Chapter5

1756 Words
Tahimik namin nilakad ang daan kung saan nakaparada ang kotse nya.Hanggang ngayon ay parang sinisilaban ang mukha ko sa sobrang kilig.Iba rin kung mag topak itong si Red.Most of the time parang yelo.Yung tipong walang pakealam sayo.Pero magugulat ka na lang.. May care naman pala.Huuuy! kilig yan siya. Agad ako nitong pinagbuksan ng pintuan.Medyo nalungkot lang ako.Gusto ko kasi talaga dun sa tabi niya.Pero dito niya ako pinaupo sa back seat.Napalabi ako sa labis na panghihinayang.Mag uumpisa pa lang sana akong kulitin ito nang tumunog ang kanyang phone.Mabilis yun nag konekta sa speaker ng sasakyan niya kung kaya dinig kong importante ang kanilang pinag-uusapan.And i think, it has something to do with their business transactions.Kaya naman nilibang ko na lang ang sarili ko sa mga sasakyan na nadadaanan.Sa mga establisyimentong nilalagpasan.May mga pagkakataong nag sasalubong ang mga mata namin sa front rear view mirror na para bang pinagmamasdan niya ako mula doon. Hala, assuming yan siya? I don't know.I'm not sure though.Support ko lang ang umaasang heart. Nang mag mulat ako ng mga mata ay bumungad sa akin si Red.Hindi ko alam kung anong nangyayari pero titig na titig ito sa akin. “Red? b-bakit?” Nauutal na tanong ko.Sa itsura kasi nito ay parang tense na tense.Yung tipong may gustong sabihin pero di niya masabi sabi.Bahagya na ring nakabukas ang butones ng polo nito.Napatakip ako ng bibig nang masilayan ko ang malapad nitong dibdib.May iilang butil din ng pawis akong nakita roon.Nahigit ko ang aking hininga nang hawakan nito ang aking braso at hinila ako palapit sa kanya.Nanglaki ang mga mata ko nang madako ang paningin ko sa matitigas nitong dibdib.Sobrang bango niya.Sobrang manly ng amoy niya.Yung tipong amoy pa lang ulam na.Unti unti akong nag angat ng tingin habang nakasandal sa kanyang dibdib.Nag salubong ang mga namin. “Athena...” Sambit nito at unti unting nag lapat ang aming mga labi. “Maria Athena...” “Red...” Tawag ko rin sa kanyang pangalan.But his soft voice turn into... “Maria Athena Cho wake up...” Agad akong napadilat ng mata at bumungad ang gwapo ngunit nakasimangot na mukha ni Red. He was still sitting in the driver's seat so yes. I just had another wild dream about him. Hinilot ko ang sintido na para bang maiibsan nun ang nakaiiskandalong panaginip ko. “Are you okay? you're sweating.Here” Seryosong tanong niya at mabilis na inabot ang bote ng tubig na mukhang ngayon pa lang nabuksan.Kung alam mo lang kung anong nasa panaginip ko.Jusme! “it seems like you woke up from a nightmare Athena.” “Ah, eh ano.. oo eh.” Naauutal kong sagot.Pakiramdam ko ang hirap lunukin ng tubig na ito dahil sa pares ng mga matang nakatitig sa akin. “So tell me, what did you dream about that you had to call for my name while dreaming?..” Bigla akong nasamid ng tubig.Nataranta ito at agad na may inabot sa aking panyo na agad ko rin namang kinuha. “Are you okay?” Tanong niyang muli.Pero pag tango na lang ang naitugon ko sa kanya.Sa sobrang wild ng dream ko kahit malakas ang aircon ng sasakyan niya talagang namawis ako.Jusko kailangan ko atang i-suggest sa kanya na ipablessing tong sasakyan niya sa isang priest. Pati ba naman ito ay nadamay pa sa kahalayan ko. “Ahm, yu-yung dream ko kasi.. ano..inuutusan mo raw akong kainin yung alaga mo.” Umawang ang labi nito na tila nagulat. “I- i mean, inutusan mo ko na pakainin yung malaki mong alagang aso.Tapos ayun ang ending kinagat daw ako.Kaya siguro yung pangalan mo ang natawag ko.He he..” Kanina ay nakataas ang isang kilay niya. Pero nang marinig ang paliwanag ko napaawang na lang ang labi niya at saka tumango tango. “But that's weird.Wala naman akong aso.At hindi rin ako mahilig sa aso.” Tugon nito. “Ahm, maraming salamat sa paghatid Red.Mauna na ako.” Paalam ko nang may pagmamadaling lumabas mula sa kanyang sasakyan.Nag tatakbo akong sapo sapo ang aking ulo.Na kulang na lamang ay sabunutan ko ang sarili ko sa sobrang inis. One week na ang nakalipas simula nung ihatid ako ni Red pauwi at..Hay, di ko na gusto pang maalala ang ginawa kong kapalpakan.Kapag naalala ko yun feeling ko gusto ko na lang mag pakain sa lupa.Nakakahiya. Kasalukuyan akong narito sa office ni Nicho.Kakatapos ko lang ng duty ko ngayon umaga.Imbis na umuwi ay dito ako dumiretso.Kinukulit ko si Axel na isama niya ko sa kumpanya nila sa makati.Naroon kasi si Red.Balita ko may launch sila ng bagong tayo nilang high end condominium. At si Red ang nag mamanage nun.Nag papasama kasi ako kay axel dahil sa hindi naman ako basta basta makakapasok dun.Pero kung isasama ako ni Axel wala akong magiging problema at malaya ako dun makakapasok. “Sige na kasi Axel.Minsan lang naman humingi sayo ng pabor yung tao eh.” “Tsk, pupunta ka lang dun para lang manghingi kamo ng brochure ng ilo-launch na high end condo unit? ako na lang mag bibigay sayo.Don't make it hard for yourself Athena.” “Wait, saan ka pupunta? sandali lang kasi.Isama mo na ko please? malay mo naman diba? maraming mga doctors ang gustong bumili ng condo ninyo. Iaalok ko sa kanila.” Napangiwi ito.Para talagang nawawalan na ko ng pag asang isasama ako nitong tukmol na to sa opisina ni Red. “You don't have to do that Athena.Marami kaming mga tao, websites, na maaaring makatulong at mag promote para sa amin. And besides, hindi kami ang lumalapit sa mga kliyente.Sila mismo ang lumalapit.So ang gawin mo umuwi ka na or if you wan't.. pwede kitang ihatid.” “Wait lang.” Tila pagod akong binalingan ng tingin ni Axel. “Oh eh malay mo naman kada taong maeengganyo kong bumili ng condo units meron akong matanggap na percentage?” Nakangiti kong sambit na nag paawang sa kanyang labi. “Look, if your problem is money...” “Hep, hep, hep.Alam mong tatanggihan ko yan Axel.You know me naman.Kaya sige na please, sama mo na ko dun.Pleaaseeeeeee! ganito na lang, after mo ko isama sa office ni Red, pumili ka ng s kahit anong store.Ililibre kita.” Tila nag liwanag ang mukha nito. “Is that a deal?” “Syempre deal.Basta wag mahal ah.Yung murabels lang. Taraaaaaa!” Kinikilig kong sabi sabay hila sa braso nito.Agad kami nag paalam kay nicho na busy sa kanyang working table.Naiiling na lang at nakangiti kaming pinagmasdan nito. Habang busy si Axel sa pagmamaneho ay kinuha ko na yung pagkakataon upang makapag ayos.Hindi naman ako nag lalagay ng kung ano anong makakapal na bb cream sa mukha dahil mas prefer ng skin ko ang face powder lang.Ang nag iisang night routine ko lang naman ay ang mag lagay ng mask bago matulog sa gabi which is very effective sa skin ko.Nag lagay lang ako ng konting lipstick at inayos ang buhok and there! “okay na to sabi” sabi ng nanay ng isang sikat na artista. Hindi na ako naka uniform.Bago ako pumunta dito at kinulit si Axel ay nakapagpalit na ako ng damit.Im wearing light blue denim wide pants. Hindi naman ganun ka luwag tulad ng sa iba.Sakto lang ang akin.At hindi rin aabot sa paa.Nag suot lang ako ng white rounded neck shirt na mas lalong nag emphasize sa shape ng bewang ko nang ituck in ko ito sa pantalon.White rubber shoes naman ang pinartner ko.Habang ang buhok ko ay bahagya ko lamang itinali at nag lagay ng white bow hair clip sa likuran.Ngiting ngiti ako ng pumasok kami sa loob ng building.Ipinahatid ako ni axel sa sekretarya niya dahil may biglaan itong meeting.Pagkarating namin sa tapat ng office ni Red ay sandali muna akong pinaupo ng sekretarya ni Axel.Kumatok ito sa loob at may kinausap roon.Maya maya pa'y bumalik ito sa akin ng nakangiti at sinabing maari na akong makapasok.Pagkapasok ko sa office niya ay bumungad sa akin ang mabangong paligid.Sobrang fresh ng amoy parang tulad ng sa hotel.So clean..so fresh..sogo? joke lang virgin here. Matamis ko itong nginitian.Tila nagulat pa ito nang makita ako.Tinanguan nito ang babae at saka lumabas. “Ahm, he- hello?” “What are you doing here?” Seryosong tanong niya. “Ah..ano kase nag pasama talaga ako dito kay Axel.” Nanaas ang isang kilay nito. “You're with Axel?” “Hmm, pinahatid niya lang ako sa. sekretarya niya.May biglaan kasi siyang meeting eh.” “So? anong kailangan mo?” This time nakasimangot na siya.Grabe naman.Isang linggo kaya kami hindi nag kita. “Ah.. kasi balita ko may bago kayong ilalaunch na high end condo units.Marami kasing mga doctors ang nag hahanap ng mabibili na high end condo katulad ng ilalaunch ninyo.Kaya sabi ko kay Axel sasama ako para makakuha ng brochure para maibigay ko sa kanila.” Seryoso ako nitong tinitigan.Mula sa ulo hanggang sa paa.Sabay nag buntong hininga at sumandal sa swivel chair. “Look, sayo na ng galing na high end condo ito.Hindi mo ito kailangan ialok sa mga doctors namin sa hospital dahil hindi naman 'to for bargain.Mga business man and high profiles ang mga clients namin na kusa mismong lumapit sa amin para bumili.In short, this company doesn't need your help Athena.” Humigpit ang hawak ko sa aking bag.Why do i feel that he's mocking me? Nakatitig pa din ito sa akin na tila hinihintay ang magiging reaksyon ko.Ano ba sa akala niya? ako pa rin yung Athena na pinaiyak iyak niya four years ago? Napamewang ako.Huminga saglit at binalingan ito ng tingin. “Fine, im here to see you.” Mariin kong sambit. “Why?” Seryoso niyang tanong “Why? because i miss you Red Francisco.” It really felt so good that i just had released the emotions that i've been keeping in my heart. “Marami pa akong kailangan gawin Athena.I will call my driver ipapahatid kita sa inyo.” Saad nito.Mapait na lang akong napangiti.Pinindot niya ang intercom at inutusan ang kung sino doon na sunduin ako sa lobby.Nang matapos siya doon ay tumayo ito mula sa pagkakaupo at nakapamulsang nilapitan ako. “Go home.” Utos nito habang nakatitig lamang sa akin.But i was mad.Bago ako umalis sa harap nito ay mabilis akong tumingkayad.I encircled my arms around his nape and kissed him.Matagal ngunit dampi lang.Natulala ito.Pakiramdam niya siguro naisahan ko siya.Well totoo naman. “That's what for you for always ignoring me.I told you.I like you and i won't give up on you Red Francisco!” Tinalikuran ko ito at iniwang nakatameme.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD