Wakas

4995 Words
Psyche's POV Nagising ako sa loob ng under ground ng aming bahay. Tinignan ko ang aking paligid at nakita kong nakahiga si Bullet sa aking tabi habang naka tali ang kaniyang mga kamay. Sinubukan kong lumapit sa kaniya pero sumakit lang ang aking kamay dahil naka tali rin pala ako. Ilang sandali ay biglang bumukas ang pinto at niluwa nun si Primo, isa sa mga myembro ng council " Gising na pala ang mahal na reyna " - mala demonyong saad niya sa akin. Agad ko siyang sinamaan ng tingin " Anong ginawa mo sa amin? " - galit na tanong ko sa kaniya. Sinubukan kong gumawa ng spell pero hindi ito gumana. Tumawa naman si Primo dahil sa ginawa ko " Kahit na anong gawin mo ay hindi gagana ang mahika mo dahil pina inom ko kayo ng dugo ng isang tao kung kaya't mas nangingibabaw ang pagiging bampira mo ngayon. " - sabi ni Primo at tumawa. Biglang may dumating na isang lalakeng nakasuot ng isang lab coat habang may dala dalang bote ng dugo. Nang buksan na niya ang bote at na amoy ko ang dugo ay napa atras ako. Hindi ganito ang amoy ng iniinom naming dugo ng mga hayop. Mas mabaho ito at malanda. Napatigil ako nang mapagtanto kong dugo ito ng mga tao " Walang hiya ka primo! Hindi ba at pinagbawalan na tayong uminom ng dugo ng mga tao?! " - galit na sigaw ko sa kaniya at napa kuyom ng kamay. Idineklara ni ama na bawal na kaming uminom ng dugo ng mga tao at pawang dugo ng mga hayop lang ang pupwede " Bakit? Andito pa ba ang ama niyo para parusahan ako? Oo nga pala, baka hindi mo alam na ako na ang bagong hari dito " - malokong wika ni Primo sa akin habang tumatawa. Baliw ata tong nilalang na to. " Kabilang ka ba sa mga insanes?! " - inis na tanong ko sa kaniya nang maalala ang nangyari kay Yanna. Pero hindi ko na siya ganun ka mahal, ang pagmamahal ko kay Bullet ay unti unting tinanim sa limot ang pagmamahal na nararamdaman ko para kay Yanna. " Mali ka. Dahil ako ang pinuno ng mga insanes " - sagot niya sa tanong ko dahilan para mas lalo akong nagalit ka sa kaniya. " Diego ipa inom mo na sa kanila yan " - utos niya sa lalakeng naka suot ng lab coat. Agad naman itong sinunod ng kaniyang tauhan at lumapit na sa akin. Hinawakan niya ang baba ko at binuka ang aking bibig. Sinubukan kong pumiglas pero parang wala lang ang ginawa ko dahil nakatali nga ako at ang lakas ng lalake. Pinilit niya akong inumin ang dugo. Nang malunok ko ito ay bigla akong nakaramdam ng kakaibang lakas. Nararamdaman ko ring mas lumakas ang kapangyarihan ko. Sinubukan kong kumawala dahil sa naramdaman kong lakas ngunit napahinto ako ng maramdamang parang hinihigop ang aking kapangyarihan. Napatingin ako kay Primo nang bigla itong tumawa " Sige, pumiglas ka at subukan mong ilabas ang lahat ng kapangyarihan mo para mahigop ito lahat ng taling yan at mapunta sa akin " - malokong pahayag ni Primo. Napatingin nalang ako sa kaniya ng masama. Napatingin ako sa lalake nang kinuha niya ang isang bote ng dugo at lumapit kay Bullet. Pina inom niya ito sa huli na naging dahilan para ito'y magising. Napangisi naman si Primo nang makitang nagising na ang asawa ko " Oo nga pala, aalis na ako dahil magsisimula na ang koronasyon ng bagong hari. At ako yun HAHAHA! " - mala demonyong tawa ni Primo at umalis na sila nung lalake. Narinig kong kinandado nila ang pinto. Narinig kong gumalaw si Bullet at sinusubukan niyang tanggalin ang tali " Mahal! Wag mong subukang tumakas o ilabas lahat ng kapangyarihan mo dahil hihigupin lang ito ng taling yan " - banta ko kay Bullet. Agad naman siyang napatingin sa akin at yumuko. Ilang sandali pa ay narinig ko siyang humihikbi " Mahal? " - tawag ko sa kaniya. Bigla naman siyang napatingin sa akin at nanlaki ang mga mata ko nang makitang puno ng luha ang mga mata niya " Pasensya ka na mahal at hindi ko kayo na proktektahan ng anak natin " - naiiyak na wika ni Bullet sa akin at muling yumuko. Agad naman akong ngumiti kahit alam kong hindi niya iyon makikita " Mahal, wala kang dapat na ihingi ng tawad sa akin dahil alam kong ginawa mo ang lahat para sa amin ng anak natin at may responsibilidad ka pa sa buong lahi ng mga bampira. Sapat na sa amin yun. Hindi rin natin kontrolado ang mangyayari sa hinaharap " - malumanay na wika ko sa kaniya para gumaan ang pakiramdam niya. Tumingin naman siya sa akin at ngumiti " Salamat mahal ko. Ang swerte ko talaga sayo " - nakangiting wika niya sa akin. Napangiti rin ako dahil dun " Basta ang importante magkasama tayo ngayon at magkasama rin nating haharapin ang pagsubok na ito. Mahal na mahal kita mahal ko " - malambing na wika ko sa kaniya " Mahal na mahal din kita mahal ko " - tugon niya sa sinabi ko at ngumiti sa akin Araw araw kaming pinupuntahan nung Diego at pinipilit niya kaming painumin ng dugo. Nung una ay sinusubukan naming pumiglas pero sinasaktan lang niya kami. Kaya kalaunan ay hindi na kami lumaban at iniinom nalang namin ng kusa ang dugo. Balang araw ay makakatakas din kami dito at pagbabayaran ng may sala ang ginawa nila sa amin. Maraming taon na ang nakalipas ngunit andito pa rin kami sa loob ng empyernong silid na ito. Araw araw kong iniisip kung kamusta na kaya si Xander? Sana naman ay nasa mabuti siyang kalagayan at hindi siya sinasaktan ng nag aalaga sa kaniya ngayon. Sapat na sa akin na lumaki siya bilang mabuting tao at malusog ang pangangatawan. Bigla kong narinig na parang may kumakalabog sa pinto. Agad akong nagtaka dahil napa inom na kami ni Diego ng dugo. Yumuko nalang ako dahil baka si Primo lang ito, ayokong makita ang pagmumukha niya " Mommy?! Daddy?! " - gulat na wika ng isang lalake. Napa angat ang aking mukha at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang anak namin. Ang laki na niya. Alam kong si Xander yun dahil alam ko ang physical features ng anak ko. " Xander, anak! " - naiiyak na wika ko sa kaniya. Gusto ko siyang yakapin at halikan ngunit naka tali ang mga kamay at paa ko. Bumaba ang tingin niya sa mga naka tali naming kamay. Nilapitan niya kami at gamit ang dala dala niyang martilyo ay giniba niya ang kadenang naka tali sa amin. Nang maka wala kami ay agad kaming niyakap ni Xander habang umiiyak siya. Niyakap ko din siya ng mahigpit at napa iyak nalang " Umalis na tayo dito habang abala pa sila sa kasiyahan sa itaas " - sabi ni Xander at tumayo na agad kaming tatlo. Pagbukas ni Xander ng pinto ay agad tumambad si Primo Maximo kasama ang kaniyang mga guardia, nakita ko rin ang dating sekretarya ni Bullet na si Peter. " Peter?! Kasabwat ka nila?! " - galit na sigaw niya kay Peter. Bigla naman siyang yumuko at hindi na nagsalita. Mas lalong nagalit si Xander at akmang susugurin na si Peter nang humarang ang mga tuhan ni Primo. Tumawa naman ang huli " Ang bobo mo naman Alexander, tinatraydor ka na nga hindi mo napapansin. Anak ka nga ng mga magulang mo " - pangungutya ni Primo sa amin. Gusto kong lumaban pero wala akong sapat na lakas at baka mas lumala lamang ang sitwasyon namin " Dakpin sila at ikulong ulit sa loob! " - utos ni Primo sa kaniyang mga tauhan at agad naman sumunod ang mga ito Tinalian ulit kaming dalawa ni Bullet. Hindi na kami lumaban dahil alam naman namin ang kahihinatnan nito. Sinubukan ni xander na lumaban ngunit sinuntok ng isang guardia ang kaniyang tiyan kaya matagumpay na natalian din siya ng guardia. Gusto kong daluhan ang anak ko at siguraduhing okay lang siya pero wala akong magagawa. Kumirot ang aking puso dahil sa aking naisip " Sa wakas at wala nang makakapigil sa paghari ko sa lahi ng mga bampira. Hindi magtatagal ay mawawala na talaga kayo sa mundong ito " - mala demonyong wika ni Primo at sinarado na ang pintuan " Pasensya na anak kung hindi kami lumaban kanina. Wala kasi kaming sapat na lakas para lumaban. Hindi rin namin alam kung bakit binuhay pa kami ni Primo kung ikukulong din naman pala niya kami dito " - malungkot na sabi ko kay Xander. Ang sakit ng dibdib ko dahil wala akong magawa para sa anak ko. Kung may sapat lang ako na lakas na makawala dito ay ginawa ko na. " Ayos lang yun mommy at daddy. Plano naman talaga namin to ni Peter " - natigilan ako sa sinabi ng aking anak at agad na tumingin sa kaniya na nagtataka? Anong ibig niyang sabihin? " Anong ibig mong sabihin anak? " - naguguluhang tanong sa kaniya ni Bullet " Bago pa lang kami umuwi dito, pinlano na namin ang lahat at naaayon ang lahat ng nangyayari sa plano namin " - nakangiting wika ni Xander at sumandal sa pader na nasa likuran niya. Napatingin naman kaming dalawa ni Bullet sa isat isa Kinwento sa amin ni Xander ang lahat tungkol sa plano ni Peter at kung bakit nasa panig namin ito. Hindi pa rin ako maka paniwala na ganito na mag isip ang anak ko. Bigla na naman akong nakaramdam ng lungkot. Siguro kung hindi nangyari ang trahedyang yun at hindi namin siya naiwan nung bata pa lamang siya ay hindi niya mararanasan ang mga ito. Pagkaraan ng ilang oras na paghihintay ay may bumukas sa pintuan. Nang dumungaw ito ay kumalma naman ako nang mapag tantong si Peter ito. Tinulungan niya muna si Xander makawala sa kaniyang tali at tinulungan naman nila kami ni Bullet na maka wala. Biglang nagsagawa ng isang mahika ang anak ko para mapalitan ang mga suot naming damit. Namangha ako sa kakayahang ipinamalas ng anak ko at syempre pati na rin sa damit hehe. Unang lumabas si Peter at sinenyasan niya kaming lumabas na nang masigurong wala nang nakabantay sa labas. Nagpa alam na si Peter na babalik na raw siya sa kaniyang trabaho at baka paghinalaan raw siya ni Primo. Buti nalang at ligtas kaming naka labas ng bahay at walang naka pansin sa amin na kahit na sino. Nang makalabas na kami ay mabilis kaming naglakad paalis sa lugar na yun. Sinundan lang namin ni Bullet ang anak namin hanggang sa nakarating kami sa isang apartment Binigyan kami ng bagong damit ni Xander at tinuro niya sa amin kung nasaan ang cr para makapag linis na kami ng katawan. " Bullet! Mag tigil ka nga! Kakalaya lang natin galing sa empyernong lugar na yun at eto ka na naman sa kamanyakan mo! " - saway ko kay Bullet at agad naman siyang napa simangot " Edi don't " - maarteng wika niya at agad na lumayo sa akin. Napatawa naman ako ng malakas sa inasal niya Pagkatapos naming maligo at magbihis ay pumunta na kami ni Bullet sa kusina at napa nganga ako nang makitang naka luto na ang anak ko at naka handa na rin ang lamesa. Pina upo niya kami para daw maka kain na kaming tatlo. " Maraming salamat anak at niligtas mo kami ng mommy mo " - sabi ni Bullet kay Xander habang naka ngiti. Napangiti rin ako nang ma alala ang ginawa ng anak namin " Wag niyo na pong isipin yun, kasi kahit na sinong anak ay gagawin ang lahat para sa mga magulang nila " - nakangiting wika niya sa amin. Dahil sa saya ay nayakap nalang namin siya bigla at niyakap niya kami pabalik. Pagkatapos naming magyakapan nagsimula na kaming kumain. " Wow! Ang sarap ng luto mo anak. " - hindi makapaniwalang papuri ko sa luto ng anak ko. Bilang ina ay proud na proud ako sa anak ko dahil lumaki siya ng maayos kahit wala kami ng daddy niya sa kaniyang tabi. " Nag aral po kasi akong mag luto habang nasa Europe pa po ako kasi gusto ko kayong ipag luto kapag nag kita na tayo " - sagot sa akin ni Xander. Napatingin naman kami ni Bullet sa isa't isa Ang bilis ng panahon at ang laki na ng anak natin mahal Sabi ko kay Bullet gamit ang bond namin. Ngumiti naman siya sa akin at napatango " Ang swerte namin sayo baby " - malambing na sabi ko sa kaniya. Agad naman siyang napa simangot " Mommy naman! Wag niyo na akong tawaging baby kasi malaki na po ako. Tapos inumin niyo nga po pala tong ginawa kong tsaa para sa inyo para agad po na bumalik ang lakas ninyo " - sabi niya sa akin dahilan para mapa tawa kami ni Bullet. May nilapag siyang dalawang baso ng tsaa sa harapan namin. Kumain lang kami ng kumain habang nag kukwentuhan. " Alam mo ba anak na ako lang ang naka bingwit ng titibo tibong puso ng mommy mo? " - sabi ni Bullet. Napa irap naman ako sa kayabangan niya at tinignan siya ng masama " Naku wag kang maniwala diyan sa daddy mo anak! Pinikot niya ako para magpa kasal ako sa kaniya! " - pambabara ko sa kayabangan niya at agad naman itong napa simangot. Napatawa kaming dalawa ng anak ko " Hoy xander wag kang ngang tumawa! Mag kwento ka nga, baka may napupusuan ka na ah? " - pangungutya ni Bullet kay Xander. Agad namang nanlaki ang mga mata ko nang namula ang anak ko " Hala! Nagmana ka nga sa daddy mo namumula kapag nahihiya! Haha! " - Tumatawang wika ko kay Xander. Napa iling naman siya bigla sa amin. Bakit pakiramdam ko mas makulit kami ni Bullet kumpara kay Xander? " May nakilala po ako sa paaralan na isang babae. Nung una ay sinusungitan ko siya, pero ngayon ay naging malapit na mag kaibigan na kaming dalawa. Hindi ko alam pero sa tuwing nakikita ko siyang ngumingiti o tumatawa ay bumibilis ang t***k ng puso ko. May sakit ba ako? " - pag kukwento niya sa amin ni Bullet. Agad naman akong napa " oohh " sa aking isipan. Binata na ang anak ko ah! " Ay naku anak, delikado ka. In love ka na ata sa babaeng yan " - mapang asar na wika ni Bullet sa anak namin. Kita mo tong lalakeng to, inaasar pa ang anak namin. " Ako na maghuhugas ng pinag kainan natin anak " - sabi ko kay Xander nang matapos kaming kumain. " Sige my, kami na ni daddy ang magliligpit " - tugon niya sa sinabi ko at nilinisan na nila ang lamesa. Habang naghuhugas Nang matapos kaming kumain ay nag presenta si mommy na siya na raw ang maghuhugas ng mga plato kaya kaming dalawa ni daddy ang nag ligpit ng mga pinag kainan namin. Ilang sandali pa ay napa sapo ako sa aking noo nang nagsimulang mag landian sa harapan ko ang dalawa. "Magagalit ba ang araw kung ikaw naman ang nag bibigay liwanag sa buhay ko? " - panlalandi sa akin ni Bullet. Napatawa ako sa sinabi niya, ang korny kaya! "Tumigil ka nga Bullet! Nakakahiya sa anak natin!"-saway ko sa asawa ko dahil naririnig kami ni Xander. Narinig kong tumayo si Xander at binuksan ang tv. Kinurot ko naman si Bullet pero natawa lang siya sa ginawa ko " Alam mo? Ang korny mo! Pati si Xander nasusuka sa mga banat mo! " - naiinis na wika ko kay Bullet " Sus! Kinikilig ka lang kasi! Denial Queen talaga tsk tsk tsk! " - pangungutya niya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin " Good night anak " - malambing wika ko kay Xander nang mag aya na itong matulog. " Good night mommy, Good night daddy. Mahal na mahal ko kayo " - nakangiting sabi niya sa amin at niyakap niya kami ng daddy niya. Niyakap naman namin siya pabalik. " Mahal na mahal ka rin namin anak " - malumanay na wika ni Bullet sa anak namin. Ngumiti ako kay Xander at sinarado na namin ang pinto Ang saya ko ngayon. Buo na ulit ang pamilya ko pagka lipas ng ilang taon. Sana wala nang mangyaring masama Xander's POV Nagising ako nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Agad akong bumangon at napangiti nang bumungad sa aking harapan sina mommy at daddy " Good morning anak " - bati nila sa akin at niyakap ako ni mommy. Niyakap ko rin siya pabalik " Good morning din mommy ko " - malambing na bati ko sa aking mommy " Hoy ang daya! Pasali naman sa yakapan niyo! " - nagtatampong sabi ni daddy at niyakap niya kami ni mommy. Napatawa naman kami ni mommy " Halika na anak, kumain na tayo. Nagluto na ako ng almusal natin " - sabi ni mommy at hinila na niya ako papunta sa hapag kainan. Kay tagal kong hinintay ang araw na ito na sabay ulit kaming kumain sa almusal. Pagkatapos naming kumain ay nagbihis na ako. Balak kong pumasyal kasama si Danea " Mommy, Daddy alis po muna ako " - pagpapa alam ko sa kanila. Tinignan naman nila ang suot ko at nang aasar nila akong tinignan " May date ka ano? " - mapang asar na wika ni daddy kaya kinurot siya ni mommy. Naramdaman kong uminit ang aking pisnge kaya umiwas ako ng tingin sa kanilang dalawa " Wala po, papasok po ako sa paaralan " - nahihiyang wika ko sa kanila. Wash day kasi namin ngayon kaya hindi ako naka suot ng uniform. " Osiya sige anak, mag iingat ka ah? " - wika ni nanay at lumapit sa akin. Hinalikan niya ang pisnge ko. Niyakap ko naman siya at hinalikan din ang pisnge niya. Pumunta naman ako kay daddy at niyakap siya Umalis na ako at naglakad na papasok sa eskwelahan. At dahil maaga pa ay konti pa lang ang mga estudyante sa loob. Hinintay ko muna si Danea sa may gate. Alam kong magugulat yun kapag nalaman niyang mas maaga akong dumating kesa kaniya. Ilang sandali pa nga ay dumating na siya at tama nga ang hinala ko. Nang aasar niya akong tinignan. Napatawa naman ako sa mukha niya " Himala ah! Ang aga mong dumating ah! " - pang aasar niya sa akin. Ginulo ko naman ang buhok niya kaya masama niya akong tinignan " Halika, samahan mo ko sa mall " - aya ko sa kaniya " Ayoko nga! Tsaka masamang hindi pumasok sa klase hoy! " - pag tanggi niya sa alok ko. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad " Edi don't. Maghahanap nalang ako ng kasama kong kumain ng fishball " - sabi ko habang naglalakad. Napangiti naman ako dahil alam kong hindi niya kayang tiisin ang fishball, paborito niya kaya ito " Aba! Maghahanap ka na ng bagong fishball buddy? Hindi ako papayag no! " - wika niya at mabilis na tumakbo para mahabol niya ako " Jealous? " - mapang asar na wika ko sa kaniya at nakita kong namula ang pisnge niya " Hindi ah! " - pag tanggi niya sa paratang ko. Natawa naman ako dahil halata namang nagsisinungaling lang siya. Nababasa ko kaya kung ano ang iniisip niya, hindi niya kasi alam na bampira rin ako. Hinawakan ko ang kamay niya at pinagsiklop ko ang mga daliri namin. May naramdaman akong malamig na bagay kaya tinignan ko ang kaniyang kamay at napangiti nang makitang suot niya ang binigay kong bracelet sa kaniya. Pumunta na kami sa isang gate na labasan ng mga estudyanteng gusto mag cutting. Hindi naman kami nahirapang lumabas. At dahil maaga pa, wala pa si ateng nagtitinda ng fishball. Pumunta muna kami sa mall. Buti nalang at wash day namin ngayon kaya hindi na kami hinarang ng guard Habang naglalakad kami sa loob ng mall ay bigla siyang pumasok sa isang tindahan na nagbebenta ng mga pampa ganda at dahil magkahawak ang aming mga kamay ay nahila niya ako papasok. " Say ahhh! " - utos sa akin ni Danea at binuka ng kaunti ang bibig niya. Ginaya ko naman siya at nilagyan niya ako ng lipstick. Kanina pa niya ako ginagawang tester sa mga pampa ganda na nakikita niya. " Ang ganda natin sis ah! " - mapang asar na wika niya sa akin kaya napa simangot nalang ako. Natawa naman siya sa reaksyon ko Pagkatapos naming maglibot sa mall ay pumunta kami sa sky garden sa itaas ng lugar. Umupo kami may sulok at sinimulang kainin ang mga pinamili naming pagkain. Daldal lang nang daldal si Danea tungkol sa nangyari sa kaarawan niya habang kumakain. May napansin akong dumi sa may labi niya at wala sa sariling pinahiran ko ito. Napatula naman siya at napa titig sa akin. Tila na hypnotismo ako ng kaniyang mga mata at dahan dahan kong nilapit ang mukha ko sa kaniya. Konti nalang ang pagitan ng mga labi namin nang bigla akong napatigil. Hindi pwede. Agad akong umiwas ng tingin sa kaniya " Gusto kita Kyle " - pag amin niya sa akin. Agad akong napa tingin sa kaniya " Gusto rin kita Danea, pero hindi tayo pwede " - wika ko sa kaniya. Nakita ko namang nagulat siya sa sinabi ko " Anong ibig mong sabihin? Bakit hindi tayo pwede? Pareho naman tayo ng nararamdaman ah? " - naiiyak na tanong niya sa akin " Dahil isa aking D'mittri Danea. At ang ama mo ang pumatay sa lolo at lola ko. Pinahirapan din ng ama mo ang mga magulang ko " - pag amin ko sa kaniya " Hindi yan totoo! " - hindi maka paniwalang wika niya sa akin. Tinignan ko siya sa mata " Ako si Kyle Alexander D'mittri, ang tagapagmana ng mga D'mittri at ang karapat dapat na magiging sunod na hari pero dahil sa kasamaan ng ama mo ay winasak niya ang pamilya ko. Mahal kita pero hindi ko mapapatawad ang ama mo " - wika ko sa kaniya. Napayuko siya at umiling " Hindi totoo yan! Hindi mamamatay ang ama ko! " - galit na wika niya sa akin at umalis. Sinundan ko siya palabas ng mall pero laking gulat ko nang makita si Primo sa labas kasama ang kaniyang mga tauhan " Ama, totoo bang winasak mo ang pamilyang D'mittri para ma angkin mo ang trono? " - tanong ni Danea habang umiiyak " Pumasok ka na sa loob ng sasakyan " - tanging nasabi ni Primo sa anak niya " Sagutin mo ko ama! " - pagpupumilit ni Danea sa kaniyang ama. Naaawa ako sa kaniya dahil humagulgol na siya ng iyak sa harapan ng ama niya at marami na ang nanunuod " OO! " - biglang nasabi ni Primo sa kaniya at nagulat naman si Danea sa sagot ng ama. Nagulat din ang mga nanunuod sa amin dahil sa nalaman nila. Pinapasok si Danea ng isang tauhan ng kaniyang ama sa loob ng sasakyan. " Kahit saan ka pa pumunta, mahahanap at mahahanap din kita Alexander " - nakangising wika ni Primo. Agad akong tumakbo pero nahuli ako ng kaniyang mga tauhan. " Bitawan niyo ako! " - Sigaw ko at pilit na kumakawala sa hawak nila. Ipapasok na sana nila ako sa loob ng sasakyan nang bigla nalang tumalsik ang mga tauhan ni Primo na may hawak sa akin. Tinignan ko ang may gawa nito at napangiti ako nang makita ko sina mommy at daddy " Okay ka lang ba anak? " - tanong sa akin ni daddy. Tumango naman ako bilang sagot. Biglang umatake sila mommy at daddy sa mga tauhan ni Primo at sa isang iglap ay natumba na nga sila. Biglang umandar ang sasasakyan ni Primo at mabilis na umalis. Hinabol namin ito nina mommy at daddy. May ginawang teknik si mommy at may lumabas na isang malaking kamay at itinaas ang sasakyan. Biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Danea, tinignan niya ako at tumalon siya bigla kaya agad akong tumakbo para saluin siya. Psyche's POV Bumaba si Primo sa kaniyang sasakyan. Nakangisi na naman ito " Magbabayad ka ngayon sa kahayopang ginawa mo! " - galit na sigaw ni Bullet sa kaniya at sabay namin siyang inatake Lahat ng suntok at sipa namin sa kaniya ay palagi niyang naiilagan. Umatras muna ako sa laban at kinuha ang bala ng baril na dala dala ko. Gumawa ako ng ritual para gawin itong isang panlaban sa mga bampira. Kapag natamaan ka nito ay magiging isang normal na tao ka nalang. Ayoko kasing pumatay ng kapwa ko, hindi ako ganun ka sama. Agad ko itong pinasok sa magasin ng baril at tinutok ko kay Primo. " Bullet! Alis! " - sigaw ko kay Bullet at agad naman siyang umalis. Pinutok ko ang baril at tinamaan nito si Primo sa may dibdib. Natumba siya dahil sa impact ng pag baril ko sa kaniya. Nang mapansin namin na hindi na gumagalaw si Primo ay tumalikod na kami ni Bullet at naglakad patungo kay Xander. " MOMMY! DADDY! SA LIKOD NIYO! " - biglang sigaw ni Xander kaya napatingin kami sa likuran namin * bang * Xander's POV Nasa gilid lang kami ni Danea habang nilalabanan nina mommy at daddy si Primo. Pagkaraan ng ilang minuto ay natapos na ng kanilang laban at napatumba nina mommy ang huli. Lalapit na sana sina sila sa akin nang bigla kong nakita na bumunot ng baril si Primo " MOMMY! DADDY! SA LIKOD NIYO! " - sigaw ko sa kanila. Agad naman silang napa lingon pero huli na nang pinutok na ni Primo ang baril niya. Biglang huminto ang bala at sumabog nalang ito bigla sa ere. Biglang tumakbo si mommy patungo kay Primo at sinuntok ito sa mukha dahilan para mawalan ito ng malay. Napatingin kami sa paligid at may nakita kaming isang lalake na nakatayo sa di kalayuan. " Ama! " - sigaw ni mommy at tumakbo sila ni daddy papunta sa taong yun. Ngayon ko lang nakita ang lalakeng yun sa buong buhay ko. Agad naman akong sinenyasan ni daddy na lumapit. Hinawakan ko ang kamay ni Danea at sabay kaming naglakad papunta sa kanila " Anak siya ang ama ko. At siya rin ang lolo mo " - masayang wika ni mommy habang pinapakilala ang lalake. Nagmano naman ako sa kaniya bilang pagbigay galang " Ama, sumama ka muna sa amin pauwi at magkwentuhan muna tayo " - sabi ni daddy sa lolo ko " Gustuhin ko man ngunit may gagawin pa ako sa bahay. Pumunta lang ako dito dahil nakita ko sa aking panaginip na may mangyayaring hindi maganda. Bibisita lang ako sa bahay niyo kapag wala na akong gagawin " - wika ni lolo at nagpa alam na sa amin Nakulong si Primo at nawalan na siya ng kapangyarihan dahil sa ginawa ni mommy. Naging isang normal na tao na lamang siya at tumanda na ang kaniyang mukha. Nagdiwang naman ang buong lahi ng mga bampira nang maging hari ulit si daddy. Pinakulong din niya ang mga nag traydor sa kanila ni Dadu at gaya ni Primo ay tinanggalan din sila ng kapangyarihan ni mommy. Ayaw kasing pumatay ng mga magulang ko kasi napaka importante ng buhay para sa kanila. Pinatira naman nina mommy at daddy si Danea sa bahay dahil wala itong ibang mapuntahan gayong nasa kulungan ang kaniyang ama. Nangako naman sina mommy at daddy na sila na ang sasagot sa gastusin ni Danea. Nung una nga ay ayaw niya sa alok ng mga magulang ko pero pinilit ko siya at di kalaunan ay um-oo naman siya. Nandito kami ni Danea sa hardin ng palasyo. Naisipan kasi naming tumambay dito kasi wala naman kaming pasok dahil sa selebrasyon ng pagbabalik ng pamilya namin. " Danea " - tawag ko sa kaniya. Napalingon naman siya sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya at tinignan ko siya sa kaniyang mga mata " Matagal na kitang gusto. Hindi ko lang masabi sayo dahil natatakot ako na baka hindi tayo pareho ng nararamdaman at dahil na rin sa ama mo. Pero ngayon, maglalakas loob na ako. Danea Maximo, papayag ka bang maging kasintahan ko? " - wika ko sa kaniya. Agad namang nanlaki ang kaniyang mga mata at napa luha " Teka, hindi naman kita minamadali - " - hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong hinalikan sa aking mga labi at niyakap ng mahigpit " Oo! Pumapayag ako Kyle! " - masayang wika niya. Agad ko siyang niyakap at hinalikan ang kaniyang mga labi " Mahal na mahal kita Danea " - sabi ko sa kaniya nang matapos ko siyang halikan " Mahal na mahal din kita Kyle " - malambing na tugon niya sa sinabi ko Psyche's POV " Ayuuun! Binata na talaga ang anak natin mahal at may hinalikan nang babae " - sabi ni Bullet sa akin nang makitang hinalikan ng anak namin si Danea. Andito kami sa itaas ng palasyo, kung saan kitang kita namin ang dalawa sa hardin. " Oo nga eh. Ang bilis ng panahon, baka sa susunod ikakasal na yan " - naka ngiting wika ko sa kaniya habang naka titig pa rin kay xander at danea sa ibaba " Mahal, gawa tayo ulit ng baby? Malaki na si Xander " - sabi ni Bullet at hinalikan ang batok ko. Bumigay naman ako sa asawa ko. Third Person's POV Naging maunlad ulit ang lugar ng mga bampira nang maibalik sa kaniyang trono si Bullet. Nawala ang corruption at kasamaan na dating naghahari sa lugar. Tinanggap din nina Bullet at Psyche si Danea bilang kasintahan ng kanilang anak dahil naniniwala silang wala naman itong kinalaman sa masamang ginawa ni Primo sa kanilang pamilya at nararamdaman din nila kung gaano ka busilak ang puso ng dalaga. Wakas
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD