"Bakit ba kailangan mo akong isama? Can't you go alone?" reklamo niya. Papasok na kami ng mall ngayon at ito siya, tudo reklamo. Inaasahan ko na rin naman ‘to pero ang sarap pa rin niyang hampasin ng baton na hawak no'ng guard. Gusto ko bigla makiagaw, e. "Baka nakakalimutan mong may malaki kang kasalanan sa 'kin? Hindi na ako gaganti dahil baka magpatayan pa tayo kaya papatulungin na lang kita. At isa pa, mahiya ka nga! Alangan namang ako lang ang gagastos pati kakainin mo? Mag ambag ka rin kasi bahay lang ang binayaran mo at hindi ang pagkain,” atungal ko. "Puwede namang magbigay na lang ako ng pera tapos ikaw na lang ang bumili.” Hinarap ko siya. “Nagrereklamo ka ba kasi tinatamad ka o dahil nadistorbo ko ang maligayang oras mo kanina?” Hindi siya sumagot kaya sigurado ako na ang h

