Chapter 3

1117 Words
Athena “Naku,natutuwa akong makita ulit kayong mag kakapatid.Huling kita ko sainyo four years ago pa.Naku ang tagal na.” Hindi magkanda ugaga si nanay sa paghahain ng iba't ibang putahe sa lamesa.Nung nalaman niya kasi na nakabalik na sila magkakapatid dito sa pinas ay masayang masaya siya.Noon pa kasi ay hilig na nila ang kumain dito sa aming munting restaurant.Mas lalo pang naging malapit ang loob sa kanila ni Nanay nang maging bestfriend ko si Rafa. “ Rafa ija anak halika, tikman mo ito.Bagong flavors ito sa menu namin. Dahan dahang inilapit ni nanay ang pritong manok sa bibig ni Rafa at dali naman iyong tinikman ni Rafa.Nakangiti ko silang pinagmasmasdan nang agawin ni Axel ang atensyon ko. “huuuuy!.. May tumusok na kung ano sa pisngi ko.Nang lingunin ko ito ay hintuturo pala ni Axel.Pinanliitan ko ito ng mata. “Ano ba? ikaw napapansin ko sayo lagi mo na lang trip ang pisngi ko ha.Kahit noon pa... hindi kaya.. Pabiro ako nitong inakbayan.Yung tipong parang nananakal. “Ano ba Axel ang panget mo.Alis mo nga.” “Actually na miss kita eh.” Natigilan ako.Maging ang pag pupumilit kong kumawala sa kanyang braso. “Talaga?” Seryoso kong tanong. “Oo, kaya mahigpit na yakap sa leeg hanggang mag violet.” Dinig ko ang tawanan ni Nicholas at Rafa.Maging si Nicholas nga ay ginulo pa ang buhok ko.Habang ang tukmol na si Axel ay di pa rin ako binibitawan. Nasa ganito kaming senaryo nang biglang tumili si nanay. “Ikaw na ba yan Red? naku ang gwapo gwapo mo anak.” Mabilis na kumabog ang dibdib ko.Ang nananahimik kong sistema ay biglang nagulo nang makita ko muli ang lalaking bumihag sa puso ko four years ago. “Mabuti naman at nakasunod ka.Akala namin di ka na dadating eh.” Saad ni Rafa. “Ay naku.Kung di siya dadating anak, mag tatampo ako.” Nakangiting sabi ni Nanay. Pero ang mga mata nito ay napako sa akin.At ganun din ako sa kanya.Kung gwapo siya noon, mas lalong gwapo siya ngayon.Ibang iba ang dating niya ngayon.Para bang hinubog at binago siya ng panahon.Mas nakaka intimidate titigan. Bumaba ang mga mata nito sa braso ni Axel na nakapulupot sa akin.Wala namang nag sasabi.Pero otomatikong kumawala ako roon.Siguro kasi alam ng puso kong gustong gusto ko pa rin siya hanggang ngayon.At hindi iyon nag bago kahit ilang taon na ang lumipas.Kahit pa siya ang dahilan ng first heart break ko noong teen ager ako.Pero Si Celine, kumusta na kaya sila? sila pa rin kaya? “Halika ijo.Maupo ka na rito at ipaghahain din kita.” Saka lang naalis ang mga mata niya sa akin nang hilain siya ni nanay na maupo katabi si Rafa.Ang bilis pa din ng t***k ng puso ko lalo pa't magkaharap lang kami ngayon sa mesa. “So Rafa, what are your plans now?” Biglang tanong ni Red. “Well, the day after tomorrow i have schedule in bicol.May outreach program para sa mga bata.Those kids are the beneficiary of our company.So i need to be there.” Nag patuloy sa pag uusap sina Red Rafa at Nicho patungkol sa kanilang negosyo.Medyo biglang naging awkward nga ang lunch na ito para sa akin. Dahil kung anong ingay at halakhakan kanina, sa pag dating ni Red ay tila naiba ang awra ng lugar na ito.Biglang naging malamig at seryoso.Maging ang magiliw na mukha nila nicho at Rafa ay biglang nag laho.Parang nag iiba ang personality nila sa tuwing mapag uusapan ang negosyo.Ganito siguro talaga ang mayayaman. Nag patuloy ako sa pag nguya ng pagkain.May mga pagkakataon na di ko naiiwasang pagmasdan si Red.Kung gaano kasarap sa tenga ang boses nito.kung paanong ang bawat kilos nito ay mas lalong nakakadagdag sa kagwapuhan niya.May mga pagkakataon pa nga na napapakunot din ang noo ko at napapa-awang ang mga labi sa tuwing nagiging seryoso ang ekspresyon ng mukha niya habang nag sasalita. Halos mapaigtad ako nang mapansin nito ang paninitig ko.Nag tama ang aming mga mata at nahuli niya akong nakatitig sa kanya.Sa sobrang indenial ko ay dali kong sinapo ang kanan kong mata at nag panggap na napuwing.Sakto namang pag tagilid ko ay sinalubong ni axel ang mukha ko. “What happened?” “Ano.. may pumasok kasi sa mata ko.” Pagsisinungaling ko.Hindi ko napaghandaan ang sunod na ginawa ni axel.Marahan nitong inilapit ang kanyang labi sa akin na siyang ikinabahala ko. “T-teka Axel a..anong ginagawa mo?” “Something stock on your eyes. Hihipan ko lang.” Bago pa man makalapit ng tuluyan si Axel ay malakulog na boses ni Red ang nag patigil sa kanya. “Zachary Axel..” Tawag nito sa buong pangalan ni Axel na mabilis nitong ikinatigil.Kinuha ko naman iyong pagkakataon para makawala sa pagkakahawak niya.Nakahinga ako ng maluwag.What Red did was a life saving.Paano ba naman.Ang tukmol na si Axel ay masyadong padalos dalos ang kilos.Hanggang ngayon bata pa rin ako kung itrato.But on a serious note it felt so weird when axel looked at me that way.Kung makatitig kala mo may something. I shooked my head to get rid of an intrusive thought.No freaking way.Eh kung bully-hin niya nga ako noon hanggang ngayon ay wagas.At isa pa, hindi naman lingid sa kaalaman nito na gustong gusto ko ang kapatid niya. “Have you talked to them?” Seryosong tanong ni Red. “Seriously bro?” “Mukha ba 'kong nag bibiro?..” Patamad nitong tinapunan ng tingin si Axel at dahan dahang inilapag ang hawak na tinidor.Humalukipkip ito na tila nag hihintay pa rin sa kanyang isasagot.Wala ng nagawa pa si Axel kundi mapailing. “ Well, i told them that we're interested in the proposal, but the pricing seems a bit higher than we expected.” Bahagyang napatigil sa pag inom ng tubig si Red. “So? what did you do then?” “ Well.. Sumandal si Axel sa upuan at seryosong humalukipkip.Di ko akalaing nagagawa niya rin palang maging seryoso . “ At first, they offered me a ten percent discount.But you know me too well bro.I don't just settle for less.” Bahagyang tumaas ang kilay ni Red.Ibinaba nito ang baso.Tila nakuha ni Axel ang interes nito. “I offered them a long term contract in exchange of fifteen percent discount.And guess what? they agree. Makailang ulit na tumango tango si Red bilang pag sang-ayon sa sinabi ni Axel. “Goo job Axel.” Biglang nag liwanag ang mukha ni Axel.Nang mag tama nga ang aming paningin dalawa ay kinindatan pa ako nito.I rolled my eyes at him to show my annoyance.Pasikreto kong muling pinagmasdan si Red.Sobra talagang seryoso ang mukha niya.Kahit na may good news si Axel ay parang di naman nabago ang ekspresyon niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD