Chapter4

1754 Words
Athena Pagkatapos ng pananghalian biglang nagkayayaan na uminom ng beer.Binulungan ako ni nanay na tumulong sa pag serve ng drinks sa kanila.Siyempre niyaya nila ako. Pero tumanggi ako.Pansamantala kasi akong nalipat sa grave yard shift ngayong bwan.Mabilis akong inalok ni Nicho na ilipat sa morning shift dahil sila naman ng pamilya niya ang nag mamay-ari ng hospital na pinapasukan ko at siya ang kasalukuyang CEO ng hospital.Pero mabilis ko yung tinanggihan.Ayaw ko namang samantalahin ang pagiging malapit nilang magkakapatid sa akin.Gusto kong gampanan ng maayos ang trabaho ko ng walang halong pang aabuso sa kanila.Higit sa lahat, ayaw ko rin namang isipin ng ibang tao na ginagamit ko sila para sa pansarili kong interes. Napuno ng kwentuhan at halakhakan ang inuman nila.Hindi man ako umiinom ng beer, pero busog naman ang tiyan ko sa inabot ni Axel na pineapple juice.Sari sari ang naging kwentuhan.Nariyan yung tungkol sa mga ex's ni Red at nicho, may pagkakataon ring nababalikan ang mga nangyari noong nag aaral pa lang kami.Ang kanya kanyang kalokohan namin na ngayon ay hindi namin mapaniwalaang minsan naming ginawa.Those memories are indeed treasure.Our paths may change as life goes along but the bond between friends remains ever strong.Except for one person.Ewan ko ba.Hindi ko malaman kung tinuring man lang ba ako ni Red na kaibigan despite ng pangungulit ko sa kanya noon.Ah basta ang alam ko lang, noon man at hanggang ngayon, di pa rin nag babago ang nararamdaman ko para sa kanya.I hope he can now see as woman.After all, i'm not a seventeen year old girl anymore.I'm already twenty two.Hindi na ako iyakin.At hindi na rin ako yung teen ager na laging may bitbit na milk tea.I'm a grown up woman now.Marami ng nag bago.Liban na lang sa isang bagay.Iyon ang habulin pa rin siya ng pajulit julit.Hihihi. Hindi ko namalayang napapangiti na pala ako habang pinagmamasdan siya.Abala silang lahat sa pagkukuwentuhan.Maliban lang sa akin na busyng lumilipad ang isip.Nalusaw ang mga ngiti sa aking labi nang sa ikalawang pagkakataon ay nahuli niya ako ulit na nakatitig sa kanya.Nakagat ko ang ibabang labi ko sa sobrang kahihiyan.As usual, seryoso ang mukha niya.Nakatitig sa akin pero iiwas lang din agad ng tingin.Yung tipong di sinasadyang tingin.Ganun.Pero grabe, kung makikita niya lang ang mga senaryo sa isipan ko kung paano ko siya papakin ng halik sa imagination ko baka mapasign of the cross siya ng wala sa oras. Tila naiinip nitong tinitigan ang oras sa kanyang kaliwang kamay.Maya maya pa'y tumayo na ito at nag paalam kay nanay at tatay.Hindi pa siya tuluyang nakakalabas ng pinto nang sumunod akong tumayo at harangin siya. “Red wait.” Bitbit ang kanyang coat ay saglit itong huminto. “What?” He lazily asked. “Ahm, saan ang punta mo?” Nakangiti kong tanong.Nag salubong ang dalawang kilay niya. “Home” Nakagat ko ang ibabang labi.Kinikilig ako dahil sumasagot siya sa mga tanong ko.Pag angat ko ng mga mata ay sumalubong sa akin ang seryoso niyang mukha at titig na titig sa mga labi ko na para bang nawiwirduhan ito sa ginagawa ko. “What do you want?” “ You?..” Naloko na.Bahagyang tumaas ang isang kilay nito. “ah i..i mean pwede bang sumabay sayo papuntang hospital? dadaanan mo din naman yun diba? may pasok kasi ako eh.Alam mo na.As a responsible worker.Hindi talaga dapat ako nale-late...” “Didn't you say you were in graveyard shift ? usually nurses starts their shift at 11 pm to 7 am. Isn't it too early for you to go to the hospital?” “Ah oo nga, pero alam mo nakalimutan ko nga pala may kailangan talaga kong puntahan d'yan sa labas.Pwede ba akong... Hindi ko pa natatapos ang sasabihin nang hawakan ni nanay ang likod ng kwelyo ko. “Pasensya ka na ijo. Hindi naman to lasing si Athena namin. Pero kasi alam mo puyat to eh.Oo, medyo kulang to siya sa tulog.” Nakangiting sabi ni nanay.Tumango na lamang si Red dito at nag paalam na.Bagsak ang mga balikat kong pinagmasdan ang kotse ni Red na papaalis.Sayang di man lang ako nakasakay.Edi sana nasolo ko pa siya.Muli kong narinig ang tawanan ni Nicholas at Axel.Maging si kuya ay natatawa din.Nagawi naman ang tingin ko kay Rafa na ngayon ay may kakaibang ngiti habang tumutungga ng beer.Napanguso ako.Padabog akong umupo sa tabi nito at niyakap siya sa beywang. “Hay, dalaga ka na talaga tinang.” “Of course, she's twenty-two so what would you expect?” Sabad ni Axel. “Tsk, pero ang cold pa din niya.” Malungkot kong tugon.Ngunit mabilis akong tumuwid ng upo mula sa pagkakasandal sa kanya. “Beshy, kumusta na nga pala sila nung magandang babae?” “Huh? sino?” “Si Celine.Sila pa ba?” Biglang lumungkot ang tono ng boses ko.Bigla naman naging seryoso ang mukha ni Rafa. “Beshy....Matagal ng single si Red.” Halos mag diwang ang puso ko ng nakangiti iyong sabihin ni Rafa.Para bang nag uunahan ang mga paru-paro sa tiyan ko sa labis na kasiyahan.Nang may biglang umakbay sa akin.Tulad ng ginawa ni Axel ay pasakal din akong inakbayan ni kuya. “Ano ba kuya wag ka nga magulo.” Sigaw ko. “Patay na patay ka don kay pareng Red eh no? may nalalaman ka pang “bilang responsableng worker” style mo bulok ha!” “Aray ko ano bang pake mo? humanap ka din ng love life mo.” Inis na sabi ko. “Hay dyos kong mga bata kayo.Tigilan n'yo nga iyan.Para wala bisita sa harapan n'yong dalawa.Hayaan mo na ang kapatid mong mag pantasya.Libre lang naman ang mangarap.” Saad ni nanay na lalo pang ikinatawa ng magkakapatid. “Wow ha nay? salamat ha? napaka supportive n'yo.” Mag aalas kwatro na ng hapon nang mag paalam sina Rafa para umuwi.May isang araw na lang kasi siyang natitira para makapag pahinga at babyahe na siya ulit papunta naman sa bicol.Hindi naman dati mahilig ang bestfriend ko sa mga bata.Pero siguro kasi, doon niya rin itinuon ang atensyon niya para makalimot sa nangyari sa kanila ni Asher.Bago ako pumasok ng hospital ay nakatanggap pa ako ng text mula kay Rafa.Nag papasalamat ito sa masarap na lunch at sa naging bonding na rin namin ng mga kapatid niya.Gulat na gulat nga kami ni nanay nang abutan siya ni Rafa ng cheque.Noong una ay naging mariin talaga ang pag tanggi namin na tanggapin ito.Dahil talaga namang nakakalula ang numerong nakalagay roon.Pero wala na kaming nagawa pa.Dahil hindi man tinanggap ni Nanay ang cheque, kusa naman iyong idiniposit ni Rafa sa account ni nanay thru online bank. Hay, minsan kung sino pa yung ubod ng bait siya pa yung nagiging miserable.I really admire their kindness.Yung tipong walang pinipili.Mahirap ka man o mayaman.Pantay pantay lahat para sa kanila.Pero sabi nga nila, walang perpektong buhay.Mayaman ka man o mahirap, hindi ka ligtas sa mga problema.My heart literally broke for her.Minsan napapaisip ako kung bakit niya nararanasan ang lahat ng sakit na 'to.She doesn't deserve this kind of pain.Tao lang naman siya na tanging nais lang ay mahalin siya ng buo.Pero patuloy yun ipinagkakait sa kanya ng mundo.I really hope na sana.Pumanig na sa kanya ang mundo.Na sana, makita ko ulit ang magaganda niyang ngiti na walang katulad. Maayos at smooth ang naging trabaho ko sa unang gabi ko sa graveyard shift.Tulad ng dati, kung hindi duguang pasyente ang dumarating sa emergency room ay mga namimilipit naman sa sakit na pasyente ang sumasalubong sa amin.Noong una kong tungtong sa isang ospital ay may mga pagkakataong nagugulat ako sa mga iba't ibang kaso ng pasyente.Yung iba darating bali ang buto, ang iba ay tadtad ng saksak at pinakamalala kapag disgrasya.Naaalala ko pa kung paano ko isuka lahat ng kinain ko after eight hours na pananatili ko sa e.r. Pero kalaunan naman ay unti unti na rin akong nasanay.Dahil ito ang propesyon na pinili ko.Kung magiging mahina ako paano ko pag sisilbihan ang mga may sakit? Sa awa ng diyos ay naging malakas din ang loob ko.Mas napangungunahan na ako ngayon ng kagustuhan kong makatulong sa may mga sakit.Kung minsan nga ay pinalalakas ko pa loob nila. Mataas na ang araw.Medyo tinatablahan na rin ako ng antok after eight hours of duty.Medyo nakakatamad na rin pa lang mag paganda kapag galing ka sa graveyard shift.Kaya di na ako nag abala pang mag lagay ng make up pagkatapos mag hilamos.Inilugay ko na lang ang wavy kong buhok at nag palit ng damit.Paglabas ko sa locker room ay nakasalubong ko pa si nurse josh na duduty pa lang. “Grabe, yung ibang nurse after graveyard shift halos di mo na makilala dahil sa pagod.But look at you.You look even more beautiful.Ni wala ka man lang eyebags.Grabe tao ka ba talaga o diyosa?” “Asus, sabihin mo talagang bolero ka.” Sumeryoso ang mukha nito. “ You know that i wasn't joking Athena.Eh halos ikaw nga ang pantasya ng mga doctors sa neuro sergeon.At alam mo yan.” Hay, kapag naaalala ko kung paano ako pinagtulungang ikulong sa cubicle ni tracy at ng mga alagad niya kumukulo ang dugo ko.Kasalanan ko bang titigan ako ng boyfriend niyang doctor. “Alam mo ayaw ko ng pag usapan yan.Isa siguro sa advantage nang malipat ako sa graveyard shift iyong nakapag pahinga yung mata kong makita ang busangot ng pag mumukha ni tracy.” Napahalakhak si nurse Josh. “Oh siya.Here.Accept this.” Hinila nito ang kamay ko at saka ibinigay ang kape. “One hot cappucino for a beautiful lady like you.” Saad niya habang nakapatong pa rin ang kamay niya sa kamay ko.Medyo nakaramdam ako nag pagkailang kung kaya't mabilis ko binawi ang aking kamay. “Ahm.. sige josh.Di ko na tatanggihan to ah.Medyo tinatamaan na ako ng antok eh.Sige mauna na ako ha.” Wika ko at mabilis na pumihit paalis. “Wait.” Dinig kong pahabol nito ngunit hindi ko na nagawa pa itong balikan ng tingin nang matigilan ako sa lalaking nakapamulsa di kalayuan mula sa aking pwesto.He's wearing a white long sleeve polo.Nakatupi iyon hanggang ilalim ng kanyang siko.Nakatitig ito sa aking pwesto pero hindi sa akin mismo ang titig niya kundi sa lalaking nasa likuran ko.As usual, seryoso pa rin ang mukha nito.Nang lapitan ko ito ay tila saka lamang niya ako napansin.Nginitian ko ito ng matamis at binati. “Hi Red.” Ngumingising sabi ko.Pero malamig lang ako nitong tinitigan at nag iwas ng tingin.Bagsak ang mga braso kong tinalikuran ito at akma ng aalis. “I'll take you home.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD