Ang crush ko. Kikiligin ba ako kasi sinagip niya ako sa kahihiyan ngayong gabi? Oo dapat. Dapat maging masaya ako kasi siya ang makakasama ko imbes na si Zage pero bakit may parte sa dibdib ko na nagsasabing may kulang? May iba akong inaasahan, e. "M-minho…" "I'll sing with you, Iry," aniya at hinawakan ang kamay ko na naging dahilan kung bakit naging wild ang mga tao. Sumisigaw at kinikilig. Dapat kikiligin ako kasi hawak lang naman ng crush ko ang kamay ko. Pinangarap ko rin ‘to simula noong nakita ko si Minho pero bakit parang wala lang? Hindi man lang ako nakaramdam no’ng tinatawag nilang paru-paru sa sikmura. Ano na bang nangyayari sa ‘kin? Hawak kamay kaming pumunta sa gitna ng stage kung saan nakahanda na ang upuan na dapat naming upuan ni Zage. "S-sigurado

