Ilang oras din ang itinagal ng mga kaibigan ni Zage sa bahay bago sila nagpasyang umuwi na. "Uuwi na kami, Kapitan," ani Kevin habang naka-akbay kay Larry na kanina pa kumakain ng bingka na iniwan ni Nanay para sa akin kaninang umaga. Hindi ko na lang siya pinakialaman kasi baka wala ‘yon sa kanila. "’Wag na kayong babalik," bored na sagot ni Zage. Attitude talaga ang isang ‘to. Kahit mga kaibigan niya hindi niya pinapalampas. "Pasalamat ka nga tinulungan ka namin maglaba, e. Wala ka na ngang alam, wala ka pang utang na loob." Binelatan siya ni Larry na isa rin namang walang alam sa paglalaba. Ang sarap nilang pag-untugin. Tumingin naman sa akin si Minho at ngumiti. Lumabas tuloy ‘yong ngipin niyang pang commercial ng toothpaste. "We're going now, Iry. Thank you for th

