IRY'S POV "Ay punyetang unggoy!" Bigla akong napasigaw sa gulat nang may sumigaw sa tenga ko. Daming sigaw, oo. Tinignan ko ang letseng 'yon at nakita ko si Zage na nakangisi sa'kin. Siya nga at walang iba. Walang hiya! Akala ko si Nanay 'yong nag-eenglish, siya pala. "Ikaw--anong ginagawa mo rito sa kwarto ko?!” gulat kong sigaw. “Bakit mo sinigawan ang tainga ko? Paano kung nabingi ako ng tuluyan?!” Tumayo at akmang susugudin siya pero bigla akong nadulas dahil sa kumot na nasa sahig. At ang walang hiyang si Zage Claws Uzumaki ay tumawa lang na akala mo sobrang laughtrip ma-slide. Ang sarap niyang umpogin at dispatyahin, oo. "’Wag ka ngang tumawa, hindi ako clown!" Umikot ang mga mata niya. "Tss. Lalabas na ako, sumunod ka pagkatapos mong linisan 'yang laway sa pisnge mo." Nan

