Chapter 6

3747 Words
Athena It's been a week since nangyari ang kapusukan ko.Kung anong tapang ang pinakita ko sa kanya nung mga oras na iyon ay siya ring lambot ng tuhod ko pagkalabas ko ng office niya. Medyo gulat pa nga yung sekretarya niya nang makita ako.Pero napalitan din iyon ng ngiti.I actually didn't know what to feel first.Mahihiya ba muna ako sa pinag gagawa ko o kikiligin ako? basta ang alam ko lang ng mga oras na yon ay parang lalagnatin ako. The fact that i finally kissed Red Fransico.The man who stole my heart.Naks! Hindi rin ako basta nakatulog nung gabing iyon.Paikot ikot ako sa higaan at paulit ulit na inaalala kung gaano kalambot ang mga labi niya.Sinubukan ko rin mag D.M sa kanya at sinabing bibisita ulit ako sa office niya pag maluwag na ang schedule ko.As usual, hindi siya nag reply.Pero di tulad noon na ni pag seen ay di niya ginagawa.Ngayon kasi siniseen niya na mga message ko kahit mostly ng mga messages na pinapadala ko ay pawang pangungulit at pag papapansin lang. eleven pm pa ang duty ko pero mag aalas diyes pa lang ay umalis na ko ng bahay. Nakatanggap kasi ako ng personal na tawag mula sa anak na lalaki ni ma'am mary.Hinahanap daw kasi ako ng mommy niya.At kahit ilang beses na nila sinubukang painumin ito ng oral meds niya ay nauuwi lang daw sa pagwawala.Mary Leticia Sacramento is an alzheimer patient.She was admitted in TMDH for almost two weeks due to her fluctuating high blood pressure.She's still under monitoring pero ang problema, gustong gusto na niyang umuwi.Madalas niyang awayin ang mga anak niya. dahil lagi niyang sinasabi na hindi niya kilala ang mga ito.Isa sa pangunahing sintomas ng sakit na alzheimer ay ang pagiging makakalimutin.Minsan naalala niya ang mga anak niya.Madalas naman ay hindi.Mary is currently in the moderate stage of Alzheimer's disease.Kaya naman nang tumawag si Mr.Robert at humingi ng pabor na bisitahin ko ito, hindi na ako nag dalawang isip pa na puntahan ito.Bago bumyahe papuntang hospital ay dumaan muna ako dito sa Michael & Scrap store.I super loved buying different kinds of stuffs here.Kung marami nga lang akong oras ay baka araw arawin ko ng bumili dito para sa mga scrap books ko.Ang kaso nga lang, sa dami ng trabaho ko ay di ko na magawa pa yun.Nililibot ng mga mata ko ang bawat stante na nadadaanan ko.Balak ko kasing bigyan ng panibagong mapaglilibangan si ma'am mary.Nang hindi ko makita ang hinahanap ko ay umikot ulit ako sa kabilang estante.Sakto naman nang makasalubong ko ang babaeng nakasuot ng uniform na dilaw at may tatak ng pangalan ng store. “Hi miss, saan po ba dito yung crochet materials?medyo nag mamadali kasi ako eh.” “Ah doon po banda sa area number 8.” “Okay salamat miss.” Nginitian ko ito at nag pasalamat.Tinanaw ko ang karatola at doon ko nakita ang section 8.Medyo nasa bandang dulo.Agad kong nilakad ang papuntang section 8 area pero saglit akong natigilan nang makasalubong ko ang isang matangkad na lalaki na nakasuot ng face mask at sombrero.He's wearing a black jacket na may hood.Weird.Pero pakiramdam ko kasi ay pinagmamasdan niya ako.Halata pa nga sa itsura nito na nagulat siya nang makita ko siya dahil ang bilis niyang mag iwas ng tingin. Nag tuloy ako sa paglalakad para marating ang pinaka dulo.Pero pakiramdam ko talaga ay may nagmamasid sa akin kung kaya binilisan ko ang pag lalakad.Agad nahagip ng mga mata ko ang hinahanap kong crochet materials kaya mabilis ko yung kinuha.Pagkarating sa counter ay palinga linga ako sa paligid.Nang di ko na makita yung lalaki ay nakahinga ako ng maluwag.Grabe baka may bibilihin lang din yun pero heto ako masyadong praning. Pagkalabas ko ng store ay diretso na akong nag lakad papunta sa sakayan.Two blocks away ang layo ng sakayan mula rito kaya kailangan pang lakarin palabas.Medyo madilim at tahimik na dito sa labas.Pero may mga street lights naman.May mangilan ngilan din akong taong nakakasalubong na naglalakad kaya kampante naman ako.Di ko maiwasang mapangiti habang sinusulyapan ang paper bag na naglalaman ng crochet materials na ibibigay ko para kay ma'am marry.Sigurado kasi akong magugustuhan niya ito.At makakatulong din ito sa pag boost ng kanyang memory.Crochet can provide a sense of control and purpose.Which can be particularly important for individuals facing the challenges of having alzheimer's disease.Isang kanto na lang ang kailangan kong lakarin at malapit na ako sa sakayan.I was halted when i heard a loud noise coming from the corner behind me.I was so curious so i stared at it for a while.Until i realised that this is just consuming more of my time kaya binalewala ko na lang at naglakad na paalis. It's passed 6 a.m when i finally had my breakfast.Kasama ko sina nurse Jackie nurse Cara at ang iba pa.Sabay sabay na kami kumain dito sa canteen ng hospital.Mabuti na lang din at nagustuhan ni ma'am mary ang regalo ko.Actually kalmadong kalmado siya kagabi at nakangiti pang nag pasalamat sa akin nang tinanggap niya iyon.Nakainom na rin siya ng mga gamot niya and based on her record normal na ang blood pressure niya.We were also informed by her GP na kung walang naging pagbabago sa kanyang blood pressure at nanatili na itong normal sa loob ng dalawang araw ay maari na siyang idischarge. “Girl, minsan naman mag bar tayo.Sayang naman ang beauty natin kung puro lang tayo lulong sa trabaho.Diba girls?” Masayang sabi ni Jackie. “Ay gusto ko yan.G ako!” Sabad ni Rain.Ang isa sa kasamahan namin.Napangiti na lang ako habang sumisimsim ng kape. “Oy Athena girl.Wag mo kaming daanin sa pangiti ngiti mo.Sumama ka rin sa gimik namin.” “Wag niyo siyang idamay sa ganyan.Good girl yang si miss Cho.Wag nyong dinadamay sa mga kalokohan ninyo.Mga B.I. kayo.” Biglang sabad ni nurse Josh.Hindi ko namalayan ang pagdating nito.Inalok niya ako ng dala niyang kape na may tatak pa ng isang kilalang coffee shop pero nang itaas ko ang tasa at ituro ito ay napakamot na lang siya sa kanyang ulo. “Karma is real. Bad influence my foot.” Pang aasar ni Kara.Malakas na nag tawanan ang mga kasamahan namin.Mabuti na lang at maaga pa at kami pa lang ang tao dito. “Pre, mukhang palpak diskarte natin ah.Akin na lang tong kape ha?” Mabilis kinuha ni nurse brix ang kape na dala ni josh.Wala na siyang nagawa pa kundi ang matawa na lang. “Is that your breakfast? a piece of bread and coffee?” Pabulong na tanong nito habang ang iba naming kasama ay maingay pa ring nag kukwentuhan. “Oo.Busog pa naman ako Josh.” “Wait for me here.” Sabi niya at saglit na pumunta ng counter.Muli ako sumimsim ng kape.Ito kasi ang panglaban ko sa antok.I still have few more hours left to finish my duty today. Kaya kailangan gising ako.Tahimik akong nakaupo at sumisimsim ng kape habang pinagmamasdan ang mga kasamahan kong maiingay na nagkukwentuhan.Makikitawa sa tuwing puro kalokohan ang maririnig sa kanila,at iiling kapag nag babardagulan sila. Habang nag papalipas ng oras ay dumating ang isang taong di ko inaasahan.Nanglaki ang mga mata ko pagkakita sa kanya. Ano bang ginagawa niya dito ng ganito kaaga? may mga kasama siya.Nasa apat silang pumasok dito sa canteen.Lumapit ang isa sa mga staff at dinig kong umorder lang sila ng kape. “Girl, diba kapatid yan ng may ari ng Hospital?Eh diba matalik mong kaibigan ang pamilya nila?” Pabulong na tanong ni nurse jacky.Sinulyapan ko ito.Tingin ko ay di pa niya napapansin dito. “Hmm oo.Pero when it comes to work kasi i act professionally.Iba naman yung closeness namin pagdating sa labas.” Nakangiting sagot ko. “Ang swerte mo naman girl. Hindi ka ba na iinlove sa kagwapuhan niyan? triplets sila at nag uumapaw sa kagwapuhan ang tatlong magkakapatid na yan. Ang swerte mo naman at naging malapit ka sa kanila. Saad ni Jackie. “Athena girl, Kung ako may ganyan kagwapong mga kaibigan baka isa sa kanila matagal ko ng ginayuma.” “Sshhhh! wag nga kayo maingay.Baka marinig kayo.” Suway ko sa mga ito. Pasimple kong sinulyapan si Red na ngayon ay seryosong nakikipag usap sa mga taong kasama niya.Agad kong kinuha ang cellphone ko at nag type ng text. Ako: hey red i'm here Dali kong tinitigan ito.Napatigil siya sa pakikipag usap sa lalaki sa harapan niya at kinapa ang cellphone sa bulsa.Nang titigan niya ang cellphone ay napakunot ang kanyang mga kilay.Dali ito nag angat ng tingin.At nang mag tama ang aming mga mata ay matamis ko itong nginitian.Yung puso ko parang nag wawild na naman. To be honest, nag aasume ako na babalikan ako nito ngiti o rereplyan man lang.But to my dismay, he didn't smile back at me.Nilapag niya lang yung cellphone sa table tapos saka ulit nag patuloy sa pakikipag usap sa mga. kameeting niya. As usual, wala pa ring pake. Nawala ang inis ko nang makita kong may bitbit si Josh na tray at naglalaman iyon ng soup and at cupcakes.Nakangiti niya iyong inabot sa akin na siya namang tinanggap ko rin.Umugong ang hiyawan ng mga siraulo naming mga kasamahan na tila ginagawa kaming tampulan ng tukso. “Sshh wag nga kayong ganyan ano ba?” Suway ko sa kanila. “Wag mo na silang intindihin.Here.” Wika nito at kinuha ang mangko ng soup at inilagay iyon sa harapan ko. “Thank you ha.Nakakahiya naman.Alam mo kanina, parang busog ako.Pero ngayon bigla akong ginutom.” “That's good.Here.” Abot nito sa cupcake na punong puno ng cream sa ibabaw.Dahan dahan ko iyong kinagat.Kapag talaga nakakain ako ng ganito nawawala ang inis ko.Nagpatuloy ako sa pagkain.Paminsan minsan ay sinusulyapan ko siya sa kabilang table kahit na dedmatology lang siya sa presence ko.Pero nagulat ako dahil may kamay na humawi sa mukha ko.Pag lingon ko ay halos maestatwa ako nang pahiran ni Josh ang gilid ng labi ko gamit ang kanyang tumb. “Ang kalat mo pa ring kumain hanggang ngayon.” Nakangiting sambit niya.Muling nag hiyawan ang mga kasamahan namin habang ito ay nananatili pa ring nakatitig sa akin. “Ang haba ng hair mo te.Sana all.” Sigaw ni Kara habang ang isa naman ay pinagilid pa ang staff na dadaan sana sa tabi ko at sinabihang wag na doon dumaan at baka maapakan pa ang buhok ko. “Huy ano ba mag tigil nga kayo.Nakakahiya.” Saad ko.Pero patuloy pa rin sila sa pang aasar.Nang sulyapan ko si Red kabilang table ay tahimik na ito at hindi na nakikipag usap sa mga kasama niya sa table.He seems not in a good mood.Mukhang hindi ata maganda ang takbo ng meeting nila.Nakakatakot ang itsura niya and his jaw is clenching.Pasimple kong kinuha ang cellphone ko at muling nag tipa ng mensahe Ako: Pasensya na kung maingay kami.Nakakaistorbo ba kami sayo? I waited for a minute kung magrereply ba siya.Pero busy na ulit siya sa pakikipag usap.So i pressume dedmabels ulit ang beauty ko.Ngunit mga ilang segundo lamang ang lumipas ay biglang nag vibrate ang cellphone kaya binuksan ko iyon. Fyuch: a bit. Short but worthy.A very worthy to wait.Ito ang unang beses na nireplyan niya ako.Parang sasabog ang puso ko sa saya.Siguro ipapaprint ko 'to mamaya tapos ididikit ko sa scrapbook ko.Kasi pag nakita to ng mga magiging anak namin sa future sigurado kikiligin sila.Makikita nila kung paano nag umpisa ang love story namin.Unang caption sa first page ng scrap book ko ay “Where it all started” Ako: ah sige pasensya na wag ka mag alala sasabihan ko sila. Muli akong naghintay sa reply niya pero busy na siya ulit sa pakikipag usap.Muli akong kumagat ng cupcake.Maya maya pa'y nag vibrate muli ang cellphone ko. fyuch: Don't eat too much sweets.You'll possibly increased risk of chronic diseases like heart disease and type2 diabetes. Napangiti ako pagkabasa.Dahan dahan kong inusog ang platito sa tabi ni brix at inalok itong sa kanya na lang.Agad naman niya iyong tinanggap.Nang sulyapan ko si Red ay nakatayo na ito na tila nag papaalam na sa mga kasamahan niya.Tapos na ata ang meeting nila.Ni hindi man lang ako nilingon bago lumabas ng pinto.Napanguso ako.Bumuntong hininga at saglit na tinitigan ang cellphone.Nang walang natanggap na mensahe ay tumayo na ako mula sa upuan.Pero biglang umilaw ang phone ko. Fyuch: Good. Muling sumilay ang matamis na ngiti sa aking mga labi. Nang matapos ang duty, agad na akong dumiretso sa recieving area.Naroon kasi ang mga kasamahan ko.Medyo nagulat pa nga ako nang makita ko si Doc carla doon.Nang lingunin niya ako ay maamong mukha nito ang sumalubong sa akin.Agad niya ako kinamusta at yung patient na si Mrs. Sacramento.Sinabi ko na kasalukuyan ng bumubuti ang lagay nito na siyang ikinatuwa niya. “Doc medyo maaga po yata kayo ngayon ah?” “Ah oo eh.Galing pa kasi akong Bulacan.Eh medyo madalas akong matraffic.Ayaw ko namang malate ako kaya mas maaga na lang akong umaalis ng bahay.” Paliwanag nito na siya ikinatango ko. “Athena girl, diba close ka sa mga Lacsamana? diba may bago silang launched ng high end condo sa makati? baka pwede mong ilakad si Doc Carla.Malay mo bigyan pa siya ng malaking discount diba.” Nakaramdam ako ng tuwa.Nakikita ko kasi na pwede ko tong gamiting dahilan para makabalik papunta sa office ni Red. “Lacsamana? you mean yung may ari ng Hospital na 'to?” “Yes doc.Malakas yang si Athena girl sa pamilyang Lacsamana.Kaya sige na girl help mo na si Doctora Carla.” Napangiti ako. “Naku doc, walang problema.Gagawan ko yan ng paraan.Tatawagan kita once nakausap ko na yung kaibigan ko.Don't worry mag seset ako ng appointment para sa inyo para mabigyan niya kayo ng magandang deal.” “Ohh wow.Thank you so much Athena.” Sa makati na ako ni dumiretso.Sa kumpanya na pagmamay-ari ng mga Lacsamana kung saan si Red ang nag mamanage.Bago ako pumunta dito ay tinext ko muna si Red na pupunta ako.Hindi ako nakatanggap ng reply galing sa kanya.Pero nag decide pa din akong puntahan siya sa office.After all importante naman ang sadya ko.Hindi na ako hinanapan pa ng appointment nung gwardiya dahil noong nakaraan na pag punta namin ni Axel dito ay isa isa na niya akong ipinakilala sa mga securities dito.At sinabihan ang mga ito na in case pumunta ako para bumisita ay papasukin ako agad.Sabi ng secretary niya ay di pa raw ito dumadating.Pinaupo muna niya muna ako at sinabing tatawagan niya ang boss niya. Hindi ko naririnig ang pinaguusapan nila ng boss niya sa telepono pero panay ang tango ng secretary niya at nakangiti akong binalingan nito.Nag iwas ako ng tingin.Baka sabihin niya chismosa ako.Tinitigan ko na lang and dala kong pastry para sa kanya.Inabutan ko rin sila manong guard sa baba ng tig iisa at ganun din ang sekretarya niya.Mabuti na lang at naisip kong ipaseparate ng plastic ang bawat pastry na binili ko. “Ah ma'am, pasok na raw po kayo sa office ni sir.Dun na raw po kayo maghintay sa loob.Nasa parkingan na kasi siya at paakyat na din.” Nakangiting wika ng secretary niya.I smiled back at her at saka pumasok na sa loob ng office ni Red.Pinagbuksan niya pa ako ng pinto at sinigurong komportable ako sa kinauupuan ko bago siya lumabas ng office.Sobrang laki ng office niya.Parang mas malaki pa ata to sa sala namin.Meron pang room ng pantry sa kabilang side at tingin ko ang sumunod na pinto ay parang kwarto. I was busy scanning every part of his office when the the door suddenly opened.Para namang may multong humahabol sa kanya sa itsura niya. Nang makita ako ay parang bumalik sa normal ang itsura niya.Inayos ko ang upo ko at ang laylayan ng long skirt ko. Medyo lumitaw na kasi ang legs ko dahil long skirt ito na may slit sa gilid.Hindi naman ganun kahaba pero nadidisplay pa rin ang legs ko kapag nakaupo ako ng ganito.Napahinto ako sa pag ayos ng palda ko nang mapansin kong nakatayo na lang ito sa harapan ko at titig na titig sa ginagawa ko. Nauna na itong nag iwas ng tingin at pumunta sa table niya.Agad akong tumayo at nilipag sa table niya ang pasalubong kong pastry.Pakiramdam ko ay binabatayan niya ang bawat kilos ko. “Ahm, he he.Naistorbo na kita? sana hindi.” Nakangiting sabi ko. “No, i still have time.Maaga lang akong nag punta dahil may mga papeles akong kailangan pirmahan.So tell me, anong sadya mo?” Seryosong tanong nito. “Ahm ano kasi pwede mo bang tulungan yung friend kong doctor? naghahanap kasi siya ng mabibiling condo unit dito sa manila.Sa bulacan pa kasi siya nang gagaling.Medyo madalas siyang matraffic sa byahe bago makarating sa Hospital eh.Baka pwede mo siyang matulungan?” tinitigan ako nito.Seryosong titig.Napakagat ako sa labi ko nung maalala ko ang pagnanakaw ko ng halik sa kanya. Napaiwas ako ng tingin at napapikit.That was a desperate move Athena.Feeling ko inaapuyan ang pisngi ko pag ganito siya kalapit.Dinig ko ang malalim na buntong hininga nito at pag tayo mula sa swivel chair.Sinundan ko lang ito ng tingin na kumuha ng malamig na tubig mula sa refrigirator.Grabe pati likuran niya ang sexy sexy.Habang umiinom siya ng tubig ay nag feflex ang matitigas nyang braso na halatang halata alaga sa pag gygym.Tsk, how could this man be this handsome even without doing anything? “What's her name?” Medyo nagulat pa ako nang mag salita siya. “Carla Marie Hijara.” Sagot ko. “Tell her to meet me here in the office.” Bumalik ito sa kanyang table at naupo.Pinindot nito ang intercom at tinawag ang sekretarya.Maya maya pa ay dumating na din ito.Nakangiti ito sakin ng dumating. “Sir?” “Anong bakanteng oras ang meron ako bukas?” Tanong nito. “I'll check sir.” Dinukot niya ang cellphone at may tinignan doon. “Your vacant hour is 2:00 pm sir.” Sagot ng sekretarya niya. “Okay set me an appointment with Carla Marie Hijara.” “Noted sir.” Pagkaalis ng sekretarya niya ay binalingan agad ako ni Red ng tingin.Nginitian ko siya at inunahan mag salita. “Ahm, gusto mo ba isalin ko tong pastry sa platito para makain mo na?” Hindi pa man siya pumapayag ay kusa na akong tumayo para kumuha ng lalagyan pero agad niya kong pinigilan. “ You don't have to do that.I have a lot of things to do.Napagbigyan naman na kita sa pabor na hinihingi mo so i think you should go.” Natigilan ako.Nilingon ko siya at seryosong tinitigan. “Bakit ba ang sungit mo na naman? daig mo pa d'yan yung nirereglang babae.” Hindi ko na napigilan pa ang bibig ko.Pumasok ako ng pantry room at paglabas ko ay may bitbit na akong plato.I didn't bother to look at him.Basta sinalin ko na sa plato ang pastry mula sa lalagyanan. “Halika na.Umupo ka na.Kain ka na bilis.” Hinilot nito ang bridge ng ilong.Salubong ang makakapal na kilay na akala mo may namumuong sama ng panahon doon. “Uupo ka ba o hindi? hmmm teka, wag mong sabihin gusto mo na naman ng kiss?” Pabiro kong sabi na sa tingin ko ako rin ang tinamaan.Pinamulahan ako ng mabanggit ko yun.Ano ba naman katangahan 'to athena? Seryoso lang itong nakatitig at hindi gumagalaw sa harapan ko.Ni wala nga atang interes na tikman ang dala kong pasalubong. “Red, i don't understand why you are so distant and very cold to me.Gets pa kita nung seventeen years old ako coz i was too young for you that time.But now, i'm already twenty three..And you know na gusto kita--- “I'm not going to discuss these things with you again.Naibigay ko na ang pabor na gusto mo and your friend will meet me tomorrow for a meeting so i think you should go.” Padabog siyang bumalik at naupo sa swivel chair. “Pero bakit ayaw mong pag usapan? wala ka naman girlfriend.Matagal na kayong hiwalay ni Celine so-- “Leave me alone Athena.” Hindi ko na natapos pa ang sasabihin nang bigla niya akong pinagtaasan ng boses at malakas niyang hinampas ang table niya. I was so shocked.Nanubig bigla ang mga mata ko.I don't even know what to say.I bit my lip as if like it will prevent my tears from falling but it failed.Agad ko itong tinalikuran at kinuha ang aking bag.Tumunog ang kanyang cellphone at sinagot niya iyon. “What the f**k? what did you just say? when did that happened and where? and why didn't you call me earlier if this was happened lastnight?” Nilingon ko ito at natagpuan kong titig na titig sa akin. “What if something bad happened to her? binabayaran kita para bigyan ako ng update.At para protektahan siya and you failed to do that.” He was so furious. Sinong her yung tinutukoy niya? kaya ba atat na atat siyang umalis ako dahil may iba ng babae siyang pinagkakaabalahan? Another pang of pain strike in my chest. Hinila ko ang pinto at dinig kong gigil na gigil pa din ito sa kausap. “Listen, keep an eye on him.Don't let that man slip away.Babasagin ko ang bungo ng gago yan.” Nang maisarado ko na ang pintuan ay bumungad sa akin ang maamong mukha ng sekretarya niya.Nalusaw ang mga ngiti niya ng mag tagpo ang mga mata namin.Siguro namumugto ang mga mata ko.Binalikan ko ito ng ngiti at nag paalam sa kanya.Pinindot ko elevator nang biglang may humablot sa kamay ko. “Ano ba? anong problema mo Red?” “Ihahatid na kita sainyo.” “Wow, anyare? parang kanina lang nagmamakaawa kang umalis na ko sa harapan mo tapos ngayon ihahatid mo ko? ano dati ka bang siraulo? bitawan mo ko.Kaya kong umuwi mag isa.” Pabalang kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.Pero muli niyang inabot anv kamay ko. “Ano ba? kaya kong umuwi mag isa.May mga sarili akong paa kaya pwede ba? bitiwan mo ko.” Padabog kong binawi ulit ang kamay ko sa kanya.Parang balewala lang yung paninigaw niya sakin kanina.I was too emotional that i really want to push him away.Sakto.Bumukas na ang lift.Papasok na ako nang biglang umangat ang katawan ko.Nagsisigaw ako nang mapagtanto kong binuhat niya ako na parang isang sako ng bigas. “Ano ba Red? ibaba mo nga ako.Ano ba!!!! Hindi nakaligtas sa paningin ko ang mga empleyado na naki usyoso. “Ang tigas ng ulo mo.” Dinig kong bulong nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD