5:11

5000 Words
Keishaine’s POV Agad akong napatingin kay Bullet ng bigla siyang nagsalita. Huh? Anong selos? "Huh? Anong jealous?"-naguguluhang tanong ko sa kaniya. Ano bang pinagsasabi ng mokong na to? "What I mean is are you jealous of lory?"-nakangising saad niya sa akin at tinaas baba pa ang kaniyang kilay. Nababaliw na ata tong mokong na to! Ako?! Magseselos?! Hinding hindi yung mangyayari! "Wag kang magselos psyche. Sayo lang po ako"- sabi niya at ngumiti ng pagkatamis tamis. "Kadiri Bullet! Hindi ako pumapatol sa mga bakla!"-nandidiring sabi ko sa kanya. Kadiri to! Bigla naman siyang napasimangot sa sinabi ko. Pffttt nakakatawa yung mukha niya promise! Bigla niyang hinawakan ang dalawang kamay ko at dinikit ako sa pader. "Hoy! Ano ba?! Bitawan mo nga ako!"-sabi ko at nagpumiglas nang nagpumiglas pero walang epekto kasi ang lakas niya! "Bakla? Sinong bakla?"- tanong niya at mas lalong nilapit ang kaniyang mukha sa akin at ngumisi. Ayan na naman siya sa mga kalokohan niya. "Sinong bakla? Edi ikaw! Alangan namang ako!"- sabi ko sa kaniya at ngumisi. Akala mo hah? Mas nilapit niya ang kanyang katawan sa akin. Ano bang plano ng lalakeng to? Lahat ng estudyanteng dumadaan samin ay palaging nababaling ang kanilang atensyon sa aming dalawa. Kainis naman oh! "Isa nalang Bullet at masusuntok ko na talaga yang pagmumukha mo!"-banta ko sa kaniya at tinignan ko siya ng masama. Mas lalo namang ngumisi ang mokong at halatang naaaliw siya sa kaniyang ginagawa sa akin. "Bawiin mo muna yung sinabi mo."-nakangising hamon niya sakin. "Ayoko nga! Bakla si Bullet! Bakla! Bakla!"-pang aasar ko sa kaniya. Akmang lalapit pa sana siya ng bigla kong sinipa ang kaniyang gitna. Agad naman siyang napaluhod at napahiyaw sa sakit. Nakarinig ako ng mga nagbubulong bulungan sa aming palagid at ang iba naman ay napasinghap. "Buti nga sayong bakla ka! Binalaan na kita kanina!"- nakangising saad ko at naglakad na paalis sa lugar na yun. Ayoko talaga sa attensyon. Ayokong maraming nakikichismis sa mga nangyayari sakin o sa paligid ko. Napahinto ako sa paglalakad ng mapansin kong nawawala na ako. Luminga linga ako sa aking paligid nagbabakasakaling maalala ko kung saan ako dumaan kanina pero nabigo ako kasi hindi ko na maalala kung saan ako nanggaling kanina. Ganun ba kalalim ang iniisip ko kanina para mawala ako? Napailing ako sa aking naisip. "Any problem miss?" Agad akong napalingon sa kung sino man ang nagsalita at laking gulat ko ng malamang si Blake. Hala? Anong ginagawa niya dito? "Blake?!"-gulat na gulat na tanong ko sa kaniya. Hindi ko inakala na magkikita pa pala kami! Baka manlibre na naman to! "Ako nga! Kamusta ka na shaine?"- sabi niya at lumapit sakin habang nakangiti. Kung mahaba lang siguro yung buhok niya o hindi kaya ay babae siya, liligawan ko na siya agad. "Kamusta ka na? Ay oo nga pala! Salamat dun sa pagkain na nilibre mo sakin hah?!"-sabi ko at ngumiti ng pagkatamis tamis sa kaniya. Hindi ko siya crush ha! Nagpapasalamat lang ako! "Wala yun! May kasalanan naman ako nun eh! Kung hindi dahil sa akin sana nakakain ka na that time."-sabi niya at nahihiyang kinamot ang kaniyang batok. "Ay! Matanong nga kita. Anong ginawa mo dito?"-nakakunot noong tanong ko sa kaniya. Hindi ba tao siya? Bakit siya nandito? "I'm a wolf shaine."-sagot niya sa tanong ko. "ANO?!" "Let me rephrase that. Ako ang hari ng mga lobo"-nakangiting sabi niya. "Lobo ka?! Eh bakit nakita kita sa mundo ng mga tao dati?! Siguro kinikidnap mo ang mga tao para kainin mo no! Nakuuu! Wag na wag kang lalapit sakin! Kung hindi makakatikim ka talaga ng karate skills ko!" buong tapang kong banta sa kaniya at tinaas ang aking dalawang kamao. Aba! Ayoko pang mamatay no! Baka bigla nalang akong kagatin ng lalaking to! Nagulat ako ng bigla siyang tumawa ng malakas. Yung tipong Napapatitingin na samin yung ibang estudyante kasi ang lakas niyang tumawa? Ayan na naman. Nakatuon na samin yung atensyon tss! "Hoy! Wag ka ngang tumawa nang malakas! Para kang baliw diyan!"- saway ko sa kaniya. "Hahaha A-ang c-cute pfftt mo kasi hahahaha!"- Sabi niya at tumawa na naman nang malakas. "Bahala ka na nga sa buhay mo!"-sabi ko at akmang aalis na sa harap niya ng bigla niyang hawakan ang braso ko at hinarap ako sa kaniya. Halata paring nagpipigil siya ng tawa. Tss! "Okay. Hindi na po ako tatawa!"-sabi niya at tinaas ang dalawa niyang kamay na parang nagsasabi na susuko na siya. "Talaga lang hah?!"-nakapameywang na sabi ko sa kaniya. "Oo nga! Pangako!"-sabi niya at tinaas ang isang kamay pero halata namang nagpigpigil ng tawa. "Psyche" Agad kong nilingon ang taong tumawag sakin. At nakita ko si Bullet na masamang nakatingin kay Blake na tila papatayin na niya ito. Agad na lumapit sa akin si bullet at inakbayan niya ako. Hindi parin mawala ang masamang tingin niya kay Blake. Teka nga, anong meron? "Alpha"- biglang sambit ni Bullet. "King"-sabi naman ni Blake. "Shaine pogi"-sabi ko. Agad naman silang napatingin sakin. Ano ba talagang meron? Sila lang yung nagkakaintindihan eh! Kaya makiki jamming muna ako. "Bakit kayo nakatitig sakin? Anong ginawa ko?"-naguguluhang tanong ko sa kanila. Grabe kasi sila kung makatingin eh! Yung titig na parang tumatagos sa kaloob-looban mo? "Ang ganda mo kasi/ 'Cause you're beautiful" sabay na saad nina Bullet at Blake. Seryoso? Anong meron? Napatingin na naman sila sa isa't-isa. Ano ba talaga ang problema ng dalawang to? Nababaliw na ata sila eh. "Stay away from my wife alpha."- matigas na saad ni Bullet habang nakatingin pa rin ng masama kay Blake. Kung nakakapatay lang ang titig malamang kanina pa sila patay sa harapan ko. "Asawa mo pala si shaine? Hindi halata eh. Hindi ko aakalaing papatol siya sayo king. Pumayag ba siya na magpakasal sayo o baka naman pinilit mo?"-nakangising saad ni Blake. Magsasalita na sana si Bullet nang bigla kong hinila ang tenga ng dalawa. Nakakainis na ah? Kung magaway parang mga bata! "KAYONG DALAWA KANINA PA KAYO AH?! NAKAKAINIS NA KAYONG DALAWA!"-sabi ko at mas lalong hinila ang kanilang tenga. Buti nga sa inyo! "Sorry na shaine/Pasensya na"- sabay na sabi ng dalawa at halatang nasasaktan nga sila sa ginawa ko. Agad kong binitawan ang tenga nila at mabilis na umalis sa lugar na yun. Bahala na nga sila sa buhay nila! kainis! Habang naglalakad ako ay maraming nakatingin sa akin at marami akong naririnig na mga bulungan sa aking paligid. "Bakit niya kaya yun ginawa?" "Hindi ba niya alam na sina Bullet at Blake ang pinakamakapangyarihan dito?" "Kung makaasta parang ang taas ng posisyon niya dito" Yan ang mga naririnig kong sinasabi nila tungkol sakin. Pero The hell I care? Sabihin na nila ang gusto nilang sabihin, wala akong pakialam. Ginusto ko bang mapunta dito? Hindi naman diba? Tss! Mabilis lumipas ang oras at uwian na. At syempre magkasama na naman kami ni Bullet. What do you expect? Bantay sarado nga ako dito eh! Kagaya lang nung kumain kami kanina. FLASHBACK Nakaupo ako ngayon dito sa isang bakanteng upuan sa loob ng cafeteria nang biglang may isang lalake ang umupo sa harapan ko. "Hi pscyhe"nakangiting sabi niya. "Hello?"-sabi ko naman. Uhm hindi ko alam kung anong pangalan niya pero alam kong kaklase ko siya. Pasensya naman! Hindi ako nakinig kanina sa introduce yourself. "Pwede bang makiupo dito?"-nakangiti paring saad niya. Magsasalita pa sana ako nang biglang may nagsalita sa aking likuran. "You're already sitting and yet you still have the guts to ask her permission?" Agad kong nilingon kung sino man ang nagsalita at hindi na ako nagulat nang makita si Bullet. Boses niya palang ay kilalang kilala ko na. "P-pasensya na po king"-nanginginig na saad ng lalake at halatang takot na takot siya kay Bullet. Seryoso? Nakakatakot ba talaga si Bullet? "Umalis ka na"-Masungit na saad ni Bullet at tinignan ng masama ang lalake. Agad namang umalis ang lalake. Pagkaalis ng lalake ay umupo si Bullet sa tabi ko na galit pa rin. Anong meron? "Ang sungit mo Bullet. Bakit mo pinaalis yung lalake? Nakikipagkaibigan lang naman yun ah!"-agad na tanong ko sa kaniya. "Nakikipagkaibigan? Halata namang nilalandi at type ka nun eh! " -masungit pa rin na saad ni Bullet at nagsimula ng kumain. "At ano namang problema kung type niya ako? Bakit type ko ba siya?"-ako. Ano bang pinuputok ng butchi ng lalakeng to? Agad namang nagliwanag ang mukha ng mokong. Tinignan niya ako ng may napakalaking ngiti sa kaniyang mukha. "Talaga?!"-masayang sambit niya. "Oo nga!"- natatawang saad ko. Nakakatawa kasi yung reaksyon niya eh! Kanikanina lang hindi maipinta ang mukha niya tapos ngayon kung makangiti wagas. "So, it means ako yung type mo?"-malokong sabi niya at tinaas baba ang kaniyang kilay. "Bakit? Sinabi ko bang type kita?"-mataray na saad ko. Agad namang nawala ang ngiti niya at ngumuso. Para siyang pato whaahhahaa! END OF FLASHBACK Nakakairita nga eh! Kapag may kumakausap sakin, mapa lalake man o babae ay sinusungitan. FLASHBACK Habang naglalakad ako sa hallway nang may biglang lumapit sakin na isang babae. "Uhm psyche kelan pala natin pwedeng gawin yung project?"-tanong ni Yvainne sakin Si Yvainne ay isang simple lang na babae. Isa siyang nerd na bampira. Siya yung pinili kong makapartner kanina. Nung pinili ko nga siya nagtampo agad si Bullet kung bakit daw hindi siya yung pinili kong partner. "Sa weekend nalang siguro. Para makapagfocus tayo sa classes natin sa weekdays"-sabi ko ng nakangiti "Sige shaine, Mauuna na ako"-sabi niya at dali daling umalis. Nagtaka ako kung bakit nagmamadali siyang umalis eh hindi naman siya ganyan sa akin kanina. Pag tingin ko sa likod ko, nandoon pala si Bullet. END OF FLASBACK Agad naman akong inakbayan ni Bullet. Grabe to! Kulang nalang lagyan ako ng dogtag tsaka tali! "Ano ba Bullet! Nasasakal ako!"-inis na saad ko at tinignan siya ng masama "Aakbayan kita o kakargahin kita?"-sabi niya at maloko akong nginitian "None of the above"-Sabi ko at inirapan siya. Gago talaga! Nagulat ako ng bigla niya akong kinarga. Yung kargang parang bagong kasal? Yun! Leshe pinagtitinginan na kami ng mga tao-- este bampira. Naglalakad siya habang karga karga ako. "Ibaba mo nga ako!"-Galit na saad ko at masamang tinignan si Bullet. Kung nakakamatay lang ang tingin paniguradong deadbol na yang si Bullet. "Pano kapag ayoko?"-nakangising saad niya sakin at tinaas baba ang kaniyang dalawang kilay. Dahil sa inis ko ay pinagkukurot ko ang kaniyang leeg. "Hahahaah!"-malakas na tawa ni Bullet dahilan para mas matuon samin ang pansin ng mga bampira. Kung makatawa to wagas! Nanalo lang sa lotto beh?! "Hoy wag ka ngang tumawa! Para kang baliw diyan!"-suway ko sa kaniya. Kung ayaw niya akong ibaba di wag! Siya naman ang mahihirapan eh! Atleast di na ako maglalakad. "Baliw na naman ako eh."-huminto siya sa paglalakad at tumingin saking mga mata. "Baliw sayo" Dalawang buwan na ang nakalipas simula nang ikasal kami ni Bullet. Dalawang buwan na rin ang nakalipas pero di ko pa rin nakakamit ang hustisya sa pagkamatay ni Yanna. Ngunit naguguluhan na ako sa aking nararamdaman. Na tila nababaluktot ang aking pagkatao. Oo babae ang physical na anyo ko. Pero pusong lalake naman ako dati. Pero ngayon, tila nagiging babae na ako. At dahil yun sa isang tao. Isang lalake. At yun ay si Bullet D'mittri. Si Bullet na asawa ko. "Shaineshaineko~" Agad akong napatingin kay Bullet. Oo alam ko nang si Bullet yun kasi kaming dalawa lang ang andito sa loob ng bahay. Walang maid pero may mga guardia sa labas na nagbabantay. "PFFFFTT BWAHAHHAHAHA!"- humagalpak ako ng tawa ng makita ko kung ano ang suot ni Bullet ngayon. Isang reindeer costume! "Wag mo kong tawanan shaineko~"-nakangusong sabi niya. Mukha siyang pato na nakasuot ng reindeer costume ngayon "From a reindeer to a duck real quick?! HAHAHAHA!"-humagalpak ulit ako ng tawa. Bigla siyang lumapit sa kinauupuan ko. Nakangiti pa ng nakakaloko ang gago! "Hoy! Anong ginagawa mong bakla ka?!"-nauutal na saad ko sa kaniya. Mas lalong lumawak ang ngiti sa kaniyang labi at mas lalo pa siyang lumapit sakin. "Sinong bakla? Hmm?"-nakangising saad niya at mas nilapit pa ang kaniyang mukha sa mukha ko! Oh! Jusko! Tuksoooo~ Layuan mo ako~ Di joke hahaha! Tinutulak ko siya palayo pero parang wala lang yung pagkakatulak ko sa kaniya kasi ang lakas lakas niya. Napatitig ako sa kaniyang mga matang kay sarap tignan. Mas nilapit pa niya ang kaniyang mukha sa mukha ko. Naduduling na ako kakatitig sa kaniyang mga mata kaya pumikit na lang ako. "Magkakaapo na ba kami?" Agad akong napalingon sa pintuan at nakita namin ang mga magulang namin na nakangiti habang palipat lipat ang tingin sa aming dalawa. Oo. NAMIN. Andito sila nanay at tatay tsaka ina at ama! Agad kong tinulak si Bullet na naging dahilan para matumba siya sa sahig at agad akong pumunta kina nanay at nagmano. "H-hello po! A-ano pong g-ginawa niyo dito?"-nakangiting sabi ko sa kanila. Kahit anong pigil ko ay mahahalata pa ring kinakabahan ako sa kung ano mang magiging reaksyon ng mga magulang namin! SI Bullet kasi! "Binibisita lang namin kayo. Pero mukha atang nakakaabala lang kami sa inyo "-sabi ni ina at humagikgik ng tawa. "Oo nga! Mabuti pa'y umuwi nalang tayo! Para naman makagawa na sila!"-hagikgik din ni nanay. Anong meron sa dalawang nanay namin? Tsaka close na sila hah? "Oo nga ina! Umuwi na--aw!"- napahiyaw sa sakit si Bullet nang siniko ko siya sa kaniyang tagiliran at masama ko siyang tinignan. Ang bastos talaga ng bibig nito. "Ah! Hindi po! Naglalaro lang po kami! Ha-ha-ha!"-alanganin akong tumawa sa kanila. "Anak, nagsuot ka pa talaga ng costume para mas wild yung loving niyo ha!"-pilyong sabi ni ama. Agad namang namula ang dalawang pisngi ko. Shyet na malagket! Bakit ba sila nagsasalita ng mga ganyan? Bata pa ako noh! "Syempre naman ama! Para mas maging wild--aray!"-napahiyaw na naman si Bullet sa sakit kasi inapakan ko ang paa niya! Gago talaga! "Ah hindi po ama! Nagiging bakla na kasi si Bullet kaya nagsusuot siya ng ganyan! "-sabi ko kay ama. "ANO?!"-sabay sabay na sabi ng mga magulang namin! Buti nga sayo! "OY! Hindi po yun totoo!"-depensa ni Bullet sa paratang ko. "Wag na wag mong gawin yun anak! Sayang yung lahi natin!"-seryosong sabi ni ama kay Bullet. "Syempre naman ama! Hinding-hindi po yun mangyayari!"-saad ni Bullet. Halatang takot kay ama. Maghintay ka mamaya kapag wala na sila ama! Tss! Biglang sabi ni Bullet sa isipan ko. Ayan na naman po ang manyak side niya. Kung magagawa mo! Gago ka! Manahimik ka nga! "Ahh! Tuloy po muna kayo! Kukuha lang po ako ng makakain!" Nung nakaupo na sina nanay sa living room ay agad akong pumunta sa kusina. Pero bago pa ako makaalis dun ay narinig ko pa silang naguusap tungkol daw sa magmamana sa kapangyarihan ni Bullet sa hinaharap which means yung magiging anak niya. Ang gwapo siguro ng magiging anak niya. Syempre! Ang ganda ng lahi niyo ni Bullet eh! Sambat ng isang bahagi ng utak ko. Sheez! I can't imagine na may anak kami ni Bullet! Napa iling nalang ako at naghanda na nang meryenda para sa kanila. Naghanda ako ng tuna sandwiches at apple juice. Habang nilalagyan ko ng tuna spread yung tinapay ay biglang pumasok sina ina at nanay sa kusina. "Hi ija!"-sabi ni ina at ngumiti silang dalawa sakin. "Hello po!"-sabi ko at ngumiti pabalik. Wag niyong sabihin na andito sila para pagusapan yung tungkol sa anak? "Ija, may plano na ba kayo ni Bullet na alam mo na.... Magkaanak?"-biglang sabi ni nanay. Sabi na nga ba eh! Yan ang dahilan kung bakit sila andito sa kusina! Haist! "Po? Wala pa po eh! haha!"-pilit akong tumawa at napakamot ako sa aking ulo! "Alam mo kasi ija matanda na kami, at kung maari ay nais sana naming makita ang aming magiging apo sa inyo ni Bullet"-saad ni ina at hinaplos haplos ang aking buhok. "Aahh hehe. Hindi ko po alam kung ano pong sasabihin ko eh.."-nahihiyang sabi ko. Ang awkward ng topic promise! "Hindi naman namin kayo minamadali ija. Pero kung.... alam mo na!"-sabi ni nanay at nag high five sila ni ina. Magbest friends na sila ngayon? "Ah eh.... Sige po! He-he"-sabi ko at ngumiti ng alanganin. "Yun naman pala eh!"-sabi ni nanay at nagtatakbo sila palabas ng kusina. Nagkibit balikat nalang ako sa ginawa ng dalawa. Hahaha! Ang kukulit nila para silang mga bata! Pagkatapos kong ihanda ang mga ginawa kong meryenda para sa kanila ay agad akong pumunta sa living room. Naabutan ko silang seryosong naguusap tungkol sa isang bagay... "Alexis!" "Grey!" "Jessica!" "Bullet Jr!" "Joshua!" "Sofia!" "Uhm ano pong pinaguusapan niyo?"-naguguluhang tanong ko sa kanila. Anong meron sa mga pangalang yun?? "Nagiisip kasi kami ng pupwedeng ipangalan sa mga magiging anak niyo ija! Hihihi" WHAT THE?! ----------------------------------------------------------------- Naglalakad kami ni Bullet sa hallway ng school. And as usual nakaakbay na naman siya sa akin. Kanina pa nga kami pinagtitinginan eh! "Bullet!" Agad kaming napahinto ni Bullet at tinignan ang babaeng tumawag sa kaniya. Agad namang kumulo ang dugo ko ng malamang si Lory pala ang tumawag sa kaniya. Nakakairita na yang babaeng yan ah! Agad naman siyang lumapit samin at bigla siyang yumakap kay Bullet. "Bullet baby, I miss you so much"-ngumiti si Lory sa kaniya. Agad naman akong nabitawan ni Bullet at yumakap siya pabalik kay Lory. Ouch lang hah? Andito yung asawa oh! Nakatingin! "I miss you too Lory"-sabi ni Bullet at hinalikan sa labi si Lory. "OOWWW!!"-sigaw ng mga bampira sa hallway. Lahat sila ay nakatingin lang sa dalawang naghahalikan sa harapan ko. Ang sakit. Ang sakit makitang may kahalikang iba ang mahal mo. Alam kong wala akong karapatang pigilan sila kasi kasal lang kami ni Bullet sa papel. At alam ko namang di ako mahal ni Bullet eh! Agad akong nilingon ni Lory at lumapit siya sakin. Nakangiti siya ng nakakaloko habang si Bullet naman ay nandun lang sa kaniyang likuran at walang ekspresyon ang kaniyang mukha. "Awe~ I'm so sorry psyche nakita mo pa kami ng asawa mong naghalikan. tsk tsk poor you!"-nakangising sabi niya at yumakap ulit kay Bullet. Masaya silang naglakad palayo habang ako andito sa kinatatayuan ko. Hindi makapaniwala sa nangyari. "PSYCHE BEETHOVEN-D'MITTRI!!! WAKE UP!!!" Agad akong napabangon dahil sa sigaw ni Bullet. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit at umiyak nang umiyak. Hindi ko akalain na iiyak ako ng ganito ng dahil lang sa isang panaginip. Isang masamang panaginip. Iyak lang ako nang iyak habang pinapatahan ako ni Bullet. Tinatanong niya kung anong problema pero di ko masabi sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko talaga masabi sa kaniya. Hindi ko masabing umiyak ako dahil napaniginipan ko sila ni Lory na naghahalikan. At hindi ko masabing mahal ko na siya.. Naglalakad kami ni Bullet papunta sa classroom namin. Mukha na nga akong baliw kasi tinitignan ko kung susulpot ba si Lory o hindi. Nakakatrauma yung panaginip ko grabe! "Bullet!" Agad akong kinabahan ng marinig ko ang boses ni Lory na tumawag kay Bullet. Agad kaming napahinto sa paglalakad ni Bullet at nilingon namin si Lory na nakangiting kumakaway sa amin ni Bullet. Ay mali! Kay Bullet lang pala. Nakakainis talaga yang babaeng yan! Binwesit na nga niya ang panaginip ko, hanggang dito ba naman?! Madapa ka sana... "HAHAHAHHA!!" "Nadapa ang gaga! HAHAHA" "SO clumsy eww~" Napuno ng tawanan ang hallway ng bigla siyang nadapa! Anong nangyari sa kaniya? Confident siyang naglalakad papalapit sa amin ni Bullet tapos madadapa lang siya. "WAG NIYO KONG PAGTAWANAN!"-inis na sigaw niya sa mga tumawa. Yan kasi! Marami rin palang may ayaw sa kaniya sa school na to. Buti naman! Marami akong kakampi WAHAHAHAHA! Agad siyang tumayo at lumapit samin. I mean kay Bullet lang pala. "Hi babe~"-malanding sabi niya at akmang hahalikan niya si Bullet ngunit tinulak lang siya ng huli. Buti nga sayo! Ang landi landi mo kasing pasayo ka! "Dont call me that! Kasi walang tayo! At kasal na kami ni Psyche"sabi ni Bullet. Hinalikan niya ako sa aking noo at inakbayan. "Kasal na pala kayo? Infairness hindi kayo bagay! “ - nakangising saad niya at tumawa na parang isang demonyo. Ang sarap niyang sapakin promise! "Hindi kami bagay kasi may buhay kami. Ang mga bagay kasi walang buhay. Paganahan mo yung utak mo please? Kung ayaw mo edi tanggalin mo nalang! useless eh!"-sabi ko at ngumisi. Hah! Ano ka ngayon? "HOW DARE YOU!"-akmang sasampalin niya ako ngn nahawakan ni Bullet ang kamay niya. "Dont you fvcking dare to slap nor lay a finger on her or else you'll gonna pay for it!"-galit na saad ni Bullet at marahas na binitawan ang kamay ni Lory. Agad namang tumakbo si Lory habang umiiyak. Tsk tsk kulang pa nga yan eh! Madapa at Mapilayan ka sana... Agad namang nadapa si Lory at napadaing sa sakit ng kaniyang paa. Agad siyang nilapitan ng kaniyang mga kaibigan at tinulungan siyang makatayo. Pero teka nga! Napansin ko lang ah? Kung ano yung hilingin ko o di kaya ay masambit ko ay nangyayari! Ibig ba sabihin nito yun ang kapangyarihan ko? "Shaine, Lahat ng bampira ay may iba't-ibang abilidad. Kahit na ginawa ka lang na isang bampira ay mabibiyayaan ka pa rin ng iyong natatanging kapangyarihan"-sabi ni Bullet. Andito kami sa library ng bahay at kinakausap nya ako tungkol sa mga pagbabagong posibling mangyari sakin. Nasabi ko kasi sa kaniya na tumatalas ang pandinig at paningin ko. "TALAGA?!"-manghang sabi ko sa kaniya! "Oo naman! Pero hindi pa sa ngayon. Dadating din yung panahon na kusang lalabas na lang yun galing sayo"sabi niya at ngumiti sakin. "Shaine okay ka lang ba?"-nagaalalang tanong ni Bullet sakin. Hindi ko namalayang nakatulala na pala ako. Andito na pala kami sa labas ng classroom namin. Hindi pa ganun ka dami ang tao sa loob kasi maaga pa naman. "Bullet. Parang alam ko na kung ano yung kapangyarihan ko" "Ano?"-nagtatakang tanong niya sakin. Wala namang masama kapag sinabi ko sa kaniya kung ano yung kapangyarihan ko diba? Asawa ko naman siya eh. "Kung ano yung gusto kong mangyari, nangyayari..." Naglalakad ako dito sa hallway ng magisa. Oo. MAGISA. Tinakasan ko kasi si Bullet eh! Ang sama ko ba? Eh sa gusto kong mapagisa eh! "Psyche D'mittri" Agad akong hinarangan ng isang grupo ng mga babae. Sila yung mga alipores ni Lory diba? Ano na naman ba ang gusto nilang mangyari? "Uhm yes?" "Wala kang karapatang saktan si Lory! Bago ka pa lang dito! Tsaka di hamak na isang mahinang bampira ka lang"-galit na sabi nung babaeng nasa harapan ko. "Oh? Kung isa lang akong mahinang bampira, Bakit ako ang magiging REYNA ng mga bampira? hmm?"-nakangising saad ko. Gusto mo ng away hah? Sige pagbibigyan kita! "HOW DARE YOU?! Girls kunin niyo yan at dalhin sa loob!"-utos nung leader kuno nila kasi wala si Lory. Agad naman akong pinalibutan ng kaniyang mga kasama. 5 kasi silang andito. Dinala nila ako sa isang bakanteng classroom. Sinarado nila ang pinto at nilock. "Let see kung saan ang kaya mo MAHAL NA REYNA"-sabi nung babae at agad silang sumugod sakin at pinagsasampal, sinasabunutan at sinisipa nila ako. ANG SAKIT P***NGINAA!!! "Aray!! TAMA NA PLEASE!! ANG SAKIT NA!!!"-sigaw ko sa kanila. Pero hindi sila tumitigil. Takte ang sakit na talaga! Napapaiyak na ako sa sakit. "Hindi! Kulang pa yan sa ginawa mo kay Lory!"-sabi nung isa at patuloy pa rin sila sa pagbubugbog sakin. Tumalsik kayo Sa isang iglap ay naramdaman kong wala ng sumasampal, sumasapak at sumasabunot sakin. Pagdilat ko sa aking mga mata ay nakita ko silang nasa pader at dumadaing sa sakit ng likod nila. Agad naman akong napangisi ng maalala kong may kapangyarihan na pala ako. Tinignan ko yung babaeng nanampal sa akin kanina.. Left leg pain "ARAY!! ANONG GINAWA AAHH! MO SAKIN! ARAY!!!"-napadaing siya sa sakit. Nanlaki naman ang mga mata ng kaniyang mga kasama dahil sa ginawa ko. Now it's my turn! "Wala naman. Hindi ba sayo niyo na mahina ako?"-sabi ko at ngumisi. Tinignan ko naman yung dalawang babaeng nasa isang sulok at halatang takot na takot na sila sakin. Both arms bleed "WHAT THE?! OH MY GHAD!!"-tili nung dalawa habang umiiyak. Tsk tsk nagsisimula palang ako. May nakalimutan pa pala ako! Tinignan ko yung isang natira. Nahimatay kasi yung isa dahil sa takot kaya siya nalang ang hindi ko pa nasasaktan. Both shoulders pain "AAHH!!!"-sigaw nung huli dahil sa sakit. Naawa na ako sa kanila pero kailangan din nilang maturuan ng leksyon para di na nila gawin ulit yun sakin! Hindi porke't tao ako dati ay mahina na ako. Aba! Sumisigaw pa rin sila sa sakit at pandidiri. Silang apat ay nakahiga sa sahig at nagsusumamo sakin na itigil na kung ano mang ginawa ko sa kanila. Ayoko nga! Bahala sila dyan! "Sinong mahina ngayon? hmm?"-nakangising saad ko sa kanila. Tsk tsk poor thing. Magsasalita pa sana yung leader nila ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nun si Bullet. Nanlaki ang mga mata niya dahil sa kaniyang nakikita. Kasalukuyan kaming andito sa clinic ngayon. Ginagamot ni Bullet ang mga pasang natamo ko kanina dulot ng pambubugbog na ginawa sakin ng mga payasong yun. "Ano ba kasi ang nangyari?!"-galit na tanong ni Bullet sakin. Wow ha! May gana pa siyang magalit sakin eh nakita naman niyang mas malala ang mga pasa ko kesa sa mga payasong yun! "Ano pa ba? Edi binugbog ako ng mga alipores nung Lory mo! Tss Ang sakit kaya ng mga sampal nila!"-pangangatwiran ko. Hindi ko alam kung guniguni ko lang ba iyon o totoong nakita kong may daplis ng pagaalala ang nakita ko sa kaniyang mga mata. Pero agad naman itong napalitan ng pagkainis at galit. "Kahit na! Sana hindi ka nalang lumaban! Hindi ka ba naawa sa kanila?"-saad naman ni Bullet na may halong pagkairita. "Ah ganon?"-agad kong hinawi ang kaniyang mga kamay na gumagamot sakin at pinilit kong tumayo kahit na medyo nahihirapan ako. "Mas naawa ka pa sa kanila kesa sakin? Bullet! Alam mong hindi ko ugaling manakit kung hindi nila ako inunahan! Hindi ko sila papatulan kung hindi nila ako pinakialaman!"-medyo irita kong saad kay Bullet. Agad niyang hinawakan ng madiin ang palapulsuhan ko at tinitigan niya ako ng puno ng galit. "Oo! Mas naawa ako sa kanila! Bakit? Kasi alam kong mas makapangyarihan ka kesa sa kanila! Tapos pinatulan mo pa?! Edi sana hinintay mo kong dumating!"-galit na galit na sabi ni Bullet sakin. Bakit ba siya nagkakaganyan? Ano bang nangyayari sa kaniya? "Bullet! Pinagtulungan nila ako! Mas maraming sapak, sampal, at sipa ang dumapo sakin kesa sa naidulot ko sa kanila! Kung hinintay pa kitang dumating? Edi sana patay na ako ngayon kakabogbog ng mga babaeng yun! Please naman Bullet! Intindihin mo naman ako!"-naiiyak na saad ko sa kaniya. Ang hirap pigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo sa aking mga mata. Hindi ko akalaing magagawa sakin to ni Bullet. Agad namang lumambot ang expresyon ng kaniyang mukha at agad niya akong niyakap. Yakap na mahigpit na tila ayaw na niya akong pakawalan. Kung sana kanina niya ginawa to, masisiyahan pa sana ako. Kaso huli na eh. "Im sorry Shaine! Im so sorry!"- paghinging paumanhin ni Bullet. Kahit na gusto kong tanggapin ang sorry niya ay di ko magawa. Ang sakit kasi ng mga sinabi niya sakin eh. "Bitawan mo ako Bullet! Bitawan mo ko!"-naiiyak na sabi ko habang tinutulak ko siya palayo. Kahit na anong tulak ko sa kaniya ay ayaw niya pa rin akong pakawalan. "Ayoko shaine! Please? Im so sorry!" Agad ko siyang tinulak ng pagkalakas lakas dahilan para mapaupo siya sa sahig ng clinic at makawala ako sa mga yakap niya. Hahawakan niya sana ang mga kamay ko ng bigla akong nagsalita. "Wag na wag mo kong hahawakan"-sabi ko at lumabas na ng clinic. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa mapunta ako sa park ng school na to. Umupo ako sa ilalim ng isang malaking kahoy at tahimik na umiyak. Iyak lang ako ng iyak. "Psyche?" Napaangat ang tingin ko at nakita ko si Blake. Nagaalala niya akong tinignan at umupo sa aking tabi. Agad ko namang pinunasan ang aking mga luha. OO, psyche na ang tawag niya sa akin. Pinagsabihan ko kasi siya na Psyche na ang itawag sa akin kapag nasa school kami. "Blake? Anong ginagawa mo dito?"-takang tanong ko kay Blake at iniiwasang tumingin sa kaniyang mga mata. "Naglalakad kasi ako kanina ng makita kitang mabilis na tumatakbo. Kaya sinundan kita. Ikaw? Anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak?"-nagaalalang tanong niya sakin. Buti pa siya, nagaalala sakin. Pero yung asawa ko, nevermind. "Ahh! W-wala! Napuwing lang ako! Hahaha"-sagot ko sa tanong niya. Tumawa ako ng pilit para di niya gaanong mahalata. "Alam mo, kapag may problema ka andito lang ako okay? Pwede mong ilabas ang lahat ng sama ng loob mo sakin. Pupwede ka ring umiyak sa sakin. Basta, andito lang ako."-nakangiting sabi niya. Hindi ko napigilan at agad ko siyang niyakap at humagulgol. Hinahaplos ni Blake ang aking buhok. Iyak lang ako ng iyak sa kaniyang mga bisig at pinapatahan naman niya ako. " A-ang sakit B-Blake! M-mas naaawa pa siya dun sa mga gumulpi sakin kesa sakin! " " Shhh tahan na psyche. Andito lang ako " - pagpapatahan ni Blake sa akin. "Ang sweet niyo naman" Agad akong napalingon at nakita ko si Lory at Bullet na magkasama. Nakayakap si Bullet sa waist ni Lory para alalayan siyang maglakad. Nakangisi si Lory habang wala namang emosyong pinapakita si Bullet. Ang sakit. Grabe! Ang sakit makita yung taong mahal mo, inaalalayan ang ibang babae. Bago pa lang ako umalis sa lugar na iyon, ay tinignan ko muna si Bullet at sinabing… Kaya pala mas pabor ka sa kanila kasi dahil iyon kay Lory... Pagkauwi ko sa bahay ay agad akong nagshower at nagbihis. Pagkatapos ay humiga na ako sa kama. Hindi ako sumabay kay Bullet umuwi ngayon. Nagpahatid nalang ako kay Blake. Tutal nagpumilit siyang ihatid ako edi go! Tsaka magkaibigan lang kami ni Blake! Kuya na nga ang turing ko sa kaniya eh! Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nun si Bullet. Agad kong pinikit ang aking mga mata at nagpanggap na tulog. Ilang sandali pa at naramdaman kong lumubog ang isang bahagi ng kama. Naramdaman kong hinaplos niya ang aking pisnge at hinalikan niya ang aking noo. " Sorry "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD