4:11

5000 Words
Keishaine’s POV Kahit inaantok pa ako ay pinilit kong imulat ang aking mga mata. Pagkadilat ko ay bumungad sa akin ang isang kulay itim na kwarto na may mga desenyong gold at red. Nakahiga ako sa isang king-sized bed na kulay puti. Teka?! Hindi to ang kwarto ko ah? Agad akong napabangon pero wrong move ata yung ginawa ko kasi biglang kumurot ang sugat ko sa aking leeg. Teka?! Sugat?! Agad kong kinapa ang sugat at ngayon ko lang naalala na kinagat pala ako ni Bullet. At kasal na pala ako sa mokong na yun geeezz! Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Bullet. Nakangiti ito sa akin habang daladala niya ang isang tray na puno ng pagkain. "Kamusta na ang pakiramdam mo?" -nakangiting tanong niya sa akin at nilapag ang tray sa lamesa na nasa gilid ko. "Medyo okay na ako. Pero nakakaramdam parin ako ng unting pagkirot dulot ng kagat mo"-nahihiyang saad ko. Hala? Gago bakit ako nahihiya? Tsaka ang pabebe ng boses ko! "Ito, kumain ka muna. Kailangan mo pang magpahinga para mas mabilis kang gumaling at agad na makabawi ang katawan mo. Ako talaga ang nagluto niyan"-nakangiting sabi niya. Good mood na good mood siya ngayon ah? Ano kayang meron? "Syempre asawa na kita kaya normal lang na magiging masaya ako"-out of nowhere na sabi niya. Huh? Mind reader ba tong lalakeng to? Nakakunot ang noong tanong ko sa isipan ko "Hindi ako mind reader. Bampira ako tsaka may bond na tayo kaya mababasa ko talaga kung anong nasa isip mo hahaha!"-natatawang saad niya! Ay oo nga pala! Bampira nga pala tong lalakeng to at asawa ko na siya! Kadiri! Yucks! "Wag mo ngang basahin kung ano ang nasa isip ko! Wala akong privacy niyan eh!"-sabi ko at tinignan siya ng masama. Gago talaga siya eh ano? "Sorry. Hindi ko mapigilan eh! Ang lalim kasi ng iniisip mo hahahaha"-natatawang saad niya. Baliw talaga to! "Oh siya! Umalis ka na! Kakain na ako tapos maliligo na rin ako!"-pagtataboy ko kay Bullet habang kinukuha ang tray at nilapag iyon sa lap ko. "Hindi pwede! Mag-asawa na kaya tayo kaya kung ano yung iyo, ay sa akin na rin. Tsaka hindi lang sa iyo ang kwartong to! Akin din to! For short, kwarto NATIN to!"- nakangising saad niya at binigyang diin ang salitang natin. "H-huh? Uhm.. Wala na bang... Ano.. Ibang kwarto? Uhm.. Guest room perhaps?"-nauutal utal na tanong ko sa kaniya at umaasang meron pang bakanteng kwarto na pwede kong tulugan. Ayokong tumabi sa kaniya no! Baka pagsamantalahan niya ako habang tulog ako! Naku! Tulong! "Hahahaha relax wife hindi kita pagsasamantalahan. May respeto ako sayo. Atsaka nakalock ang lahat ng kwarto. Sinadya yun nina ina at ama para raw tabi tayong matulog"-nakangiting saad niya na ikinasimangot ko naman. Binasa na naman niya ang isip ko. Gago talaga! "Wag mo nga kasing basahin yung isip ko! Wala na akong privacy niyan eh!"- galit na saad ko sa kaniya! Namumuro na tong lalakeng to ah?! Ang cute niya talaga kapag naasar. Nabigla ako sa aking narinig. Teka? Boses yun ni Bullet ah? So ibig sabihin ay nababasa ko rin kung anong nasa isipan niya. Aha! Makakaganti na rin ako sayong mokong ka! "So, cute ako?"-nakangising saad ko sa kaniya. Akala mo ikaw lang ang marunong hah? Nakita kong namula ang kanyang tenga. Namumula ang gago! "H-hindi ah!"-pagtanggi niya sa sinabi ko. Pero namumula parin ang kanyang mga tenga. Inasar ko lang siya nang inasar! Yan kasi! Aasarin ako tapos siya pala yung asar talo! Hapon na ng makalabas ako sa kwarto. Natulog lang ako sa umaga o di kaya ay kumain ng kung ano ano. Pinapadalhan ako ni Bullet ng mga pagkain kaya hindi ko na kailangang bumaba pa. "Huwag ka ngang malikot! Baka mahulog ka! Atsaka wag ka ngang matakot! Andito lang ako sa likod mo."-saad ni Bullet. Nakasakay kami sa isang puting kabayo. Pinapasyal niya ako sa kanilang lupain. " Eh sa first time kong sumakay sa isang kabayo eh! " - sabi ko at tinignan ko siya ng masama. Hindi pa talaga ako nakakasakay nito, wala kasing kabayo sa amin dahil city yun. " Yan kasi! City girl kasi kaya hindi marunong mangabayo! " - natatawang saad niya at halatang inaasar ako. " Hoy hindi ako babae! Lalake ako! L-A-L-A-K-E! Atsaka atleast hindi ako TAONG BUNDOK! " - sabi ko sa kaniya at tumawa dahil sa pang-aasar ko sa kaniya. " Sinong nagsabi na hindi ka babae? For your information Mrs D'mittri babae ka na kasi kasal ka na sa akin! " - sabi niya at ngumisi ng nakakaloko. " Yes, nagpakasal ako sayo. But that doesn't mean na babae na ako. Lalake ako! Baka naman, ikaw yung babae sa atin? " - pangaasar ko sa kaniya. Pero imbis na maasar ay mas lalong lumaki ang ngiti niya sa akin. " Ano? Ako yung babae? Nagpapatawa ka ba? Tara uwi na tayo! Para magawa na natin si Junjun " - nakangising sabi niya at kumindat sa akin. Tinignan ko naman siya ng masama. Ako ba'y pinagloloko ng gagong to?! " Gumawa ka mag-isa mo! " - inis na sabi ko sa kaniya at inirapan siya. "Ang sweet niyo naman" Agad akong napalingon sa aming harapan. Nakita ko ang mga magulang ni Bullet na masayang nakatingin sa amin. " Hi po " - nahihiyang bati ko sa kanila. Nakakahiya! Nakita nila akong ganun. Si Bullet kasi! " Wag ka ng mahiya hija, tsaka okay lang sa amin yun! Ang sweet niyo nga ng anak namin eh " - kinikilig na saad ni ina. Sinabi kasi niya sa akin dati na ina raw yung itawag ko sa kaniya. " Okay po " - sabi ko at matamis na ngumiti kay ina. " Yan kasi, wag mo kasi akong awayin hahaha! " - saad ni Bullet gamit ang bond naming dalawa. Nakakapagusap kami ni Bullet gamit lang ang aming isip dahil nga sa bond namin. Walang ibang makakabasa o makakarinig sa pinag-uusapan namin kundi kaming dalawa lang. " Tse! Tumahimik ka nga diyang gago ka! " - inis na sabi ko sa kaniya. Nakakainis talaga siya! " Uhm, ina, ama. Ipapasyal ko po ulit si Shaine. Hindi pa po kasi namin nalilibot ang buong lupain " - nakangiting sabi ni Bullet sa mga magulang niya. " Gusto mo lang ata na masolo si Shaine eh! " – nang-aasar na sabi ni ina. " Pabayaan na natin sila hon, ganyan din naman tayo dati eh! Baka nga may nabuo na yang dalawang yan eh! " - natatawang sabi ni ama. Umakyat ang lahat ng dugo ko sa mukha ko at alam kong pulang pula na ang aking mukha. Ang awkward ng topic promise! Hindi pa naman namin ginagawa yun eh! And hinding hindi yun mangyayari! Yucks! Kadiri! " Hahahaha! Opo! Gagawin na po namin si Junjun! " - pilyong sabi ni Bullet at nagsimula na ulit na maglakad ang kabayong sinasakyan naming dalawa. Tinignan ko ng masama si Bullet pero tumawa lang siya nang tumawa. Kung nakakapatay lang ang tingin, malamang ay kanina pa siya namatay! ---------------------------------------- " Uhm Bullet? " - tawag ko sa kaniya habang papauwi na kami. " Ano yun mahal ko? " -malokong sagot niya sa akin. " Bullet naman kasi! Seryoso muna! " -Inis na sabi ko sa kaniya. " Hahahaha! Ano nga yun? " -Natatawang sabi niya at tinignan niya ako sa mata. Umiwas naman ako ng tingin sa kaniya. " Pwede ba tayong pumunta sa mundo ko dati? Kasi diba dito na ako titira sa inyo, edi mamimiss ko panigurado yung mga bagay bagay sa mundo ko. Kahit tatlong araw lang okay na sa akin " - Pakiusap ko sa kaniya. Syempre doon ako lumaki at nasanay na ako sa mga gawain ng mga normal na tao. At gusto ko ring ipasyal si Bullet sa mga paborito kong lugar at ipakain ang mga paborito kong pagkain. " Sige, ipapaalam ko muna kina ama at ina para hindi sila magtaka kung bakit wala tayo dito " - nakangiting sabi niya sa akin. " Talaga?! YEEEY! " - dahil sa tuwa ko, nayakap ko siya ng mahigpit. Napatigil kaming dalawa at napatitig sa isa't-isa. Ang ganda ng mga mata ni Bullet. Ang sarap titigan, kung nakakapagsalita lang ang mata parang sinasabi niya na mahal ako ni Bullet. Pero parang impossible naman ata. Dahan dahang lumalapit ang mukha ni Bullet. Hindi ako makagalaw. Anong nangyayari sa akin?! " Mahal na prinsipe handa na po ang pagkain " Lumayo agad ako kay Bullet at dali daling pumasok sa loob ng bahay. Anong nangyari sa akin kanina? Hoy Keishaine maghunos dili ka! Baka sabihin ni Bullet na isang kalapating mababang lipad ka lang ha? Akala ko ba lalake ka? Bakit nagiging babae ka na? Maaga akong nagising kina umagahan, excited kasi akong umuwi sa mundo ko. Namimiss ko na yung maingay kong mundo lalong lalo na yung pamilya ko doon. Pagtingin ko kay Bullet, aba tulog pa ang mokong. Nakayakap pa sa akin ng mahigpit. Pero kahit maraming beses na kaming nagtatabi sa kama, hindi niya ako pinagsamantalahan. Nangyayakap nga lang yung mokong at nandadantay. Okay lang naman sa akin yun, pakiramdam ko ligtas ako sa mga bisig niya. Kapag nauuna akong magising kesa sa kaniya, nabibigyan ako ng pagkakataong titigan siya ng maigi. Sa totoo lang, gwapo naman talaga si Bullet. At siya ang ka una unahang lalake na nasabihan ko ng gwapo. Napailing nalang ako dahil sa mga naiisip ko. Nababaliw na ata ako. Siguro kailangan ko lang mag relax sa dati kong mundo, mawawala rin to. " Hoy bakla, gising na " - pinitik ko ang ilong niya dahilan para mapa aray siya. " Shaine naman! Natutulog pa ako eh! " - Sabi niya at mas hinigpitan pa ang yakap. " Aba! Hoy! Tsansing na yan ha! Alis! Pupunta pa tayo sa mundo ko! " -sabi ko sabay alis sa yakap niya. " Halika naaaaa! " - hinihila ko siya pero ayaw niya talagang bumangon. " Bahala ka nga, uuwi akong mag-isa " - kumuha na ako ng damit at pumasok sa cr para magbihis. " Hoy biro lang! Sasama talaga ako! Baka may pumorma pa sayo dun o may makita kang chikababes naku mas delikado yung huli baya ma hiwalayan ako ng wala sa oras! " - Drama niya sa labas at malamang nagbibihis na yun. Natawa nalang ako sa loob ng cr. Ang drama talaga ni Bullet, daig pa ang babae. Paglabas ko ng cr, tama nga ang hinala ko. Tapos nang mag bihis ang mokong. " Oh? Akala ko ba ayaw mong sumama? " - malokong tanong ko sa kaniya. " Ayoko nga! Baka makakita ka ng chikababes dun tapos hiwalayan mo ko! Naku delikado! " - drama na naman niya at nauna pang lumabas dala dala ang bag niya. Hindi na ako nag abalang mag bitbit ng damit kasi may mga damit pa akong natira sa bahay ko dati. " Ama, ina aalis na po kami papunta sa mundo ng mga tao " - Pormal na pagpapaalam ni Bullet kina ama at ina. " Osya, mag iingat kayo doon ha? Wag niyong kakalimutan yung cream na ginawa para pwede kayong mag bilad sa araw " - sabi ni ina at binigyan niya kami ng cream. Niyakap muna kami nina ama at ina bago kami sumakay sa sasakyan papunta sa mundo ko dati. Habang nasa biyahe kami, nakasandal si Bullet sa akin kasi inaantok pa raw siya. Yan kasi, sinabihan ko na siyang wag nalang sumama kasi halatang inaantok pa, nagpumilit pa talaga. " Kuya dito na po. Salamat po " - nakangiting sabi ko sa driver. " Naku ma'am walang ano man po " - nahihiyang tugon niya sa akin. " Oy bullet gising na, andito na tayo " - Mahina kong pinitik yung ilong niya. Agad naman siyang nagising at binitbit yung bag niya. " Mag iingat ka po kuya! " - sabi ko at bumaba na ng sasakyan. Narinig ko pa siyang nagpasalamat bago ko sinara yung pinto. " Shaine! Anak! " - masayang bati ni nanay sa akin pag pasok ko pa lang sa bahay. " Nay pwede po ba dito muna kami tumira? Wag kang mag aalala nay hindi po dugo ng tao ang iniinom namin " - nahihiyang pakiusap ko sa nanay ko. Tumawa naman si nanay ng kaunti at niyakap ako. " Bampira o tao, anak pa rin kita shaine " - maluha luhang tugon ni nanay na dahilan upang mapangiti ako at niyakap ko siya pabalik. Nagkwentuhan kami ni nanay at liah sa sala tungkol sa buhay may asawa ko raw. Feeling ko nga dorm mates lang kami ni Bullet! Nung nalaman kasi ni Liah na dumating ako eh agad na sumugod dito sa bahay. Si Bullet naman kasama niya sina tatay at mga kuya ko. Okay naman na sila, close nga silang apat agad eh. At ang ingay pa nila, feeling ko nga umaabot sa kapitbahay yung mga boses nila eh. " Alam mo shaine, di ko talaga aakalaing mag aasawa ka ng lalake. Dati nga ayaw mong inaayusan kita kaya nag aaway tayo eh " - natatawang saad ni Liah. " Ako nga rin liah eh. Ayoko talaga sa mga lalake dati. Pero may first time talaga sa lahat ng bagay " - sabi ko at napatingin kay Bullet. Nang mag gabi na, sa kwarto ko pinatulog si Bullet. Pina linisan pala nila nanay yung kwarto ko at pinalitan din nila ng queen size yung bed ko para daw mag kasya kaming dalawa ni Bullet. " Goodnight nay, tay, kuyas " - sabi ko at isa isang niyakap yung pamilya ko. " Hoy bubwit may asawa ka na pero bata ka pa ring kumilos hanggang ngayon " - puna sa akin ni kuya rid. " Aysus kuya alam ko namang gusto mong niyayakap kita, love mo kaya ako! " - sabi ko at hinila na si Bullet paakyat. " Oy bunso gusto na namin ng pamangkin ah! " - malokong sabi ni kuya Tyron. " Mukha mo! Bat di ka gumawa ng sayo? Dami mo ngang chikababes eh! " - Tugon ko sa pangungutya ni kuya. Sinarado ko na ang pinto at humiga na sa kama. Nung tinignan ko si Bullet, nakatingin siya sa photo album ko nung bata pa ako. " Ang cute mo dito shaine " - sabi niya habang naka tingin sa isang picture ko na naka princess attire pero naka simangot. Lumapit naman ako sa kaniya at natawa nalang nang na alala ko kung anong meron sa litrato na yun. " Ah yan yung pinasali ako nila nanay sa isang contest noon tapos ayokong mag suot ng mga ganiyan " - natatawang sabi ko. " Halata nga sa mukha mo eh, tomboy " - Natatawang sabi niya. " Pero nanalo ako diyan! Di nga makapaniwala si nanay kasi ang astig ko raw lumakad tapos nanalo ako sa pageant na yan " - sabi ko at nakatitig lang sa litrato ko. " Mananalo ka talaga, ang ganda mo kaya " Nang tinignan ko si Bullet ay nakatitig pala siya sa akin. Bakit parang ang bilis ng t***k ng puso ko? May problema na ba ako sa puso? Hala baka may sakit na ako sa puso! " Ang galing mo talagang mambola eh ano? Halika na nga matulog na tayo " - Aya ko sa kaniya at sumampa na sa kama. " Mauna ka na, may tinitignan pa ako dito " - sabi niya at pinagpatuloy ang pagbubuklat ng photo album ko. Bahala siya diyan, basta matutulog na ako kasi kailangan ko ng lakas bukas sa pamamasyal naming. Bullet's POV Ang ganda talaga niya. Bata palang ay malalaman mo na talagang magiging mala dyosa ang ganda niya paglaki. Ganitong ganito rin yung mukha niya sa unang buhay niya. Bigla kong naalala kung paano kami unang nagkita noon. Flashback " Bullet umayos ka! Nakabusangot ka na naman. " - Suway sa akin ni ina. Paano ako hindi sisimangot eh wala akong magawa dito sa handaan. Wala rin akong makalaro dahil nasa taas kami naka upo. Hindi naman talaga dapat ako sasama pero pinilit ako nila ina dahil dadalo rin daw yung mga maharlika galing sa lahi ng mga lobo at mangkukulam. "Ina punta lang po ako doon sa may hardin"-sabi ko at nang tumango si inay ay masaya kong tinahak ang daan. Habang papalapit na ako sa hardin, may naririnig akong bata na umiiyak. Sinundan ko ito at nakita ko ang isang batang babae na nakasuot ng puting damit at may bulaklak na namamalagi sa itaas ng kaniyang buhok. " Anong nangyari sayo bata? "-tanong ko sa kaniya at tinignan naman niya ako. Ang ganda naman niya. "Nawawala po ako kuya. Hindi ko mahanap si tiya at tiyo ko"-naiiyak na saad niya sa akin. "Wag ka nang umiyak, andito na ako tutulungan kita"-sabi ko at pinunasan ang luha niya. "Talaga kuya? YEHEEY!"-Napatalon siya sa saya. "Anong pangalan mo bata?"-tanong ko sa kaniya. "Psyche po kuya, pitong taong gulang na po ako "-nakangiting pakilala niya sa sarili at pinakita ang pitong daliri niya na nakatayo. "Ako naman si Bullet, sampung taong gulang"-pagpapakilala ko sa sarili ko. Hinawakan ko na ang kamay niya at hinila pabalik sa handaan. Tinanong ko siya kung naalala pa ba niya kung saan naka upo yung tiya at tiyo niya. "Opo kuya, doon po naka upo si tiya at tiyo ko po"-sagot niya at tinuro niya yung lamesang para sa mga mangkukulam. Hinatid ko siya sa kaniyang mga magulang. Habang naglalakad kaming dalawa na magkahawak ang kamay, napapatingin sa amin ang aming mga nadadaanan at nagbubulungan nang kung ano ano. Biglang tumakbo si Psyche at nakita kong niyakap niya ang isang babaeng nakasuot din ng puting bestida kagaya niya. Kinwento niya sa kanila kung ano ang nangyari at nagpasalamat naman ang mga ito sa akin. "Walang anuman po. Babalik na rin po ako sa upuan ko"-nakangiting tugon ko at masayang bumalik sa aming lamesa. End of Flashback Napatingin ako sa mahal kong natutulog na sa kama. Ang ganda niya talaga at ang buti pa ng puso. Pinalaki kasi ako sa ideyang nasa itaas ang pamilya ko at dapat lang kaming pagsilbihan ng mga nasa baba. Pero iba si Psyche, kahit kabilang na siya sa pamilya namin ay tumatanaw pa rin siya ng utang na loob sa mga nagsisilbi sa amin. Minsan nga naabutan ko siyang naghuhugas ng pinggan sa bahay namin at masayang nakikipagtawanan sa mga kasama niyang tagapag silbi. Tinanong ko siya kung bakit niya ginawa yun at na antig ako sa sagot niya. " Bawal na ba akong maghugas ng pinggan dahil lang sa nagpakasal na ako sayo? Wala akong pakialam sa social ranking niyo dito sa mundo niyo. Basta para sa akin, kapamilya ko lahat ng andito sa bahay " Tumabi na ako sa kaniya sa kama. Pinagmasdan ko muna ang kaniyang maamong mukha. " Mahal kita " - Hinalikan ko ang noo niya. Pagkatapos ay niyakap ko na siya ng mahigpit at nakatulog na ako. Keishaine's POV Nag aapply na kami ng cream ni Bullet. Ito yung cream na binigay sa amin ni ina bago kami umalis. Ginawa tong cream na to para pwedeng lumabas ang mga bampira sa ilalim ng sinag ng araw. Uminom na rin kami ng gamot para pansamantalang maging tao yung katawan namin at makakain kami ng mga pagkaing may bawang. " Shaine yung singsing mo suotin mo ha! " - pa ulit ulit na paalala sa akin ni Bullet. Ilang beses na niyang sinabi sa akin na suotin ko raw yung singsing ko para wala rawng pumorma sa akin. Kung alam lang niya na kahit wala tong singsing, wala talagang makaka porma sa akin dahil hinahamon ko agad ng suntukan. " Oo na nga Bullet! Ang kulit mo rin eh ano? " - naiinis na sagot ko sa kaniya at pinakita yung singsing ko. " Nay, tay, kuyas alis na kami! " - paalam ko muna sa kanila bago kami umalis. Sumakay kami ng jeep papunta sa isang mall. Parang baliw nga si Bullet kasi panay ang reklamo na ang sikip daw. " Hoy wag ka ngang mag inarte, kailangan mong maranasan sumakay ng jeep kasi ito yung sinasakyan ko dati " - saway ko sa kaniya. Nag volunteer pa ang mokong na siya na raw magbabayad, pero puro isang libo yung nasa loob ng pitaka niya. Natawa nalang ako at pina abot yung bente pesos ko. " Shaine naman, sabi kong ako na magbabayad eh " - nagtatampong sabi niya sa akin. " Baliw ka ba? Anong ibabayad mo? Isang libo? Wag na at mahihirapan lang si kuyang driver suklian yun. Ikaw nalang magbayad ng kakainin natin mamaya " - natatawang sabi ko sa kaniya. Nang makapasok na kami sa loob ng mall. Pinagtitinginan kami ng mga tao, lalong lalo na yung mga babae na halos hubaran na si mokong. Hinawakan ko ang kamay niya at pinagsiklop ang mga daliri namin. " Kalma, sayo lang ako mahal " - nang aasar na sabi niya sa akin. " Baliw. Hinawakan ko lang yung kamay mo baka mawala ka kasi dito sa loob " - hindi maka tinging tugon ko sa pang-aasar niya. Tumawa lang si mokong na dahilan para uminit ang pisngi ko. Pumasok kami sa paborito kong kaininan at umupo sa pang dalawahang lamesa. Nilapitan kami agad ng waiter at sinabi ko na agad kung ano yung order ko. " Fried chicken, barbeque, beef steak, cookies n cream tsaka milktea " Napanganga si Bullet sa rami ng inorder ko. Napatawa nalang ako sa reaksyon niya. Nung nakapag order na rin si Bullet at umalis na ang waiter ay tinignan na naman ako ni Bullet. " Ang takaw natin Mrs Dimitri ah? " - Pangungutya ni Bullet sa akin. " Syempre, hindi ko na to matitikman pag balik natin dun sa mundo niyo " - sabi ko at ngumiti ng napaka tamis sa kaniya. " Oo nga pala, punta tayo ng movie house mamaya tapos sa carnival ha? Libre mo ko dun! " " Oo na, ililibre talaga kita kasi mahal kita asawa ko " - biglang sabi ni Bullet at natigilan ako bigla. Napatitig ako sa kaniya at bumilis na naman ang t***k ng puso ko. Nahuhulog na ba ako sa mokong to? " Eto na po yung mga order niyo ma'am at sir " - magalang na sabi nung waiter at nilapag sa ibabaw ng table namin yun mga pagkain. Nabalik ako sa realidad nang dumating na ang waiter dala ang mga pagkain namin at iniwas ko ang tingin ko kay Bullet. Kumain kami ng tahimik. Grabe ang sarap talaga ng pagkain nila dito. Siguradong mamimiss ko to lahat pagbalik namin sa mundo nina Bullet. " Miss yung aladdin nga po " - sabi ko sa cashier ng movie house. Pagkatapos namin bumili ng ticket ay pinapasok na kami sa isang room. Umupo na kami ni Bullet sa sofa at niyakap niya ako. " Hoy tsansing ka na naman ha! " - sabi ko at aktong aalis sa yakap niya pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang yakap niya. Kaya pinabayaan ko nalang. Paborito ko talaga tong palabas na to kahit bata pa lang ako. Pero mas gusto kong maging si Aladdin kesa kay Princess Jasmine. " I can show you the world, shining shimmering splendid. Tell me princess now when did you last let your heart decide? " - kanta ni Bullet at naramdaman kong tumingin siya sa akin. Napatingin ako sa kaniya nang kinanta niya yung part ni aladdin. Ang ganda ng boses niya. Bagay sa kaniya yung kanta. Ang bilis na naman ng t***k ng puso ko. Nung part na ni Princess Jasmine ay kinanta ko rin yun. Nag duet kami hanggang sa matapos yung kanta. "For you and me" - kanta namin ni Bullet sa huling parte ng kanta. Napatitig kami sa isa't-isa at nabigla ako nung ngumiti siya at hinalikan ang noo ko. " Kinikilig ka ano? " – pang aasar na naman ni mokong. " Oy wala ah! Kilig ka diyan! " - pag tanggi ko sa sinabi niya at nanuod nalang. " AAAAHHHHHHH!! " - Sigaw ni Bullet nang pababa na ang roller coaster na sinasakyan namin. Tawa lang ako ng tawa habang sumisigaw na parang bakla si Bullet sa tabi ko. Pang huling ride na namin to kasi nasakyan na namin lahat. Sumisigaw si Bullet sa lahat ng ride habang pinagtatawanan ko naman siya. " Uwi na tayo Shaine. Hindi na ako natutuwa sa lugar na to " - nanghihinang sabi ni Bullet. Tawa naman ako ng tawa habang asar na asar yung mukha niya. Pangalang araw na namin dito ni Bullet at naisipan kong pumunta kami sa isang resort kasama ang pamilya ko. Kumuha kami ng dalawang couple room at dalawa ring single room. Gabi na nang maisipan namin ni mokong na mag swimming sa pool. Tawa kami ng tawa dahil ayaw talagang maligo ni kuya Ty kasi ang lamig daw. Kaya ayun hinawakan nina Bullet at Kuya Rid si Kuya Ty sa paa at binagsak sa pool. Mas lalo kaming tumawa nang umahon na si Kuya Ty at hinabol sina Kuya Rid at Bullet. Pagkatapos naming maligo ay gumawa sina nanay at tatay ng campfire sa buhanginan. Yung resort kasi ay malapit din sa dagat. At dun kami nag salo salo ng hapunan. " Alam mo ba Bullet na palaging na ga-guidance yan si shaine kasi napaka basagulero! " - sumbong ni kuya ty kay Bullet. "Kuya! Wag mo na ngang ibalik yan!"- nahihiyang saway ko kay kuya ty. "Sa ganda ba naman ng bunso niyo, kahit tibo yan eh maraming nagkakagusto na mga lalake "-sabi ni tatay. "At isa na ako dun"-mayabang na sabi ni Bullet at naghiyawan yung mga gunggong kong kuya. "Mag-iingat ka doon anak ha? Wag na wag mong papabayaan sarili mo tsaka yung asawa mo, alagaan mo rin. Tapos kapag may oras ka, bisitahin mo naman kami dito anak"- bilin ni nanay bago kami umalis ni Bullet pauwi sa mundo niya. "Opo nay, bibisita kaming dalawa ni Bullet dito kapag wala kaming ginagawa"-Niyakap ko ng mahigpit si nanay at hinalikan niya ang pisngi ko. "Bullet, pa alala lang gusto na namin ng apo ha!"-malokong pa alala ni tatay tumawa naman si Bullet . "Tay naman eh!"-nahihiyang saway ko kay tatay at niyakap siya. Niyakap ko rin sina kuya at umalis na kami ni Bullet. Andito kami sa dining room at kumakain ng agahan. Katabi ko si Bullet at sa gilid ko sina at kaharap naman nito si ama. "Psyche, Hija. Handa ka na bang pumasok sa eskwela?"- nakangiting tanong ni ina sa akin ng matapos na siyang kumain. Psyche na ang tinatawag nila sakin. Kasi yun daw yung totoong pangalan ko. Hindi ko alam kung saan nila nakuha ang pangalang yun pero hinayaan ko nalang. Kay kahit hindi ako sanay ay kailangan ko ng sanayin ang sarili ko na Psyche na ang pangalan ko. Psyche Beethoven to be exact. " Opo ina. Sinabi naman po ni Bullet na babantayan niya ako at gagabayan kung ano yung mga dapat kong gawin at hindi ko dapat gawin sa paaralan."- nakangiting sagot ko sa tanong ni ina. Oo. Magaaral na ako sa paaralan nina Bullet. Sa paaralang yun nag-aaral ang mga bampira, werewolves, witches, tsaka fairies. Ayoko mang mag-aral pero pinilit ako ni Bullet. Para raw makasalamuha ko ang ibang mga bampira. "Mabuti naman kung ganoon! Ikaw Bullet ha! Bantayan mo tong si Psyche, baka may umaligid dito! Alam mo namang napakaganda ng asawa mo!"- habilin ni ama kay Bullet. Nang makapasok kami sa loob ng paaralan, lahat sila ay nakatingin sa amin. Ay mali,kay Bullet pala. Halatang pinagnanasaan nila ang baklang kasalukuyang nakaakbay sa akin. Nakakadiri nga eh! Kaya lang wala na akong magagawa kasi kailangan daw naming maging sweet sa harap ng maraming tao. "Bakla pala hah? Mamaya ka lang pagpasok natin sa kwarto" - Biglang saad ng bakla gamit ang bond namin. Manyak talaga! As if papayagan ko siyang gawin sa akin yun! "Tumahimik ka ngang gago ka! Manyak!" Sagot ko sa sinabi niya at tinignan siya ng masama. Nakakainis na talaga tong baklang to eh! Kung hindi lang siya ang susunod na hari ng mga bampira ay kanina ko pa siya sinikmuraan. "Hey Bullet" Agad akong napatingin sa unahan at nakakita ako ng isang clown. Hindi biro lang! May nakita akong isang babaeng may makapal na make-up! Tinalo pa yung makeup ni mcdonalds. "Hi Lory"-walang emosyong saad ni Bullet sa kay lory daw. Eh? May soomething ba? Nabigla ako nang bigla akong itulak ni clown at agad siyang yumakap kay Bullet. The F?! Kung makatulak tong payasong to, akala mo kung sino! "I miss you baby"-malanding saad ni clown at nagpacute pa kay Bullet! Kadiri. "Uhm, excuse me miss kung pwede bang wag mo akong itulak?! Kung makatulak ka ah?!"-Nakataas ang isang kilay na saad ko sa kaniya. Agad naman siyang lumingon sa akin at tinaasan din ako ng kilay. Aba! "Ay? Andyan ka pala? Sorry miss pero hindi kasi kita nakita!"-nakangising saad niya at inirapan niya pa ako. Tae malapit ng maubos ang pasensya ko sa babaeng to ah?! "Oh?! Hindi mo ako nakita?! Kawawa ka naman clown! Sira na yung mata mo tsk! “ -sabi ko at umiling iling. "What did you say?!"-inis siyang bumaling sa akin. "Huh? Asan dun? Yung mukha kang clown o yung sira na yung mata mo?"-ngumisi ako sa kaniya. Tignan natin kung saan ang makakaya mong clown ka! "HOW DARE YOU!"- sigaw ni clown at akmang susugurin na sana ako ng hinawakan ni Bullet ang kaniyang braso at matalim siyang tinignan. Tss! Hindi pa nga ako nagsisimula eh! Kainis! "Touch her and you're dead!"-galit na sabi ni Bullet sa kaniya at pabagsak na binitawan ang kamay ni clown. Agad naman siyang lumapit sa akin at hinila na ako papalayo sa lugar na yun. Hindi ko napansin na pinagtitinginan na pala kami ng mga estudyante doon. Haist! Hindi ako makapaniwala na kahit sa mundong to marami rin palang mga chismosa at chismoso. "Jealous?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD