"Earth to Iry." Natigilan ang pag i-imagine ko nang kumaway sa mukha ko si Zage. Nakakunot ang noo niya marahil nagtataka kung bakit bigla na lang ako natulala at hindi umimik. Ngumunguya pa rin siya katulad ng kanina. "M-masarap?" tanong ko na lang bigla. Hindi ko alam kung saan galing ‘yon pero nasabi ko na lang. Hindi ko rin alam kung pagkain ba ang tinutukoy ko o iba na. "Nakakain naman ng tao," sagot niya at sumubo na naman. Tumaas ang kilay ko. Hindi ko rin mapigilang ngumiti. Sus. Ang arte niya pero nasasarapan naman talaga. Sarap hambalusin ng lamesa, e. Hindi na ako umimik at kumain na lang. "’Di ba mapait ang ampalaya? Pero bakit ito hindi?” tanong niya habang ngumunguya ulit at puno pa ang bibig. Parang isang linggong hindi nakakain, ah. Hindi ata uso sa isang ‘to ang ‘don

