Chapter18

2423 Words
Athena's pov I stared into the darkness.The warm glow from the lampshade casting faint shadows on the wall.I imagine this day to be happy, at least.But it turned into a nightmarish silence.I heard my mother talking to him.Dumating siya.Pero wala na akong interes pa. “Iho, anak.Wag mo sanang mamasamain ang itatanong ko sayo.Nag away ba kayo ng anak ko?” Dinig kong tanong ni mama. “Ah, wala naman po kaming pinag awayan ng asawa ko mama.Ayos naman po kami.” Sagot nito. “Kung ganun, wala pala kayong pinag awayan ng anak ko.Pero bakit hindi mo siya nagawang siputin sa mismong araw ng birthday niya?” Mahabang katahimikan ang bumalot sa buong bahay.Hindi na ito nakasagot sa tanong ni nanay.Alam kong nabigla din siya.Kung sa bagay, paano niya nga naman malalaman ang birthday ko eh wala naman siyang pakialam.Dinig ko ang yabag ng mga sapatos nito.I pretended to be asleep.How long will he stay here? dinig na dinig ko ang malalim na pag hinga nito na tila ba pinagmamasdan niya ako mula sa pinto.Sisisihin niya ba ako dahil napahiya siya kay mama? ano man ang nasa isip niya problema niya na yun. Nagising akong halos pasado alas otso na.Nakahain na rin ang almusal sa mesa nang bumaba ako mula sa aking kwarto.Kumain lang ako saglit at saka nag paalam na kina mama at papa na uuwi na ng bahay sa Makati.Ang sabi ni papa ay naisakay na raw ang mga gamit ko sasakyan kaya dumiretso na lang ako sa labas.Gulat na gulat ako nang hindi si Mang Ben ang lumabas mula sa kotse.Kundi si Red. “Anong ginagawa mo dito?” Agad akong nag iwas ng tingin. “Sinusundo kita.May pupuntahan tayo.” “Pero marami pa akong dapat tapusin.Kailangan kong pumasok sa trabaho.Wag ka mag alala mag aabang na lang ako ng taxi.” Dali kong inilabas ang cellphone ko at binuksan ang ride taxi app.Pero natigilan ako nang hawakan nito ang kamay ko at mabilis na binuksan ang pinto ng sasakyan.Mabilis ko rin namang binawi ang kamay ko na tila ikinagulat nito. “Kaya ko na thanks.” Mula sa aking likuran ay dinig ko ang malalim na buga nito ng hangin.Siguro gusto niyang bumawi para ipakita sa mga magulang na ayos kami.Na walang problema ang pagsasama namin.Ang galing,napakagaling niya talagang mag panggap. Buong byahe ay hindi ako nag tangkang magsalita o gumawa man lang ng ingay.Ni ang pag hikab nga ay pinigilan ko pa.Ayoko ng gumawa pa ng dahilan para may mapagusapan lang kami.Alam ko kung ano ginagawa niya. Napansin ko ang paulit ulit na pagsilip nito sa harapang salamin.I lean my back against the chair.Hindi ko napansing nakaidlip na pala ako.Tumigil ang sasakyan.Madali akong napapababa mula sa sasakyan nang mapagtanto kong nasa dating bahay namin kami sa tagaytay.Halos tumalon ang puso ko ng makita ang dating puno kung saan itinayo ni lolo ang munting upuan na nagsisilbing tambayan ko noon.Hindi na nabubulok ang kahoy.Bagkus, bagong bago na ito.Dali kong tinakbo ang papuntang bahay.Natigilan ako nang ang mga sirang hagdaan noon dala ng kalumaan ay bagong bago na ngayon.Ang bawat sulok ay nanatili sa kung ano ang orihinal na kinalalaagyan nito ngunit ang tanging kaibahan lamang ay mas matibay na ito ngayon.Higit sa lahat ay malinis at parang bagong bago.Napangiti ako.Nilibot ko ang buong sala at mga kwarto.Walang naiba dito maliban sa ginawang bago ang version ng buong bahay na ito.Umaapaw sa saya ang puso ko.Dahil dito ako lumaki.Naririto ang masayang alaala ng aking pagkabata at mga yumao kong lolo't lola. “Nagustuhan mo ba?” Unti unting naglaho ang ngiti sa aking mga labi nang harapin ko ito. “Ah, oo.Pinarenovate mo pala ang bahay na 'to.Salamat.” Saad ko ng nag iiwas ang tingin. “I know how important it is for you.Kaya kumausap ako ng tao para ayusin ang bahay na ito.Don't worry, pinanatili ko pa din ang originality ng bahay.” Paliwanag niya.I just nodded as a response. “Here.” Abot nito sa piraso ng papel. “A-ano to?” Dali kong binuksan ang nilalaman nito.Natigilan ako. “Happy birthday Athena.It's my gift for you.” Saad niya.Bumaba muli ang tingin ko sa papel.Hindi ako makapaniwala.Pangalan ko nga ang nababasa ko sa titulo na ito.I scanned the letter.I was halted when i saw the exact date ng pagtransfer niya ng titulo sa pangalan ko.I was right.Ginawa niyang pambawi ang bahay na ito sa kapalpakan na nangyari sa kanya kagabi.Hay, ang mga mayayaman talaga.Kahit anong oras gustuhin bilhin o ibigay ang isang bagay ay magagawa agad nila.At itong hawak kong titulo, alam niyang matutuwa ang mga magulang ko dito.Oo nga naman, maaaring luminis ulit ang image niya sa mga magulang ko matapos ang kapalpakan niya kahapon.Pero sisiguraduhin kong hindi ito dito nagtatapos.Peke akong ngumiti. Napatitig ito sa akin. “Maraming salamat dito.Naalala mo pala na importante sa akin 'to.Ituturing kong memorable ang araw ng birthday ko Red Francisco.” Madiin kong sabi sa bawat katagang binitawan ko na may pekeng ngiti.Hindi naalis ang mga titig nito sa akin. “Excuse me lang ha, cr lang ako.” Saad ko. **** Red's pov “Iho, wag mong mamasamain ang itatanong ko sayo ha.Nag away ba kayo ng anak ko?” Tanong ng biyenan ko na ikinatigil ko.It was 12 am already nang dumating ako sa bahay nila mama.Alam kong masyado ng gabi pero gusto kong masigurado kung ayos lang ba ang kalagayan ni Athena.Pero hindi ko inasahan ang tanong ni mama.Alam kong may selebrasyon na ginanap ngayon dahil nabanggit sa akin ni Athena na kailangan namin magpakita sa pamilya niya.Ngunit hindi ko inaasahan na may importanteng meeting kami nla Carla tungkol sa lead ng kaso na pinaiimbistigahan ko.Kaya hindi ko na nagawa pang makadalo. “Hindi naman po kami nag away mama.Ayos naman po kami.” “Kung ganoon, hindi pala kayo nag away pero bakit-- bakit hindi mo siya sinipot sa araw ng birthday niya?” Natigilan ako.Hindi ko mahanap ang salita na dapat lumabas sa aking bibig.It was my damn fault.Why didn't i remember that it's her birthday today?Damn it! Paulit ulit akong humingi ng pasensya kay mama ngunit pag tapik lamang sa aking likuran ang ginawa nito. “Iho, wag ka sa'kin humingi ng pasensya.Sa kanya ka dapat humingi ng pasensya.Siguradong nagtatampo na sayo ang asawa mo.” She sighed deeply. “Yung mga hinanda niyang pagkain para sa birthday niya-- Muli itong nag buntong hininga. “hindi yun yung mga karaniwang gusto niya at kinakain niya.Kundi yung mga paborito at gusto mo.Stake, crackeled pork--Sabi ko nga eh,para naman kakong asawa mo ang may birthday bakit mga paborito niya niluluto mo? pe-pero-- I clenched my fist while listening to her. “Yung-- yung paborito mong beef carpaccio.Sinabi ko naman na ako na lang ang gagawa at may allergy siya sa bulaklak.Pero hindi siya nag papigil ang sabi niya mag iingat siya pero nung natapos na yung niluluto niya puno na ng pantal ang kamay at braso niya.Mabuti na lang at kahit hindi na siya dito nakatira sa bahay ay lagi pa rin akong nag iimbak ng gamot niya.” My jaw clenched as i run to her room.Why did she do that? nasisiraan na ba siya? When i entered her room she was already asleep.I sigh deeply and walk away. Something's different with her.She's smiling but her eyes are-- Kinapa ko ang aking cellphone.It was the same number who called me last night.Bago ko iyon sagutin ay sinigurado kong wala si Athena sa paligid. “Ano't napatawag ka? may bangkay na ba?” Painsulto kong sambit.Natigilan ako.Dinig ko ang pag ngisi nito sa kabilang linya. “Tss, bakit mo tinatanong sa'kin kung may bangkay na ba? hindi ba't kasama mo ang asawa mo ngayon?” Saad ng taong kausap ko sa linya.Halos nanigas ako sa aking kinatatayuan. “A-anong ibig mong sabihin?” My jaw is clenching.Halos madurog ko ata ang kahoy na hinahawakan ko. “Bakit? nagulat ba kita? hahahha!” Malademonyong tawa nito na halos ikagigil ko sa galit. “Hindi mo ko maloloko.Tss, kagaya ng ginawa mo kagabi nanghuhula ka na naman.Alam mo man lang ba kung nasaan ako at sino ang kasama ko?” Tanong ko ng nakangisi.Pero tuluyang iyong naglaho. “ Mahogany Road jp Rizal street tagaytay.Kasama mo ang asawa mong si Maria Athena Cho.Gusto mo ba idescribe ko rin sayo kung anong address ng bahay mo at anong kulay ng gate ninyo?” Halos magkandarapa ako kakatakbo.Nilibot ko ang buong paligid.Halos mabaliw ako kakahanap sa aking asawa kung saan ito nag punta. “Nasaan kang hayop ka? don't you ever dare to touch my wife or i will kill you.” Muling humalakhak ang nasa kabilang linya.Hindi tumigil ang aking mga mata sa paghahanap kung saan naroon ang asawa ko.Halos libutin ko ang buong garden mahanap lamang ito. “Wag hahawakan ang asawa mo? hahaha! eh ikaw nga mismo nagsabing wala kang pakialam sa kanya. Ano ngayon tong inaarte mo d'yan? sabi mo tawagan kita pag may bangkay na eh kung sasabihin ko sayong may bangkay na anong gagawin mo? hahahhaha!” Tila tumigil ang mundo ko.Nanglambot ang mga tuhod ko.Nanginig ang mga kamay ko.Kulang na lamang ay madurog ang hawak kong cellphone sa higpit ng hawak ko. “Wag na wag mo siyang sasaktan.Ni hibla ng buhok niya ay wag mong hahawakan.Dahil wawasakin kita.At kahit saang impyerno ka pa nagtatago hahanapin at hahanapin kita!” Tanging tunog ng pagbaba ng telepono na lamang ang narinig ko.Halos mabaliw ako kakahanap kung nasaan si Athena.Ginalugad ko buong paligid ngunit wala ito doon.Nang pasukin ko ang attic room ay halos gusto kong magwala.Pinilit kong huminahon.Nakatitig lamang ito sa akin ng may matang tila nagtatanong.I secretly released all the frustration in just one breath.Pero parang nanghihina pa rin ang tuhod ko habang pinagmamasdan ang maamo nitong mukha.Dahan dahan ko itong nilapitan.Maging siya ay hindi alam ang gagawin kung kaya't unti unti itong umatras hanggang sa wala na itong mapuntahan kundi ang tanging kahoy na nagsisilbing dingding ng bahay na ito.Mataman na umihip ang preskong hangin mula sa bintana.Buong lakas loob kong hinawi ang buhok nito na tumatakip sa kanyang leeg at doon ko nakumpirma ang totoo.Halos gusto kong magwala nang makita ko ang hiwa sa leeg nito na may bahid pa ng dugo. “Putangina!” Halos hindi ko ito maharap.Napayuko na lamang ako sa harapan nito habang nakakulong pa rin ito sa pagitan ng mga braso ko.Ni hindi ito umimik. “Bakit hindi mo sa'kin sinabi?” tanong ko nang nakayuko.Ngunit nanglumo akong muli sa sinagot nito. “Ayokong madisappoint ka.Wala pa kasing bangkay.” Tulalang sabi nito. Hindi ko na nagawa pang mag maneho pa.Agad akong tumawag ng back up upang magmasid sa paligid at para mapanatili ang seguridad niya.Buong byahe pabalik ng manila ay hindi ito umiimik. “Yung mga narinig mo nung gabing yun--- Malamig akong tinapunan nito ng tingin. “Kalimutan mo na ang lahat ng yun.” Tanging sambit ko.Hindi ako nakarinig ng kahit ano mang salita, reklamo o panunumbat mula sa kanya.Ibinaling na lamang niya ang tingin sa bintana at hindi na ako nilingon pa. Malalim na lamang akong napabuga ng hangin. *** Third person point of view Nang makaalis ang lalaking nag tangkang pumatay sa kanya ay halos wala ng luha ang lumabas sa kanya.Tulala nitong nilinis ang buong sala.Maging ang mga librong nagkalat dulot ng panggugulo ng lalaki.Maging ang sofa bed na nasira sa mga bakas ng saksak ng kutsilyo ay tinakpan nito ng bagong cover.Natigilan si Athena nang makita ang labas ng opisina na hanggang ngayon ay may siwang pa din at hindi pa naisasara.Sa dalawang taon na mag asawa sila ni Red ay ni minsan hindi niya ito napasok dahil sa unang gabi pa lamang nila ay mahigpit na pinagbilinan ito ni Red na wag na wag papasukin ang kwartong iyon.Dahan dahan siyang tumayo at hinawakan ang seradura ng pinto.Ngunit hindi na ito nag interes pang pumasok at tuluyan na lamang itong isinara.Ngunit natigilan ito at natuon at tingin sa isang bagay na nasa sahig.Agad niyang dinampot iyon.Alam niyang sa unang beses niya pa lang itong titigan ay hindi ito isang ordinaryong cellphone lamang.Ito ay isang teleponong may pribado at high secured na data.Mayroon din itong voice modulator na kung saan inaalter nito ang pitch,timbre at boses ng gumagamit nito.Muling bumalik sa alala ni Athena ang mga sandali na nakipagbuno siya sa lalaki.Hindi siya maaaring magkamali.Ito ginamit ng lalaki noong gabi na tawagan nito si Red.Marahil dahil sa sakit na tinamo nito ng bayagan siya ni Athena ay hindi na nito napansin ang pagkakahulog ng kanyang telepono. *** Athena's pov Nag papatawa ba siya? kung maka banta kala mo naman totoong nag aalala siya.Tss, bwiset! nek nek mo! Mahinang bulong ko habang hawak at titig na titig sa teleponong nasa kamay ko.Agad ko namang ibinalik sa aking tenga ang telepono. “Wag hahawakan ang asawa mo? hahaha! eh ikaw nga mismo nagsabing wala kang pakialam.Ano ngayon tong inaarte mo d'yan? sabi mo tawagan kita pag may bangkay na eh kung sabihin ko sayong may bangkay na anong gagawin mo? hahahhaha!” Peke ang ginawa kong malakas na pagtawa.Pero habang ginagawa ko ito ay mukha akong tanga na kagat kagat ang kuko sa daliri.Kinakalkula ang bawat magiging reaksyon nito sabay mapapakamot sa ulo.Diyos ko ano ba 'tong pinasok ko? Halos makagat ko ang aking labi.Hindi na ito umiimik sa kabilang linya. “Hello, sumagot ka.Ano? hello?” Muli kong inilayo ang cellphone sa aking tenga. “Ano bang problema niya at di na sya sumagot?” Mahinang bulong ko habang palakad lakad sa loob ng attic room na ito.Namewang ako at nag buga ng hangin.Akmang magsasalita na ako ng sumagot ito. “Wag na wag mo siyang sasaktan.Ni hibla ng buhok niya ay wag mong hahawakan.Dahil wawasakin kita.At kahit saang impyerno ka pa nagtatago hahanapin at hahanapin kita!” Galit nitong sabi sa kabilang linya.Matinding kaba ang bumalot sa aking dibdib kaya mabilis kong ibanaba ang cellphone at itinago ito sa aking bag.Ngayon ko lang siya narinig na magalit ng ganon.Grabe parang parang demonyo.Pero bakit naman siya magagalit? nag aalala ba siya? Tanong ko sa aking sarili habang naniningkit ang mga mata. “Tama.Magagalit talaga yon.Dahil pag namatay ako.Lagot siya sa mga magulang ko.At higit sa lahat lagot siya kay Rafa.Hay Athena ano ba tong pinasok mo?” Nasa ganito akong sitwasyon nang biglang bumukas ang pinto.Tulala ko siyang pinagmasdan na tila habol ang hiningang pinagmamasdan ako.Nilukob ng kaba ang dibdib ko.Nag uumpisa pa lang ako buking na ba agad? Tanong ko sa aking isipan habang papalapit si Red.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD