Athena
Buong byahe hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay ay di kami nag nag imikan.Ang kapal talaga ng poging mukha niya. Parang siya pa tong galit. Ako na nga itong nag magandang loob na bisitahin siya tapos ang ending sisigawan lang ako. Nung iniwan mo naman parang baliw na hahabol habol. Ilang beses din akong nagsisigaw na ibaba niya ako dahil my god! hilong hilo na ako na binitbit niya ako ng patiwarik hanggang parkingan.
Nang marating niya ang tapat ng aming bahay ay agad niyang pinatay ang makina.Bumaba ito at agad akong pinagbuksan ng pinto.Sa sobrang inis ko ay hindi ko na ito nakuha pang pasalamatan. Dirediretso na lang akong pumasok sa loob ng walang pasabi sabay padabog na lock ng gate. Ilang minuto rin akong nakasandal sa gate.Pinapakiramdaman ang yabag ng mga paa nito.Ang sumunod kong narinig ay ang pag sarado nito ng pinto at pag buhay niya ng makina ng sasakyan. Nang makaalis na si Red ay malalim na lang akong napabuntong hininga. Nakakapagod na masyado ang araw na 'to para sa akin.
KINABUKASAN, nakatanggap ako ng tawag mula kay doctora Carla. Sinabi nito na nasa office na siya ni Red. Medyo late na daw si Red sa pinag usapang oras kaya si Axel na daw ang lumapit sa kanya at kumausap.Pero di pa man daw nagsisimula ang discussion nila about sa unit na gustong kunin ni Doc Carla ay bigla daw dumating si Red at pinalipat siya sa office nito.Naging okay naman daw ang deal nila at nag pasalamat siya dahil sa malaking discount daw ang nakuha niya dahil sa akin. Hindi naka duty si Doc today dahil talagang naglaan ito ng oras para sa meeting nila ni Red. Mag aalas kwatro y media na ng hapon ng maputol ang pag uusap namin ni doc. Medyo kagigising ko lang din. As usual pagkauwi ko kaninang umaga galing sa night duty pagdating ng bahay halos buong araw akong tulog. Pagkabangon ko ay diretso na ako sa banyo at naligo. Di ko na nakuha pang tuyuin ang buhok ko. Saglit ko lang pinuluputan ng twalya para di ito tumulo. Kumuha lang ako ng white short at fitted gray t shirt na hindi ganoon kahaba.Medyo sumisilip ang baby belly ko pero sexy pa rin naman.Pinagmasdan ko ang mukha ko at mamula mula ang pisngi ko.Di na ako nag abalang mag lagay ng kahit anong kolorete dahil dito lang naman ako sa bahay at mamayang gabi dalwang oras bago ako umalis ay matutulog ulit ako.Oo beh tulog is life. Kinuha ko lang eye balm stick at pinahid ko sa ilalim ng mga mata ko. Iniiwasan ko kasing mangitim ang mga mata ko lalo na't isang bwan din ako mananatili sa night shift. Bago ako bumaba ay napasilip ako sa labas ng bintana.Napakakulimlim ng ulap.Mukang may paparating na malakas na ulan. Mabilis kong isinara ang bintana at hinawi ang kurtina.Pababa na ako ng hagdan nang mapansin kong walang katao tao sa sala.Medyo kumakalam na ang sikmura ko dahil kaninang umaga pag uwi ko ay di ako kumain. Ewan ko ba, may pagtatampo pa rin ako kay Red. At himala rin na natiis kong di siya kulitin sa text ng halos dalawang araw. Nag desisyon akong pumunta sa shop. Ilang hakbang ang layo sa bahay namin.Pero di ko pa nararating ang harap ng shop ay malakas ng dumagundong ang kidlat.Halos mapatakbo ako sa gulat.Dali akong pumasok sa shop ng takip takip ang tenga ko. Pero halos malaglag ang panga ko nang makita ko kung sino ang kasama ni nanay sa mesa.
“Red? anong ginagawa mo dito?”
Nakangiting tanong ko. Si kuya.Biglang sumabat habang naniningkit ang mga mata.
“Oh ikaw? asan ang isang tsinelas mo? siguro tumakbo ka nung kumidlat noh?”
Patuyang tanong niya.Pinamulahan ako nang makita kong iisa na nga lang ang suot kong tsinelas.Bata pa lang kasi ako takot na talaga ako s kulog at kidlat.
“Hay naku, oh siya halika na dito anak at sumabay ka na ditong kumain kay Red. Ikaw talagang bata ka. Siguro kaya ang aga mo nagising kasi kumakalam na sikmura mo.Aba'y mag gagabi na kakain ka pa lang para sa almusal at pananghalian mo.”
Sermon ni nanay habang hila hila ako sa braso.Pinapaupo ako nito malapit kay Red.Pero nanatili akong nakatayo lang.Napalabi ako.Totoo naman kasing nagising ako sa gutom.Kung di nga ako nanaginip ng nag mumukbang ng king crab di ako magigising.Hinainan kami ni nanay ng pagkain sa lamesa.May mangilan ngilan customer na lang ang narito dahil hapon na at mukhang uulan pa. When i tried turn my gaze at him my heart starts beating fast.As usual, ito na ito ang effect sa akin ni Red. He's seriously staring at me.Hanggang bumaba ang tingin nito sa ibabang bahagi ng tiyan ko. And now his perfect well shaped jaw is clenching. Nang sundan ko ang tinitignan nito ay doon ko napagtantong naka angat na pala ang kaliwang dulo ng hem shirt ko. Pasimple ko yung ibinaba at nag iwas sa kanya ng tingin.
“Ano pa bang ginagawa mo? halika na kumain ka na anak.”
Wala na akong nagawa pa nang pinilit akong umupo ni nanay sa katabing upuan ni Red. Sa itsura niya ay mukang galing pa siya office. Wala na ang coat niya.He's just wearing white polo habang ang sleeve ay nakatupi hanggang siko niya.
Gutom ako pero di umaktong patay gutom.Nag ala maria Clara ako sa harap niya.Yung pakonti konting subo eme.Tapos tatakpan kunwari ang bibig, pupunasan ganern. Pero nong nilingon ko si kuya Franz halos manglaki ang mga mata ko nang sumi segway ito kung paano daw ako totoong kumain sa hapag.Nilakihan ko siya ng mata at sumenyas na tumigil sabay signal ng hiwa sa leeg gamit ang index finger ko.
Sa wakas nakuha rin sa tingin.
I cleared my throat and started to ask him kung bakit siya narito at kung ano ang sadya niya. To be honest, inisip ko na baka ako ang sadya niya pero di pa man nakakasagot si Red ay pinatay na ni kuya franz ang pag asa ko dahil inunahan na niya si Red mag salita.
“Hindi ikaw ang sadya niya dito baby sister. Si nanay ang sadya niya. Wag ka na umasa kasi.”
Inisang tingin ko ulit si kuya at ngumiti lang ito sa akin sabay senyas ng pag zipper niya sa bibig.
“Si nanay ang sadya mo? p-pero bakit?”
“Napatigil ito sa pagsubo ng pagkain.Auntie teza is selling her property in tagaytay.”
Natigilan ako.Di naman lingid sa kaalaman ko na ibinibenenta na ang bahay namin sa tagaytay na minana pa ni mama sa lolo namin.Hindi rin naman talaga iyon gustong bitawan ni nanay pero anong magagawa ko? ayaw pumayag ng mga kapatid ni nanay na hnd sila makikinabang sa ari arian na iniwan ni lolo.Ayaw rin naman ni nanay na magkasira silang magkakapatid kaya kahit masakit sa akin na ibenta yun, wala na akong magagawa pa. Siguro inisip na lang ni nanay na kung sa pamilya lacsamana niya ibebenta ang rest house namin tiyak na maalagaan yun.After all, that house is a part of my childhood life.Doon ako lumaki.Doon ako nag aral.Napilitan lang kami lumawas ng manila dahil sa napagkasunduan ng mga kapatid ni nanay na ibenta na lang ang bahay at kung ano man ang halaga at pantay pantay nila iyong hahatiin.Mapait ako napalunok.Pakiramdam ko ano mang oras babagsak ang luha ko.
“Excuse me.”
Dali akong lumabas ng shop.Pinunas ang nag landas ng mga luha at malalim na humugot ng hangin.
“Are you okay?”
Agad akong napalingon sa boses sa aking likuran.
“Yeah, don't worry about me.I'm okay.”
Tila hindi ito kumbinsido.Tinagilid niya pa ang ulo at pinagmasdan ako.Maya maya pa'y bumuntong hininga ito.
“You know, if you don't want me to..”
Agad kong pinutol ang sasabihin nito.
“ No, no, it's not what you think okay? Actually masaya ako na kayo ng pamilya mo ang bibili ng bahay namin sa tagaytay.Kasi sure ako na maayos at matitinong tao ang mag mamay-ari sa lupa't bahay na kinagisnan ko.Nalulungkot lang ako kasi there's a part of me na may panghihinayang. Because that house is my home.Doon ako lumaki.Naroon ang memories nina lola at lolo ko.
Muli kong pinahid ang luha na umalpas mula sa aking mga mata at ngumiti. Pero alam ko naman na kailangan namin gawin 'to. Ayaw rin naman ng pamilya kong maging selfish sa mga kapatid niya. Siguro ganun talaga. The world is revolving and so are we.Para sa kanila di na uso yung ganung bahay.Makaluma na ganito ganyan.Pero alam mo? kung ako lang ang papipiliin, di ko ipagpapalit yun sa bahay dito sa manila.Kahit pa sabihin nilang inaanay na yun.Hindi lang memories ko meron ang bahay na yun. Pati memories nila lolo't lola naroon din.”
Napangiti ako habang tinatanaw ang makulimlim na kalangitan.I actually felt peace in my heart while telling all these things to him.Yung bigat ng loob ko bigla nawala.Napalitan yun ng gaan.I found him staring at me intently.Yung tipong may nakita siyang bagay na hindi niya nakita noon.His eyes were full of something.
“Kaya Red ha? please, alam kong araw araw kitang kinukulit.Pero itong pabor ko sana mapagbigyan mo. Alagaan mo yung bahay na yun para sa akin.Because it's my treasure.”
Seryoso pa rin itong nakatitig sa akin.We stared at each other for about a minute.Ako na ang kusang umiwas dahil parang napapaso ako sa mga titig niya.
“Tara na pasok na tayo uulan na.”
Nauna akong nag lakad pero natigilan ako ng hawakan niya ang kamay ko.Nagtatanong ang mga mata kong tinitigan ang gwapong mukha nito.My heart is pounding freaking fast when i felt him holding my hand tightly.Maya maya pa bigla itong nag yukod. Tinanggal nito ang nag iisang tsinelas na suot ko.
“Upo ka.”
Sumignal ito sa bandang likuran niya.
“Huh? eh o-o sige.”
Parang may mga paru paro sa loob ng tiyan ko.Sobrang kinilig ako.Kaya dali akong umupo sa kaliwang balikat niya habang nakayuko siya at hawak hawak ang pares ng tsinelas.
“What the f**k athena?”
“Ano? sabi mo upo ako.Bilisan mo na nakakahiya Red baka mamaya makita tayo ni nanay.”
Nakaupo ako sa kanyang balikat at pinagmamasdan siyang hinihilot ang bridge ng ilong.
“I said umupo ka sa upuan diyan sa likod ko.Hindi upuan mo ang likod ko.”
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig ng makita ko ang sementong upuan sa tapat ng saradong tindahan.Dali akong napatayo at napahawak sa aking mga mata.Nang alisin ko ang mga kamay sa aking mata ay nakatalikod na ito at tila hindi na mapakali.Nakapameywang na ito na tila habol ang hininga.
“Shit.”
Dinig kong bulong niya.
“Red ano, s-sorry di ko kasi naintindihan agad.Galit ka ba?”
Dali itong humarap.The emotionless face of Red francisco is back.Inabot nito ang tsinelas at saka tumalikod.
“Red, wait lang..”
“I have to go Athena.Tell Aunt teza that i will fix it as soon as possible.”
Saad niya at mabilis na pinaandar ang kotse.