Keishaine’s POV
Pagkatapos niyang sabihin ang salitang yun ay umalis siya sa kama at narinig ko namang bumukas ang pinto ng CR. Siguro magshashower yun.
Hindi ko namalayan ngunit biglang tumulo ang isang butil ng luha galing sa aking mga mata. Hinayaan ko nalang yun at palihim na umiyak.
Bakit ka nagkakaganyan Bullet? Ano bang ginawa ko para magkaganyan ka? Bumalik ka na sa dati please?
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Tatayo na sana ako ng maramdamang may mabigat na nakadagan sa aking tiyan. Tinignan ko kung ano ito at nakita ko ang braso ni Bullet. Nakayakap siya sa akin ng mahigpit. Yakap na tila ayaw niya akong mawala. Tinitigan ko muna ang maamo niyang mukha bago ko siya hinalikan sa kaniyang noo.
Inisip kong lumuwag ang pagkakayakap ni Bullet sakin at nung lumuwag na ang kaniyang pagkakayakap ay agad akong tumayo at nagayos na para pumasok sa paaralan.
Bullet's P.O.V.
Kanina pa ako naglalakad sa loob ng campus. Kanina ko pa hinahanap si shaine. Tinatakasan na naman ako ng babaeng yun! Tsk! Asan na ba ang babaeng yun? Naisuklay ko ang aking buhok gamit ang aking kamay. Naman oh! Baka mapano yun!
" Bullet! "
Napatingin ako sa babaeng tumawag sakin at nakita ko si Lory. Nakangiti siya habang nakatingin sakin. Nakaupo siya sa isang wheelchair at may benda ang kaniyang mga paa at kamay.
Si Lory ay ang dati kong kasintahan. Siya ay anak ng leader ng counsil. Sa totoo lang, hindi ko naman ginustong maging kami. Naging kami lang dahil sa isang laro. Isang laro na hindi ko aakalaing seseryosohin niya. Oo, naging kami, pero hindi ko siya minahal at kailan man ay hindi ko siya mamahalin.
Tumalikod na ako at magsisimula na sanang maglakad ng biglang nagsalita si Lory.
" Psyche Beethoven. Anak nina Aphrodite at Adonis Beethoven. Siya ang tagapagmana ng trono ni Aphrodite na isang reyna ng mga witches na siyang magiging dahilan para mawasak ang counsil! " - nakangising saad niya.
Agad akong napatingin sa kaniya. Pano niya nalaman ang tungkol kay Shaine? Ako lang ang may alam na siya ay isang witch at ang tagapagmana ni Aphrodite?!
" Hindi totoo yan. " walang emosyong saad ko sa kaniya. Pinindot niya ang controller ng kaniyang wheelchair at lumapit sakin habang hindi mawala ang ngisi sa kaniyang labi.
" Hindi ba talaga totoo Bullet? O tinatakpan mo lang ang asawa mo? " - mapang-asar na sabi niya sa akin.
Flashback
Sabado ngayon at andito kami ni Shaine sa library ng bahay namin. Oo, bahay namin. Napangiti naman ako ng maalalang kasal na kami at akin na siya. Kahit na wala pa siyang nararamdaman para sakin, alam ko namang magiging dadating ang panahon na mamahalin din niya ako.
" Anong nginingiti ngiti mo riyan? Nababaliw ka na ba? " - mataray na sabi ni Shaine habang may binabasa siyang aklat.
Ang ganda niya talaga. Ano kayang gagawin ko para maging babae ang tibong to?
" Ang panget mo kasi, mukha kang ipis! Hahaha! " - mapangasar na sabi ko sa kaniya.
Mas lalong kumunot ang kaniyang mukha. Inirapan niya ako at bumalik sa pagbabasa ng librong kanina niya pa hawak.
" Wag mo kong simulan Bullet! Wala ako sa mood! " - mataray na sabi niya.
Napahalakhak nalang ako dahil sa ginawa niya. Binalik ko nalang ang mga mata ko sa aking binabasa.
The Legendary Witch's Heiress
The Legendary Witch's Heiress is the most powerful witch of all. She will inherit all of her parent's power. The heir will have a symbol at the back of her ear.
" AAHHHH!!!! " - biglang sigaw ni shaine sa aking tabi. Agad ko siyang pinuntahan. Bakas sa kaniyang mukha na nasasaktan talaga siya at nakahawak siya sa likod ng kaniyang tenga.
" Shaine!! What's happening?! " -
Nagaalalang tanong ko sa kaniya.
" B-Bullet! A-Ang sakit ng AAHH!! A-ang sakit!! " - nasasaktang saad niya sa akin.
Magsasalita pa sana siya ng bigla siyang nawalan ng malay. Binuhat ko siya at pinahiga sa sofa. Tinignan ko ang likod ng kaniyang tenga at may nakita akong isang symbolo.
T-teka?! Parang ito yung symbolo na sinasabi ng libro ah?! Kinuha ko ang librong binasa ko kanina at tinignan muli ang symbolo na sinasabi ng libro.
Parehong pareho ang symbolo na nakalagay sa likod ng kaniyang tenga at sa symbolo na nilalarawan ng libro.
H-Hindi maari to! Hindi si Shaine ang tagapagmana ng mga witch! Kung hindi ay magiging gulo to! Nabaling ang tingin ko sa librong binabasa ni Shaine.
The Beethoven Clan
Agad ko itong kinuha at binasa ang nilalaman nito.
Ang librong ito ay tungkol sa pamilyang Beethoven. Ang pamilyang ito ay tinaguriang pinaka makapangyarihan sa lahat ng clan ng mga witch. Sila lang ang nakakaalam ng " Resurrection spell" Ngunit dahil sa isang traydor sa pamilya nila ay nalaman ng mga Byzantine ang tungkol dito. Ang pinakahuling pinanganak na Beethoven ay si Aphrodite Beethoven. Siya ang pinakahuling nabalitaang reyna sa kanilang angkan. Napangasawa niya si Adonis Trujillo na isa palang Byzantine. Si Aphrodite ay ang tinadhanang maging Legendary Witch ngunit pinatalsik siya sa kaniyang puwesto at pinalayas siya sa kanilang lugar dahil siya raw ang Traydor at ang dahilan kung bakit nalaman ng mga Byzantine kung paano gawin ang sinasasabing spell. Nagkaanak sina Aphrodite at Adonis. Walang nakakaalam kung nasaan ang kanilang anak. Ngunit ang pangalan ng kanilang anak ay
Psyche Beethoven-Byzantine.
Agad kong nabitawan ang libro. Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Hindi ko alam na si Psyche pala ang tagapagmana ni Aphrodite. Kailan man ay hindi ko nakilala ang mga magulang ni Psyche sa una niyang buhay bago siya isinilang bilang Keishaine.
End of Flashback
Nabalik ako sa realidad ng magsalitang muli si Lory na siyang ikinuyom ng aking mga kamao dahil sa galit.
" Ano kaya ang magiging reaksyon ni Papa at ng buong counsil kapag nalaman nila na ang asawa ng susunod na hari at ang magiging reyna ay ang tagapagmana ni Aphrodite Beethoven? " - nakangising sabi niya at mapangasar na nakatingin sakin.
" Dont you dare " - matalim ko siyang tinignan ngunit mas lalo lamang siyang ngumisi.
" Oh? Wala pa naman akong ginagawa Bullet eh. Pero pwede mo naman akong pigilan "
" What do you want? "
" I want you to be mine " - nakangising saad niya.
" WHAT?! NO! " - hindi makapaniwalang sabi ko sa kaniya.
Ayoko! Nababaliw na ba tong babaeng to?!
" Okay. Madali lang naman akong kausap eh." - aalis na sana siya ng bigla kong hinawakan ang kaniyang wheelchair.
" Okay fine. "
Napangisi naman siya sa sagot ko at aalis na sana ngunit tinignan niya ako sa mata.
" Oo nga pala, puntahan mo muna ang asawa mo. Baka makapatay siya ngayon. " - makahulugang sabi ni Lory bago siya tuluyang umalis.
Agad akong tumakbo papunta sa principal's office at tinignan ang monitor na siyang pinapakita ang mga kuha ng lahat ng CCTV sa loob ng campus.
Nakita ko sa isang kuha ng CCTV na hinihila ng mga babae si Shaine papasok sa isang silid. Kilala ko ang mga babaeng to ah?! Sila ang mga kasama ni Lory.
Nung nalaman ko kung saan ang silid na yun ay agad akong tumakbo papunta doon at agad kong sinira ang pinto. At hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Nakatayo si Shaine habang nakahiga ang mga kaibigan ni Lory sa sahig at umiiyak ang mga ito.
Keishaine's POV
Eto ako, naglalakad magisa sa loob ng campus. Kung tatanungin niyo kung nasaan si Bullet. Andun siya sa piling ni Lory. Ang saya nga nila eh. Ang sweet pa nila. Nagsusubuan, naghaharutan at kung ano ano pang kalaswaang ginagawa. Leshe siya! Hindi ba nila alam na may nasasaktan sila dahil sa kaputanginang ginagawa nila?! Sinubukan kong kausapin si Bullet ngunit parang hangin lang ako sa kaniyang harapan. Nilagpasan lang niya ako.
Habang naglalakad ako ay bumalik sa aking isipan ang nalaman ko tungkol sa mga Beethoven.Hindi pa rin ako makapaniwalang isa pala akong witch. Nung andun kami sa library nina Bullet ay may nakita akong umiilaw na libro. Naalala kong nasabi ni Bullet na isa akong Beethoven. Dahil sa curiosidad ko ay agad ko itong kinuha at binasa. Marami akong nalaman tungkol sa mga Beethoven. At isa na dun ay tungkol sa aking nanay at tatay.
" Psyche "
Agad kong tinignan ang taong tumawag sakin. Isang lalakeng matangkad. Malaki ang pangangatawan. May matangos na ilong. Ang ganda ng kaniyang mga mata.
" Y-yes? " -nauutal na saad ko.
Kahit gwapo siya ay mararamdaman mong may panganib siyang dala. Dahan dahan siyang lumapit sakin. Hindi mawala wala sa kaniyang mga labi ang isang mapanganib na ngiti.
" Pwede ka bang makausap sandali? May importante lang sana akong sasabihin sayo " - seryosong sabi niya habang nakatingin ng diretso sa aking mga mata.
" S-Sige " - sabi ko at ngumiti ng alanganin sa kaniya.
Nagsimula na siyang maglakad kaya wala na akong magawa kundi ang sundan siya. Ang bilis niyang lumakad kaya nahihirapan akong sabayan siya. Lakad lang kami nang lakad hanggang sa marating namin ang park. Umupo kami sa isang bench at....
" Psyche Beethoven Byzantine is your name right? " - seryoso niyang tanong sakin habang nakatingin sa mga halaman na andun.
" Oo. Bakit? " - balik tanong ko sa kaniya
Nilingon niya ako at ngumiti ng pagkatamis tamis. Ang ganda ng kanyang ngiti. May pagkapareho kami ng ngiti. Tsaka kamukha niya rin yung isang lalake sa librong nabasa ko tungkol sa mga beethoven.
" My name is Ace Byzantine. Nice to finally meet you cousin "
-------------------------------------------------------------
" Ace! San ba kasi tayo pupunta? Kapag ako niloloko mo lang malalagot ka talaga sakin! Matitikman mo talaga ang bangis ng martial arts skills ko! " - Banta ko sa kaniya.
Kanina pa kasi kami nakasakay sa kotche niya. May ipapakilala raw siya saking napaka importanteng tao. Kaya pala napakapamiliar ng kaniyang mukha. Medyo hawig kasi siya nung Zeus Byzantine. Na sabi niya kapatid raw ng ama kong si Adonis Byzantine.
" Andito na tayo" - nakangiting sabi ni Ace at huminto kami sa isang napakalaking bahay. Mansion na nga ata to dahil sa laki ng bahay. Napapaligiran ang bahay ng mga malalaking halaman.
" Bakit tayo andito? " -naguguluhang tanong ko sa kaniya. Anong meron bakit dinala niya ako sa bahay na to?
" Welcome home Psyche " - sabi ni ace at bumaba sa kaniyang sasakyan. Bumaba na rin ako at sinabayan siya sa paglakad.
" Huh? Anong welcome home? Bahay ko ba to? Bakit ako andito? Anong meron? BAkit -- "
" Wag ka nga munang mag tanong tanong ng kung ano ano! " - inis na sagot niya sa akin. Hmmmp! Sunget tss!
" Okay, sabi ko nga " - sabi ko sa kaniya. Tss! Ang sunget! Daig pa ang babaeng may PMS! Tss!
Binuksan niya ang pinto ng bahay at bumungad sa amin ang limang mangkukulam na may ginagawang seremonya. Bakit ko nalaman na mga mangkukulam sila? Kasi nakasuot sila ng sumbrero katulad nung sa mga mangkukulam. Nang maramdaman nila ang presensya namin ay agad silang huminto sa seremonya at halatang gulat na gulat ang ekspresyon ng kanilang mga mukha nang makita nila ako.
" P-Psyche?! "
---------------------------
" Kamusta ka na ija? Ang tagal mo namang bumisita rito " - magiliw na sabi ni aunt Isabel.
Oo tita ko raw siya. Kapatid raw siya ni papa. Actually, anim raw silang magkakapatid. Bunso nila si papa.
" Okay lang naman po ako Aunt Isabel. Pasensya na po at ngayon lang po ako nakabisita. Kailan ko lang kasi nalaman na isa pala akong witch. " - sagot ko sa tanong ni aunt.
" Okay lang. Mabuti nga at nakita ka nitong anak kong si Ace eh. Nakwento kasi niya samin na may nagaaral daw sa paaralan na pinapasukan niya na isang Beethoven. Nagtaka kami kasi sa pagkakaalam namin ay wala ng Beethoven na nabubuhay sa panahong ito. At base sa ginawa naming ritwal, ay nalaman naming ikaw pala ang anak ni Aphrodite. " - malumanay na saad ni aunt isabel habang sinusuklay ang aking buhok gamit ang kaniyang kamay.
" Uhm Aunt Isabel, Pwede ka bang magkwento tungkol sa mga magulang ko? " - sabi ko kay aunt habang nakatingin sa isang litrato na nandoon.
" Oh sige. Si Aphrodite Beethoven ay isang napakagaling na witch. Bata pa lang kami ay palagi na siyang nangunguna sa potion making, broom riding, spells reading at kung ano ano pa. Siya palagi ang pambato ng aming pangkat kapag may contest sa paaralan. At dahil dun, nabihag niya ang iyong amang si Adonis Byzantine. Ang ama mo naman, siya ang tinaguriang " Campus Heartthrob ". Sabi ng ilang studyante dati ay nasa kaniya na raw ang lahat. Ginawa lahat ng ama mo para mapaibig ang iyong ina. Araw-araw niya itong hinaharana at binibigyan ng pagkain. Pagkatapos nilang magaral ay nagpakasal na sila agad. Ngunit, nalaman ng mga bampira ang tunay na lakas ng iyong ina. Nalaman nilang mas malakas pa pala ito kesa sa kanilang hari. Kaya nabahala ang mga bampira na baka wasakin ng ina mo ang counsil. Alam naman nating lahat na ayaw ng mga bampira na nalalamangan sila kaya humanap sila ng maaring pwedeng idalihan para mapatay ang iyong ina. Nalaman ng counsil na hindi pinakasalan ng iyong ina ang nakatakda niyang pakasalan dahil sa ama mo. Kaya ginawa nila itong dahilan para wakasan ang buhay ng iyong ina. At nagtagumpay sila sa plano nila. Napatay nila ang iyong ina. Ginawa lahat ng iyong ama para iligtas ang iyong ina ngunit pinahirapan lang siya ng mga walang hiyang bampirang iyon hanggang sa siya ay namatay. Ngunit bago pa sila mamatay ay iniwan nila samin ang kanilang anak. Ang kanilang napakagandang anak. At ikaw yun psyche " - mahabang kwento sa akin ni aunt.
Hindi ko namalayang may luhang tumulo galing sa aking mga mata. Grabe naman ang mga bampirang yun. Ano bang ginawa ni ina para patayin nila ito? Dahil lang sa ayaw nilang may mas makapangyarihan pa sa kanila?
" Lumaki kang maganda, mabait, mabuti sa kapwa sa piling namin. Kahit wala ang iyong mga magulang ay pinalaki ka namin ng maayos. Nilayo ka namin sa mga bampira. Ngunit, dahil sa isang bampira ay nagkaggulo gulo ang lahat. Nagmahalan kayo ng lalakeng ito. Kahit paglayuin kayo namin ay hindi parin namin iyon magawa. Siguro dahil kayo ang itinakdang magpa kasal. " - muling kwento ni Aunt habang nakatingin sa aking mga mata
" A-ano po? H-hindi ko po kayo maintindihan " - naguguluhang sabi ko kay Aunt
" Nagtagal kayo ng bampirang ito. Palagi kayong nagkikita kahit na pinagbabawal namin. Ang tigas kasi ng ulo mo! Nagmana ka sa iyong mga magulang. Ngunit, isang araw. Hindi kami makapaniwala na uuwi kang isang napakalamig na bangkay. Umalis kang buhay, ngunit umuwi kang isang napakalamig na bangkay. Labis na galit ang naramdaman namin sa mga bampira. Nagsagawa kami ng orasyon para malaman kung anong nangyari kung bakit ka namatay at nalaman naming pinana ka pala ng isang bampira. Isang bampira na pinadala ng counsil para patayin ka. "
" P-Patayin ako? " - hindi makapaniwalang tanong ko kay Aunt.
" OO. Para patayin ka, patayin ang anak ni Aphrodite. Gumawa ulit kami ng ritwal. Ritwal kung saan.
Mabubuhay kang muli. At nangyari nga, ikaw ay nabuhay. Hindi nga lang bilang Psyche Beethoven, ngunit bilang Keishaine Caroline Rivas ... "
Andito na ako sa bahay namin ni Bullet. Napangiti ako ng mapait ng pumasok na naman sa utak ko ang paglalambingan nila sa cafeteria. Asan kaya yun ngayon? Siguro kasama niya si--
" Babe? Bakit wala dito ang asawa mo? "
" I dont know. And I dont care "
Agad kong tinakpan ang aking bibig ng may narinig akong dalawang boses na naguusap sa loob ng kwarto namin ni Bullet. Medyo bukas yung pinto kaya sumilip ako ng kaunti. At nakita kong nakahiga sina Bullet at Lory sa kama habang nakayap sa isa't-isa. Ang sakit.
Takte lang. Kung maglalambingan man sila. Sana hindi dito sa bahay kung saan ako nakatira. Ay oo nga pala. Kahit asawa ko si Bullet, wala pa rin akong karapatan kasi magasawa lang kami sa papel.
" Babe, mahal mo ba talaga si Psyche? Mas mahal mo ba siya kesa sakin? " - biglang tanong ni Lory na tila nangaasar.
Hindi ako sigurado kung alam niyang nakikinig ako ngunit halata namang may pinaparinggan siya.
" No, I dont love her. Ikaw lang ang mahal ko. Wala nang iba " - sabi ni Bullet at hinalikan si Lory sa kaniyang labi.
Tama na, ayoko na. Umatras lang ako ng umatras hanggang sa di ko namalayang natabig ko ang isang vase dahilan para mahulog ito at mabasag. Dali dali akong tumakbo bago pa nila ako mahuling nakikinig sa kanilang usapan.
Takbo lang ako ng takbo hanggang sa nakalabas na ako ng bahay. Naghintay ako ng masasakyang sasakyan, ngunit nang marinig kong tinatawag ako ni Bullet ay agad na naman akong tumakbo. Kahit hindi ko na kaya at nawawalan na ako ng lakas na tumakbo ay pinilit ko pa ring tumakbo.
" Bakit Bullet? Bakit mo nagawa sakin to? Bakit mo nakayang saktan ako ng ganito?" - tumigil na ako sa kakatakbo at humagulgol nang iyak.
Niyakap ko ang aking mga tuhod at nilabas lahat ng sama ng loob ko. Ilang minuto ang nakalipas ay bumuhos ang napakalakas na ulan. Kahit basang basa na ako ay hindi pa rin ako umalis sa aking pwesto.
Nanlalabo na ang aking paningin. Ang lamig lamig na. Parang lalagnatin na ako dahil sa lamig. Biglang may huminto na isang sasakyan sa aking harap. May lumabas na isang matandang lalake. Kahit nanlalabo na ang aking paningin ay nagawa ko pa rin itong makilala. Siya ang Head ng Counsil at ang ama ni Lory.
" Nice to meet you again Psyche Beethoven Byzantine "
Sabi niya at nawalan na ako ng malay.
Nagising ako sa isang maputing kwarto. Puti lahat ang andun kahit na ang kamang aking hinihigaan. Sinubukan kong gumalaw ngunit napadaing lang ako sa sakit ng maramdamang nakatali pala ang aking mga kamay at paa.
Biglang bumukas ang pintuan at niluwa nito si Caiden Lee. Ang head ng Counsil.
" Gising na pala ang mahal na reyna. Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo? " mapangasar na sabi niya at kunwaring yumuko pa sa aking harapan.
" Pakawalan mo ko dito! " - sigaw ko sa kaniya.
" Ikinalulungkot ko ngunit hindi pa pupwede mahal na reyna. May importante ka pang gagawin " - nakangising saad niya at pinindot ang isang button.
May lumabas na isang kabaong. Binuksan niya ito at may nakita akong isang buto ng tao. Isang babae dahil nakasuot ito ng isang bistida.
" A-Ano bang gusto mong gawin?" - Kinakabahan kong saad sa kaniya.
Parang may kutob na ako sa kung ano mang gusto niyang ipagawa sakin. At ayokong gawin yun.
" Buhayin mo ang aking pinakamamahal na asawa, kapalit nun ay pakakawalan na kita" - sabi niya at hinalikan ang bungo ng kaniyang asawa raw.
" Ano?! Hindi ko kayang gawin yun! Nababaliw ka na ba?! "
Sa totoo lang, noong bumisita ako kina Aunt Isabel ay tinuruan niya ako kung pano gawin yun kasi karapatan ko raw na malaman kung pano gawin yun. Isang patay na palaka ang nabuhay ko gamit ang resurrection spell.
Bigla siyang lumapit sa akin at sinabunutan ako. Shet! Ang sakit mheen!
" Gagawin mo o papatayin namin ang pamilya mo sa mundo ng mga tao? Oh! Pati na rin si Bullet at ang pamilya niya para masaya " - nakangising sabi niya at mas diniinan ang pagkakasabunot sakin.
" Aray! Oo na! Bubuhayin ko na ang asawa mo. Basta huwag mo lang sasaktan ang mga mahal ko sa buhay! " - nasasaktang sabi ko dulot ng pagkakasabunot niya sa akin. Agad niya namang binitawan ang buhok ko at pinakawalan niya rin ako sa mga tali.
" Subukan mong tumakas at malalagot ka talaga sa akin " - banta ni caiden.
Ayoko. Ayokong mamatay ang pamilya ko ng dahil sa akin. Ayokong malagay ang buhay nila sa panganib ng dahil sa akin. Ayokong mamatay ang taong pinakamamahal ko dahil lang sa akin.
Mas mabuti ng ako ang mamatay at magdusa kesa sila. Mas mabuti pang isang buhay lang ang mawala. Kung dito man magtatapos ang aking buhay. Wala na akong magagawa pa.
Lumapit na ako sa kalansay ng asawa ni Caiden at isinagawa na ang resurrection spell. Mas malaking kapangyarihan ang kailangan kapag tao ang bubuhayin mo kesa hayop. Kaya kong bumuhay ng patay kasi namana ko ang kapangyarihan ni Aphrodite na tunay kong ina, pero dahil sa may sakit ako ngayon gawa ng ulan kanina kailangan kong ibigay ang buhay ko bilang kapalit para mabuhay ang asawa niya
" Paalam Bullet, Paalam aking mahal "
Bullet's POV
" Paalam Bullet, Paalam aking mahal "
Teka, Si Shaine ba yun?! Anong nangyari sa kaniya?!
Flashback
" Anong ginagawa mo dito? " -Tanong ko kay Lory ng makita ko siyang nakahiga sa aking kama.
" Binibisita ang taong mahal ko? " - nakangising sabi niya at tumayo. Dahan dahan siyang lumapit sakin.
" Pwede ba lory? Hindi kita mahal at hinding hindi kita mahahalin!! " - Sigaw ko sa kaniya at tinulak siya dahilan para mapadaing siya sa sakit ng kaniyang likuran na tumama sa sahig.
" Alam ko naman yun Bullet! Hindi mo na kailangang ulit-ulitin! " - galit na sabi niya sa akin at nagsimulang umiyak.
Naalarma naman ako at agad ko siyang inalo. Kahit naman papaano ay naging kaibigan ko naman si Lory.
" Shh. Wag ka ng umiyak " - pagpapatahan ko sa kaniya. Nabigla ako ng bigla siyang tumingin diretso sa aking mga mata. May binabanggit siyang mga salita na hindi ko maintindihan. Kahit anong gawin ko ay hindi ako makagalaw. Hynihyptonismo niya ako. At nawalan na ako ng malay.
-------
* Bogsh *
Nagising ang diwa ko ng may narinig akong nabasag galing sa labas ng kwarto. Naitulak ko bigla si Lory na kasalukuyang humahalik sa akin at dali daling lumabas ng kwarto. Nakita ko agad si Shaine na mabilis na tumatakbo papalabas ng bahay. Agad ko siyang hinabol.
" PSYCHE!!! "
Ilang ulit kong tinatawag ang pangalan niya pero parang hindi niya ako naririnig. Bigla akong napahinto ng may naramdaman akong bakal na nakapalibot sa aking mga kamay.
" Sige! Subukan mong umalis! Sasabihin ko na talaga sa lahat ang tungkol sa asawa mo! " - sigaw ni Lory at hinila ako papalapit sa kaniya.
End of flashback
Napabaling ang tingin ko sa pinto ng may kumatok. Nang buksan ko ito ay nakita ko ang mga magulang namin ni Shaine na umiiyak. T-teka?! A-anong ibig sabihin nito?! Bigla akong sinapak ni tatay at kinwelyuhan.
" WALANGHIYA KANG GAGO KA!!! BAKIT MO PINABAYAAN ANG ANAK KO HAH?! AKALA KO BA AALAGAAN MO SIYA?! NGUNIT ANONG NANGYARI?! NAWALA SIYA NG DAHIL SAYO!! NAWALA ANG ANAK NAMIN NG DAHIL SAYONG GAGO KA!! " - galit na sabi ni tatay at sinapak na naman ako.
" A-ano pong ibig n-niyong sabihin? H-hindi ko po kayo m-maintindihan! " - naguguluhang sabi ko kay tatay.
Ano bang meron?
Biglang lumapit si ina sakin at sinabi ang mga salitang ayaw kong marinig at kailan man ay ayokong mangyari ....
Ulit ...
" Wala na si Psyche anak. Patay na ang asawa mo "
------------------------------------------------------------------
Andito kami ngayon. Nakasuot ng itim. Nakatingin sa harap. Nagluluksa. Ang sakit isipin na hindi ko man lang siya nakausap bago siya nawala. Hindi ko man lang naipaliwanag kung ano talaga ang totoong nangyari sa pagitan naming dalawa ni Lory. Na kailan man ay hinding-hindi ko mamahalin si Lory. Na si Psyche lang ang mamahalin ko, hanggang sa pinakahuli kong hininga.
Bumabalik sa aking isipan ang mga oras na ang saya namin sa piling ng isa't-isa. Na nakatitig lang ako sa kaniya habang tumatawa siya. Na pinapasaya ko siya. Na pinaparamdam ko sa kaniya na sa bawat oras na nabubuhay ako ay mahal na mahal ko siya. Mga oras na andito pa siya sa aking mga bisig , humihinga at nakangiti. Mga oras na hindi ko na maibabalik pa.
" Bullet, anak. Oras na " - sabi ni ama at tinapik ang aking balikat.
Pumunta ako sa harap ng kaniyang kabaong. Ang dating masigla at makulay niyang mukha ay napalitan ng maputla at walang ka emosyong mukha. Ang kaniyang mga matang kay gandang titigan ay hinding-hindi ko na ulit matititigan pang muli. Ang mga labi niyang ang lambot halikan ay hindi ko na rin mahahalikan pang muli. Hinawakan ko ang kaniyang kamay at hinalikan ito.
" Psyche, Mahal , Asawa ko , pasensya na at wala akong nagawa sa mga panahong kailangan mo ko. Pasensya na at sinaktan kita bago ka nawalan ng buhay. Na dapat sana'y mas lalo kitang inalagaan, prinotektahan at iningatan dahil ikalawang buhay mo na to ... " - Pinunasan ko muna ang mga luhang tumulo galing sa aking mga mata at ngumiti ng pilit.
" Wag kang magalala mahal. Pinagbayaran na ng gagong yun ang ginawa niya sayo. Wala na sya pati na rin yung walanghiya niyang asawa! Pero mahal, ang sakit sakit eh! Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka. Mababaliw na nga ata ako ngayon eh haha! " - pilit akong tumawa kahit na ang hirap. Ang hirap dahil wala na siya. Pakiramdam ko ay namatay na rin ang kalahati ng aking buhay. Na tila sumama ito sa kaniya sa itaas.
" Psyche, Keishaine, Mahal, Kakayanin ko. Tatanggapin ko, kahit na mahirap at masakit. Pero lagi mong tatandaan na mananatili ka sa puso't-isipan ko panghabangbuhay ... "
Dahan-dahan kong binalot sa kaniya ang isang puting kumot. Tanda na wala na siyang buhay. Na wala na siya. Na wala na ang aking pinaka mamahal.
Paalam Psyche, Hanggang sa muli aking mahal. Mahal na mahal kita ...
---------------------------------
Someone's POV
Nakaupo ako sa aking upuan. Tinignan ko ang aking orasan at nakita kong 11:11 ang nakalagay. Ibinalik ko ang aking paningin sa mga papel na nakahelera sa aking lamesa at isa-isang binasa ulit ang mga ito. Nakalagay dito ang mga impormasyon tungkol sa mga bampira na walang ibang ginawa kung hindi ay gawing miserable ang buhay ng aking anak.
Biglang bumukas ang pintuan ng aking silid at pumasok ang isa sa aking mga tauhan. Inutusan ko siya na kunin ang isang bagay na napakaimportante sa akin at tiyak na makakapagpabago sa lahat. Kapalit nun ay ang premyo na matagal na nilang inaasam.
" Nakuha niyo na ba ang pinapakuha ko? " - tanong ko sa aking tauhan at agad naman itong tumango
" Opo boss! Nakuha na po namin. Nahirapan nga po kami kasi matagal umuwi ang lalake boss eh " - sagot ng aking tauhan habang kinakamot ang kaniyang ulo
" Wala na akong pakialam kung nahirapan kayo o hindi! May nakakita ba sa inyo habang kinukuha niyo yun? "
" Wala naman po boss. Sinigurado muna namin na wala nang tao bago namin sinimulang hukayin ang lupa kung saan iyon nakalibing "
" Mabuti naman kung gayun. Tawagin mo na sila Isabel at sisimulan na namin ang ritwal "