Napapikit ako nang itaas nito ang kanyang mga kamay.I thought he would hurt me kasi nalaman niya na agad ang ginagawa ko Pero parang bumagal ang mundo ko nang mapagtanto kong ganito siya kalapit sa'kin.Kailan nga ba kami huling naging ganito kalapit sa isa't isa? tama it's been two years since that night.
Hinawi niya ang hibla ng mga buhok sa aking mukha at unti unting bumaba ang kanyang kamay sa aking leeg.Ano bang ginagawa niya? medyo naguluhan ako sa naging reaksyon nito.Nagsalubong ang mga kilay niya.At yung mga mata niya, parang may kung anong lungkot ang lumitaw don.Pansin ko rin ang paglitaw ng ugat nito sa kanyang sintido.At yung mga panga niya para bang may namumuong tensyon dun.
“Bakit hindi mo sa'kin sinabi?”
Tanong nito na bahagya ko pang ikinagulat.Heto na naman kasi ako.Ewan ko ba kung bakit sa tuwing lumalapit siya sa'kin nagugulat na lang ako na kusa ko nang inaaral bawat detalye sa kanya.Ang kilos niya, kung paano siya magsalita, at kung ano ano pa.Medyo naguluhan ako sa tanong niya.Hindi ko agad nakuha kung tungkol saan ang tinatanong niya.Kaya nang sundan ko ang mata niya kung saan ito nakatuon doon lang ako nahimasmasan, yung sugat ko sa leeg ang tinatanong niya.Ahh..okay.Ha? s**t! paano niya nalaman?
Sunod sunod na tanong ko sa aking sarili.Teka, ibig bang sabihin alam na niya ang nangyari sa'kin nung gabing yun? s**t!
Napamura ako sa aking isipan nang mapagtantong ako pala mismo ang dahilan kung bakit nalaman niya ang tungkol dito.Ang pagpapanggap ko bilang kidnapper ang nag bigay sa kanyan ng ideya sa kung ano ang totoong nangyari nung gabing yun.
“Ayokong madisappoint ka.Wala pa kasing bangkay.”
Ito ang mga salitang kusang lumabas sa aking bibig na siyang nagbalik sa aking alala noong gabing iyon.Napayuko ito.Disappointed ba siya o nahiya sa'kin dahil narinig ko ang mga sinabi niya nung gabing yun? nahiya ba siya dahil nalaman ko kung gaano siya kawalang pakialam mapahamak man ako o hindi sa kamay ng kidnapper na yon? hindi na siya nakaimik pa nung mga oras na yun.His face turned into coldness again.Tinawagan niya ang mga tao niya para sunduin kami.Buong byahe ay hindi ko ito inimik.Madalas kong marinig ang pagbuntong hininga nito.Isinandal ko ang aking ulo sa salamin ng pinto at itinuon ang tingin sa labas para sana iwasan siya pero--
“Yung mga narinig mo nung gabing yun---”
Tamad ko itong tinapunan ng tingin.
“Kalimutan mo na ang lahat ng yun.”
Saglit ko itong tinitigan.Parang hinihiwa ang puso ko sa mga sinabi nito.
Gusto mong kalimutan ko na lang ang lahat ng yun? hindi, mali yon! dahil kahit kailan-- hinding hindi ko makakalimutan na ang inakala kong huling mga sandali ng buhay ko naroon lang kayo sa kabilang banda.Nagsasaya habang magkasama.
Pinutol ko ang mga titig ko sa kanya bago ko pa tuluyang isatinig ang mga salitang tumatakbo sa aking isipan.
Nang makarating sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto. Ewan ko ba pero pakiramdam ko wala akong gana sa lahat.Gusto kong umiyak na lang dahil pakiramdam ko mag isa lang ako sa mundong ito. Pero kahit ang pag iyak ay ikinawalang gana ko na din.Pakiramdam ko kasi ubos na ubos na ako.Pakiramdam ko wala na akong lakas pa.Tulala kong pinagmasdan ang kalangitan mula sa salamin na bintana.Napangiti ako.
“Buti pa ang mga stars, kahit madilim nagniningning pa din sila.”
Natigilan ako nang mag ring ang aking cellphone ko.Agad kong sinagot iyon nang rumihistro ang pangalan ni mama.Sinabi ko agad sa kanya ang magandang balita at halos magtatalon ata ito sa kabilang linya.Kahit si papa ay abot abot ang pasasalamat.Nagbilin din ito na sabihin ko sa asawa kong mag punta kami doon sa bahay para maipaghanda siya nila papa ng mga pagkain bilang pasasalamat.
“Opo papa.Wag kayong mag alala.Sasabihan ko po ang asawa ko.”
Muling inagaw ni mama ang telepono.
“Anak nagpasalamat ka man lang ba sa kanya?”
Nakailang ulit na ata itong natanong ni mama sa labis na kasiyahan niya sa hatid kong magandang balita.
“Mama, siyempre naman po.Nagpasalamat ako.Hindi naman po basta basta yung ibinalik niya sa'tin.Lupa at bahay natin yun ma.”
“Naku nak, hindi yan ang tinutukoy ko.”
Wika ni mama na ikinatigil ko.
“Po?”
“Tsk, tinutukoy ko nak kung nagpasalamat ka ba sakanya doon sa almusal na kinain mo dito sa bahay kaninang umaga.Eh, sabi ko nga pwede namang kami na lang ng papa mo ang magluto ng almusal n'yo at maupo na lang siya.Eh kaso nak mapilit.Lahat ata ng paborito mo ay niluto niya.Pati pag palengke nga siya ang gumawa.Maaga nga siya nagpasama sa papa mo para mamili ng mga lulutuin.Pati ata isang bwan na stock namin ng pagkain dito sa bahay ay pinamili niya na.Wag mong kalimutan sabihin kay Red na salamat nak.Hay napakaswerte mo talaga d'yan sa asawa mo.Biruin mo hihihi.”
Nagulantang ako sa mga sinabi ni mama pero may iba sa higikgik ni niya.
“Ano ba yun ma?”
“Ah, basta nak.Wala lang yun.Sige na matulog ka na bye!”
“Hello ma?”
Napatitig ako sa aking cellphone.Tama ba ako ng dinig? siya talaga nagluto ng lahat ng yun?
***
Earlier
Nanay teza's pov
Balak ko sanang hatiran si Red ng kape sa itaas kaya agad kong pinagtimplahan ang batang yun ng mainit na kape.Pero nang naabutan ko itong nakaupo sa sulok at tahimik na pinagmamasdan ang asawa niya. Napangiti ako.Alam kong hindi kami nagkamali na ipinagkatiwala namin siya ng papa niya kay Red.Hindi man nito sabihin ay kitang kita sa mga mata niya na mahal na mahal niya ang asawa niya.Itatanggi niya pa ba eh halos buong magdamag niyang binabantayan ang asawa niya.Ultimo yung isang lamok na lumilipad hindi siya napakali at takot siyang dapuan ang anak ko.
“Mama kayo po pala.”
Nakangiti nitong bati.
“Anak magkape ka muna.”
“Salamat po.”
“Oh sige iho, bababa na ako.Sabihan mo lang ako kung may kailangan ka ha.”
Bilin ko.
“Ah, mama.”
Agad akong napalingon.
“Pwede ko po bang malaman kung ano yung mga paboritong kainin ng asawa ko? Gusto ko po siyang ipagluto.”
Saad nito na malawak kong ikinangiti.
***
Athena's pov
“Good morning ma'am ganda!”
“Good morning din po sa inyo manong.”
Bati ko kay manong guard.Dalawang taon na rin akong nagtatrabaho sa kumpanya ni Red.Eto si manong guard ay halos naging close ko na rin dahil napakabuti at galang niya sa'kin.Agad ko tinap ang company id ko para makapasok.Pagkalagpas ko ay may mga ilang empleyado ang bumati sa akin.Karamihan sa kanila yung mga madalas bumisita sa clinic kapag sinusumpong ng acidity dahil sa madalas na pagkakape.Well, hindi naman talaga maiiwasan yon.Ika nga ng mga empleyado dito Coffee is life.
Nang marating ang clinic ay agad kong inilapag ang aking bag.Hindi pa ako nakakaupo nang maingay na pumasok ang Head ng marketing department na si Ma'am jenna at ang mga kapwa nito empleyado.
“Te-teka anong meron? wag n'yong sabihin na masakit ang tiyan n'yong lahat?”
Napangiti si Ma'am jenna.
“Ano ka ba, siyempre hindi noh! narito kami kasi gusto ka naming yayain na sumama mamaya sa celebration.Yung proposal kasi ni Mr.Miller noong nakaraang bwan ay nag success.Halos eighty percent ang itinaas ng sales ng department store natin.Kung dati kasi mga guests lang ng hotel na to ang karaniwang namimili sa department store aba ngayon kahit hindi guests ng hotel dito na rin ngayon sa'tin nag shoshopping.
Masayang sabi ni Ma'am jenna.
“Naku, congrats sainyo.Pero siguro hindi na lang ako sasama eh kasi...celebration yun ng marketing department n'yo.Hindi naman ako parte ng team n'yo.Baka makagulo lang ako dun kaya wag na lang siguro.”
Pagtanggi ko.Natigilan ang mga ito.
“Ano ka ba Ms.Cho? anong hindi parte? ikaw ang sumasalba sa mga inaasido naming sikmura.Kaya pwede ba namang hindi ka parte?”
Nagtawanan ang mga ito.
“Hay kayo talaga.Sige na nga.”
“Wooohhhh!”
Tila maliliit na batang nag sigawan ang mga ito na ikinangiti ko.
“Hep hep! back to work!”
Saad ni Ma'am jenna na lalong nagpangiti sa'kin.
“Bye Ms.Cho mamaya ha! 6pm!”
“Pahabol ng mga 'to.”
Ang bilis ng oras.It's already 5:30 PM.Nakasalubong ko agad si Ma'am jenna pagkalabas ko ng elevator.
“Ms. Cho kitakits tayo dun ha? saktong sakto may manlilibre sa'tin ngayon.Lahat ng drinks at pagkain, libre na lahat ng yun.”
Napangiti ako.
“Talaga? sino ang manlilibre si Mr. Miller ba?”
“Ah hindi. Si Mr.Lacsamana.Eh habang nag uusap usap kasi kami nakasalubong namin siya pagkagaling namin sa clinic mo.Narinig niya ata yung pinaguusapan namin nag volunteer siyang sumama at manglibre.”
“Ha? sumama? kung ganun kasama siya?”
Tila nagtataka ang mga mata nito at tatlong ulit na mabilis tumango bilang tugon sa tanong.
“Ms. Cho bakit may problema ba?”
Napalingon ako at matamis na ngumiti.
“Ha? aaah..wala naman hehe.”
“Ah okay! sige mauna na kami.Sunod ka Ms.Cho ha.”
“Oo sige.”
Matamis akong ngumiti sa kanya at nag paalam.Pero napakagat ako sa aking labi.Parang di ata tama na sumama pa ako dun.Baka pagnakita niya ko dun sabihin niya ano naman ang ginagawa ng isang tulad ko dun eh nurse lang naman ako doon at hindi parte ng grupo.Tuluyan na akong naglakad palabas ng building.Balak ko lang sana magtaxi na lang pauwi tulad ng araw araw kong nakasanayan.Tapos magdadahilan na lang akong sumama ang pakiramdam kaya di na ko makakapunta.Tama! yun ang sasabihin ko
Dali kong kinuha ang cellphone ko.Balak ko sanang magtype ng message na ipapadala ko kay Ma'am Jenna pero biglang humila sa aking braso.
Halos masuntok ko ang dibdib nito sa kaba.
“Ano ka ba?”
“Ouch! ang bayolente mo talaga!”
Saad ni Mr. Miller.
“Pasensya ka na Reynald.Ikaw naman kasi eh.Akala ko yung masamang lalaki na naman.”
“What? did you say something?”
“Ah, wala! ang sabi ko ano bang ginagawa mo dito?”
“Hmmm, edi sinusundo po kita.”
“Ha? bakit mo naman ako sinusundo? saan ba tayo pupunta?”
“Sa celebration ng team marketing.Remember? that celebration is for me.”
Napangiti ako.
“Ah, oo nga! pero d'yan ka na! di kasi ako sasama bye!”
“Te-teka sandali!”
Natigilan ako.
“Minsan lang ako magcelebrate tapos ayaw mo pa sumama.Kaya ba ayaw mo sumama kasi ako yung magcecelebrate?”
Tila may himig ng pagtatampo ang kanyang mga sinabi.Napakagat labi na lamang ako.
“Ano kasi..--
“No buts.Let's go.”
Saad nito sabay hila sa aking kamay.Habang nasa byahe ay nakinig muna ako sa music.Hindi ko gusto ang musika na tumutugtog sa radyo ni Reynald kaya paulit ulit kong inilipat ito ng estasyon.Hanggang sa tumunog ang musika ni Britney spears.Natigilan ako.
If i could i would tell her not to be afraid the pain that she's feeling the sense of loneliness will fade so dry your tears and rest assured love will find you like before...
“Is that your favorite song? broken ka ba? tell me sino nagpaiyak sayo si Lacsamana ba babasagin ko mukha niyan.”
Natigilan ako.At dali kong inayos ang sarili.Natulala na naman ako kaya itong mokong na 'to napagtripan na naman ako.Mabilis kong inilipat ulit ng bagong estasyon ang radyo niya.
“A-ano hindi ah! pag nakikinig ng music na ganito broken agad?”
“Eh bakit ang lungkot lungkot mo? tapos tulala ka pa.”
“Alam mo ikaw magdrive ka na lang jan.Nakakainis ka.”
Humalakhak ito na tila nang aasar.Napailing na lang ako sa inis kung kaya itinuon ko na lang ang tingin ko sa labas.Sa Antipolo padis point ang tungo namin ngayon.Doon daw kami magkikita kita.Medyo pataas na ang daanan dito pero napakaganda ng tanawin lalo na sa gabi.Yung mga stars kitang kita dito.
“Oh my god!”
Halos napasigaw ako nang biglang mag preno si Reynald.
“Are okay.May masakit ba sayo?”
Tanong nito.Kumalabog ng husto ang puso ko sa kaba.
“Ayos lang ako Reynald.Teka bakit ka ba biglang nagpreno?”
Nagulantang ako nang marealize kong may itim na sasakyan ang nakahambalang sa aming harapan.
Nahigit ko ang aking hininga nang bumaba ang isang lalaki doon na may seryosong mukha.
“Ano ba sa tingin niya ang ginagawa n'ya?”
Lumakad ito patungo sa aking pwesto at binuksan ang pinto ng kotse.Dali nitong hinawakan ang aking kamay papalabas ng kotse.
“Te-teka sandali ano bang ginagawa mo Red?”
Pabulong kong tanong.
“Sa'kin ka sumabay.”
Hindi ko na nagawa pang mag tanong kung kaya't nag paubaya ako sa paghila niya pero--
“Red, masyado mo naman siyang ginulat.Pwede mo naman siyang tawagan na lang.Are you okay Athena?”
Tanong ni Doc Carla.Natigilan ako.I chuckled.Mapait akong napangisi.Seeing her sitting next to my husband makes me feel disappointed.
“Tanginang yan.”
Pabulong kong sabi sabay hawi ng aking buhok paitaas.
“What? wait- did you just swear at me?”
Gulat na tanong nito.Mabilis kong binawi ang aking kamay.
“Ano bang pake mo? in the first place bakit ba haharang harang yang sasakyan mo sa daanan namin? nag iisip ka ba?”
Namulsa ito.
“Wait are you upset? una sa lahat Maria Athena Cho Lacsamana, hindi ka dapat sumasama sa kahit sino sino lang.You know the danger we had just faced yesterday.Ipapaalala ko lang sayo just in case na nakalimutan mo.”
Napangisi ako.The audacity.
“Well i don't care! una sa lahat hindi kung sino sino lang si Reynald.Kaibigan ko siya.Kilala ko siya.At pwede ba? wag kang umastang asawa ko kung harap harapan ka lang naman ding nangangaliwa.”
“Wait? what?”
“You can deny it all you want Red.I don't f*****g care at all.Pero sana naman bigyan mo ng kahihiyan ang pagiging asawa ko sayo kahit sa papel man yan o hindi.Don't make me f*****g sit behind your mistress.”
Buong tapang kong sambit sa harapan nito.Alam kong hindi nila kami naririnig dahil malayo ang mga ito.Natigilan lamang ako nang makitang papalapit na si Reynald.
“What's wrong pare?”
“Ah, Reynald wala.Tara na?”
“You sure?”
I nodded as response.Mabilis ko itong tinalikuran.Napalingon ako nang ang suot na coat ni Reynald ay ipinatong nito sa aking balikat at inakbayan ako upang alalayan.Nag biglang bumulagta si Reynald sa harapan ko.Dinig ko din ang malakas na pagsigaw ni Carla na inaawat ito.Mabilis kong inabot si Reynald.
“Ano bang problema mo?”
Daling tumayo si Reynald at mabilis na inundayan ito ng suntok.Halos pumutok ang labi niya sa lakas ng pagkakasuntok.
“Tama na ano ba!!!!!”
Sigaw ko na ikinatigil nila.
“Ano bang problema mong gago ka?”
Tanong ni Reynald.
“Mas gago ka! sino ka para isakay sa kotse mo si Athena?”
Sigaw ni Red.
“Gago! eh ikaw sino ka para humarang sa daanan ko at sino ka para manduhan ako? girlfriend mo ba si Athena hindi naman pare diba? tell me sino ka ba?”
Mabilis akong lumapit kay Red at mahigpit na hinawakan ang braso nito.Laking gulat ko nang hilain ako nito at halos ikulong sa bisig niya.
“Don't go with him.”
He said with a furious eyes.
“Bakit mo ba 'ko pipigilan? hindi ba't sa mata ng lahat hindi mo naman ako asawa dahil yon ang gusto mo.Oh ngayon nagtataka na si Reynald at Carla.”
His jaw clenched.
Kaya mo bang aminin sa harap nila na ako ang asawa mo? handa ka ba na malaman nila na ang napangasawa mo ay isang pipitsuging tulad---
“She is my wife.Idiot!”
Madiin at may galit na pagkakasabi nito.Halos malaglag ang panga ko sa sinambit nito.