkrus ng balikat. Palingon-lingon lang ako sa mag-ama. Tumahimik na lang ako mahirap na baka masali pa ako sa away nila. Di ko pa rin makalimutan ang ginawa ng batang ito kanina, bumabakat na ang ugat sa sintido ko pag tinitignan ko siya. "Okay," sambit ni Aeolus sabay buntong hininga. "You have to behave Oddy, this is your new nanny," saad ulit niya at bumaling naman ng tingin sa akin. "Ms. Lolita-----" "Lottie na lang Sir, para naman wala tayong pinagsamahan." Suki ka na nga ng puwet ko. "Okay Lottie, ang kwarto mo ay katabi ng kwarto ni Oddy," sagot niya at tumingin naman kay Oddy. "Oddy samahan mo siya kung nasan ang kwarto niya," aniya ulit. Hindi sumagot si Oddy sa halip ay bumaba na lang siya ng tumba tumba at lumakad papuntang pinto. Tumayo na din ako at inayos ang damit ko. Bago ako humakbang ay hinawakan ni Singkit ang braso ko. Lumapit siya ng kaunti na tila may ibubulong. "He's a bully, I hope habaan mo ang pasensya sa batang yan." "Gaano kahaba? Katulad ba niyang ano mo?" biro ko at ngumisi. "That's what I like about you," he said with a smirked smile. "Well kung ikaw nga sir hindi umubra sa akin yan pa kayang makulit na yan. Hindi nalalayo ang ugali niya sa ugali mo," prangkang sagot ko. Lottie amo mo yan! Saway ng isip ko kaya iniwas ko na lang ang tingin sa kanya at tumingin kay Oddy.   "Don't flirt with my Dad, I tell you di ka niya seseryosohin," sabat ni Oddy. Nakamasid pala siya sa amin ng daddy niya. Bwisit! mag-ama nga kayo! Hindi ko maiboses dahil nasa tabi ko ang bago kong amo. "Lets go pig," saad ulit ni Oddy at binuksan na ang pinto saka lumabas. Paglabas niya ay biglang palo ni Aeolus ng pwet ko kaya napasigaw ako bigla. "Ay! Ano ba?!" sabay lingon sa kanya. "I miss your butt!" aniya at ngumiti ng malisyoso. Pisting yawa! Nagmura nalang ako sa isip ko. "Ikaw din na miss ko," sagot ko sabay dakot sa harap niya. Syempre hindi ko tinuloy kahit gustong gusto ko baka bigla niya akong paalisin. Napataas ang isang kilay niya at ngumisi na para bang gusto niya ang ginawa ko.  Potah wag mo akong pakitaan nang pagiging manyak mo, talagang susunggaban kita. Lalo na't  gwapo ka at ubod ng macho hindi talaga kita hihindian,  ika ko sa isip. "I like what you did," sagot niyang nakangisi. "Yaya pig let's go!" sigaw ni Oddy nasa labas ng Pinto.   "Eto na, lalabas na," sagot ko pero nakatingin pa rin sa daddy niya. Hindi ako magpapasindak sa singkit na ito kaya ginawa ko, ngumiti ako at inayos ang kwelyo ng damit niya sabay hatak palapit sa akin. Ngumiti siya na tila ba gusto pang ilapit ang mukha niya sa mukha ko. "Mataba man ako sa iyong paningin tandaan mo, Ako'y may biyak pa din!" sambit ko sabay bitaw ng kwelyo niya at lumabas ng pinto. "Exactly!" pahabol na sambit niya habang nakatingin sa amin ni Oddy. Isang ngiti ang sumilay sa labi niya na tingin ko ay ngiti ng m******s. Binelatan ko na lang siya sabay taas ng kamao ko.  _________________   Pagkatok ko sa pinto ng kwarto ni lottie ay agad naman niyang binuksan iyon. "Can I come in?" "Sige Sir wag kang mahiya bahay mo naman ito," aniya at hinawi ang pinto. "Upo ka sir," saad ulit niya kaya naupo ako sa upuan na malapit sa kanya.   "Where's Oddy?" "Nandon siya sa kwarto. Ayaw niya akong kausapin puro video games ang inaatupag niya." Hindi niya ako nilingon dahil abala siya sa pagtutupi ng mga damit niya.   "Teka Sir, bakit ka pala nandito?" tumayo siya sabay buhat ng mga damit niya papunta sa cabinet.   "I forgot to give this, copy of your contract," sagot ko at pinakita sa kanya ang kapirasong papel.   "Ah yan bah, sige Sir pakilapag mo na lang dyan sa kama." Pagkatapos niyang ilagay ang mga damit ay inayos naman niya ang mga gamit niya doon naman sa tokador.   "If you need something magsabi ka lang."   Nilingon na niya ako at ngumiti ng pagkatamis tamis. "Talaga Sir? Paano kung kailangan ko nang dilig," aniyang may kasamang hagikgik.   "Dilig?" I asked. She's using some words that I cant understand.   "Sabi mo Sir kung may kailangan ako magsabi lang ako sayo."   "Yes."   "Eh paano kung kailangan ko ng dilig? Hello?! Dalawang linggo na akong walang dilig. Tigang na tigang na kaya ako," nagpameywang na siya. Kahit loose t-shirt at denim short lang ang suot niya ay hubog na hubog pa rin ang katawan niya.   Mukang naintindihan ko na ang gusto niyang sabihin but I pretend that I didn't know it. "Gusto mong magdilig ng halaman? Pwede naman tutal hapon na din."   "Magdilig? Sir hindi mo ko naintindihan, grabe ka, bolero ka pero wala ka yatang alam sa lingguahe namin," may pagmamalaki niyang sabi.   "Language?"   "Oo sir. Kaming mahihirap may mga salita kaming ginagamit na hindi niyo ginagamit sabagay mayaman ka kaya hindi mo talaga ako maiintindihan."   "Whatever, ikaw naman parang armalite yang bibig mo walang tigil."   "Ambot ah, pero sir gusto mo ba akong diligan?"   Napangisi ako bigla dahil  bukod sa walang preno ang bibig niya ay napaka liberated niya din magsalita. "No I'm not your boyfriend to do that."   "Ikaw naman Sir hindi kana mabiro, kahit ganito ako ka bulgar, hindi po ako pumapatol sa may asawa," aniya at tumawa.   "Don't ever joke me like that, dahil sa susunod na sabihin mo yan sa akin. I swear I will do it, dito mismo sa kwarto mo."   "Talaga Sir? Gusto ko yan!" sagot niya na tila nanghahamon pa.   Umiling na lang ako at tumayo para lumabas, pero siya namang lapit sa akin at hawak sa braso ko.   "Sir marami pa akong itatanong dito ka muna."  Nagbuntong hininga na lang ako at bumalik sa pag-upo. "Ano bang itatanong mo?" Umupo siya sa kama at humarap sa akin.   "Syempre bago ako magtanong mag papa-salamat muna ako."   "Salamat? Why?"   "Thank you dahil ang laki ng sahod ko, saka ang ganda ng kwarto ko hehehe."   "It just a small thing," biro ko at ngumiti.   "Naku Sir simpleng mayabang ka rin eh." Bigla siyang tumawa dahilan para tumawa din ako.   "Anyway, ano bang itatanong mo?"   "Sir nasan ang mommy ni Oddy? Nagtatrabaho ba siya?" prangkang tanong niya.   "You can asked anything but never asked about her." Napaseryoso ang tingin ko dahilan para magtaka siya habang nakatingin sa akin.   "Sir bakit?, wala ba siya dit------"   "Ms. Maria Lolita I'll go now." Akmang tatayo na ako ay siya namang hatak niya ng kamay ko kaya napaupo ulit ako.   "Ang bilis mo naman magalit, oo na hindi na ako magtatanong tungkol sa mommy niya." Umupo siya ulit sa kama at bumalik ng tingin sa akin.   "Sir may uniporme ba ako?"   "Gusto mo bang mag-uniporme?"   "Hindi naman sa ganoon, syempre ikaw na ang bago kong amo malay ko ba."   "No, you don't have to wear a uniform but wear a proper attire yung hindi ka magmumukhang hotdog."   Biglang napataas ang kilay niya. "Sir biro ba yan o insulto?"   "Anyway you need to wear a proper clothes na hindi ka mababastos." Sa totoo lang ayaw ko ang suot niyang red dress kanina dahil konting galaw niya lang parang luluwa na ang dibdib niya.   "Anong gusto mong suotin ko? Eh halos lahat ng damit ko ay ganoon."   "I buy clothes for you, ayaw kong mamulat si Oddy ng kamunduhan lalo pa at five years old pa lang siya." Biglang nagsalubong ang kilay niya alam kong naiinis na siya pinipigilan niya lang. Nagbuntong hininga siya at pinilit na ngumiti.   "Oo nga mahirap na baka lumaki siyang katulad mo, mahilig."   "Mahilig?"   "Mahilig magbarena."  Bigla akong tumawa, ibang klase ang bibig ng babaeng ito. "Your such a mean," natatawang sagot ko.   "Maiba nga tayo Sir, may katulong ka ba dito? Wala pa kasi akong nakikitang maid. Tayong tatlo lang at mga body guard ang nakita ko simula nang dumating ako kanina."   "Yeah tayo lang."   "Ibig sabihin bukod sa pag-aalaga sa anak mo ay tagalinis din ako dito? Aba maawa ka naman sir. Hindi porket malaki ako------"   "May mga maid na pumupunta rito. I hired a cleaning services. They clean this house twice a week. Di ako katulad ng pinsan ko na kinukulong ang mga maid sa isang bahay."   "Ahhhh."   "Anyway its almost six in the evening," sambit ko habang nakatingin sa relo na nasa wrist ko.   "Oo nga medyo nagugutom na rin ako. Sino pala magluluto ng hapunan natin? Ayaw ko nang inorder mo kaninang tanghalian ang pangit nang lasa."   "What?! Hindi ka lang sanay kumain ng korean food."   "Yun ba ang lagi niyong kinakain ni Oddy?"   "Yeah, pero hindi palagi."   "Ikaw Sir nagluluto ng pagkain niyo?"   "Hindi, kung marunong kang magluto mas mabuti."   "So ibig sabihin Sir hindi ka marunong magluto?"   "Do I need to learn how to cook? Ms. Maria Lolita I don't have time to do that, anyway kung alam mo magluto mas mabuti."   "Pwede rin. Tama! Ako na lang magluluto baka magustuhan ni Oddy ang luto ko, malay mo maging mabait siya sa akin wag lang sayo," aniya at bahagyang tumawa.   Biglang bumukas ang pinto at lumabas doon si Oddy. "Yaya pig tama na ang flirt nagugutom na ako."   Hindi ko maiwasang ngumiti dahil yaya pig ang bansag niya kay Lottie.   "Baby pig what do you want to eat? You want pork?" Gumanti din siya ng asar. Napailing na lang ako habang nakikinig sa kanila.   "Baby pig your face! Fat!" asar niya kay lottie at tumingin naman sa akin.   "What's for dinner dad?"   "Your yaya will cook for us." Tumayo na ako at lumapit sa pinto kung saan nakatayo si Oddy.   "Really?! good."   "Yes baby, you should behave para sarapan ko ang luto," ngiting sagot nito at tumayo na din sa pagkakaupo.   "Okay, make sure yaya walang cholesterol it's bad for me," sagot ni Oddy dahilan para humagikgik ako ng tawa.   Lumapit sa akin si Lottie at bumulong sa tenga ko. "Wag kang tumawa kung ayaw mong izipper ko yang bibig mo."   "Yaya pig stop seducing my dad. Hindi ka niya type. Baboy ka kaya."   "Naku bata ka, halika nga dito ang cute cute mo talaga, sa sobrang cute mo sarap mong gawing tocino. Young Pork tocino." Malambing ang tinig niya pero halata kong inis na inis na siya.   "Oddy samahan mo siya sa kitchen," sabat ko at nilingon naman si Lottie.   "Ikaw na bahala kung anong lulutuin, or tanungin mo si Oddy kung anong gusto niya. Nasa kitchen lahat ng kailangan mo kung wala you can call me may telephone na din dun."   "Sige Sir, hayaan mo sasarapan ko ang pagluto," sagot niya at lumabas na nang pinto kasunod si Oddy. Paglabas ko ay lumapit ulit siya sa akin.   "Sasarapan ko ang ulam kasing sarap ko na pag natikman mo makakalimutan mo ang pangalan mo," bulong niya saktong nilingon kame ni Oddy kaya siya mabilis na lumapit sa anak ko.   Umiling iling na lang ako habang nakatingin sa kanila papuntang kusina. "Lottie the liberated, sa lahat ng babaeng nakilala ko ay kaya kong magpaka gentleman pero pag sa kanya ay iba it turns out opposite," natatawang sabi ko saka lumakad pabalik ng opisina ko. ---------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD