2:11

3580 Words
Keishaine’s POV Nandito ako sa loob ng simbahan... Naka upo sa isang upuan... Naka suot ng puti... Habang nandoon naman ang mahal ko sa harap... Naka suot din nang puting damit... Ang putla ng kanyang balat... Naka higa... Naka higa sa isang kabaong... Ngayon ang kaniyang libing. Ngayon ang huling araw na maki kita ko siya. Ang araw na kailan man ay hindi ko ina asahang mangyayari ng ganito kaaga. Ang araw kung kailan kailangan na naming mag paalam sa kaniya. Kay Yanna Kwon... " Shaine " Pinahid ko muna ang luhang tumulo galing sa aking mga mata at lumingon sa kung sino man ang tumawag sa akin. Nakita ko ang mama ni Yanna at ngumiti siya sa akin ng matamlay. Umusod ako ng kaunti at umupo siya sa aking tabi. " Tita Sandra " - sabi ko at bigla niya akong niyakap Napahagulgol ako ng iyak. Hindi ko matanggap na sa isang iglap ay mawawala ang aking pinaka mamahal. Magsasama pa kami pang habang buhay eh, nangako kami sa isa't-isa. Maraming what if's sa aking isip.... What if hinatid ko siya? What if hindi ko siya pinayagan na siya lang mag isa ang umuwi sa kanila? What if mas naging protective ako sa kaniya? What if mas binantayan ko siya ng maigi? Siguro hindi siya nawala... Siguro buhay pa siya.... " Tita sorry po at hindi ko na protektahan si Yanna. Kung sana ay hindi ako pumayag na umuwi siya ng mag isa sana--- " - hindi ko natapos ang aking pagsasalita ko ng biglang nagsalita si tita Sandra. " Hindi mo kasalanan yun shaine. Hindi natin kontrolado ang buhay ng isang tao. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari bukas o sa hinaharap. Wag ka ng malungkot. Ayaw ni Yanna na malungkot ka. Kaya kahit mahirap, kailangan nating tanggapin na wala na siya. " - maluhaluhang saad ni tita Sandra. " Kakayanin ko po tita. Kahit na hindi ko alam kung paano. Gagawin ko po para kay Yanna. " - sabi ko habang nakatingin sa kabaong kung saan nakahiga ang aking mahal. Ilang sandali pa ay nagsimula na si father sa kaniyang misa. May naka talaga na tatlong mag babasa ng ilang nakasulat sa biblyia at isa na ako doon. Habang patuloy si father sa kaniyang misa, naka tingin lang ako sa litrato ni Yanna sa harapan. Tuloy tuloy lang ang agos ng aking luha. Ang sakit. Ang hirap tanggapin na wala na talaga siya. Ang dami pa naming pangarap ang hindi pa namin natutupad. Pag katapos ng misa, tinawag na kami sa harap upang kunan kami ng litrato kasama ang kabaong ni Yanna. Hindi ako makatingin sa camera, naka tuon lang ang mga mata ko sa malamig na katawan niya. Paalam Yanna, prinsesa ko. Ito na ang pinaka huling pagkakataon na masisilayan ko ang napaka ganda mong mukha sa personal. Mahal na mahal kita. Hanggang sa muli nating pag kikita diyan sa itaas. Na ilibing na ang mahal ko ngunit andito pa rin ako. Umuwi na sila tita Sandra, pero andito pa rin ako. Ayoko siyang iwan kahit ngayong araw lang. Kahit alam kong wala nang magagawa itong pag babantay ko sa kaniyang puntod, andito pa rin ako. Para sa mahal kong si Yanna. Kahit dumilim na ang paligid, ayoko pa sanang umuwi. Kung hindi lang ako sinundo ni kuya rid, siguro doon ako matutulog. Isang buwan na rin ang nakalipas ng mangyari ang insidenteng yun. Ang insidenteng naging dahilan kung bakit nawala si Yanna. Hanggang ngayon ay hindi ko parin matanggap na patay na siya. Naalala ko yung mga oras na magkasama kami... Flashback: " Prinsepe ko! Picture tayo dali! " - Sabi ni Yanna at tinapat ang camera niya sa mukha naming dalawa. " Ayoko nga kasi! Ang pangit ko kaya! Ikaw nalang " - sabi ko sabay layo ng camera sa mukha ko. " Bakit ayaw mong mag picture tayo? Kinakahiya mo ba ako? Napapangitan ka na ba sa akin? " - Nagtatampong sabi niya sa akin at naiiyak na. Agad kong kinuha ang camera sa kaniya at ako na mismo ang nagtapat nito sa mukha naming dalawa. " Oh ayan na! Picture na tayo wag ka nang umiyak! 1... 2... 3... I love youuuu " - sabi ko sabay click sa camera. Nung tinignan namin yung picture, natawa ako kasi halatang nagulat siya nung sinabi kong I love you imbes na say cheese. Pero kahit nagulat siya, ang ganda pa rin niya. Ganito ba kapag in love? " Hoy ang daya mo! Picture tayo ulit! " - masayang sabi niya at tinapat niya ulit ang camera sa mukha naming dalawa. End of flashback Yung mga tawanan namin, lambingan at kulitan... Flashback " Ano ba yanna! " - sabi ko sabay bawi ng kamay ko sa kaniya. Susunduin ko kasi dapat siya sa labas ng room nila pero nakita ko siyang may kausap na iba at tumatawa pa sila. Tatalikod na sana ako ng bigla niya akong napansin at tinawag. Tinignan ko siya sa mata at sinabing uuwi na ako. Kaya ayun, eto siya sunod ng sunod sa akin. " Shaine ko wag ka nang magalit please? " - humarang siya sa dadaanan ko. " Dun ka na " - sabi ko at aalis na sana ng humarang siya ulit. " Pinsan ko yun, wag ka ng mag selos " - yumakap siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. So ayun, okay na naman kami ng mahal ko. Sino ba namang hindi magseselos nun? Oh sadyang selosa lang ako? " Punta tayo dun sa milkteahan ni aling bebang? Libre kita " – sabi ni Yanna sa akin. Alam niya talaga ang kahinaan ko. " Sige ba! O-order ako ng marami total gutom na rin naman ako hahahah! " " Ay wag nalang kaya? Baka ma ubos allowance ko sayo! Ang lakas mo pa namang kumain! " - Nag aalalang sabi niya sa akin. Tumawa lang ako at masaya siyang hinila papunta sa pupuntahan naming lugar. End of Flashback Nandito ako sa puntod ng aking prinsesa. Yanna Kwon Born: **/**/**** Died: **/**/**** Hindi ko namalayang umiiyak na naman pala ako. Pinahid ko ang aking mga luha gamit ang dala kong panyo. Kailan ba matatapos tong pighati ko? " Prinsesa ko, Kamusta ka na? Kung nasaan ka man ngayon, Sana ay masaya ka na. Hays, hindi ko parin matanggap na wala ka na, Ang hirap eh. " - napahinto ako kasi may luhang nagbabadyang nanamang tumulo. " Alam kong ayaw mong nakikita akong malungkot kaya ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para ngumiti kahit na ang sakit sakit na. Mahirap man, pero kailangan kong tanggapin na wala ka na at hindi ka na babalik. Kumbaga isang masayang alaala na mananatili sa puso at isipan ko pang habangbuhay.... " - napatigil ako sa pagsasalita kasi napaiyak nanaman ako. Hindi ko talaga kaya. Hindi ko kayang mag paalam sa kaniya. Sa babaeng pinaka mamahal ko. " Pangako ko sayo na mag-aaral akong mabuti para matupad ang mga pangarap ko. Pangarap kong hindi ko alam kung makokompleto pa ngayong wala ka na. " - sabi ko at ngumiti ng peke. " Mahal na mahal kita Prinsesa ko. Mahirap man pero kailangan na kitang bitawan. Hanggang sa muli nating pagkikita diyan sa itaas... " Kasabay ng paghagulgol ko ay ang pagbuhos ng ulan. Kahit basang basa na ako ay hindi pa rin ako umalis dun. Gusto kong makapiling ang aking prinsesa. Kahit sa huling pagkakataon. Kahit ako'y nasa ibabaw ng lupa at siya'y nasa ilalim nito. Paalam Prinsesa ko... Mahal na mahal kita... Nagising ako sa sinag ng araw. Siguro binuksan ni nanay yung kurtina. Napatingin ako sa loob ng kwarto, ang kalat na. Hindi ko na kasi nalilinisan simula nung mawala si Yanna. Mag-iisang linggo na simula nung huli akong dumalaw sa puntod niya. Araw-araw ay parang parusa para sa akin dahil paulit ulit kong na aalala ang mga bagay na aming ginagawa sa paaralan. Kahit saang sulok ako mag punta, merong memorya naming dalawa. Pumasok na ako sa cr at nag simula nang mag ayos para makapasok na ako sa aking klase. Pagbaba ko ng hagdan, nakahanda na ang almusal at nakita ko sila nanay na tahimik na kumakain. " Anak, kumain ka muna " – sabi ni nanay nang makita niya ako. " Wala po akong gana nay, dalhin ko nalang po yung lunch box " - sabi ko at pinasok na sa bag ko ang baonan. " Alis na po ako " - walang ka buhay buhay na saad ko at tinahak na ang daan patulong paaralan. 4th year na pala ako. Isang sem nalang at makakapagtapos na ako. Dapat masaya ako kasi unti unti nang natutupad ang mga pangarap ko pero wala eh. Kahit pilit na ngiti nga nahihirapan na ako. Pag uwi ko sa bahay ay nakita ko si Bullet kasama ang pamilya ko na seryosong nag-uusap sa aming sala. " Anong meron? " - takang tanong ko sa kanila. Agad naman silang napalingon sa akin. " Shaine, anak. Umupo ka muna at may paguusapan tayo. " - seryosong sabi ni nanay. Umupo ako sa katapat na upuan kung saan nakaupo sina nanay at tatay. Katabi ko naman si Bullet... " Anak, sana ay wag kang mabibigla at sana ay wag kang magagalit sa amin. " - sabi ni tatay. " Ano po yun nay? Tay? " - nagtatakang tanong ko. Ano ba kasing meron? " Keishaine, Anak ... Ampon ka lang .... " " P-po? Ha-ha-ha wag po kayong magbiro " - sabi ko at may tumulong luha sa aking mga mata. Kelan ba matatapos tong kalbaryo ko?! " Hindi kami nagbibiro shaine. December 17, alas onse ng gabi, nakita ka namin sa labas ng ating bahay.. " - sabi ni nanay. Hinawakan ni tatay ang kamay niya. " N-nay! T-tay! B-bakit hindi niyo s-sinabi sakin?! " - naiiyak na wika ko sa kanila. " Hindi na nila sinabi shaine kasi tinuring ka na nila bilang isang tunay na anak " - sabi ni kuya Tyrone " Kung hindi lang sana dumating ang lalakeng yan, sana ay hindi tayo magkakagulo! " - sabi ni kuya Astrid. Napaiyak na ako dahil sa nangyayari ngayon dahil sa nalaman ko at nangyayari sa buhay ko. " Astrid! " - banta ni tatay kay kuya. " Ano?! Totoo naman kasi tay eh! Maayos pa yung buhay natin bago dumating ang lalakeng yan! " - sabi ni kuya rid at umakyat papunta sa kaniyang kwarto. Ilang minuto ang nakalipas ay tumigil na ako sa pagiyak. Umayos muna ako ng upo at ngumiti kina nanay at tatay. " Nay, Tay Hindi po ako galit sa inyo. Dapat nga ay magpasalamat ako sa inyo eh! Kasi inampon niyo ako at itinuring na isang tunay na anak kahit na --- AAAAHHH!!!! " - Napatigil ako sa pagsasalita ng sumakit bigla ang aking palapulsuhan. Agad na lumapit sina nanay at tatay sa akin. " N-nak! S-sumasakit na naman ba? " - nagaalalang tanong ni nanay sa sa akin. " O-opo! A-araaayyy! Ang sakiiitttt! " - naiiyak na saad ko. " Patingin nga ng kamay mo shaine " - biglang sulpot ni Bullet sa aking tabi at kinuha ang aking kanang kamay. Simula nung tumungtong ako ng 18 ay palaging sumasakit ang aking palapulsuhan at may kung ano-anong letra ang nakasulat. Sumasakit ito kapag eksaktong ika-11 ng buwan. Natakot ako nung una, pero kalaunan ay nasanay na ako. Pero ang sakit parin. Nung nahawakan ni bullet ang kamay ko ay nagulat ako sa aking nakita... BULLET'S Yan ang nakasulat sa aking palapulsuhan. Ngayon lang kasi ito na nabuo. Isang letra lang kasi ang lumalabas dati. Bullet? Anong ibig sabihin nito?! Pinakita ni Bullet ang kaniyang kaliwang kamay at may nakasulat na... PSYCHE'S Natigilan ako ng makita ko yun at bumalik sa isipan ko ang napaniginipan ko noong isang araw... " Opo mahal ko~ sayo lang po ako tititig! Maliban sa mga kamag-anak ko at sa mga gawain ko sa bahay na hindi ko magawa hahahaha!! Mahal na mahal kita mahal ko. " - sabi ko sa kaniya. " Mahal na mahal din kita mahal ko. " - sabi niya at sinakop ng kanyang labi ang aking mga labi... Nabalik ako sa realidad ng bigla niyang halikan ang aking labi. Hindi ako nakagalaw nung una dahil sa gulat. Ngunit naramdaman kong unting-unting nawawala ang sakit sa aking pulupulsuhan. " Ayan! Wala na! At last I found you mahal ko " - nakangiting saad niya. Oo nga noh? Nawala yung sakit. At hindi na rin ito umiilaw. Pero teka? Hinalikan niya ako. HINALIKAN NIYA AKO! Agad ko siyang sinuntok sa kaniyang mukha dahilan para mapahiga siya sa sahig. Gago to! Ang lakas ng loob na halikan ako! " GINAGAGO MO BA AKO BULLET?! BAKIT MO AKO HINALIKANG P******** KA?! " - Sigaw ko sa kaniya at akmang susugurin ko nanaman siya ng biglang hinawakan ni tatay ang aking kamay. Gumuhit ang isang mapaglarong ngiti sa mukha ni Bullet. Inuubos ba talaga niya yung pasensya ko?! Pwes ubos na ubos na yung pasensya ko! " Anak, iiwan muna namin kayo ni Bullet dito. Pero wag na wag mo na siyang susuntukin! Mag-usap kayo ng mahinahon! " – ma awtoridad na sabi ni tatay. Napatango nalang ako bigla. Agad na umalis sina tatay, nanay at kuya doon. Nang kami nalang dalawa ang natira, ay agad na binasag ni Bullet ang katahimikan. " Yun lang naman ang paraan para temporaryong mawala ang sakit shaine " - sabi niya at tumayo. " At eto? " - itinaas niya ang kaniyang kamay at nandoon pa ang markang Psyche’s. Teka Psyche?! Diba siya yung babae sa panaginip ko?! Wag mo sabihing? " Eto ang nagpapatunay na ikaw ang nakatakdang babae na papakasalan ko. " - sabi niya " Hindi! Hindi yan totoo! Hindi Psyche ang pangalan ko! Ayoko! Ayoko sa mga katulad niyo! Ayoko sa mga bampira! Masasama kayong nilalang! " - sigaw ko sa kaniya. " Oh? Talaga? Ayaw mo? Bakit may libro ka ng -- " - napatigil si Bullet dahil nagsalita ako. " O-oo! Ayoko sa mga katulad niyo! Kasi kayo ang pumatay kay Yanna! " - sigaw ko ulit sa kaniya. " May nakita po kaming kagat sa leeg ng biktima. Malalim ang pagkakakagat sa kaniya at animo'y sinipsip ng isang nilalang dahilan para mawalan siya ng maraming dugo. Pinaghihinalaan namin na ahas ang tumuklaw sa kaniya. Ngunit noong sinuri namin ang lugar walang ahas kaming nakita. " - sabi nung lalakeng nagimbistiga sa nangyari kay Yanna. Bampira Yan agad ang salitang pumasok sa isipan ko. Possible kayang bampira talaga ang pumatay kay Yanna? Possible. " Kauri lang namin! Hindi ako yun o yung pamilya ko o yung mga bampirang nakatira sa lugar namin! Mga insanes yun ang umatake sa kaniya! " - sabi niya at halatang nainis siya sa sinabi ko. " Insanes? Ano yun? " - nagtatakang tanong ko sa kaniya. " Sasabihin ko sayo ang lahat lahat kapag pumayag ka sa kondisyon ko! " - naghahamong sabi niya. Ano na namang kalokohan to?! " Anong kondisyon mo?! " - tanong ko sa kaniya. " Pakasalan mo ako at doon ka titira sa pamamahay ko! " - sabi niya at ngumiti. " ANO?! AYOKO! NABABALIW KA NA BA?! " - Puno ng galit na sigaw ko sa kaniya. " Yun lang ang kondisyon ko. Take it or leave it. At pwede ka ring makapaghiganti sa mga pumatay kay Yanna kung nanaisin mo " - nakangising saad niya. " Wag mo akong pag tripan ngayon Bullet. Ang daming kamalasang nangyayari sa buhay ko ngayon. Kung wala kang magawa, hanap ka ng ibang mapagtitripan mo. " - Sabi ko at umiwas ng tingin at pinipigilang umiyak na naman. " Sana nga pinagtritripan lang kita ngayon shaine pero totoo lahat ng sinasabi ko sayo " - Bullet at hinawakan ang kamay ko. " Pagiisipan ko muna ng maigi. Bumalik ka dito bukas ng 11:11 ng tanghali. " - sabi ko at umakyat na sa kwarto ko. Naligo muna ako at nagbihis. Habang nakahiga ako sa aking kama ay bigla kong naisip yung kondisyon ni Bullet kanina. Papayag ba ako o hindi? Kapag hindi ako pumayag, hindi ko maipaghihiganti ang pagkamatay ni Yanna. Pero mabubuhay ako sa isang simple at normal na buhay kung saan walang mga bampira o kahit na anong nilalang pa yan. Kapag naman pumayag ako, pwede kong maipaghiganti ang pagkamatay ni Yanna ika nga ni Bullet. May posibilidad rin na mahanap ko ang mga tunay kong magulang sa lugar na yun. Ano kayang itsura nila? Sino kayang kamukha ko? Pero mawawalay ako sa pamilya ko. May posibilidad din na hindi ko na sila makikita pa ulit. Hindi nagtagal ay nakapagdesisyon na ako. Sana ay tama ang aking desisyon. Bahala na nga bukas. Maaga akong nagising. Kailangan ko pa kasing bumili ng mga bagong damit. Medyo masikip na kasi yung iba at ayoko sa mga ganun. Mas gusto ko yung mga malalaking tshirts. Pagkatapos kong magbihis ay agad akong bumaba para maka alis na. Pagkababa ko, nakita ko agad si nanay na nanunuod ng tv. " Oh? Nak san ka pupunta? " - tanong ni nanay ng mapansing nakabihis na ako at handa ng umalis. Agad akong lumapit sa kaniya at hinalikan ang kaniyang pisngi. " Sa mall lang po nay! Bibili lang ako ng mga bagong gamit " - sabi ko kay nanay. " Ah ganun ba? Osya sige! Mag iingat ka! " - bilin sa akin ni nanay. " Opo! Salamat nay! " - sabi ko. Umalis na ako sa bahay at pumunta na sa mall. Pagpasok ko palang sa loob ng mall ay marami nang nakatingin sa akin. Lalong lalo na yung mga lalake. Siguro kung alam lang nila na tibo ako, hindi nila ako tititigan! Pasensya na mga brad, babae din gusto ko. Una kong pinuntahan ang department store at bumili ng 5 oversized shirt at leggings tsaka sapatos. Binili ko rin yung cap na nagustuhan ko. Nagikot ikot pa ako sa mall at bumili ng mga bagay na nagustuhan ko. Pa ikot ikot lang ako sa mall at bili nang bili ng gamit kahit hindi ako sigurado kung magagamit ko ba. Pagkaraan ng ilang oras ay nakaramdam na ako ng gutom at pagkapagod. Kaya napagdesisyonan kong tumigil muna sa pamilili at kumain. Habang papunta ako sa isang restaurant ay may isang lalakeng tumatakbo na parang may hinahabol. Isinawalang bahala ko nalang yun at nagpatuloy sa paglalakad. Hmmmm? Ano kayang masarap kainin sa restau-- *Bogsh* Napaupo ako sa sahig at napadaing sa sakit ng may bumangga sa akin! Kainis naman oh! Gutom na nga ako, matatagalan pa akong makakain dahil sa taong ito. " Naku! Pasensya na miss! Hindi ko sinasadya! Nagmamadali kasi ako! " - hinging paumanhin nung lalakeng bumangga sa akin at tinulungan akong tumayo. " Sige. Okay lang basta wag mo ng gagawin yun sa susunod kapag nakita mo man ako " - sabi ko. Wala ako sa mood makipagaway ngayon. Ewan ko lang kung bakit. Parang may something eh! May something na mangyayari o mahalaga sa araw na ito. Pinulot ko nalang yung mga paper bags ko na nagkalat sa sahig. Agad siyang yumuko at tinulungan niya akong pulutin ang mga paper bags. " Naku pasensya na talaga! By the way, ako nga pala si Blake! Blake Permitvo! Ikaw? " - nakangiting saad niya sa akin sabay lahad ng kanyang kamay. Matangkad. Singkit na mga mata. Golden-yellow na buhok. Makapal na kilay. Matangos na ilong at labing mapupula. " Okay nga lang. Uhm, shaine. Keishaine Rivas? " - sabi ko at tinanggap ang kanyang kamay na nakalahad. " Mauuna na ako! May kailangan pa kasi akong habulin! Sige bye shaine! " - sabi niya at kumaway habang nakangiti ng malapad. Kumaway din ako sa kaniya. Nang mawala na si Blake sa paningin ko ay nagsimula na akong maglakad patungo sa restaurant na aking nakita kanina bago ako nabangga ni Blake. Nang makapasok ako sa Soshi Restaurant ay agad akong sinalubong ng isang staff nila doon. Iginaya niya ako sa isang lamesang pandalawahan. Pagkaupong-pagkaupo ko ay agad na kinuha nung waitress ang order ko. Habang hinihintay ko ang mga order ko ay kinuha ko ang aking cellphone at binuksan ang aking f*******: account. 1 year ago today At nakita ko ang picture namin ni Yanna na magkasama. Nakangiti at halatang masayang masaya sa piling ng isa't-isa. Ito yung litrato na nagulat siya sa sinabi kong I love you imbes na say cheese. Ang ganda talaga ni Yanna. May tumulo na namang luha galing sa aking mga mata. Hindi ko maiwasang umiyak. Lalo na nung naalala ko kung ano ang meron sa araw na ito. Monthsary sana namin ngayon ni Yanna.... Nabigla ako nang biglang may humablot sa cellphone ko. Agad kong tinignan kung sino yung taong yun at hindi ko inaasahang masusundan niya ako dito " Umiiyak ka na naman tsk tsk tsk! " - Umiiling na saad ni Bullet. Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang luhang nasa mukha ko. " A-anong ginagawa mo dito? " - takang tanong ko sa kaniya ng wala ng luha ang aking pisnge. Kumunot lang ang kanyang noo at pinakita sa akin ang cellphone ko. " Ha ha ha wag mo ngang ipakita sa akin yan! Naii- " hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ng bigla siyang nagsalita. " Oras "- maikling saad niya. Anong meron bat ang sunget ng lalakeng to?! Napatingin naman ako sa oras at ngayon ko lang napansin ang oras. 11:11
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD