Keishaine’s POV
Hala! Nakalimutan ko yung usapan namin ni Bullet. Siomai naman oh!
" Oh? Anong meron kung 11:11? " - nagmamaang maangan kong sagot sa kaniya.
" Shaine, Alam kong alam mo kung ano yung gusto kong sabihin " - masungit pa rin na sagot niya.
" Teka nga! Bakit ba ang sunget mo ngayon hah?! " - inis na sabi ko sa kaniya.
" Ano? Papayag ka o hindi?" - pagtatanong niya ulit sa akin at parang iniiwasan ang tanong ko.
Bago pa ako makasagot sa kaniya ay biglang dumating ang mga inorder ko. Pero teka?! Bakit parang dumami ata?
" Uhm, excuse me miss! Parang hindi ata to sa akin? Isang pasta, sandwich at soda lang yung inorder ko. " - nagtatakang tanong ko sa waitress.
" Uhm ma'am may pinadagdag kasi yung lalake kanina sa may counter. Pinapasabi niya rin po na pasensya raw ulit kasi nabangga ka niya kanina. Pambawi niya po raw ito sayo ma'am " - nakangiting saad nung waitress.
Huh? Si Blake? Sinabi ko na ngang okay lang ah? Ang tigas ng ulo! Tsk tsk tsk! Tapos ang dami pa! Isang layer ng pizza, one bucket of fried chicken, fruit salad, lasagna, tsaka ice cream!
" Bakit ka tumatawa diyan? " - masungit na saad ni Bullet.
" Wala. Ah sige miss! Kung bumalik man siya mamaya pakisabi salamat! " - sabi ko sa waitress at ngumiti.
" Tsss " - ayan na naman po siya. May PMS siguro!
" Kumain nga muna tayo bago ko sabihin kung ano yung desisyon ko! Nagugutom na ako eh! " - sabi ko at nagsimula ng kumain. Aba! Gutom na gutom na ako tapos ganyan pa siya? Kairita!
Aba ang mokong yung order ko ang kinain!
" Hoy bampira order ko yan! Marami pa dito oh! May pizza tsaka chicken pa nga! " - Masungit na saad ko at akmang kukunin ko na yung order ko ng iniwas niya ito sa akin.
" Ayoko nga! Bahala kang kumain ng mga pagkain na binigay nung lalake mo! " - Maarting sabi niya at parang inaakusahan niya pa ako sa paraan ng titig niya sa akin.
Baliw talaga to. Pinabayaan ko nalang siya kasi gutom na talaga ako. Pagkatapos naming kumain ay tinignan ko siya ng seryoso.
" Bullet, kapag ba pumayag ako sa desisyon mo, sigurado ka bang maipaghihiganti ko si Yanna? " - panimula ko.
Agad siyang tumingin sa akin at wala pa ring ekspresyon ang mukha. Seryoso?! Anong meron?
" Oo naman! Kahit anong gusto mo masusunod! " - sagot niya sa tanong ko.
Tumango tango naman ako. Hmmm so ibig sabihin…
" So, kung sasabihin kong magbihis babae ka sa kasal natin, susundin mo? " - ngumiti ako ng nakakaloko sa kaniya. Pinipigilan ang aking sarili na tumawa.
" ANO?! AYOKO! " - pagtanggi niya sa sinabi ko! At halata pa sa mukha niya ang pandidiri at pagkagulat.
" Pwes ayokong magpakasal sayo! " - sabi ko at akmang tatayo na ng bigla niya akong hinila at pinaupo ulit.
" Aish fine! Oo na! " - may halong inis na sagot niya sa akin.
Tignan natin kung hanggang saan ang makakaya mo Bullet D'mittri *smirks*
" Ay! Hindi na! Halatang napipilitan ka lang eh! " - sabi ko at pinipigilan ang sarili kong tumawa.
" Oo na shaine! Kahit anong gusto mo! Basta magpakasal ka lang sakin. " - sabi niya at nagpacute pa! Kadiri!
" Okay then, it's settled. Magpapakasal na ako sayo! "
Para namang nabunutan ng tinik ang mukha ng mokong pagkatapos kong sabihin na magpapakasal na ako sa kaniya. Ang moody rin ng lalakeng to eh ano?
" Magkita tayo bukas ng umaga para ma sukatan ka na agad ng susuotin mo at ma ikasal na tayo " - sabi niya at may tinignan sa phone niya.
" Anong bukas? Nagmamadali ka ata? Dahan dahan lang pwede? Ni hindi pa nga ako nakaka get over sa ideyang magpapakasal ako sa isang lalake?! " - Agarang agap ko sa kaniya. Ang bilis naman ata kung bukas na agad kami magpapasukat?
" Mas maaga, mas madali mo ring ma ipaghihiganti yung ex mo "
" Teka nga lang, bakit ba ang bitter mo kapag nasasali sa usapan si yanna ha? " - Tanong ko sa kaniya.
Kanina ko pa kasi napapansin na kapag nabanggit si yanna, nag iiba ang emotion ng mukha niya.
" Nakikita ko kasi na umiiyak ka dahil sa kaniya, ayoko nun " - masungit na saad niya at umalis nalang bigla.
Ano raw?
Bigla akong napatingin sa cellphone ko ng tumunog ito. Isang mensahe ang natanggap ko galing sa numero na wala sa contacts ko
1 message received
09*********
9am at **** street tomorrow, Don't be late. Save my number
-Bullet
Andito ako sa isang wedding shop at kasalukuyang sinusukatan para sa aking susuoting gown. Ang daya kasi ng mokong, um-oo siya sa deal pero huli na nung sinabi niyang bawal daw kaming magpalit ng damit kasi hindi kami ikakasal ng ama niya kung ganoon. Ang boring na jusko! Kanina pa nila ako pinupuri na ang ganda raw ng hubog ng katawan ko! Aish! Kadiri!
" Hindi pa po ba tapos? " - naiinip na tanong ko sa babaeng may hawak ng tape measure at kanina pa paulit-ulit na sinusukat ang bawat parte ng aking katawan.
" Malapit na hija. Sandali nalang. At~ tapos na! " - masiglang sabi nung babae.
Salamat naman at tapos na! Gutom na gutom na talaga ako! Teka nga, nasan na ba yung mokong na yun? Kanina ko pa siya hinihintay dito kasi susukatan din siya para sa kasal namin. Nandidiri talaga ako kapag naiisip ko na ikakasal ako sa isang lalake at kay mokong pa.
" Shaine "
Nilingon ko agad ang taong tumawag sa akin at laking pasalamat ng makita kong si Bullet pala yun!
" Hoy saan ka nanggaling?! Alam mo bang kanina pa kita hinahanap --- "
" Oy~ hinanap niya ako! Namiss mo ko noh? Ayiiee " - tukso niya sa akin at ngumiti pa ng nakakaloko.
" Aba! Ang kapal mo namang gago ka! Hinahanap kita kasi gutom na ako! Kaya shooo! Bilhan mo na ako ng pagkain " - pagtataboy ko sa kaniya.
Gutom na gutom na talaga ako eh! Eto kasing lalakeng to! Grabe kung makapagsabi na kailangan daw engrande raw yung kasal namin tsaka dapat daw babaeng babae ako tignan like seriously?!
" Weeehh? Namiss mo lang kasi ako! Ano bang gusto mong kainin? " - tanong niya sa akin.
" Rice, Barbeque, pizza, beef steak, ice cream tsaka coke lang! " - nagniningning ang mga matang saad ko sa kaniya.
" Tss. Ang takaw " - mahinang sab niya nung tumalikod na ako para pumunta sa babaeng tumatawag sa akin para sa design ng gown ko.
" Anong sinabi mo?! " - tinaasan ko siya ng kilay at tinignan ko siya ng masama.
Aba! Tong gagong to, bubulong bulong pa eh naririnig ko naman!
" Wala PO kamahalan! " - sarkastikong saad niya at tumakbo palabas ng shop.
" Tss. Gago " - sambit ko at pumunta na sa babae.
Pinili ko yung design na medyo simple lang. Ayoko kasing magsuot ng mamahaling gown tsaka ayoko rin sa mga gown na maraming ka echusan.
Habang namimili ako ng kwintas na aking susuotin para sa aming kasal ay biglang bumukas ang pinto ng shop at pumasok ang isang holdaper, hindi biro lang! Pumasok si Bullet na pawis na pawis.
Medyo basa yung buhok niyang natural nang magulo. May tumutulo pang pawis galing sa ka kaniyang buhok patungo sa kaniyang mukha bumaba sa kaniyang leeg --
" Baka matunaw na ako niyan " - natatawang saad niya. Hindi ko namalayang nasa harap ko na pala siya.
" A-ang kapal mo ha! H-hindi ako nakatitig sayo noh! Pawis na pawis ka kasi! Nakakadiri! " - tanggi ko sa paratang niya sakin. Agad akong umiyas ng tingin at binalik ang tingin sa mga kwintas.
" Denial Queen hahaha! Oh eto na pala yung mga pinabili mo! Ubusin mo yan ha?! Kapag hindi mo naubos magbabayad ka! " - saad niya at nilagay ang mga pinamili niya sa isang lamesa na nandoon.
Agad akong napatingin sa kaniya at biglang nakaramdam ng gutom. Agad akong lumapit sa lamesa kung saan niya nilagay ang mga pagkaing pinamili niya at nagdasal muna bago kumain.
" Oops! Dahan dahan lang! Hindi halatang gutom na gutom ka na eh ano? " - natatawang saad niya habang tinitignan akong kumain.
Sinamaan ko lang siya ng tingin. Gago! Eh kung kanina niya pa ako pinakain hindi sana ako gugutumin! Tss.
" Sorry na kung nagutom ka. Nandoon kasi ako sa kabila at namili rin ako ng susuotin sa kasal "
Buti alam mong gago ka! Hindi talaga kita bibigyan! Bumili ka ng sayo! Kumain nalang ako ulit! Tss bahala siya diyan!
" Alam ko. Binili ko yan lahat para sayo. Hahaha ang cute mo kapag gutom ka hahaha! " - sabi niya at tumawa ng tumawa.
Mind reader ba ang isang to? Bakit niya alam kung anong iniisip ko?
" Remember shaine, bampira ako kaya nababasa ko kung anong nasa isipan mo " - sabi niya sabay ngumiti sa akin ng nakakaloko.
" Wag mo ngang basahin kung ano yung nasa isipan ko! Wala na akong privacy niyan eh! " - saad ko habang ngumunguya ng pagkain.
" Pasenya na. Hindi ko mapigilan eh! Ang sama kasi ng tingin mo sakin kaya ayun nacurious ako kung anong nasa isip mo " - sabi niya sabay kamot sa kaniyang batok at ngumiti sa akin.
" Tsaka shaine, don't talk while your mouth is full! Mukha kang baboy hahahahaha! " - sabi niya at tumawa ng tumawa.
Napapatingin na nga sa amin yung babaeng may-ari ng shop eh.
By the way, kami lang yung tao dito sa shop. Sabi ni Bullet wala raw'ng gaanong tao ngayon kasi linggo. Kaya ngayon niya ako sinama para raw walang tao. Hahaha ang gulo ko noh?
" Shut up! " - galit na saad ko. Pagkatapos kong uminom ng coke. Mahirap na baka asarin na naman ako ng gagong to.
" HAHAHAHAHA GALIT NA YUNG ASAWA KO HAHAHA!!! "
Pansamantala akong natigilan. Biglang sumakit ang aking ulo at may isang scenaryong biglang pumasok sa aking isipan...
Andito kami ng aking kasintahan sa isang hardin. May nakalatag na isang malaking tela kung saan kami nakaupo ngayon. Niyaya niya kasi ako na mamasyal ngayong araw.
" Mahal, kapag naging mag-asawa na tayo. Dapat doon ka na tumira sa palasyo namin! Tsaka dapat may labindalawang anak tayo " - sabi niya at ngumiti ng nakakaloko sa akin.
" Hala! Grabe siya oh! Labindalawa talaga? Hindi ba pwedeng tatlo nalang? Ang hirap kayang manganak! " - sabi ko habang nakakunot ang aking noo.
Anong trip ng lalakeng to at labindalawang anak ang gusto niya?!
" Eh kasi mahal, mas maganda yung marami tayo diba? Mas marami tayo, mas maingay ang ating palasyo! " - nakangiting saad niya at parang nakikiusap ang kaniyang mga mata na umoo ako.
" Bahala ka diyan! Ayoko pa rin! Oo nga marami tayo ngunit masakit talagang manganak! " - tinignan ko siya ng masama.
Bigla niya akong niyakap at hinalikan niya ang aking ulo.
" Nagbibiro lang ako mahal hahaha! Kung ilan ang gusto mo, ay okay lang sa akin basta ikaw ang magiging nanay ng mga anak ko " - sabi niya at ngumiti sa akin.
Agad namang pumula ang aking mga pisnge kaya umiwas ako ng tingin sa kaniya. Hinawakan niya ang aking mukha at pinaharap niya ako sa kaniya. Agad niyang hinuli ang aking paningin.
" ooyy~ namumula siya! " - tukso niya sa akin nang mapansin niyang namumula ako.
" o-oy! Wala ah! " - sabi ko at niyakap siya para maitago ang aking namumulang mukha.
" Tinanggi pa! Hahaha! Mahal na mahal kita asawa ko. " - sabi niya sa akin at hinalikan niya ulit ako.
Minulat ko ang aking mga mata at nakita ko si Bullet na nakaupo sa aking harapan at mahahalata mong nagaalala siya.
" O-kay ka na ba shaine? Anong nangyari? " - nagaalalang tanong niya sa akin.
" okay lang ako. Sumakit lang ang ulo ko at may alaalang biglang pumasok sa isipan ko " - ngumit ako ng pilit sa kaniya.
Ang nagaalalang ekspresyon niya ay napalitan ng pagkabigla at bigla siyang namutla.
Bakit parang totoo yung senaryong naalala ko? Alaala kaya yun o isang imahenasyon ko lang? Pero imposible yung huli. Kasi naramdaman ko talaga yung yakap niya at ang kaniyang halik. Atsaka bakit biglang namutla si Bullet nung sinabi kong may naalala ako? Anong meron?
-------------------------------------
Ngayon ang kasal namin ni Bullet. Hindi ko inaakalang ikakasal ako sa isang lalake! Tss
Yung pinapangarap kong kasal ay ako yung nasa altar, nakasuot ng tuxedo habang hinihintay na dumating yung taong mahal ko habang mabagal na naglalakad sa aisle na para siyang isang beauty queen.
But it turns out na ako yung magsusuot ng gown at dahan dahang lalapit sa lalakeng naghihintay sa akin sa harap ng altar. Geeezz!
" Ang ganda mo talaga hija. Para kang isang anghel na bumaba sa langit. " - saad nung babaeng nagaayos sa akin.
" Salamat po " - at ngumiti ako ng napakatamis sa kaniya.
Alam ko namang maganda ako. Kaya nga dati, kahit alam nilang tomboy ako ay marami paring nagpupumilit na manligaw, baka raw mabago nila ako. Pero sa clinic ang punta nila kapag pinipilit nila at ako naman ay sa guidance hehe.
Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na siya sa paglalagay ng kolorete sa aking mukha. Inalalayan ako ng mga katulong nina Bullet para masuot ang aking gown. Simple lang yung pinili kong design ng gown. As what I've said ayoko sa mga bonggang gown.
" Bagay na bagay po sa inyo yung napili niyong gown madame~ " - manghang saad nung isang katulong.
Pansin ko lang ah? Hindi uso sa kanilang mga bampira ang salitang " Panget " , seryoso! Wala pa akong nakikitang bampira na panget.
" Salamat " - sabi ko sa kaniya at ngumiti ng pagkatamis-tamis. Seryoso? Kanina pa nila ako pinupuri.
" Shaine, anak "
Napalingon ako sa aking likuran at nakita ko sina nanay at tatay. Agad nila akong niyakap.
" Shaine, mamimiss ka namin " - maluhang luha na saad ni nanay.
" Nay~ ikakasal lang po ako! Hindi po ako mamamatay?! " - natatawang saad ko.
Ano bang iniisip nila? Parang pinapatay na nila ako eh!
" Ikaw talagang bata ka! Haist! Basta kung sasaktan ka nung Bullet na yun, tawagan mo lang kami ng mga kuya mo at agad ka naming pupuntahan " - nakangiting saad ni tatay pero mahahalata mong maiiyak na siya kasi may mga luhang nagbabadyang bumuhos galing sa kaniyang mga mata.
" Nay, Tay, ikakasal lang po ako okay? Hindi po ako mamamatay! Tsaka kung sasaktan man ako nung Bullet na yun, sisiguraduhin kong mauuna siyang mamatay kesa sakin hahaha! " - sabi ko at tumawa ng kaunti. Napatawa naman sina nanay at tatay. Siguradong mamimiss ko sila hays.
Bullet's P.O.V
Kanina pa ako kinakabahan dito sa aking kinatatayuan.
Makakapunta ba siya?
Matutuloy ba yung kasal?
Wala na bang hadlang gaya nung nangyari dati?
Flashback
" Mahal ko, alam kong hindi engrande at hindi man ito legal kasi nga pinagbabawal ang pag-iibigan nating dalawa pero nais kong ialay ng buo ang puso at pagkatao ko sa iyo dito sa lugar kung saan tayo unang nagkita. Naalala ko nga na kahit umiiyak ka nun, ang ganda mo pa rin. " - Nakangiting wika ko kay Psyche. Natawa naman siya sa sinabi ko.
" Hindi ko inaasahang yun na pala ang simula ng ating kwento. Kwentong hindi perpekto pero puno ng pagmamahal at seryoso " - wika ko at hinalikan ko siya sa labi.
Lumuhod ako sa harap niya at pinakita ang isang singsing. Napaawang ang bibig niya at naiiyak na siya habang nakatingin sa akin.
" Mahal ko, mahal na mahal kita. Higit pa sa inaasahan mo. Sana ay tanggapin mo itong singsing na magpapatunay na tayo ay iisa magpakailanman "
" Oo mahal, tinatanggap- Ahhhh! "
Hindi natuloy ni Psyche ang kaniyang sasabihin nang bigla siyang napasigaw sa sakit. Bigla ko siyang niyakap at nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang isang palaso na nakabaon sa kaniyang likuran at ang dami nang dugo ang umaagos palabas ng kaniyang katawan.
Bigla akong nakaramdam ng gutom dahil sa dugong nakikita at naaamoy ko. Parang ang sarap ng dugo niya. Pero pinigilan ko ang aking sarili at hinanap ang taong pumana sa aking mahal. Nang may narinig akong tumatakbo ay agad ko itong sinundan at mabilis na hinawakan ang kaniyang leeg. Napahiga siya sa lupa at tinanggal ko ang kaniyang maskara.
" Walang hiya ka! " -papatayin ko na sana siya ng bigla siyang magsalita.
" Wag po! Mahal na prinsipe ako lamang ay napag utusan! May pamilya pa po akong naghihintay sa bahay " - nagmamakaawang litanya niya sa akin.
Binasa ko ang kaniyang isip at nagsasabi naman siya ng totoo. Siya ay inutusan lamang na patayin si Psyche dahil napaka makapangyarihan ito na pwede niyang matalo kahit ang hari ng mga bampira. Ang council ang nag utos sa kaniya.
Labag man sa aking kalooban ay pinatakas ko na siya at binalikan ang aking mahal. Nakahandusay na si Psyche at nanghihina na. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit at nag uunahan na ang aking luha sa pagpatak
" Mahal ko, mahal na mahal kita. Pasensya na at hanggang dito nalang ako. " -mahinang saad niya sa akin.
" Mahal ko, wag ka namang ganyan oh. Magsasama pa tayo pang habang buhay hindi ba? " - umiiyak na tanong ko sa kaniya.
Ngumiti lang siya sa akin. Ayoko! Ayokong mawala siya! Hindi ko kaya!
Dahan dahang pumikit ang kaniyang mga mata at nawalan na siya ng lakas. Ilang ulit ko siyang niyugyog at tinawag pero wala nang sagot. Wala na rin siyang pulso. Tuluyan nang binawian ng buhay ang aking mahal.
Dinala ko siya sa bahay nila. Kumatok ako at pinagbuksan kami ng tiyahin niya. Namutla ito at napasigaw nang makitang bangkay na ang kaniyang pamangkin.
" Psyche! Gumising ka! Wag mo naman kaming iwan oh! " - umiiyak na pagmamakaawa ng kaniyang tiyahin pero wala na siyang nakuhang sagot galing kay Psyche.
Pinapasok niya kami at pinahiga niya si Psyche sa isang lamesa. Kinwento ko sa kaniya kung ano ang nangyari at labis na lamang ang kaniyang galit sa counsil.
" Pasensya tiya at hindi ko siya naprotektahan " - naiiyak na pagpapapaumanhin ko sa kaniya.
" Wala kang kasalanan ijo, ikaw ay nagmahal lamang. May plano ako " - sabi ni tiya na dahilan upang mapatingin ako sa kaniya.
" Anong plano niyo po tiya? "
" Gamit ang isang ritual, mabubuhay ulit si Psyche pagkaraan ng isang dekada ngunit sa ibang pagkatao at sa ibang mundo mo na siya mahahanap. "
End of Flashback
" Bullet! Handa ka na ba? " - tanong sa akin ng aking ama.
" Opo dad. I'm ready " - nakangiting saad ko pero kinakabahan parin ako.
" Wag kang kabahan anak. Dadating siya panigurado! " - saad ni ama at tinapik ang aking balikat.
Magsasalita pa sana ako ngunit lumapit yung kinuha naming wedding organizer at sinabing nasa labas na si shaine.
" This is it " - bulong ko sa aking sarili.
Keishaine's P.O.V
Andito ako sa loob ng sasakyan at nakaupo lang habang abala sila sa loob ng simbahan. Yung simbahan nila ay walang mga santo o ano. Dito kasi kami ikakasal sa simbahan ng mga bampira. Weird no? May simbahan yung mga bampira?
Inaayos at finafinalize nung kinuhang wedding organizer nina Bullet ang mga designs at ang program. Nung nakapwesto na ang lahat ay kinatok nung wedding organizer ang bintana ng kotche kung saan ako nakasakay.
" Madame~ lumabas ka na po. Ready na po ang lahat at ikaw nalang po ang hinihintay " - nakangiting saad niya sa akin.
" Oh sige " - sabi ko at lumabas na ng kotche.
Nakita kong naka pwesto na ang mga kasama sa entourage. Tinulungan ako nung organizer sa aking gown .
Heart beats fast
Colors and promises
How to be brave?
How can I love when I'm afraid to fall?
But watching you stand alone,
All of my doubt suddenly goes away somehow.
One step closer
Isa-isang naglakad ang mga flower girls, ring bearer, bride’s maid, groom’s men and maid of honor. Kinuha naming flower girls at ring bearer yung mga pamangkin ni Bullet, mga pinsan naman namin yung brides maid and grooms men. At syempre, si Liah yung maid of honor ko.
Lahat sila ay nakasuot ng kulay puting gown na may bahid ng pula. Napagdesisyonan kasi namin ni Bullet na White yung motif ng kasal.
I have died every day waiting for you
Darling, don't be afraid I have loved you
For a thousand years
I'll love you for a thousand more
Sinarado nila ang pinto at agad akong pumwesto sa likod nito. Lumapit naman sina nanay at tatay sa akin at humawak ako sa kanilang braso. Nung nakatayo na kaming tatlo sa likod ng pinto ay agad nila itong binuksan ng dahan dahan.
Time stands still
Beauty in all she is
I will be brave
I will not let anything take away
What's standing in front of me
Every breath
Every hour has come to this
One step closer
Dahan dahan kaming naglakad sa gitna ng aisle. Nakangiti ang lahat sa akin at namumuri ang kanilang pagtingin sa akin. Pagtingin ko sa harap, nandun si Bullet, nakangiti..
I have died every day waiting for you
Darling, don't be afraid I have loved you
For a thousand years
I'll love you for a thousand more
And all along I believed I would find you
Time has brought your heart to me
I have loved you for a thousand years
I'll love you for a thousand more
Huminto ang kanta ng nakarating na kami sa harap ng altar. Yung kamay kong nakahawak sa braso ni tatay at nanay ay inilagay nila sa braso ni Bullet.
" Hijo, alagaan mo ang anak namin! Sana ay mataas ang iyong pasensya at wag na wag mo siyang sasaktan kung hindi makakaharap mo ako! " - banta ni nanay kay Bullet.
Pero parang hindi talaga yun banta kasi nakangiti si nanay
" Opo! Maasahan niyo pong gagawin ko po iyon! " - nakangiting saad ni Bullet.
" Hijo! Paalala lang ah? Gusto na namin magkaapo! Kaya alam mo na " - sabi ni tatay at nagwink.
" TAAY! " - Saway ko kay tatay
Ngunit tumawa lang sila nang tumawa. Seryoso?
" Opo! Hahaha! " - natatawang sabi ni Bullet kaya siniko ko siya at tumigil naman siya sa kakatawa pero halatang pinipigilan niya ang kaniyang sarili na wag tumawa.
Nang makaharap na kami sa altar ay ngumiti ang taong magkakasal sa amin na sa palagay ko ay ang tatay ni Bullet. Sabi kasi nila na yung papa raw ni Bullet ay yung hari. Kaya ibig sabihin ay prinsipe ng mga bampira si Bullet. Tapos kung nanaisin ng hari ay pupwede raw na siya yung magkasal sa dalawang magkasintahan.
" I, Keishaine Caroline Rivas promise to be your lawfully wedded wife to have and to hold from this day forward. For better or worse. In Good times and bad times. for richer or for poor, till death do us part " - sabi ko at sinuot ang singsing sa daliri ni Bullet.
Nanosebleed ako dun ah?
" I, Bullet D'mittri promise to be your lawfully wedded husband to have and to hold from this day forward. For better or worse. In Good times and bad times. for richer or for poor, till death do us part " - naiiyak na saad ni Bullet at sinuot ang singsing sa aking daliri. Teka? Bakit siya umiiyak? Hindi ko naman siya inaano ah?
" By the power vested in me, I now pronounced you as husband and wife. You may now bite your wife " - sabi nung ama ni Bullet.
Yes, imbes na 'kiss' eh 'bite' yung gagawin na Bullet. Yun raw kasi yung parang tradition nila. Para raw na maging bampira ako at maibigay niya ang kalahating kapangyarihan niya sa akin. At para rin raw sa bond namin.
Dahan dahang bumaba ang mukha ni Bullet papunta sa aking leeg. Naramdaman kong humaba ang kanyang pangil. Ipinikit ko ang aking mga mata at naramdaman kong kinagat niya ako sa aking leeg.
And everything went black