bc

11:11

book_age16+
15
FOLLOW
1K
READ
forbidden
reincarnation/transmigration
mate
tragedy
comedy
twisted
bxg
gxg
superpower
supernatural
like
intro-logo
Blurb

Keishaine is a lesbian living her normal life. Pero ito ay nagbago nang nangyari ang isang peligrong naging daan para mahanap niya ang sagot ng pinaka tatagong sekreto ng kanyang pagkatao

chap-preview
Free preview
1:11
Anak, Pasensya na at maaga kaming nawala ng iyong ama. Sana ay lumaki ka ng malakas, marangal, at mabuti sa iyong kwapa. Mananatili ka sa aming puso't isipan. At palagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin ng iyong ama... Keishaine’s POV Mabilis akong tumatakbo papunta sa covered court ng aming paaralan daladala ang mga pinamili ko para sa kaniya. Matagal ko itong pinag-ipunan kasi alam kong magugustuhan niya ito. Hindi ako humingi ng pera galing sa aking mga magulang kasi gusto kong paghirapan ang perang ipambibili ng kaniyang regalo. Matagal ko na ring hinihintay ang araw na ito. Araw na espesyal sa amin ng minamahal ko. " Shaine, handa ka na ba? " - Tanong sa akin ni Liah nang makarating ako sa aking destinasyon. Si Liah o Eliah Cruz ay aking pinsan. Anak siya ng aking tiyahin na kapatid ng aking ina. Simula bata palang kami, malapit na kami ni Liah sa isa’t isa. Dati nga, nag aaway kami kasi gusto niya akong ayusan ng pambabae pero ayoko nga kasi ng mga ganun. Ngunit sinusuyo niya naman ako pagkatapos, at binibilhan niya ako ng pagkain kaya balik na naman kami sa kulitan. " Naman! Ako pa ba? " - sagot ko rito. " Teka nga liah, nandito na ba siya? " tanong ko sa kaniya nang may halong kaba. Tiningnan ko ang mga tao na nakatayo sa ibaba ng stage at hinananap ang aking mahal. " Aba oo! Sa totoo nga eh kanina pa siya dumating at kung sino pa ang may planong mag surpresa eh siya pa ang late haha! " - sagot niya sa tanong ko at tinulak na ako paalis para makapag simula. Agad akong umakyat sa stage kasama ang aking tropa na bitbit yung mga pinamili ko para sa kaniya. Inayos na namin ang sound system at ibang technicalities para walang problema mamaya at hindi ako mapahiya sa harap ng marami. " Magandang hapon sa lahat " - panimula ko. Nakuha ko agad ang atensyon ng lahat ng taong nandoon, lalong lalo na ang atensyon niya. " Ako po ay narito sa inyong harapan upang surpresahin ang aking minamahal. Yanna, Prinsesa ko, mahal na mahal kita! At kahit alam kong paulit-ulit ko nang sinasabi at pinaparamdam sayo kung gaano kita kamahal ay hinding hindi ako magsasawang gawin iyon nang paulit ulit! Hindi ko rin ikinakahiya na ikaw ay ang aking kasintahan. Prinsesa ko, para sa iyo to! Sana ay magustuhan mo! " - litanya ko at nagsimula ng tugtogin ang aking gitara. Nakita ko siyang gulat na gulat at naiiyak na dahil sa tuwa. Napatakip siya ng kaniyang bibig ng magsimula na akong tumugtog. Uso pa ba ang harana marahil ikaw ay nagtataka~ Sino ba 'tong mukhang gago nagkandarapa sa pagkanta~ At nasisintunado sa kaba mayron pang dalang mga rosas~ Suot nama'y maong na kupas at nariyan pa ang barkada~ Naka-porma naka-barong sa awiting daig pa ang minus one at sing-along~ Puno ang langit ng bituin~ At kay lamig pa ng hangin~ Sa 'yong tingin ako'y nababaliw giliw~ At sa awitin kong ito sana'y maibigan mo~ Binubuhos ko ang buong puso ko~ Sa isang munting harana~ Para sa'yo~ Naalala ko pa dati, noong una ko siyang nakita. Korni man pakinggan pero simula nang makita ko siya, naniniwala na ako sa katagang " Love at first sight ". Flashback: Hays! Bat ba ako sumali sa dance club?! Kabanas naman oh! Ang boring! Ang pangit pa sumayaw ng mga kasama ko! Takte! Makapagensayo nga muna! Kinuha ko ang aking speakers at pinatugtog ko ang aking paboritong musika. Sumayaw lang ako nang sumayaw, walang pakialam kung sino ang mga nanunuod sa akin. Bahala sila atleast nag-eenjoy ako! Sayaw lang ako nang sayaw ng may nabangga akong babae. Napaupo ito sa sahig at dumaing sa sakit ng kaniyang likod. Nainis ako bigla kasi naputol ang aking pagsasayaw. Hinarap ko ang babaeng nakabangga ko. " PWEBA BANG MAGINGAT KA?! " - Sabi ko at napatulala sa babaeng nasa harapan ko. Ang ganda niya! Singkit ang kaniyang mga mata. Matangos ang kaniyang ilong. Kayumanggi ang kaniyang balat ngunit ito ay bagay sa kaniya. Kulot ang dulo ng kaniyang buhok at maganda ang hubog ng kanyang katawan. Para siyang isang anghel na bumaba galing sa langit. Bumalik ako sa realidad ng kumaway kaway siya sa aking harapan. " Hello po? " - tawag niya sa akin. " Hah? Ay pasensya na pala! Napasobra lang ata ako sa pagsasayaw at hindi ko namalayang may anghel este tao pala sa likuran ko! " - sabi ko at napakamot sa aking batok. Hindi na ako makatingin sa kaniya ng diretso dahil sa kahihiyan. " Eh? Ako nga dapat yung magsorry eh! Hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko! Naku! Pasensya na talaga! " - Siya sabay yuko. " Okay nga lang! Hahahaha! Shaine nga pala! Ikaw? Anong pangalan mo? " sabi ko at inilahad ko ang kamay ko sa kaniya. " Yanna! Yanna Kwon! " - sabi niya at tinanggap ang aking kamay. Napangiti naman ako sa kaniya. End of Flashback At doon nagsimula ang kwento naming dalawa ni Yanna. Kwentong hindi perpekto pero puno ng pagmamahal at seryoso. Teka? Saan ko nga ba ito narinig? Napaka pamilyar ng mga katagang iyon sa akin. Di ba parang isang sine isang pelikulang romantiko~ Di ba't ikaw ang bidang artista at ako ang 'yong leading man~ Sa istoryang nagwawakas sa pag-ibig na wagas~ Naaalala ko rin ang araw kung kalian niya ako sinagot. Abot hanggang langit ang kasiyahang nadarama ko nang mga oras na iyon. Sayang hindi ko mararanasan kung hindi ko siya nakilala. Flashback: Kabadtrip naman oh! Hindi ako pinapansin ni Yanna! Wala naman akong ginawang mali ah?! Nasa kaniya na halos lahat ng atensyon ko! Haist! Nandito ako sa labas ng kanilang classroom at hinihintay siyang lumabas. Kalahating oras na akong naghihintay dito. Mas maaga kasi yung uwian namin kesa sa kanila kaya matagal tagal na rin akong naghihintay dito sa labas pero ayos lang para rin naman sa aming dalawa to. " Shaine " Agad kong tiningnan kung sino yung tumawag sa akin at nakita kong si Yanna na pala yun. Agad ko siyang nilapitan at hinila papunta sa park ng aming paaralan. Kailangan kong malaman kung ano man ang nagawa kong mali at itatama ko yun kasi ayokong mawala siya sa akin. " Yanna, may problema ba tayo? " - mahinahon kong tanong sa kaniya. " Wala naman shaine. Bakit? " - Sagot niya sa tanong ko. " Eh bakit kanina mo pa ako binabalewala? Yanna kung ayaw mo sa akin, pwede mo namang sabihin eh! Hindi yung- " – Napatigil ako sa pagsasalita nang bigla niya akong niyakap. " Sinasagot na kita! " - sabi niya sa akin at ngumiti. Dahil sa gulat, ay napabitaw ako sa yakap niya at tinignan siya sa kaniyang mga mata. " Totoo?! Sinasagot mo na ako?! " - Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. Abot hanggang tenga na ang aking ngiti dahil sa sayang aking nadarama " Oo nga! Bakit? Ayaw mo ba? " - sabi niya at akmang aalis na pero hinila ko siya pabalik at matamis na ngumiti sa kaniya. " Oy biro lang! Ito naman! " – sabi ko sabay yakap sa kaniya ng mahigpit. " Mahal na mahal kita Yanna Kwon! " - Bulong ko sa kaniyang tainga. " Mahal na mahal din kita Keishaine Caroline Rivas! " - Bulong niya pabalik na nakapagpangiti sa akin. Masayang masaya ako ngayon! Sa wakas! Kami na ng mahal ko! Akin lang siya, at sa kaniya lang ako! End of Flashback Puno ang langit ng bituin~ At kay lamig pa ng hangin~ Sa 'yong tingin ako'y nababaliw giliw~ At sa awitin kong ito~ Sana'y maibigan mo~ Binubuhos ko ang buong puso ko~ Sa isang munting harana~ Para sa 'yo~ Agad akong bumaba sa stage at pinuntahan si Yanna Kwon, ang babaeng pinakamamahal ko, ang babaeng gusto kong makasama panghabang buhay. " Prinsepe ko! " - Sabi ni Yanna sabay yakap sa akin ng mahigpit. Agad ko naman siyang niyakap pabalik. " Hi prinsesa ko! Nagustuhan mo ba ang surpresa ko? " - sabi ko sa kaniya at pinunasan ang kaniyang mga luha. Ang ganda pa rin niya kahit umiiyak. " Nagbibiro ka ba?! OO naman! Mahal kita prinsepe ko! " - sabi ni yanna. " Ay! Oo nga pala! " - Agad kong kinuha ang mga binili kong regalo para sa kaniya. " Alam kong matagal mo ng gustong makuha ang teddy bear na ito! Kaya ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para makaipon ng perang pambili diyan. Pasensya na pala at hindi ako masyadong nagpaparamdam sayo nitong mga nakaraang araw. Naging busy lang ako sa trabaho ko. Nag apply kasi ako sa jalibi noong nakaraang buwan, kaya hindi kita natatawagan kasi bawal gumamit ng cellphone doon. " - sabi ko at napakamot sa batok ko. " Salamat prinsepe ko! Nagabala ka pa! " - Sabi niya sabay yakap ulit sakin ng mahigpit. " Naman! Para sa babaeng pinakamamahal ko! " – sabi ko at hinalikan ko ang kaniyang pisngi. Agad na naghiyawan ang mga tao sa aming paligid. Alam nilang may relasyon kami ni Yanna. Saksi sila sa anim na buwang panliligaw ko sa kaniya. May mga kinilig, dahil ang sweet ko raw. At may mga nanlait at nagalit, kasi pareho raw kaming babae. So what? Atleast hindi ko pinipilit na maging babae kahit hindi naman! Naging totoo ako sa sarili ko at mahal na mahal naman namin ang isa't-isa. Ay oo nga pala! Hindi pa ako nakakapagpakilala! Ako nga pala si Keishaine Caroline Rivas. Yes, pambabae yung pangalan ko, pero panlalake naman yung kilos ko. Dalawampu’t dalawang taong gulang. Ako ang bunso sa aming magkakapatid. Tatlo lang kami. Tatlong lalake! Hindi biro lang! Dalawang lalake at isang pusong lalake! Tyron Rivas at Astrid Rivas ang pangalan ng aking mga nakakatandang kapatid. Oo, ako yung may pinakamahabang pangalan sa amin! Kasi raw ako yung prinsesa sa amin! Pero yung prinsesa nila naging prinsipe! Tomboy ako. Ayaw ko kasi sa mga pambabaeng gamit tulat ng mga manika, palda, sleeveless at iba pa. At nagkakagusto ako sa mga babae pero hindi sa mga lalake. Nakikipag suntukan pa nga ako sa kanila eh. Tanggap naman nila tatay yung pagiging tomboy ko. Basta raw wag kong papabayaan ang aking pag-aaral at hindi rin ako gagamit ng mga illegal na gamot. " Paalam Prinsipe ko! Mahal na mahal kita! " - Yanna sabay halik sa aking pisngi. " Paalam prinsesa ko! Mahal na mahal din kita! " - sabi ko at hinintay ko muna siyang makapasok sa kanilang bahay bago ako nagsimulang naglakad pauwi sa aming bahay. Hindi ko inaasahang aabot kami ng 2 taon ni Yanna. Marami ng pagsubok ang aming hinarap. At hindi kami sumuko kasi alam namin na may solusyon ang lahat ng problema at dahil na rin sa pagmamahal namin sa isa't-isa. Si Yanna kasi yung tipo na madaling magselos at madaling magtampo. Pero kahit selosa siya at matampohin, maalaga siya at maunawain. Kaya nga mahal na mahal ko ang babaeng yun! Habang naglalakad ako, may nakita akong usa sa tabi ng isang puno. Napatigil ako sa paglalakad at tinignan itong mabuti, baka kasi namamalikmata lang ako dahil sa pagod. " Huh? May usa sa Pilipinas? " - Nasabi ko nalang bigla. Agad ko itong nilapitan dahil sa kuryusidad. Habang papalapit ako sa usang yun ay dahan dahan itong nagpalit ng anyo at naging tao. Teka?! Tao?! Palihim kong kinurot ang aking tagiliran baka kasi nananaginip lang ako. Ngunit nasaktan lang ako sa kurot ko! Ibig sabihin, hindi ako nananaginip! Tinignan ko ulit ang nilalang na iyon at ang dating usa ay naging isang lalakeng may kulay tsokolateng buhok. Kahit natatakot ako ay nilapitan ko pa ito, dahilan kung bakit mas naaninag ko ang kaniyang itsura. Medyo magulo ang kaniyang buhok. Ang tangos ng kaniyang ilong. Ang ganda ng kaniyang mga mata. Ang ganda ng hugis ng kaniyang labi. Ang puti ng kaniyang balat. Medyo malaki ang kanyang pangangatawan. " Uhm kuya? Tao ka ba o aswang? " - Wala sa sariling tanong ko sa kaniya. Agad siyang napatingin sa akin at hatang gulat na gulat siya ng makita niya ako. Eh? Gumagamit ba ng illegal na gamot ang taong to? Parang adik kasi. Pero teka? Diba nakita ko siyang nagpalit ng anyo kanina galing usa hanggang sa naging isang tao? Adik na rin ba ako? Pero hindi naman ako gumagamit ng illegal na gamot ah? O baka nababaliw na ako? Lagot ako kay tatay nito! " Psyche? " - Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin. Dahandahan siyang tumayo. Kapag ito tumakbo palapit sa akin, sasapakin ko to ng malakas at tutuhudin ang kaniyang pinaka iingatang yaman. " Po? Sinong Psyche? " - Balik tanong ko sa kaniya. Inikot ko ang aking paningin sa aming paligid pero kaming dalawa lang ang nandoon. Hala? May nakikita siyang hindi ko nakikita? Adik talaga tong taong to. O baka baliw na nakatakas sa mental hospital? Pero wala namang baliw ang makakagawa ng kaniyang ginawang pag-iibang anyo. " I-ikaw! I-ikaw si psyche! " - sabi niya ng nakangiti at dahandahang lumakad papalapit sa akin. Sa daming tao na dumaan dito, ako pa talaga ang maswerting mapagtitripan ng lalaking to? Ang swerte ko naman! " Pasensya na po kuyang aswang na usa pero Shaine po yung pangalan ko at hindi po Psyche haha " - pilit akong tumawa para hindi niya mahalata na medyo kinakabahan ako sa kaniya at sa ideyang nababaliw na siguro ako. Agad siyang natigilan at ang kaniyang masayang mukha ay napalitan ng lungkot at sakit. Sino ba si Psyche? Sa pagkakaalam ko kasi, siya yung mortal na asawa ni cupid. Naks naman shaine may natutunan ka kahit hindi ka nakikinig sa klase ah? " Ah? Ganun ba? Kamukhang kamukha mo kasi si Psyche! Hindi mo nga ako maalala... " - Sabi niya pero hindi ko masyadong narinig yung huli niyang sinabi. " Ano po? " - Tanong ko ulit sa kaniya. " Aahh! Wala! Wag mo ng isipin yun! Ako nga pala si Bullet! Paalam binibini. " - Sabi niya at nagsimula na siyang maglakad palayo. Teka nga... Binibini?! " HOY ASWANG! LALAKE AKO AT HINDI BABAE! SUNTUKAN PA TAYO KUNG GUSTO MO! " - Sigaw ko sa kaniya at itinaas ang kamao ko dahil sa galit! Walanghiya! Sinabihan niya akong babae?! Sa gwapo kong to? Agad siyang napahinto sa paglalakad at lumingon sa direksyon ko. " Ganun ba? Akala ko kasi babae ka! Ang ganda mo kasi! At isa pa, hindi ako aswang! Bampira ako! " – sabi nung aswang este bampira. " Oo nalang! Kunwari naniniwala-- " - Hindi ko pa natatapos ang aking sasabihin nang nawala nalang siya bigla sa aking harapan. Teka nga, bampira ba talaga siya? Weeh? Wala ng ganun sa panahon ngayon! Pero bakit siya nawala bigla? Bahala na nga siya! Baka imahenasyon ko lang yun! Mukhang nababaliw na talaga ako! Pagbukas ko sa pinto ng aming bahay... " Anak! " - sigaw ni nanay at agad akong niyakap ng mahigpit. Ang saya ata ni nanay ngayon ah? Pero mawawala yung ngiti niya kapag nalaman niyang nababaliw na ako. Huhu sorry nay! " Hi nay! Ano pong meron? - Nagtataka ko siyang tinignan. Uhm, anong meron? Nanalo ba kami sa lotto? Si Agnes Shaine Rivas ay ang aking ina. Maganda, magabit, maalaga, masipag, mapagmahal at matalino si nanay. Kahit na busy siya sa kaniyang trabaho ay hindi niya parin kami kinakalimutan. May oras talaga siyang nakalaan para sa amin nina kuya. Ayaw kasi niyang huminto sa pag tatrabaho dahil pinaghirapan niya raw yung posisyon niya ngayon kaya um-oo nalang si tatay. " Anak! Bakit hindi mo sinabing babae ka na?! At paano na si Yanna niyan? " – tanong ni nanay sa akin. Kumunot ang aking noo dahil sa sinabi ni nanay. " ANO?! Nay hindi po yun totoo! Sino pong nagsabi sa inyo?! " - inis na sabi ko kay nanay. Hindi ko pa nga tanggap na mababaliw na ako tapos may ganito pang mangyayari? Ang swerte ko nga naman talaga! " May pumunta kasi dito na lalake at sinabi niyang manliligaw mo raw siya! At sa totoo nga ay nandun siya sa sala--- " Hindi pa tapos sa pagsasalita si nanay ngunit agad akong pumunta sa sala para harapin yung gagong lalake na manliligaw ko raw. Galit na galit ako sa kung sino mang lalakeng yun! Parang gusto ko na siyang patayin! " HOY IKAW?! ANONG SINABI MO KAY NANAY HAH?! NABABALIW KA NA BA?! KUNG MAY PROBLEMA KA SA BUHAY, WAG NA WAG MO AKONG IDADAMAY P***NGINA MO! " - Sigaw ko sa kaniya at agad siyang kinwelyuhan " Relax miss. Nagbibiro lang ako hahaha " - natatawang saad niya at itinaas ang kaniyang mga kamay. Oo! Tama kayo! Yung walang hiyang lalakeng manliligaw ko raw ay yung aswang na usa--- este bampira na si Bullet! " PAANO AKO HIHINAHON HAH?! SINABI KO SA SAYO NA LALAKE AKO AT HINDI BABAE! MAHIRAP BANG INTINDIHIN YUN?! " - sabi ko at sinuntok ko siya sa kaniyang mukha. " KEISHAINE CAROLINE RIVAS!! " Natigilan ako sa sigaw ng aking ama. Nilingon ko siya at nakita ko siyang nakatayo sa ikalawang palapag ng aming bahay at galit na galit na nakatingin sa akin. " T-Tay " - Natatakot na sambit ko at agad na lumayo kay Bullet. Si Ferdinand Rivas ay ang aking ama. Sabi nila magkamukhang magkamukha raw sila ni Kuya Tyrone. At si Kuya Astrid naman ay kombinasyon nina tatay at nanay. Dating NBI agent si tatay. Mapagmahal, maalaga at may prinsipyo si tatay. Mapag biro at pilyo din si tatay at yun ang namana ko na ugali sa kaniya! " ANONG GINAWA MO?! BAKIT MO SINUNTOK ANG LALAKENG YAN SA MUKHA?! YUN BA YUNG TINURO KO SAYO?! ANG SUNTUKIN ANG MUKHA NG KAHIT NA SINO?! " - galit na saad ni tatay. " E-eh kasi tay, sinabihan niya si nanay na manliligaw ko raw siya! Tay alam mo namang-- " - Hindi pa ako tapos sa pagsasalita ng magsalita ulit si tatay. " KAHIT NA! DAPAT AY KINAUSAP MO SIYA NG MAHINAHON! UMAKYAT KA SA KWARTO MO AT BAWAL KANG LUMABAS HANGGANG SABIHIN KONG PWEDE NA! AT CONFISCATED LAHAT NG GADGETS MO! " - Sabi ni tatay. " Opo tay! " - nakayukong saad ko. Kahit na gustong gustong ko ng patayin si Bullet ay hindi pwede! Kasi andyan si tatay at baka hindi ako mapunta sa langit. Bago ako makapasok sa kwarto ko ay narinig kong nag-uusap sila tatay at yung gagong bullet. " Hijo, anong pangalan mo at anong sadya mo dito? " - tanong ni tatay kay gago. " Ako po si Bullet D'mittri. Gusto ko po sanang manligaw sa iyong magandang anak na si Keishaine " - sabi ni gagong bullet. ANO DAW?! NABABALIW NA BA SIYA?! AGAD AKONG BUMALIK SA DULO NG HAGDAN AT SINABING... " PU***NGINA MONG GAGO KA! NANANADYA KA BA TALAGA HAH?! AYOKO! HINDING HINDI AKO MAGPAPALIGAW SAYO! " - Sigaw ko at agad na tumakbo papunta sa loob ng kwarto ko. Baka lumala pa ang parusa sa akin ni tatay huhu. Pero okay na rin na pumunta siya dito, nalaman kong bampira talaga siya at hindi ako nababaliw. Makakaganti rin ako sayo Bullet D'mittri! Lintek lang ang walang ganti! ----------------------------------------------------------- Nakaupo ako sa isang duyan. Nakasuot ako ng isang magarbong damit na kadalasang sinusuot ng mga prinsesa. Suot suot ko ang aking paboritong tiara at nakatirintas ang aking napakahabang tsokolateng buhok. Daladala ko ngayon ang sulat ng aking pinakamamahal. Mahal kong psyche, Matagal na tayong hindi nagkita sapagkat pinagbabawal ang ating pag-iibigan. Ngunit alam naman nating dalawa na tunay ang ating nararamdaman. Nais ko sanang magkita tayo sa kung saan mo ako sinagot ng iyong matamis na OO. Nagmamahal, Bullet Napangiti ako ulit ng matapos ko yung mabasa. Bakit ba kasi bawal akong umibig sa mga katulad niya? At bakit din bawal siyang umibig sa mga katulad ko? Ang gulo talaga ng buhay. Maraming bawal. Bawal ganito, bawal ganiyan... Nagulat ako ng may biglang tumakip sa aking mga mata... " S-sino ka?! " - nabubulol na tanong ko sa kung sino man ang tumakip sa aking mga mata. " Hulaan mo~ "- malambing na sabi nung taong may takip sa mga mata ko. Yung naramdaman kong kaba kanina ay napalitan ng saya. Andito na siya! Andito na yung lalakeng mahal ko! " Bullet! " - sabi ko at agad na nawala ang mga kamay na nakatakip sa aking mga mata. Agad siyang umupo sa katabing duyan na aking inuupuan. " Kamusta na mahal? " - tanong niya sakin ng nakangiti. Ang mapupungay niyang mga matang nakatitig sa akin. Ang tangos ng ilong niya. Ang hahaba ng kaniyang mga pilikmata. Ang mapupula niyang mga labi na animo'y kulay dugo ang kulay. At ang kaniyang natural nang magulong buhok. Natigilan ako sa pagtitig sa kaniya ng tumawa siya bigla. Ang sarap pakinggan ng kaniyang boses habang siya ay tumatawa. " Bakit ka tumatawa? " - takang tanong ko sa kaniya. " Kasi po, nakatitig ka na naman sa akin mahal! " - sabi niya at tumawa nang tumawa. Umakyat lahat ng dugo ko sa aking mukha. Nahuli niya akong nakatitig sa kaniya! Ikaw kasi Psyche! Nakakahiya ka talaga! " H-huh? Wala naman ah! Ikaw talaga ha-ha-ha! " - pilit akong tumawa para hindi niya mahalata na nahihiya ako sa aking ginawa. Hindi ako makatingin sa kaniya ng diretso. Inangat niya ang aking mukha at hinuli niya ang aking paningin. " Mahal ko~ namumula ka! " - sabi niya at tumawa nang tumawa. " Bahala ka nga diyan! Uuwi na ako! " - sabi ko at tatayo na sana ng hawakan niya ang kamay ko at niyakap ako. " Huwag ka ng magtampo mahal. Ayos lang sa akin na tumitig ka sakin. Basta sa akin lang hah? Bawal kang tumitig sa ibang lalake! " - sabi niya sakin at mahinang kinurot ang aking ilong. " Opo mahal ko. Sayo lang po ako tititig! Maliban sa mga kamag-anak ko at sa mga gawain ko sa bahay na hindi ko magawa! Mahal na mahal kita mahal ko. " - sabi ko sa kaniya. " Mahal na mahal din kita mahal ko. " - sabi niya at sinakop ng kanyang labi ang aking mga labi. Napabangon ako bigla. Pawis na pawis ang aking katawan at hinahabol ko ang aking hininga. Ano yun?! Bakit parang totoong nangyari yun? Parang alala o baka naman imahenasyon ko lang yun. Liningon ko ang aking relo ay eksaktong 11:11 ng gabi. Pagtingin ko sa labas ng aking bintana. Nakikita kong bilog na bilog ang buwan, ang gandang pagmasdan. Sabi nila. Kapag daw eksaktong 11:11 yung oras, pwede ka raw humiling ng kahit na ano. Hindi ako naniniwala dun. Pero wala namang mawawala kapag humiling ako diba? Ipinikit ko ang aking mga mata at humiling. Sana tumagal pa kami ni Yanna at sana walang mangyaring masama sa akin at sa mga taong mahal ko... Sa kakatitig ko sa buwan ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. ••••••••••••••••• Maaga akong gumising para masundo ko si Yanna sa kanilang bahay. Buti nalang nakalimutang i-confiscate ni tatay yung gadgets ko! Pagkatapos kong magbihis ay agad akong bumaba para makakain na. " Magandang umaga nay! " Masiglang bati ko kay nanay nang makita ko siya sa kusina na nagluluto. Niyakap ko siya ng mahigpit at umupo na sa hapag kainan. " Oh? Magandang umaga din anak! Kumain ka muna bago ka pumunta sa school! " - sabi ni nanay at nilapag ang mga niluto niya sa lamesa. Habang kumakain ako ay biglang nagsalita si nanay. " Anak, kaano ano mo ba talaga yung bullet? " - seryosong tanong ni nanay sa akin. Pansamantala akong natigilan at kumunot ang aking noo. Bullet... Bullet... Bullet... Diba siya yung lalakeng nambubwisit sa akin? Bakit? Ano na namang meron sa kaniya? " Kakilala ko lang po nay. Bakit po? " – balik tanong ko kay nanay at pinagpatuloy ang pagkain. Ang sarap talagang magluto ni nanay, sayang hindi ko ito namana. " Pursigido kasi siyang manligaw sayo nak! " - sabi ni nanay at tumawa nang tumawa. Nagkibig balikat nalang ako at nagpatuloy sa pagkain. Nababaliw lang yung lalakeng yun! Kung ano mang problema niya, wag na wag niya akong dadamayin kung hindi ay mapapatay ko na talaga siya! " Alam mo ba nak na pinilit niya talaga yung tatay mo kung pwede ka ba raw niyang ligawan? " - masayang saad ni nanay. Aba tong nanay ko grabe kung kiligin, hindi naman ako papatol sa lalaking yun. " Tss. Huwag niyo ng intindihin yung lalakeng yun nay! Nababaliw lang yun! " - sabi ko at mabilis kong tinapos ang pagkain ko. Agad akong umalis sa bahay kasi bigla akong nawala sa mood. " Hi prinsesa ko! " – bati ko kay Yanna at hinalikan siya sa kaniyang pisngi. " Hello prinsipe ko! Pumasok na tayo? " - sabi niya at niyakap niya ako. Umakbay naman ako sa kaniya na para bang sinasabing " She's Mine so back off ". Pagdating namin sa aming paaralan. May mga studyanteng nagkukumpulan. Mga babae to be exact. Tapos sumisigaw pa sila. " Bullet! " " Ang gwapo mo bullet! " " Anakan mo ako bullet! " Ang ingay naman! Mga babae talaga tss! " Prinsipe ko? Bakit nakasimangot ka? " - malambing na tanong sa akin ni Yanna. " Ang ingay kasi nila prinsesa ko! Kairita! " – nakasimangot na wika ko sa kaniya. Bigla siyang tumawa at tumigil sa paglalakad. Nakaakbay ako sa kaniya kaya napatigil din ako sa paglalakad. Humarap siya sa akin at ngumiti. " Prinsipe ko pabayaan mo na sila okay? Kaya ngumiti ka na! Ayiieee ngingiti na yan! "- sabi ni yanna at kiniliti ako. " Hahahaha opo hahahaha! " - sabi ko at tumigil naman siya sa kaniyang ginagawa. " Ayan! Ang pogi talaga ng prinsipe ko! " - sabi niya at kinurot ang aking pisngi. " Aray ko po! " - daing ko at nag kunwaring nasaktan. " Pasenya na prinsipe ko. Hahalikan ko nalang yung pisngi mo! " - sabi niya at akmang hahalikan ang pisngi ko. " Ehem " Napalingon kami sa taong tumikhim. " IKAW NANAMAN?! " - sabi ko at masama siyang tinignan. " Destiny ata ang gumagawa ng paraan para magkita tayo shaine ah? " - sabi ni bullet at tumawa ng nakakaloko. " Destiny mo mukha mo! Aahh oo nga pala! " Inakbayan ko si Yanna at tumingin sa kaniya. " Girlfriend ko nga pala! Si Yanna Kwon! Binabalaan kitang gago ka! Wag na wag mo siyang lalapitan kung hindi papatayin na talaga kita! " - banta ko kay gago at hinila na si Yanna palayo sa lugar na yun. Hinatid ko muna si Yanna sa kaniyang classroom bago ako pumunta sa classroom namin. Umupo na ako agad sa napili kong upuan at sumandal dito. " Hi shaine " " Ay powtah! "- nasambit ko nalang bigla dahil sa gulat. Paglingon ko sa taong nakaupo sa likuran ko... Si Bullet lang pala... Wait... WHAT?! Marahas ko siyang nilingon at tinignan ng masama. Kung nakakamatay lang ang tingin kanina pa siya pinaglalamayan dito. " HOY ANO NA NAMANG GINAGAWA MO DITO HAH?! SINUSUNDAN MO BA AKO?! " - sigaw ko sa kaniya. Pero hindi niya ako sinagot, bagkus ay tumawa lang siya. Ginagago ba ako ng lalakeng to?! " SAGUTIN MO AKO GAGO! " - sabi ko at kinwelyuhan siya. " Ano sa tingin mo shaine? " - sagot niya at tinawanan lang niya ang reaksyon ko. Ako ba'y pinagloloko ng lalakeng to?! Dahil sa inis ko ay kinuyom ko ang aking kamao at susuntukin ko na sana siya ng biglang magsalita an gaming guro. " MISS RIVAS! WHAT ARE YOU DOING?! " Agad akong napahinto at marahas na binitawan ang kwelyo ni Bullet. Nilingon ko ang aming guro na si Miss Alvarez at ngumiti ng pagkatamis tamis. " Wala po ma'am hehe " - sabi ko sa kaniya nang naka peace sign. " MISS RIVAS AND MISTER D'MITTRI GO TO THE GUIDANCE NOW! " - galit na saad ni Miss Alvarez at dinuro pa kami. " But ma'am-- " - aangal pa sana ako ng nagsalita ulit siya. " No more but's Miss Rivas! GO! " - galit na sabi niya at tinuro ang pinto ng aming classroom. Agad akong bumalik sa table ko at kinuha ko ang aking bag at agad na lumabas ng classroom. Nakakainis na talaga yung lalakeng yun ah?! Bakit ba ayaw niya akong tigilan?! Sinasagad niya talaga yung pasensya ko eh ano?! Gustong gusto ko na siyang patayin! Pagdating namin sa guidance office, nagtatakang mukha ni dean ang sumalubong sa amin. " Oh shaine? Nakipag basag ulo ka na naman? " - Tanong agad ni dean. Nga pala, suki na ako dito sa guidance office. May mga nabubugbog kasi akong mga lalake na ang titigas ng bungong manligaw kahit ayoko. Kaya ayun, hinahamon ko ng suntukan, ayaw namang pumayag ng mga gago kasi babae daw ako. Edi binubugbog ko sila, ang hihina ng loob eh. " Opo dean " - ngumiti ako sa kanya. Sinulat muna namin yung mga pangalan namin sa logbook bago niya kami pinapasok sa loob. Umupo agad ako sa sulok. Kinuha ko ang earphones ko at nagpatugtog ng music. Mas mabuti nato kesa makipag usap sa lalaking yun. Tinext ko muna si Yanna na mauna na siyang umuwi kasi na guidance ako. Ginawa kong unan yung bag ko at di ko namalayang nakatulog na ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
33.8K
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.9K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
107.7K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
115.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook