7:11

3228 Words
Byzantine's POV Nang matapos na namin ang aming ritual upang buhaying muli ang aking anak ay pinahiga siya sa dating silid ni Aphrodite. Tinignan ko ang mukha ni Psyche at makikita mong malungkot siya nung siya ay binawian ng buhay. Na isip ko na siguro kung hindi nawasak ang aming pamilya ay hindi masasaktan ng ganito ang anak namin. Ako nga pala si Adonis Byzantine, ang ama ni Psyche. Namumuhay kaming masaya ni Aphrodite at ang anak naming si Psyche nung una pero dahil sa isang bampirang maka sarili ay nawasak ang pinaka iingatan naming pamilya. Pinatay nila ang mag ina ko na wala namang ginawang masama sa kanila. Ang alam ng mga bampira ay patay na ako pero hindi nila alam na clone ko lang ang pinarusahan nila. Flashback " Adonis iligtas mo si Psyche. Pupunta dito ang council ng mga bampira at huhulihin nila ako ngayon " - nangangambang wika ni Aphrodite. Hinawakan ko ang kamay niya at tinignan siya sa kaniyang mga mata. " Mahal umalis na tayo dito. Pumunta tayo sa malayong lugar at doon mamuhay ng payapa " - pangungumbinsi ko sa kaniya ngunit umiling lamang siya at ngumiti. " Bakit ako tatakas mahal eh wala naman akong kasalanan. Kapag tumakas ako, mas lalo lang nilang iisipin na tama ang kanilang hinala tungkol sa akin. Natatakot lang sila kasi nalaman nilang kaya kong higitan ang kapangyarihan nila ngunit lilinawin ko sa kanila na ako ay maaasahan at hinding hindi ko sila kakalabanin " - banayad na saad niya sa akin. Napatingin kami sa pinto nang may kumatok. Sinenyasan niya kaming magtago ni Psyche. Gumamit ako ng invisibility spell na kahit bampira ay hindi makaka amoy o makakakita sa amin. " Aphrodite Beethoven, hinuhuli ka namin sa salang hindi pagpapakasal sa nakatakda mong pakasalan at sa pag abuso sa iyong kapangyarihan na itinuturing bilang isang napaka laking kasalanan dito sa ating mundo. Maaari kang tumahimik ngayon at lahat ng sasabihin mo ay pwedeng gamitin panlaban sayo " - wika ng isang guardia na isang bampira. " Po? Hindi ko po inabuso ang aking kapangyarihan " - pag tanggi ni Aphrodite sa paratang sa kaniya na hindi naman totoo. " Sa hukom ka nalang magpaliwanag " - wika nung isang guardia at pinasuot siya ng isang gwantes na pumipigil sa kaniya upang magamit ang kaniyang kapangyarihan. " Nasaan ang mag ama mo? " - muling tanong ng guardia. " Hindi ko po alam " - may halong kaba na tugon niya sa tanong nito. Hindi sila naniwala at pina halughog ang bahay. Mabuti nalang at malakas ang isinagawa kong spell at kahit ano ang gawin nila ay hindi nila kami mahanap. Sa huli ay sumuko na sila sa paghahanap at kinuha na ang mahal ko. Gumawa ako ng isang clone ko. Hindi ko pa kasi kabisado kung pano gumawa ng maraming clone. Binilin ko muna ang aming anak sa kapatid kong si Isabel, baka bigla nalang lumusob ang mga bampira dito sa pinag tataguan ko Gamit ang isang teknik ay sumanib ako sa aking clone at pumunta sa bulwagan ng mga bampira para hanapin si Aphrodite. Dahan dahan akong nagtago sa mga pader para hindi ako mahuli ng mga bampira. Gusto ko sanang gamitin ang invisible spell pero hindi yun gagana dito kasi nasa teritoryo nila ako. Nang makita ko na si Aphrodite ay sinubukan kong sirain yung lock at nagtagumpay naman ako. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at nakita ko ang asawa kong naka handusay sa sahig at hinang hina na. Agad ko siyang niyakap. Gulat na gulat ang mukha niya nang makita ako. " Mahal? Pasensya at ngayon lang ako, itatakas kita dito. " - mahinang saad ko sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. Aalis na sana kami ngunit biglang dumating si Caiden Lee, isa sa mga council ng bampira. " Tatakas pa kayo ha. Kunin niyo si Aphrodite at ibalik sa kulungan. At dalhin niyo si Adonis sa baba " - mala demonyong wika ni Caiden at pinag hiwalay na nga kami ng mga kasama niyang guardia. " Mahal na mahal kita Adonis " - mahinang bulong ni Aphrodite bago kami tuluyang nawalay sa isa't-isa. Nang makarating na kami sa baba ay tinali ang dalawang kamay ko sa isang bakal na haligi. Hinubad nila ang pantaas ko at bago pa man nila ako masaktan ay bumalik na ako sa tunay kong katawan. Hindi ako pwedeng lumusob nalang bigla kasi mamamatay ako kagaya ng clone ko kaya magtatago nalang muna ako hanggang sa pwede na akong makapag higanti End of Flashback Akala ng lahat na patay na ako. Pero akala lang nila yun, at ngayon na ang panahong hinihintay ko para makapag higanti sa mga nagpahirap sa asawa at sa anak ko. Napatingin ako sa mukha ng anak ko. Kamukhang kamukha niya ang kaniyang ina. Sayang lang at hindi siya lumaki sa alaga naming dalawa ng kaniyang ina. Siguro ay isang masayang pamilya kami ngayon kung hindi lang naging sakim sa kapangyarihan ang mga bampira. Kinwento na sa akin ni Isabel kung bakit siya namatay sa una niyang buhay Flashback Nakatanggap ako ng sulat galing kay Isabel na magkikita raw ang anak ko at ang kaniyang minamahal na isang bampira ngayon. Nung una, tutol ako kasi alam kong mapapahamak lang siya. Ngunit pinaliwanag naman ng kapatid ko na mabait naman daw yung lalake at mahal na mahal ang anak ko kaya hindi na ako tumutol. Alam kong kailangan ng anak ko ng taong masasandalan lalo na at wala kami ng ina niya. At alam kong nabibigay ng lalakeng yun ang pagmamahal na hinahanap ng aking anak. Namimitas ako ng mga prutas para sa hapunan ko ng nakita kong may paruparong itim na dumapo sa aking kamay. Lumaki ang aking mga mata at nabitawan ko ang basket na dala dala ko. Isinagawa ko ang teleportation technique at pumunta sa bahay ng kapatid ko. Pagbukas ko ng pinto ay ang bangkay agad ng anak ko ang bumungad sa akin. Agad ko itong niyakap at umiyak. Pagkatapos mawala ng asawa ko, anak ko naman ngayon? Kelan ba matatapos ang paghihirap ko? " Paumanhin kapatid ko, hindi ko nabantayan ng maigi si Psyche " - umiiyak na sabi ni Isabel " Wala kang kasalanan dahil alam kong ginawa mo lang iyon para maging masaya ang anak ko. Ang tunay na may kasalanan ay ang walang hiyang mga bampira na yan! Dadating din ang araw na magbabayad sila sa ginawa nila sa aking mag ina " “ Kapatid ko, nais ko sanang buhaying muli si Psych ngunit sa ibang pagkatao na pagkalipas ng ilang taon “ – wika ni Isabel. Agad naman akong napalingon sa kaniya. “ Ngunit hindi natin kabisado ang resurrection spell “ – tugon ko sa suhestyon niya. May nilabas siyang isang libro. Nanlaki ang aking mga mata nang mapagtantong libro ito ng mga Beethoven. “ Matagal na itong binigay ni Aphrodite sa akin, at baka magamit ko raw sa hinaharap. “ – wika niya at binuklat ang libro. Hinanap niya ang pahina na kung saan nakasulat kung paano gagawin ang resurrection spell. “ Tawagin mo na lahat ng kasama mo sa bahay at gawin na natin ang orasyon “ End of Flashback Bullet's POV Nandito ako sa hardin kung saan kami unang nagkita ng mahal ko. Hawak hawak ko ang litrato niya nung kasal naming dalawa. Ang ganda niya talaga. Namimiss ko na siya. Namimiss ko nang matulog at gumising na nakayakap sa kaniya. Namimiss ko nang kulitin siya. Namimiss ko na yung tawa niya. " Bullet anak, nais kang maka usap nung doctor ni Lory " - biglang sabi ni inay sa aking tabi. Nung pinatay ang ama at ina ni Lory na muling nabuhay dahil kay Psyche ay unti unti siyang nabaliw. Nagsimula nung araw-araw siyang pumupunta sa bahay at inaangkin niya ako bilang asawa niya. Lahat ng babaeng lalapit o nakakausap ko ay sinasabutahe niya ang lakad at nagiging dahilan kung bakit sila naaaksidente. Naging obsess siya sa akin dahilan upang mabaliw siya kaya pinadala siya sa isang mental hospital dito sa mundo namin. Palagi niya akong hinahanap at sinasabi rin niya na asawa ko siya. Nung hinatulan ang kaniyang ama na si Caiden Lee ay doon na lumabas ang tunay na baho niya. Maraming nilabag na batas ang kaniyang ama lalong lalo na ang pag abuso sa kapangyarihan. Ang unang napag desisyonan na hatol sa kaniya ay makukulong siya sa loob ng isang selda hanggang sa siya ay mamatay. Ngunit dahil sa marami ang umapilang mga bampira na kaniyang inabuso ay nahatulan siya ng kamatayan. " Ayoko siyang maka usap ina. Paki sabi nalang sa kaniya na gawin nalang kung ano ang makakabuti kay Lory " - walang emosyong sabi ko sa aking ina at umalis na sa hardin. Pumasok ako sa aking silid, na dapat ay silid naming dalawa ng aking asawa. Naalala ko na naman siya. Kahit saan ako magpunta ay naaalala ko siya. Kahit anong gawin ko ay pumapasok pa rin siya sa aking isipan. Pero alam ko namang kahit anong gawin ko ay wala na talaga siya at hindi na siya maibabalik pa. Nakasakay ako ngayon sa aking kabayo habang namamasyal sa aming lupain. Lahat ng aming mga magsasaka ay abala sa pagtatanim ng mga bagong halaman dahil tapos na ang tagtuyot. Habang naglalakad ang kabayong sinasakyan ko ay may natanaw akong isang babae sa di kalayuan. Nakasuot siya ng damit na pang maharlika at may suot din siyang tiara sa ibabaw ng kaniyang ulo ngunit ito ay naka talikod. Sa isang iglap ay nasa likuran na ako ng babae. Dahan dahan itong humarap sa akin at nanlaki ng aking mga mata sa gulat ng malamang si Psyche pala ang babaeng iyon. Agad akong bumaba sa aking kabayo at niyakap siya ng mahigpit at niyakap niya ako pabalik. Napa hagulgol nalang ako sa kaniyang yakap. " Mahal, wag mo na akong iwan. Dito ka lang sa tabi ko " - pagmama kaawa ko sa kaniya habang umiiyak. " Mahal ko, hintayin mo ako at magbabalik ako " - bulong niya sa akin at dahan dahan siyang hinihigop ng hangin palayo sa akin. Hinigpitan ko ang hawak sa kaniya para hindi siya tuluyang mawala sa bisig ko. " Mahal! Wag kang bibitaw! Pakiusap! " - pagmamaka awa ko pa rin sa kaniya pero dahil sa lakas ng hangin ay unti unting kong nabibitawan ang kaniyang kamay hanggang sa tinangay na nga siya nito. " MAHAAALL!!! " Napabangon ako bigla at hinahabol ko ang aking hininga. Napatingin ako sa orasan na nasa kwarto ko at nakita kong 11:11 na pala ng gabi. Bumaba ako sa dinning room para kumuha ng tubig. Habang umiinom ako ay bigla kong narinig sina ama at ina na nag uusap. " Narinig mo ba na may nakakita kay Adonis Byzantine na gumagala kama kailan lang? " - sabi ni ina. " Yan nga rin yung usap usapan sa council kanina. Pero napaka impossible naman ata dahil nakita natin mismo ang bangkay ni adonis " - tugon naman ni ama. Agad naman akong nagtago nang makita kong dadaan sila sa banda ko. Nang mapansin kong wala na sila, ay agad akong lumabas sa aking pinag tataguan. Adonis Byzantine? Diba siya ang ama ni Psyche? Paano siya mabubuhay eh nakita nga namin ang bangkay niya bago ito inilibing. Isa siya sa mga namatay dahil kay Caiden Lee. Kung totoo ngang buhay pa siya, ibig sabihin may possibilidad na buhay rin ang asawa ko? Adonis' POV Alam kong hindi ligtas ang anak ko sa lugar nina Isabel dahil may nakakita sa akin noong nakaraan, at may kutob ako na malalaman ito ng council na posibling maging dahilan para lusubin nila ang lugar na yun. Kung mangyari man yun, mapapahamak na naman ang anak ko at madadamay pa ang buong lahi ng mga mangkukulam. Kaya dinala ko ang anak ko sa lugar ng mga lobo. Kaibigan ko ang dating alpha ng mga lobo kaya kilala na rin ako ng kaniyang anak na si Blake na siyang namamahala ngayon sa kanilang lahi. " Blake, iiwan ko muna ang aking anak sa iyong pangangalaga dahil hindi na siya ligtas sa bahay namin. Nakita kasi ako ng ilang bampira doon " - Saad ko kay Blake at tumango naman ito. " Makaka asa ka po na aalagaan ko ang inyong anak" - magalang na pangako sa akin ni Blake. " Padalhan mo rin ako ng sulat kapag nagising na siya para kami ay makapag usap " - Tinignan kong muli ang mukha ng anak ko at hinaplos ito. " Masusunod po tiyo " - nakangiting saad ni Blake sa akin. " Osya, sige aalis na ako at baka masundan pa ako dito ng mga bampira. " - paalam ko kay Blake at agad na umalis. Umuwi muna ako sa aking bahay na nasa isang liblib na lugar para hindi ako mahanap ng mga bampira. Blake's POV Nang umalis na si tiyo Adonis ay tinitigan ko ang mukha ni Psyche. Ang ganda niya talaga. Kung hindi lang sila itinakda ni Bullet ay matagal ko na siyang niligawan. Flashback Mabilis akong tumatakbo sa isang mall sa mundo ng mga tao kasi konting oras nalang at matatapos na ang sale sa paborito kong tindahan. Takbo lang ako ng takbo nang may maka banggaan akong isang babae. Agad naman akong tumayo. " Naku! Pasensya na miss! Hindi ko sinasadya! Nagmamadali kasi ako! " -hinging paumanhin ko sa nabangga kong babae. Tinulungan ko siyang tumayo at tinignan ko ang mukha niya. Teka? Ang ganda naman niya. Para siyang isang anghel na bumaba galing sa langit. Nabalik ako sa realidad nang bigla siyang nagsalita. " Sige. Okay lang basta wag mo ng gagawin yun sa susunod kapag nakita mo man ako " - sagot niya at yumuko para kunin ang mga nagkalat na paper bags niya sa sahig. Agad ko naman siyang tinulungan at inabot sa kaniya ang mga ito. " Naku pasensya na talaga! By the way, ako nga pala si Blake! Blake Permitvo! Ikaw? " - nakangiting pagpapakilala ko sa aking sarili at inabot ang aking kamay. " Okay nga lang. Uhm, shaine. Keishaine Rivas? " - tugon niya sa pagpapakilala ko at tinanggap ang aking kamay. Gusto ko pa sanang makipag usap sa kaniya pero baka hindi ko na maabutang bukas ang tindahan. " Mauuna na ako! May kailangan pa kasi akong habulin! Sige bye shaine! " - ngumiti ako sa kaniya at tumakbo na ulit papunta sa tindahan at mabuti nalang naabutan ko itong bukas. “ Miss isa nga po nung bago niyong binebenta na limited edition na sapatos “ – wika ko sa nagbabantay ng tindahan. Nang pabalik na ako sa mundo ko ay na alala ko si shaine. Mabuti nalang at naamoy ko siya kanina kaya sinundan ko ang baho niya. Nakita ko siya sa loob ng isang restaurant, lumapit ako sa cashier at nag order ako para kay shaine at binayaran ko na rin yun. Bago ako umalis ay tinignan ko muna ng mabuti ang mukha niya at baka huling pagkikita na namin yun. “ Anong ginagawa mo ditto alpha? “ Napalingon ako sa nagsalita at nakita kong si Bullet yun, ang hari ng mga bampira. Napangisi ako sa kaniya. “ May nakita kasi akong maganda na babae kanina, sinundan ko lang at binigyan ng kaunting regalo “ – nakangising wika ko sa kaniya at tinignan muna si shaine bago ako tuluyang umalis. End of Flashback Unang beses akong napa tulala sa kagandahan ng isang babae. Unang beses ko ring naramdamang tumibok ng mabilis ang puso ko sa tuwing nakikita ko siya. Araw araw akong pumupunta sa mall na yun, nagbabaka sakaling magkita kami ulit, pero hindi ko inaasahang makikita ko siya rito sa mundo ko. Flashback Usap usapan ngayon sa skwelahan na may bago daw na estudyante at maangas daw ito kung maka asta. Kanina ko pa naririnig ang mga bulong bulongan na asawa rin daw ito ni Bullet. Tsss anong pake ko dun? Tapos na ang klase ko kaya naglakad lakad muna ako sa loob ng campus nang may babaeng bigla nalang sumulpot. Tinignan ko ito at napansing palinga linga ito, halatang nawawala. Lumapit ko dito para tumulong. " Any problem miss? " - tanong ko dito. Nang humarap ito ay pareho kaming nagulat. Si shaine ang bagong lipat na estudyante? At siya rin ang asawa ni Bullet? May naramdaman akong konting kirot sa aking dibdib. " Blake?! " - gulat na sabi ni shaine. " Ako nga! Kamusta ka na shaine? " - nakangiting pangangamusta ko sa kaniya kahit kumirot ang dibdib ko nang malamang wala na akong pag-asa sa kaniya. " Okay lang ako! Ikaw? Kamusta ka na? Ay oo nga pala! Salamat dun sa pagkain na nilibre mo sakin hah?! " - nakangiting tugon niya sa akin. Ang ganda niya talaga. Sayang nga lang at hindi ko na siya mapapasaakin. " Wala yun! May kasalanan naman ako nun eh! Kung hindi dahil sakin sana nakakain ka na that time." - nahihiyang sagot ko sa kaniya habang kinakamot ang batok ko. At hindi ko mapigilang mapa titig sa kaniyang napaka gandang mukha. " Ay! Matanong nga kita. Anong ginawa mo dito? " - Biglang tanong ni shaine sa akin. Kita mo to, nakikipag usap sa akin na parang kilalang kilala na niya ako pero hindi alam na isa akong lobo. " I'm a wolf shaine. " – sabi ko sa kaniya at biglang nanlaki ang kaniyang mga mata. " ANO?! " - gulat na gulat na reaksyon niya nang malaman na isa akong lobo. " Let me rephrase that. Ako ang hari ng mga lobo " - nakangising tugon ko sa kaniya. " Lobo ka?! Eh bakit nakita kita sa mundo ng mga tao dati?! Siguro kinikidnap mo ang mga tao para kainin mo no! Nakuuu! Wag na wag kang lalapit sakin! Kung hindi makakatikim ka talaga ng karate skills ko! " - Wika ni shaine at tinaas ang kaniyang dalawang kamao. Bigla akong natawa ng malakas. Napapatingin na ang iba sa amin pero hindi ko talagang mapigilang tumawa dahil ang cute niyang tignan " Hoy! Wag ka ngang tumawa ng malakas! Para kang baliw diyan! " - naiinis na saway sa akin ni shaine. " Hahaha A-ang c-cute pfftt mo kasi hahahaha! " - Nahihirapang tugon ko sa kaniya dahil natatawa pa rin ako. " Bahala ka na nga sa buhay mo! " - sabi niya at aalis na sana siya sa harap ko pero hinawakan ko ang kaniyang braso at hinarap ko ulit siya sa akin. " Okay. Hindi na po ako tatawa! " - Itinaas ko pa ang dalawa kong kamay bilang pag suko. " Talaga lang hah?! " - naka pameywang na banta niya sa akin. " Oo nga! Pangako! " - sabi ko at tinaas ang isang kamay. Natatawa pa rin ako pero pinipigilan ko talaga ang aking tawa. " Psyche " Napatingin kaming dalawa sa nagsalita at nawala bigla ang kasiyahan ko ng makita kong si Bullet yun. Totoo nga talaga ang kasabihang sakit ang kapalit ng sobrang kasiyahan. End of Flashback Umalis na ako doon at umikot sa buong lugar upang ma sigurado kong walang umaaligid sa Lincoln. Pagkatapos ay bumalik na ako sa aking opisina at umupo sa aking upuan. Aalagaan at poprotektahan kita Psyche hanggang sa makakaya ko, at yun lang ang tanging paraang alam ko kung paano ko maipaparamdam sayo na mahal kita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD