Chapter 3

3047 Words
Valessa Nerie's BEING STUCK IN a traffic in your sasakyan with a smelly driver at hampaslupang attendant ang pinaka-worst na ma-fe-feel ng sinumang magandang dilag like me. If it is not for the malaking pera na binigay ng Van's Toy Shop sa raid na ito, I definitely would not dare na bisitahin iyong toy shop na iyon, because in the first place wala akong interest sa toys. My gosh. Dagdag sa problem ko rin itong left eye ko na sumasakit na lamang nang biglaan, I really wanna go mad. Hindi nag-aabiso kung anong oras dadalaw. It's making me suffer nitong linggo talaga. Kahit na ngayong nasa kalagitnaan kami ng biyahe, nandidisturbo ang walang hiya. Pero I couldn't do anything about it at minsan napapasigaw nalang ako sa sobrang sakit. It's the displeasure for me. Sinubukan ko na itong ipatingin sa mga eye specialists and I even consulted a very well-known Ophthalmologist, pero iisa lang ang findings nila at according to them, normal lang naman ang lumalabas sa mga tests. Wala raw silang nakikitang diperensya sa findings nila at they concluded that baka cause lang daw ng stress itong nararamdaman ko. And I was literally like… anong normal? That's bullshit. At do I look like na stress ako? For real? Di nalang nila i-admit na incompetent talaga sila lalong-lalo na 'yong well-known Opthalmologist na 'yon. I was disappointed sa performance niya. In conclusion, napaka-unreliable talaga ng mga medical professionals dito sa Philippines. Don't they know na it's me, Valerie. Dapat ginagawa nila ang best at everything nila para ma-satisfy ang needs ko. Pagkatapos at pagkatapos talaga nitong raid ko today sa Van's Toy Shop, mag-pa-file ako ng sick leave sa management. In need kong ipatingin 'tong left eye ko as soon as possible sa credible people—specifically, professionals outside the country. Since ang mga so-called medical professionals ng Pilipinas ay failure lahat. "Water, bilis," I said in the demurest way possible ngunit puno nang awtoridad. I can literally feel my mata throbbing. After some time, agad naman akong inabutan ng aking attendant ng isang bote ng tubig. I need to hydrate myself muna. Baka mawala rin eventually 'tong pananakit ng mata ko, although deep inside alam kong this ache won't simply go away. I really don't know talaga with ano bang gagawin ko dito sa left eye na 'to. "Aahhhhh!" Hindi ko namalayang I unconsciously screeched. What is with this pain it's unbearable! Ang lala ng pagkirot niya parang pinupunit ang precious eye ko. What is happening with my left eye ba. Kakaiba 'ata 'tong mata ko today. Maliban sa nag-level up ang intensity ng sakit niya, parang there is something burning and tearing sa kaliwang mata ko. For the past days of experiencing sa sakit na ito, I could tell the difference. "Maam!" Bakas ang pagkataranta sa attendant ko at mabilis akong nilapitan at gusto akong hawakan, pero I ushered a sign before pa siya makalapit. She knows ano ang ibig sabihin ng gesture ng kamay na 'yon which is to stay the hell away from me. Dapat alam niya na no matter the situation is, as long as hindi ko naman ni-require ang paglapit ng attendant ko, they should not lagpas the line. Like, it is so unethical and and uncivilized na parang walang pinag-aralan. "Huwag mo nga akong lapitan if I dont tell you to do so. My gosh," bulyaw ko at matalim siyang tiningnan. Tangang hampaslupa. I really can't stand the fact na sinubukan niyang lumapit sa akin, plus she tried to even touch me. Sinong nagsabing gan'on ka-easy niya akong mahahawakan. Can she even afford me? Definitely a big no! I had instructed my management to not hire someone na fan ko. They might spend time na i-idolize ako instead giving me the service that I deserve. "Tch," I can't help nalang but sneer. Napawi na rin ang sakit sa mata ko. Moody talaga nitong sakit na 'to. May toyo ba 'to at appear-disappear ang bet niya? Parang this pain sa left eye ko is trying to compete with my toyo. Like, audacious talaga ang ache na ito. Pero anyway, thank God, nawala rin siya. Makakahinga na rin nang maluwag. I then averted my gaze at my attendant with my eyes na nagsasabing 'sabihin mo na ang dapat kong marinig'. Because actually, dapat ngayon humihingi na siya ng sorry, but sad to say wala akong narinig. Instead she just sat there sa front seat looking completely tanga at lutang. Nakatulala at gulat ang mababakas sa kanyang mukha habang nakatitig sa akin. This is so much sa pag-iidolo sa 'kin. "What? Will you beg for my forgiveness ba o hindi? Were you not oriented ba?" I mockingly said it straight to her face. My management always have this orientation to my attendants na I am always right—Valerie is never wrong. At kapag may ginawa silang ikaka-upset ko, they should say their apologies at makiusap sa akin na tanggapin ang paghingi ng tawad nila. But still, walang talab ang mga salita ko sa kanya, bagkos mas lalo lang nanlaki ang mga mata niya. Anyare sa isang 'to? Is she gonna admit sa mga kasalanan niya or mag-aaktong tanga na lang habang buhay. From the looks of it, nagpapakita ang face niya na mas malala ang pagka-shock niya ngayon kaysa sa earlier. This is beyond idolizing na talaga. Grabe naman ang degree of fangirling ng attendant na 'to sa akin, for her to be making a face like that. "Ahhhhh!" Bigla siyang sumigaw nang wala sa oras. The shout is so matinis at masakit sa tainga. My hands literally went directly sa aking ears. She is so f*****g loud! My eardrums are gonna be destroyed sa ginagawa ng tangang 'to. She is is shameless. What does this attendant think sa ginagawa niya? The management surely hire ng isang faulty na attendant. Oh my idiot! "Pak," the sound of pagdapo ng isang hand sa pinge ang bumasag sa nakakatanggal tainga na pagsigaw of my attendant. I didn't notice na it was my hand pala na nag-landing sa face niya. I immediately removed my hand naman at baka maakusahan pa tayo for mistreating her which is very untrue. She deserves din kaya ng sampal matapos ang nakakarinding scream na 'yon. Who in their right mind would do such thing ba? Bakas tuloy ang pamumula sa kanyang cheeks. Parang naka-blush on o nasobraan sa liptint. Deserved. "What the hell?! You're fired!" I said out loud. Hindi ko maexplain ang galit ngayon. It's more than galit na galit, pinakagalit na galit if that term exists talaga. This attendant is beyond my control. She needed to be replaced now na now rin. Gumagawa ng scene inside of my car? For real? Is this dukha out of her mind? Because that's how it looks to me. "Ma'am…" nagkanda-utal-utal pa siya sa pagbanggit sa pangalan ko. Nagawa na rin niya finally na magsalita. She has been staring at me with shock for more than how many minutes. Natauhan na ba ang hampaslupang ito at bumalik na sa sane mode niya? But then her expression of shock remains the same. I have enough of this person's presence already. I can't stand seeing her. "Get out of this car. Hindi ko gustong nakikita ang pagmumukha mo!" It was a scream filled of outrage. Pero hindi 'ata nakikinigang bobitang 'to. She literally remained na nakatitig sa akin at it creeps me out the most. 'Yong stare niya is filled balisa at natatakot accompanied with a wide open eyes. She's not just creepy but ugly as well! Bubuka ang bibig ngunit agad ding sinasara. "'Yung kaliwang mata niyo po umiilaw," bakas ang takot sa kanyang voice nang nagsalita siyang muli. Umiilaw ang eye ko? What? Sumilip ako sa rear mirror ng sasakyan. What I witness made me to be magulantang. I am taken aback. What the hell is this?! It is just kung ano ang sinabi ng attendant ko—my left eye is nagliliwanag! Mali ba ako ng na-wear na contact lens? No. No. No. That cannot be. The question is, may contact lens bang nag-go-glow? I wasn't able to stop sa aking sarili sa paghiyaw. Everyone in the car talaga ay napatili na rin. I can literally hear na nagsisigaw na rin ang driver namin. Screams filled the car. Pero mas malakas ang scream ko. This is so creepy. What is happening with my left eye! Sa gitna ng aking scream nagaganap, ay at the same time my mind is filled with series of mga larawang I don't understand. I can see a picture ng aming car na huminto sa gilid ng daan. There is also this picture of cops na pinababa ako and then lastly a cop is pointing its gun yo me! Parang sirang plaka ang mga images na ito and keep on nag-pe-play sa utak ko. Nang nawalan na ako ng boses para sumigaw, I convinced myself na mag-isip ng rational. Breathe in, breathe out. Inhale, exhale. After some time, I am slowly back at my self. I have my composure now. I then decided to bring myself para tumingin ulit sa mirror. I need to know if my left is still glowing. To my surprise, wala ng light sa left na mata ko. However, I feel like exhausted. "Ano bang nangyari? Oh my gosh!" I exclaimed. Ako ang unang naka-recover. 'Yung fired attendant ko, nasa bibig niya pa rin ang palad niya. Ang driver naman namin pasalit-salit na tumingin sa rear mirror at sa daan. They are also creeped sa nangyari sa mata ko. Who wouldn't ba? That was a strange sight! Ano 'yon? What was that? Error sa make-up? It was weird! Ba't naman iilaw nalang bigla ang mata ko? What the hell talaga. There was a dead air sa sasakyan. Lahat kami just stare each other doing nothing. After some time, my driver na ang unang nagsalita. "Ma'am maligno po ba kayo. 'Wag niyo po akong sasaktan, bata pa po anak ko. Maayos ko namang ginagawa ang trabaho ko," said my driver. From the rear mirror, kitang-kita ko ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata. "Oh my! How dare you? Sa ganda kong ito, have the audacity na tawagin akong maligno?! Everybody, shut up for a while!" I can't believe these people. How dare they accuse me as some sort of lamang lupa! Its me, Valerie. One of the human beauties of Philippines. Hindi ako lamang lupa! I have parents who are purely human. Oh my, gosh. Na-i-stress na nga ako sa left sa eye, dadagdag pa itong mga walang kuwentang alalay. Hinawakan ko ang baba ng aking brows at mata them I rolled my eyes patungong left para matanggal ang contact lens ko. I did the same sa left eye ko. There you have it, I have successfully removed both lenses. Ano na naman kaya ang pakulo ng isang 'to. Binili ko 'to from Shoppe. Is this faulty? Pero I've been using these sa mga streams ko. Ngayon pa 'to iilaw? Sa gitna ng aking pagmuni-muni, may kumalabit sa akin. "Ma'am, gray ba talaga ang kulay ng kaliwang mata niyo o may suot pa kayong isang contact lens," nahihiyang say ng aking attendant. What the? Did this lowlife just touch me? Kanina lang she actually attempted na hawakan ako, but now she actually did it. She did not attempt but boldly touched me! I wanna go like supersaiyan and punch her to make her fly away. At tsaka why naman na nandito pa rin ang isang 'to sa sasakyan ko? Did she forget na tinanggal ko na siya sa trabaho? She's fired already! Wrath is evident sa aking mata nang pinukulan ko siya titig. If she can't feel it, she must be more than a bobita! "Get out of the car, now!" Matapos ang buong poot na sigaw kong 'yon, tiningnan ko ang rear mirror. For the second time, the girl is true! Gray nga ang color ng kaliwang mata ko, samantalang brown ang kanan. And I am sure na hindi ito isang contact lens. Oh my gulay! So much weirdness for today, please God. I've had enough of this strangeness already. Anong nangyayari sa world?! "Maam, pinahinto po tayo sa checkpoint," my driver disrupted me from staring at the mirror. "—Alpha, Mike, Alpha. Confirmed. Gathering detected. Requesting back up!" 'yon 'yung boses na narinig ko as the window of that front seat opened. "Pullover po tayu, mga Maam at Sir," ani ng pulis at sumilip sa loob ng car while holding some device na umiilaw into faint red. Another disgusting creature. "Oh? Why is that naman?" I said in disbelief. May problema pa akong kinakaharap dito and this guy be like bigla nalang sumusulpot out of nowhere at dadagdag sa problems ko. Could this day get more problematic? What I made ay kumuha sa kanyang attention kaya dumapo ang eyes niya sa akin. When his gazes met mine ay nanlaki ang kanyang mga mata. From his facial reaction, you can tell na excited siya at happy. "Miss Valerie?!" gulat at galak ang mababakas sa kanyang voice. "Si Miss Valerie nga! Big fan niyo po ako." Contrary to kung ano ang nararamdaman niya now, I don't really feel a thing. I am already past the stage of my celebrity life na kung saan, I'm so excited to see my fans. I mean, everywhere I go naman I have so many fans talaga. That's why ang response ko nalang when meeting fans is 'okay'. Like, literally, having so much fans is natural for a beauty like me. Others are definitely wishing how to be like me, Valerie. "Oh, hi. Thank you po sa support," I responded with a sweet voice and gave out a smile. That was a quick na pagbabago ng tono. Of course ano. Ano na lang sasabihin ng mga fans ko 'pag na-fail ko ang expectations nila as someone who is demure. I need to keep things as it should be—na kung saan ang alam nila ay inosente, cute, at mabait ang personality ko which is true if you are worthy to see it. "May supporter badge rin ako, Miss Valerie. Ako 'yong Code Y na username. I hope you remember my nickname." Oh my, Cody Y is familiar. Wait, let me remember it… Code Y, Code Y, Code Y… Right, one of the top supporters ko. Ang laki magbigay nito ng stars. Pinaka-small amount na binigay niya is 200 stars. All this time, I am wondering talaga kung ano ang work ng mga supporters ko at ang laki ng bigayan ng stars, but it turns out bigatin sila. In fact, isang police ang isa sa mga fans ko! "Code Y, I remember you! Isa sa mga top star senders! Thank you really sa support at sa stars." "Woah! Salamat at naalala mo, Miss Valerie! Pupunta sana ako ng event mo ngayon kaso on duty! Hehe," he saluted. I also saluted back, although I am internally na nagsisigaw how bobo this person is. Because honestly hindi pa rin niya nasasagot ang tanong ko which is the reason why there is a need to pull-over. Can he get enough of the fan girling already? Siyempro, I still remained compuse at hindi pa rin binawi ang pakitang tao. I need to keep my impression kaya. "Bakit po us pinapa-pull over, Chief," I asked again because it looks like na nakalimutan na niya ang question ko. "May suspicious po sa sasakyan niyo, Miss Valerie. Wait niyo nalang po 'yong kasamahan ko." Hindi pa rin niya inaalis ang head niya inside the car. He continued staring at me na parang kinakabisado ang bawat detalye ng mukha ko. Ew. This is really disgusting. He is making uncomfortable. And what is this suspicious thing na sinasabi niya. Nothing is suspicious kaya sa sasakyan namin. The audacity of this man to accuse me. "What suspicious exacly po, Chief? Kasi we badly need na tumuloy sa biyahe namin para hindi ma-late sa event." "Chief, puwedeng na ba kaming tumuloy sa biyahe namin? You know naman 'di ba na event pa ako." Naglungkot-lungkutan kuno ako. Tamang pa-cute lang. I am trying to make him do, kung ano ang gusto ko. My fans will really do anything for me given the enough pa-cute. I don't have the time para sa pull-over na 'to. I have to get to the toy shop already and nang makapaghanda rin. My fans ay naghihintay na sa akin surely. Besides, wala naman kasing suspicious sa car ko. "Sorry, Miss. Orders lang. Hehe. Bagay sa inyo ang gray na contact lens. Bakit wala sa kanan?" Kapansin-pansin ang unti-unting pagkunot ng kanyang noo. He even noticed ang pagka-gray ng left eye ko. My problem sa left eye ko ay nag-sink in mula sa akin. "Im not finish sa make-up ko pa," pagdadahilan ko naman. "Ahhh. Okay po," kumbinsido niyang tugon. "Hintay lang po tayo, ah." Finally, nagsawa 'ata siya sa ganda ko at umalis na mula sa pagkakasalubsob ng face niya sa loob ng car ko. He then jogged papunta sa post ng checkpoint para daluhan ang kanyang kasamaha niyang police na kakalabas lang. Kalaunan, bumalik siya sa direksyon namin kasama na ang sundalo. "Pull-over at baba. Sumama kayo sa amin sa presinto," ani ng bagong sundalo at tinapik ang kotse namin. It took me a while para ma-realize ko ang sinabi niya. Ano raw? Pinapababa niya kami ng sasakyan at sasama sa presinto? Hello, it's me, Valerie. Do I look like someone na deserve mapunta sa presinto. I cannot believe na this day could be any worse. At malala pa he didn't even state the reason why dapat naming mapunta sa presinto. "Hello, Chief. Ano po 'yon?" I opened the car window sa back seat. Bahagya ko pang nilabas ang ulo at pa-cute na tiningnan ang bagong dating na police. But the moment na he looked at me, sa halip na mamangha sa beauty na nasa kanyang harapan, it was the opposite reaction na na-receive ko. His face looks shocked and fear is written all over his face. Before even I could realize it, 'di ko namalayang tinutukan na pala niya ako ng baril. "Kapag nakikita kong nag-ga-gathering ka, hindi ako magdadalawang isip iputok 'tong baril," matigas niyang pagbabanta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD