Kyle Alexander D'mittri

5000 Words
Xander's POV Nang lumapag na ang eroplano sa lupa at pwede nang lumabas ay agad kong isinuot ko ang aking jacket at sunglasses bago lumabas. Nang makatapak ang paa ko sa lupa ay bumalik sa aking isipan ang isang ala ala na kasama ko pa ang aking pamilya. Flashback Naglalaro ako sa labas ng makaramdam ako ng gutom kaya na isipan kong pumasok sa kusina para kumuha ng pagkain. Nang maka pasok ako sa loob at nakita ko si mymy na kumakain ng ice cream, agad akong natakam at lumapit sa kaniya. " Mymy! Gusto ko ice cream " - nakangiting sabi ko kay mymy. Bigla niyang pinisil ang ilong ko " No Xander. Kumain ka na nito kanina. Baka sumakit na naman yang ngipin mo " - saway sa akin ni mymy at nag patuloy sa pagkain. Dahil sa kagustuhan kong kumain ng ice cream ay umiyak ako ng malakas dahilan para pumunta si dydy sa kusina " Anong nangyari? " - sabi ni dydy at kinarga niya ako. Umiyak ako sa kaniyang bisig at pinapatahan niya ako " Yang anak mo Bullet! Ang tigas nang ulo! Gusto na namang kumain ng ice cream eh kumain na yan kanina. Baka sumakit na naman ang ngipin niyan! " - sumbong ni mymy kay dydy. Agad naman akong tinignan ni dydy at pinagsabihan din na wag daw ako kumain ng ice cream kaya ginawa ko ang pinag babawal na teknik. Nag puppy eyes ako kay dydy. Nakita ko kasi sa isang movie na nag puppy eyes yung bida sa kaniyang magulang at pinag bigyan nga siya ng mga ito kaya sinubukan ko ngayon kay dydy " Mahal, aalis muna kami ni Xander ah? Mag lalaro lang kami sa labas! " - paalam ni dydy kay mymy at binulungan ako na bibili raw kami ng ice cream kaya napa hagikgik ako " Sige Bullet! Spoil mo pa yang batang yan! Kapag talaga sumakit ngipin niyan, lagot talaga kayong dalawa sa akin! " - banta ni mymy pero lumabas pa rin kami ni dydy. Sumakay kaming dalawa ni dydy sa car niya tapos pumunta kami sa isang store. Pina pili niya ako ng isang ice cream tapos binayaran niya. Nang ibigay na niya sa akin ang pagkain ko ay napa talon ako sa tuwa " Yehey! Thank you dydy! " - pagpapa salamat ko kay dydy at nag simula nang kumain Nang mag gabi ay sumakit nga ang ngipin ko dahil na sobrahan ako sa matatamis. Pa sekreto kong tinawag si dydy at sinabing masakit ngipin ko. Bigla naman siyang kinabahan at nag isip ng gagawin " Naku! Lagot talaga tayo nito sa mymy mo! " - binuhat niya ako at akmang lalakad na siya paalis nang biglang dumating si mymy. Hala! Lagot talaga kami ni dydy nito! " Oh? Saan kayo pupuntang dalawa? Mag hahapunan na ah? " - sabi ni mymy at nilapag ang mga pinamili niyang ingredients para sa lulutuin niya mamaya " Eh kasi mahal " - panimula ni dydy at halatang kinakabahan " Ano? " - sabi ni mymy at tinignan niya kami ng nakakatakot. Huhu mymy no " Eh kasi mahal ... Sumasakit ngipin ni Xander ..." - na uutal na sabi ni dydy at nginitian si mymy. Napa sapo naman sa kaniyang noo si mymy at lumapit sa amin ni dydy " Araaayy!! " - napa sigaw kami ni dydy nang bigla kaming kinurot ni mymy. Huhu ang shakit " Yan kasi! Ang titigas kasi ng ulo niyong mag ama! Sinabihan nang wag nang ipa kain ng ice cream tong bata eh! Naku Bullet wag kang matutulog sa kwarto ngayon at na iinis ako sayo! " - Inis na sabi ni mymy at kinuha ako kay dydy. Pina upo ako ni mymy sa kusina at pina kain muna ng kanin at gulay. " Mahal sorry na, nakaka awa yung bata kanina " - sabi ni dydy " Mas nakaka awa yung bata kapag nahihirapan siya dahil sa sakit. Wag mo nga akong kausapin Bullet! " - sabi ni mymy at kumuha siya ng gamot sa refrigerator namin. Sunod ng sunod si dydy kay mymy. Huhu kasalanan ko to Nang matapos na akong kumain ay pina inom sa akin ni mymy ang gamot at kinarga niya ako pa akyat sa kwarto ko. Nilinisan niya muna ang katawan ko at binihisan bago niya ako pina higa sa kama ko. " I'm sorry mymy " - naiiyak na sabi ko kay mymy. Bigla siyang ngumiti at hinalikan ako sa ulo " Sa susunod sumunod ka na sa sasabihin ni mymy okay? Ayoko lang na masaktan ang baby ko kaya binabawalan kitang kumain ng ice cream " - sabi ni mymy at tumango naman ako. Kinantahan ako ni mymy hanggang sa naka tulog ako. Na idilat ko ang aking mga mata nang biglang may pumasok sa kwarto ko. Tinignan ko itong mabuti at nakita kong si dydy pala ito. " Baby? Pwede bang dito muna matulog si dydy? Monster mode kasi si mymy ngayon eh " - sabi ni dydy na may dala dalang unan. Napatawa naman ako at umusod sa kabilang parte ng kama. Tumabi naman sa akin si dydy at natulog na kaming dalawa End of Flashback Nabalik ako sa realidad ng tinawag ako ng sekretarya ni daddy " Xander may nakita akong isang apartment na pwede mong pansamantalang tuluyan sa ngayon " - sabi ni Peter at tumango naman ako Hindi ako pwedeng umuwi sa bahay namin nina mommy at daddy dati dahil may iba nang naka tira dito. Pagka tapos patayin ang aking pamilya ay may pumalit agad kay daddy bilang hari. Siya ay si Primo Maximo, isa siyang myembro ng council dati. Kinuha niya lahat ng aming ari arian at yaman. Hindi ako pwedeng basta basta nalang magpapa kilala sa aking sarili bilang tagapag mana ni Bullet D'mittri dahil paniguradong ipapa patay niya ako dahil matagal na niyang gustong pamunuan ang lahi ng mga bampira para sa kaniyang pansariling benepisyo Sinamahan ako ni Peter sa apartment na sinasabi niya. Sa loob nito ay may isang kaba, lamesa, upuan, at kabinet. Walang sariling palikuran ang nakuha niyang silid pero may pampublikong palikuran naman sa ibaba. Okay na sa akin ito , kesa naman wala diba? May kumatok sa pintuan kaya agad akong lumapit dito at sumilip sa peephole para tignan kung sino. Nang makita kong si Peter ay agad kong itong pinag buksan at pina pasok. May ibinigay siyang isang sobre, nang buksan ko ito ay nakita ko ang mga pekeng dokumento na pinagawa namin sa Europe bago kami umuwi dito. " Ang gagamitin mong pangalan ay Kyle Byzantine, isa kang mangkukulam. Marami ka namang alam na mga spells kaya hindi ka nila pag dududahan " - wika ni Peter. Habang nasa Europe ako ay hinanda ko ang aking sarili para sa misyon kong ito. Nag ensayo ako sa spells reading at combat. Nilinang ko ang kakayahan ko bilang kalahating bampira at mangkukulam para magamit ko ng buo ang aking kakayahan. Binigyan ako ni Peter ng isang bag na naglalaman ng pera. Napatingin agad ako sa kaniya " Gamitin mo ang perang yan para pang gastos mo sa iyong pangangailangan. Aalis na ako at maghahanap muna ako ng " - naka ngising wika niya. Napa ngiti naman ako nang makuha ang gusto niyang ipa hiwatig. Pagka alis niya ay agad kong sinarado ang pinto. Nilinisan ko muna ang aking silid bago ko inayos ng aking mga gamit. Habang abala ako sa pag titiklop ng iba kong damit ay nakita ko ang litrato naming tatlo nina mommy at daddy. Napangiti ako habang tinitignan ang mga mukha nila at niyakap ko ito Sa wakas ay ma ipaghihiganti ko na kayo. Magbabayad ang dapat na mag bayad Pagka tapos kong magpa enroll ay nilibot ko ang loob ng paaralan kung saan ako papasok bilang Kyle Byzantine at kinabisado ito para hindi ako maligaw at para malaman ang mga pasikot sikot dito. Sabi ni Peter ay dito rin daw nakapag tapos ang aking mga magulang. Habang naglalakad ako ay pinag titinginan ako ng mga nadada anan ko. Hindi ko nalang sila pinansin at hinanap ang cafeteria ng school. Pumunta ako sa cashier at umorder ng kakainin. Umupo ako sa isang tagong upuan, para hindi ako mapansin ng karamihan. Payapa akong kumakain ng biglang may umupo sa harap ko. Tinignan ko ito at isang babae ang bumungad sa harapan ko. Binalik ko nalang ang attention ko sa pagkain ko. Wala akong oras sa mga babae " Hi ! " - nakangiting wika niya sa akin. Hindi ko siya pinansin at tinuloy lang ang pag kain. Bigla niyang inilahad ang kamay niya " I'm Danea. What's your name? " - nakangiti niyang pagpapakilala sa sarili niya. Tinanggap ko ito at nagpa kilala rin sa aking sarili " Kyle " - maikli kong tugon sa kaniya at agad na binitawan ang kaniyang kamay. Ayoko sanang magpa kilala pero tinuruan ako nina mommy na wag maging bastos kapag may gustong makipag kilala " Bago ka lang dito ano? Ngayon lang kasi kita nakita " - nakangiti pa ring wika niya. Ang kulit naman ng babaeng to. Hindi ba niya maramdaman na ayaw ko siyang maka usap? " Oo " - sabi ko at tumayo na ako sa aking inuupuan at dinala ang pinag kainan ko. Tinapon ko muna ito sa basura bago ako lumabas sa cafeteria at uuwi na sana nang mapansin kong sinusundan ako nung babae. Hinarap ko siya at tina asan ng kilay " Anong kailangan mo? " - masungit na tanong ko sa kaniya " Wala. Dito rin ang daan ko pa uwi no! " - namumulang wika niya at naglakad na paalis. Hinintay ko munang mawala siya sa paningin ko bago ako umuwi sa aking apartment. Nang mag hating gabi na ay sinuot ko ang aking maskara at nag libot libot sa lugar. Gusto kog mag manman kung ano ang nangyayari dito kapag hating gabi. " Tulong! " - may narinig akong sigaw ng isang babae. Sinundan ko ito at nakarating ako sa isang liblib na lugar. Nagtago ako sa likod ng isang pader nang mapansin kong may hawak na baril ang lalakeng nasa harapan niya " Walang makaka rinig sayo dito! Kaya ibigay mo na ang pera mo bago kita barilin! " - pananakot ng lalake. Dahan dahan akong lumapit sa kanila at sinipa ang ulo ng lalake. Napa higa siya sa sahig at tumingin sa akin " Sino ka! Wag kang mange alam dito kundi isasama kita sa hukay niya! " - pagbabanta niya sa akin at akmang susugod na siya nang umilag ako sa atake niya at inagaw ko sa kaniya ang baril. Tinutok ko sa kaniya ang baril. Agad itong tumakbo ng mabilis. Hinayaan ko nalang ito at bumaling sa babae " Ligtas ka na po ma'am. Ihahatid po kita sa ma taong lugar para wala nang gagawa ng masama sa inyo po " - magalang kong saad sa kaniya at tumango naman ito " Salamat ng marami ijo. Ano nga palang pangalan mo? " - tanong ng babae sa akin. Hindi ko ito sinagot dahil wala akong ma isip na pangalan at baka masabi ko pa ang tunay kong pangalan. Nang ma ihatid ko siya sa lugar kung saan maraming tao ang nag lalakad ay umalis na agad ako bago paman may maka pansin sa akin. Nang maka uwi na ako ay nag bihis ako agad at natulog na. Pasukan na bukas at ayokong ma late. Binuksan ko ang cellphone ko at nag set ng alam para siguradong maaga akong magising. Nang tumunog na ang aking alarm ay agad akong nag bihis. Gumawa rin ako ng tinapay na nilagyan ko ito ng palaman. Mabilis ko itong tinapos at nag sipilyo na. Hindi na ako sumakay ng jeep dahil malapit lang naman ang apartment na ito sa paaralan Habang papasok ako sa paaralan ay nakuha ko agad ang attention ng karamihan. Hindi naman sa pagma mayabang pero alam kong gwapo ako dahil namana ko ang hitsura ni daddy at marami rin ang nagsasabi sa akin na pogi raw ako. May bago ba tayong transferee? Ang pogi naman niya, sana kaklase natin siya Kung kaklase ko siya, tiyak na hindi na ako aabsent sa klase Ilan lang yan sa mga narinig kong bulong bulongan. Hindi ko nalang ito binigyan ng pansin. At dahil nga kinabisado ko ang bawat pasikot sikot sa paaralang ito ay mabilis lang akong naka punta sa classroom ko. Nang maka pasok na ako sa loob ng classroom ko ay humanap ako ng upuan na nasa pinaka sulok ng classroom para hindi ako madaling mapansin ng kung sino at iwas oral recitation na rin hahaha. Maswerte ako kasi konti pa lang kami sa loob at marami pang bakanteng upuan. May nakita akong isang upuan na nasa pinaka sulok nga ng silid at katabi pa ng bintana, agad ko itong pinuntahan baka kasi ma agaw pa ng iba. Pagkaraan ng ilang minuto ay unti unting napupuno ang aming classroom dahil nagsidatingan na ang aking mga kaklase. " Kyle! " Napatingin ako sa kung sino man ang tumawag sa akin at nakita kong si Danea, yung babaeng nagpakilala sa akin sa cafeteria. Ang laki ng ngiti niya habang lumalapit siya sa akin. Agad siyang umupo sa tabi ko at tinignan ako " Kamusta? Buti nalang at magka klase tayo! " - masayang wika niya. Nagtaka ako sa kaniyang sinabi. Anong ibig niyang sabihin na buti nalang at magka klase kami? Tatanungin ko na sana siya ng biglang dumating ang guro kaya tumahimik nalang ako. Tumingin ako sa harapan at nakinig " Kyle Byzantine " - walang emosyong pagpapa kilala ko sa sarili ko. Agad naman akong umupo pagkatapos. Ayoko nang magbigay ng kahit na anong impormasyon pwera nalang sa pangalan ko As usal, kapag unang araw ng pasukan ay introduce yourself talaga ang nangyayari. Kahit naka upo na ako ay naka tingin pa rin ang ibang babae sa akin at ang sama ng tingin ng ibang lalake sa akin. Tumayo na si Danea at nagpa kilala sa sarili niya " Hi Everyone! " - nakangiting panimula niya. Maraming umirap sa kaniya at tumingin nalang sa harapan. May mga umaktong nawalan naman ng gana. Pero kahit ganun ay naka ngiti pa rin siya sa lahat. Ang laki ng ngiti ah parang hindi plastic Nagpapaka sarap yan sa buhay dahil nangungurakot ang pamilya niyan Tumabi pa kay Kyle halatang may plano siyang landiin ito Narinig kong bulong bulongan ng mga babae. Bumulong pa sila kung naririnig ko naman " My name is Danea Maximo. Labindalawang taong gulang. Ikinagagalak ko kayong maging kaklase at sana ay maging magkaibigan tayong lahat " - masigla pa rin niyang pinag patuloy ang pagpapakilala niya sa kaniyang sarili kahit na ay alam kong narinig niya ang mga masasamang salita ng mga kaklase namin Pero teka? Maximo? Siya ba ang anak ni Primo? Agad siyang umupo pagkatapos at naka ngiti pa rin siya. Tinignan ko ang awra niya at nagulat ako ng wala itong bahid ng kasamaan. Napa iwas ako ng tingin nang bigla siyang tumingin sa akin at tumingin nalang ulit sa harap " Kyle! " - napa hinto ako sa paglalakad nang bigla akong tawagin ni Danea. Tanghalian na kaya break time daw muna sabi ng guro namin. Mabilis siyang tumakbo para maabutan niya ako. " Sabay tayong kumain! " - nakangiting alok niya sa akin " Ayoko " - masungit na tanggi ko sa kaniyang alok at nag simula na ulit mag lakad. Eto na naman siya sa pangungulit niya " Bakit ayaw mo? " - tanong niya ulit at sinabayan ako sa paglalakad " Ayoko lang " - pagsusungit ko pa rin sa kaniya. Bilib din ako sa kakulitan ng babaeng to. Tinanggihan na nga siya pero pinipilit niya pa rin Napaka papansin naman ng babaeng yan Na iinis na ako sa babaeng yan! Kung hindi lang siya ang prinsesa ay malamang na sampal ko na yan! Agad akong napatingin sa mga nagsalita at tumalikod naman sila. Bakit ba ayaw nilang tantanan si Danea? Ano bang nagawa nitong mali sa kanila? Tinignan ko si Danea at nakita kong naka yuko na siya at nawala na ang ngiti niya. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila papunta sa cafeteria. At dahil maraming tao ay pumila muna kami. Pina una ko siya sa linya. Nang matapos kaming umorder ay umupo kami sa upuang nasa pinaka sulok. " Akala ko ba ayaw mo akong kasabay kumain? " - tanong niya sa akin at binuksan na ang pagkain niya " Ayaw ko nga " - pagsusungit ko na naman at sinimulan nang kainin ang pagkain ko. Ang mahal naman ng mga pagkain nila dito tapos ang liit pa ng servings " Eh bakit hinila mo ako kanina? " - pangungulit pa niya. Mukha siyang baboy sa ginagawa niyang pagsasalita habang kumakain. Hindi ba siya tinuruan ng proper etiquette? " Bakit ba ang kulit mo ha? " - naiinis na tugon ko sa kaniya. Kanina niya pa ako kinukulit. Hindi ba siya nagsasawa? Bigla siyang napatawa. Baliw ba to? Wala namang nakakatawa sa sinabi ko ah? Buti nalang nalunok na niya ang pagkain niya at baka matapunan pa ako, kadiri naman. " Alam mo ang sungit sungit mo! Pero gusto kitang maging kaibigan dahil nararamdaman kong may mabuti kang puso " - nakangiti niyang sabi sa akin at kumain na ulit. Ano bang trip ng babaeng to? " Ayaw kong maging kaibigan ka. Ang dami namang estudyante sa paaralan ah? Bakit ako ba kinukulit mo? Bakit hindi nalang sila? " - Tanong ko sa kaniya. Bigla siyang napa tigil sa pagkain at tumingin sa akin. Ngumiti siya ng matamlay na tila sinasabi niyang " Kung alam mo lang " . Gusto ko siyang tanungin kung anong ibig niyang sabihin sa ngiti niyang yun pero pinigilan ko ang sarili ko at baka napaka sensitibo nitong paksa para sa kaniya. Magkasama kami ni Danea buong araw dahil kaklase ko siya sa lahat ng subjects. Kapag may pinapagawang by pair ang teacher namin ay agad niya akong pinipili bilang partner niya. Umoo nalang ako dahil wala naman akong ibang kakilala dito. Nang naka uwi na ako sa apartment ay nagulat ako nang makita ko si Peter sa labas ng aking pinto. Yumuko siya ng kaunti upang mag bigay galang. Kahit ilang ulit ko na siyang sinabihan na wag nang yuyuko sa akin dahil mas matanda naman siya ay pinagpipilitan pa rin niya. Binuksan ko ang pintuan at pinapasok siya sa aking silid. Umupo siya sa aking kama " Kamusta ka na Xander? Ang pag aaral mo? " - tanong niya at may kung ano siyang pinindot ka kaniyang kwelyo. Hindi ko nalang yun pinansin " Okay lang naman ako dito Peter. Tapos wala naman akong problema sa pag aaral ko dahil tinalakay na Europe ang ibang subjects na meron ako ngayon kaya madali nalang ito para sa akin " - pag tugon ko sa mga tanong ni Peter. Agad naman itong ngumiti sa akin " May nakalap ka na bang impormasyon tungkol sa mga Maximo? " - bigla niyang tanong sa akin. Tinignan ko siya ng nagtataka " Wala. Hindi naman ako umaalis dito sa apartment ko pwera nalang kung papasok na ako sa klase ko " - sagot ko sa tanong niya. Pinindot niya ulit ang kaniyang kwelyo at nag pa alam na sa akin. Sinarado ko naman ang pintuan at siniguradong naka lock yun. Nag linis ako ng aking katawan at nagbihis. Pagkatapos ay humiga na ako sa aking kama. Bigla kong naisip ang mga nangyari kanina Bakit ayaw nila kay Danea? Anong ibig niyang sabihin sa ngiti niya sa akin kanina? Kung siya ang prinsesa, bakit hinahayaan nalang niya ang ibang estudyante na pagsalitaan siya ng masama? Bakit hindi niya pinagtatanggol ang sarili niya? Hindi ko rin alam kung bakit bigla ko nalang siyang hinila kanina patungo sa cafeteria. Siguro dahil naranasan ko rin ang nangyari sa kaniya kanina at naawa lang ako sa kaniya. Sa dami ng iniisip ko ay di ko namalayang nakatulog na pala ako Peter's POV " Nakabalik na ako mahal na hari " - wika ko sa kaniya at agad naman siyang lumingon sa akin at ngumiti " Naka usap mo ba siya ngayon? Ano nang balita sa kaniya? " - sunod sunod na tanong niya sa akin. Kinuha ko sa aking kwelyo ang isang voice recorder at nilapag sa lamesa niya. Pinindot niya dito at narinig ko ang boses naming dalawa ni Xander " Kamusta ka na Xander? Ang pag aaral mo? " " Okay lang naman ako dito Peter. Tapos wala naman akong problema sa pag aaral ko dahil tinalakay na Europe ang ibang subjects na meron ako ngayon kaya madali nalang ito para sa akin " - " May nakalap ka na bang impormasyon tungkol sa mga Maximo? " - " Wala. Hindi naman ako umaalis dito sa apartment ko pwera nalang kung papasok na ako sa klase ko " Biglang namatay ang voice recorder nang matapos na. Napatawa naman ang hari sa kaniyang narinig " Nakakatawang isipin na ang inosente pa ng kaniyang isipan. Wala siyang kamalay malay na tinatraydor mo na pala siya " - natatawang wika ni Primo habang umiinom ng kaniyang alak Xander's POV Limang araw na ang nakalipas simula nung pasukan. At sa loob ng limang araw na yun ay palagi akong kinukulit ni Danea. Kung nasan ako ay susunod talaga siya sa akin. At kung tinatanong ko naman kung bakit ay palagi niyang sinasabi na " Kaibigan kasi kita " Sabado ngayon kaya wala kaming pasok sa paaralan. Naisipan kong maglakad lakad muna at baka may makita o mapansin akong kakaiba sa lugar. At sa ilang oras kong paglalakad ay wala naman akong napansing kahit na ano, normal na normal ang kilos ng lahat ng tao. Tinignan ko ang aking relo at napansing tanghalian na pala kaya naisipan ko munang maghanap ng isang fast food chain na malapit lang. Nagulat ako ng mag sitakbohan ang mga batang kalye patungo sa isang lugar. Tinignan ko ang direksyon kung saan sila nanggaling at wala namang tauhan ng palasyo na humahabol sa kanila. Sinundan ko ang mga ito at nakita kong pinalibutan nila ang isang magarang sasakyan. Nagtago ako sa likod ng isang pader para tignan kung ano ang mangyayari. Lumabas ang taong nasa loob at nagulat ako ng makilala ko kung sino ito ... " Danea? " Naka suot siya ng isang puting tshirt at maong. Naka suot din siya ng isang doll shoes at tinalian niya ang kaniyang buhok. Naka ngiti siya sa mga bata at masaya naman ang huli na makita siya. Pinapasok niya ang mga bata sa loob ng isang bahay at sumunod naman ang mga ito. Nang tinignan ko ang bahay ay may naka sulat na " Bahay Amponan " Sa gitna nito. Sinundan ko sila at nagtago sa isang halaman sa gilid ng bahay. Masaya silang nag kwekwentuhan habang pinapakita naman ng ibang bata ang kanilang ginuhit kay Danea. " Ate! Paki usap lagyan mo ng bituin tong ginuhit ko kagabi! Pinag hirapan ko to para sayo " - pagsusumamo ng isang maliit na bata. Ngumiti si Danea at may kinuha sa kaniyang bulsa. Isa itong stamp na hugis bituin. " Ako rin ate! " - sabi ng ibang bata at napatawa naman si Danea Ang ganda naman niya Bumilis bigla ang t***k ng aking puso at napa iling nalang ako sa aking naisip. Biglang pumasok ang isang lalakeng naka uniporme ng palasyo at may dala dalang pagkain. Napa talon naman sa saya ang mga bata ng mapansin ang logo ng isang sikat na fast food chain na nakadikit sa mga lalagyan ng pagkain. " Oh? Pumila muna kayo at bibigyan kayo ni ate ng tag iisa okay? " - nakangiting wika niya sa mga bata at sinunod naman nila ito Umalis na ako sa lugar na yun at baka ano pa ang pumasok sa aking isipan. Pumunta muna ako sa isang fast food chain at kumain bago ako umuwi sa apartment ko. Bakit kaya niya ginagawa yun? Kung ama nga niya si Primo, bakit parang ang buti naman ng puso niya? " Kyle! " - nakangiting bati sa akin ni Danea at umupo na sa katabi kong upuan. Lunes na naman at may pasok ulit kami. Tinignan ko lang siya at tumango " Naks naman! May pa tango ka na sa akin ngayon mr sungit ah! " - manghang wika niya sa akin at ngumiti. Hindi ko nalang siya pinansin at tumingin nalang ako sa bintana. " Sa araw na ito, mag eensayo kayo kung paano pa tubuin ang isang halaman gamit lang ang pag tugtog ng isang instrumento. Malaya kayong pumili ng instrumentong gagamitin niyo " - paliwanag sa amin ng aming guro at pinakuha kami ng tig iisang halamat at instrumento. Pinili ko ang plawta bilang instrumento ko " Oh kyle? Bat hindi ka pa nag eensayo? " - tanong sa akin ni Danea nang mapansing wala akong ginagawa " Alam ko na yan " - walang emosyong sagot ko sa tanong niya. Nagkibit balikat lang siya at nagpatuloy sa pag eensayo. Pagkaraan ng ilang minuto ay tinawag na kami ng aming guro para magpakitang gilas sa harap. Nang ako na ang tinawag ay agad akong pumunta sa harap dala dala ang aking mga gamit Huminga ako ng malalim at sinimulang patugtugin ang plawta. Sumunod naman sa rhytmo ng kanta ang halaman at dahan dahang tumubo. Sumasayaw ito habang namumunga. Nagpalakpakan ang aking mga kaklase at namangha naman ang aking guro. Yumuko ako at bumalik na sa aking upuan Tapos na ang aking klase at pauwi na ako ngayon. Himala at hindi ako sinusundan ng makulit na yun. Ang payapa ng buhay ko kapag wala si Danea sa tabi ko " Ikaw na babae ka ang landi landi mo! Hindi ibig sabihin na pwede ka nang magpapansin kay Kyle dahil ikaw ang prinsesa! " Napahinto ako sa paglalakad nang may narinig akong boses ng isang babae. Sinundan ko ito at nakita kong pinapalibutan ng 3 babae si Danea. Nakayuko lang ang huli at hindi nag sasalita. " Wag ka ring magkunwaring mabait dahil alam naman ng lahat kung gaano ka sakim ang pamilya mo! " - akmang sasampalin na ng babae si Danea pero mabilis akong naglakad papalapit sa kanila at hinawakan ang kamay ng babae Gulat na napatingin sa akin ang babae habang nakapikit naman si Danea at may tumulong luha galing sa kaniyang mga mata. " Subukan niyo uling saktan si Danea at ako na ang makakalaban niyo " - banta ko sa mga babae. Nagsitakbuhan naman ang mga ito. Hinarap ko si Danea at nakitang umiiyak na ito. Hinila ko siya papunta sa fountain ng eskwelahan. " Bakit ayaw mong lumaban? " - tanong ko agad sa kaniya nang tumahan na siya " Ayoko kasing manakit ng kapwa ko " - naka yukong tugon niya sa akin " Kahit sinasaktan ka na nila? " - tanong ko ulit sa kaniya. Tumango naman siya sa akin at ngumiti " Alam mo ba kyle kung bakit kita sinusundan? " - tanong niya bigla sa akin. Napatingin naman ako sa kaniya at hinintay ang sagot niya " Kasi nararamdaman kong mabuti ang puso mo. Lahat kasi ng estudyante dito ay ayaw sa akin kasi raw ang sakim ng pamilya ko. Pinatay raw ni ama ang pamilyang D'mittri para makuha niya ang trono " - napatigil siya ng may luha namang tumakas sa mga mata niya. Kinuha ko ang panyo ko at binigay ko sa kaniya, napangiti naman siya at tinanggap ito " Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Bigla nalang akong sinabihan ng ama ko na kami na raw ang mamumuno sa lahi ng mga bampira. Simula nung maghirap ang lugar ay sa akin nila binabato ang galit nila sa ama ko. Sabi nga nila, ang sama ng pamilya ko. Ayokong manakit ng iba dahil ayokong makaramdam sila ng sakit dahil alam ko kung ano ang pakiramdam ng masaktan " - humihikbing kwento niya sa akin. Na alala kong may tubig akong dala kaya kinuha ko ito at binigay ko sa kaniya. Ayaw niya sanang tanggapin yun pero pinilit ko siya " Anong ginagawa mo sa bahay amponan nung sabado? " - tanong ko sa kaniya na ikinagulat niya " Nakita mo ako? " - balik tanong niya sa akin na nanlalaki ang mata dahil sa gulat. Tumango naman ako bilang sagot sa tanong niya. Ngumiti muna siya " Ayaw ko sanang may maka alam nun pero dahil nakita mo na ako, sasabihin ko na sayo. Alam kong inaabuso ni ama ang kapangyarihan niya, lalo na sa kayamanan. Binibigyan ako ni ama ng sobra sobrang pera. Alam ko rin na galing yun sa tax ng mga tao dito. Siguro dahil sa konsensya ko sa pinaggagawa ng aking ama ay gusto kong ibalik sa mga tao ang pera nila. Nagpagawa ako ng isang bahay amponan, bahay para sa mga matatanda at para sa mga ina na walang pera para pang gastos dahil iniwan sila ng kanilang mga asawa. Lingo lingo ay binibisita ko sila at pinapasaya " - nakangiting kwento niya sa akin habang naka tingin sa fountain. Hindi ko namalayang napangiti na rin ako sa sinabi niya. Nang tumingin siya sa akin ay nanlaki ang mga mata niya " Hala! Nakita kitang ngumiti mr sungit! " - manghang wika ni Danea at tinuro pa ang mukha ko. " Guni guni mo lang yun " - sumimangot ako sa harap niya tumalikod na " Hindi no! Nakita ko kaya! " - pangungulit na naman niya sa akin. Hindi ko nalang siya pinansin at nagsimula nang maglakad. Hinabol niya ako at kinukulit niya pa rin ako tungkol sa nakita niya " Bye Kyle! " - nakangiting wika niya at sumakay na sa kanilang sasakyan. Hinintay ko munang maka alis siya bago ako umuwi sa apartment ko Hindi pa rin ako makapaniwala na ang bait niya kahit sinasaktan na siya ng mundo at napangiti niya ako kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD