Valessa Nerie's
WHAT THE HELL is this naman! Oh my shookening, please. It is getting worse talaga in every minute that passes. First, the toyohin na ache of my eyes. Second, ang pag-glow nito. Third, ang pagbabago ng kulay ng aking left eye—from brown to gray. Fourth, the pull-over out of nowhere because sa suspicious na meron na car na 'di naman nila sinasabi. And then this, ang pagtutok ng baril ng police to me. Please make this stop already.
It wasn't from my akala na tutukan ako ng baril—naistatwa ako sa aking kinatatayuan sa sobrang gulat. I am sure na totoo talaga ang baril. No officer would magdadala ng toy gun din in his work. At judging from his facial expression, walang bahid ito ng pag-jo-joke at anytime he will definitely pull the trigger—it is a real deal and not just an empty threat.
This is also the very first time sa buhay ko na tinutukan ako ng baril. I don't know kung ano ang i-re-reak… I dont know what to do. Tiyak na butil-butil ng pawis ang namumuo sa forehead ko now. I am terrified. I am fearing for my life. I am scared. Ramdam ko ang panginginig ng hands ko at its finest. I also unconsciously raised my hands at mahinahon na bumaba ng sasakyan.
"Chief, what did I do wrong." 'Yon lang salitang nabitawan ko at utal-utal ko pa na naisambit.
I can see na number of cars are passing by sa harapan namin. The stares that they have for me—ramdam na ramdam ko to the bones. As if I am some sort of fugitive na may nagawang napakalaking krimen. What have I done para maranasan ang ganito—I am so maganda to deserve this. This is beyond nakakahiya. What if a fan will recognize me at i-post ito sa social media. Madudungisan ang aking name!
It feels like na ang sequence of the events ay familiar din sa akin. Para siyang deja vu kumbaga. It then occured to my mind what happened in the car earlier. When nag-light ang eyes ko kanina lang, after some time may mga images na nag-pop sa mind ko. Which is similar lang siya sa kung ano ang nangyayari. From the pull-over to the baril na nakatutok sa akin, it's a deja vu talaga. Pure coincidence lang ba or it is telling me something else?
"Tahimik, Matia! Dapat ngayon din!" sigaw ng pulis.
A whip-like snap sound ay siyang naglagay ng puwersa sa aking tenga. It was loud enough para mabingi ang aking pandinig. Nagpaputok ng firearm ang pulis sa ere for real. Oh my gulay… for the second time, walang nagawa ang aking body but manigas nang tuluyan. What is wrong with today! Ano na naman ang sinister na encounter na ito.
Hinang-hina ang sarili at walang magawa ang aking self but dumapa. I have to put myself into submission ngayon, kung hindi, anomang oras ay patay na ako. But… who ba ang tinatawag ng pulis na ito na Matia? It is not my pangalan at all! Is he mistaking me for someone else?! Hindi talaga ako si Matia! I don't even know that kung sinomang person na 'yan. I could feel my hands trembling even harder.
"Hernan, ibaba mo 'yan," a voice interrupted and I recognized that… it is from my sundalong fan.
"Cody, Matia itong Valerie na iniidilo mo. Kailangan ko ang tulong ko para hulihin ang isang 'to," the other pulis instructed.
"Ha? Si Miss Valerie ay isang Matia? Anong rason mo? Maaaring mga kasamahan niya ang na-detect ng lighttracker, pero imposibleng siya." tugon naman ng pulis named Cody.
Thank you Cody sa pag-defend sa akin. Hindi ko makakalimutan ito. You are right naman kasi. It's me, Valerie or Valessa Nerie, imposibleng ako si Matia. Also, what are my attendants at driver doing? Hindi man lang sinubukang i-clear itong accusations sa 'kin at iligtas o ipagtanggo ako. How audacious of these mga katulong. They are so ungrateful to me. I gave them their job! Pero what is this na nakukuha ko in return.
"Hindi mo ba nakikita 'yang kaliwang mata niya? Kulay abo 'yan, Cody. Hulihin mo na 'yan bago pa niyan magamit ang kapangyarihan niyan!"
What is wrong with my color gray na eyes. How come na problema ito? What kind of reasoning is that. May knowledge ba siya what do I have to go through sa matang ito? And nag-aasta siyang mas may knows pa 'ata itong pulis na 'to kaysa sa akin regarding sa kaliwang mata ko.
"Dahil lang diyan? Diyan ka nagkakamali Hernan. Look, look, streamer 'yan. Fan niya ako at madalas mag-make up si Miss Valerie. Kaya 'yang abo niyang mata, nagsusuot siya contact lens. Anong Matia, kumalma ka nga!" From Cody's voice, he is really trying hard na kumbinsihin ang police friend niyang nagngangalang Hernan. "Baka kasamahan niya lang sa sasakyan ang Matia, pero hindi siya."
"Gaano ka kasigurado sa sinabi mong iyan?" Mukhang huminahon naman ang boses ni Hernan sa tugon niya.
"Siguradong-sigurado, Hernan. Kaya kalmahan mo lang."
"Oh, sige. Ilagay mo nga ang lighttracker sa kaliwang mata niyan para makasigurado tayo."
Unti-unti kong naririnig ang footsteps ng isang tao na papalapit sa aking place. I know na si Cody 'yon as I saw the body figure. He then kneeled down and lift my face. I saw him let out an apologetic na ngiti. May isa siyang instrumento na tinapat sa left eye ko. He clicked it at after a while, umiilaw ito ng kulay na orange-red.
"Isa kang Orama…" he whispered.
"Tingnan mo?! Orama nga ang isang 'yan!" Bumalik na ang pagka-agresibo sa boses ng pulis na si Hernan ngayon. "Bilisan mo at takpan mo na ang mata niyan at posasan 'yan!"
From their conversation, hindi nila ginagamit ang Matia as a name but an identity! Ginagamit siya bilang pagkakakilanlan. But what is a Matia ba? I don't know that. Isa ba 'yang criminal na organization? Mga thugs? Ngunit sa ganda kong 'to? Being a Valerie, do i look like ba na I'm part ng isang atrocious na organization. Anyone would answer na hinding-hindi if you ask them.
"Hernan, baka mapag-uusapan naman siguro 'to? Kilala ko si Miss Valerie, hindi siya gan'ong klase ng tao," usal ni Cody habang nakatingin pa rin sa akin.
"Cody, alam mo ang nangyari sa pamilya ko noong nakaraang taon, kaya tumahimik ka! Posasan mo na 'yan at takpan mo ang mata bago ko pa maiputok 'to." He is firm and certain sa tono ng pananalita niya about me na Matia nga ako. "Gawin mo na habang nakakapagtimpi pa 'tong kamay ko na iputok ang baril "
"Hernan…"
"Corporal Cody, I am you Master Sergeant, not your friend. This is an order," puno nang awtoridad ang boses ni Hernan.
Ano bang nangyayari sa akin. Pinaparusahan mo na ba ako Lord. But for what naman? I've been good in my entire life kaya. How could this happen to me. My tears began na dumaloy from my eyes papunta sa aking pisge. Naiiyak na ako sa takot dahil sa mga nangyayari. In Cody's stare, he looks pained to see me in this lagay, but he is doing something.
"Cody, atras, ngayon na. Ako na ang gagawa. Tigilan mo ko sa pagiging fanatic mo sa Matia 'to uy 'yan," sigaw ulit nito. Walang magawa si Cody kung hindi umatras papalayo sa akin.
"Please, help me," I mumbled while looking at Cody.
'Wag mo kong talikuran, please, Cody. I could tell na I sound desperate and needy. But I don't care! Tingin naman na guilty and ibinabalik niya sa akin. Cody, do something para maligtas ako. Akala ko ba fan kita. I will definitely do you a fansign, a flying kiss, or kahit na kiss sa cheeks. Please lang. Just save me mula sa bangungot na ito.
"Matia, isang gathering mo at patay ka. 'Wag mo akong subukan." Right after that, i hear footsteps na papalapit sa direksyon ko. Ilang saglit pa, may hands feel like restricted—pinosasan na ako ni Hernan.
"Kumuha ka ng blindfolds doon, Cody para magkasilbi ka. Natawagan ko na rin kanina ang mga Visionaries. Paparating na 'yon ano mang oras."
Ramdam na ramdam ko ang nguso ng baril na nakatutok sa ulo ko. Sa paraan ng paglalagay niya ng pressure sa gun, gigil na gigil talaga siya. Ang feeling na this person will really kalabit the trigger at any moment is the reason ng kaba ko. Any moment ay puwede akong mamatay. I fear for my life at this moment. Hindi gagana ang reason sa police na 'to. Just you wait! I will prove my innocence! Walang-hiya kang police ka.
I am waiting for Cody na makabalik at malagay na ang blindfold ko. I already accepted my faith na makakapasok ako sa presinto for the first time. It's better than mamatay. However, I heard a sound of taong bumagsak sa sahig. It is what disrupted sa aking pagmuni-muni. Nang inangat ko ang aking tingin, nakahandusay na sa sahig ang ang police na si Hernan. He is unconsciously lying on the ground. Si Cody naman ay nakatayo malapit sa kanya habang nakahawak sa kanyang baton.
"Hayaan mong iligtas kita, Miss Valerie."
KASALUKUYAN AKONG NASA loob ng car with no other than aking tagapagligtas na si Cody. Matapos niyang i-knock into unconsciousness si Hernan ay pinasakay niya me sa kanilang patrol car at pinag-drive ako. He also uncuffed me na dahilan para ma-free ang hands ko. He is planning na dalhin ako sa safety as promised. Cody really saved my day.
Right now, a dead air is namamayani sa loob ng car. No one dared to speak a single word. I want na sabihin kay Cody ang isang mainit na thank you, pero I can't bring myself to do so. Ayaw 'ata magsalita ng mouth ko because of that encounter with Hernan earlier. I find it hard na hanapin ang mga words. That gun pointing at me is so traumatic.
"Miss Valerie, isa kang Matia… Pero naniniwala akong 'di ka masamang Matia," pag-oopen ni Cody ng usapan.
I shook my ulo in disapproval. Enough namab siguro 'yon na hint para i-deny ang accusation about me na isang Matia. What is that Matia ba? Can he explain it to me kasi 'di ko knows talaga. Kanina pa ako confused sa question na 'yan. If it is an organization, Gaming Entertainment lang kaya ang ni-join ko na organization. Impossible rin kaya miyembro ng Matia ang Gaming Entertainment, because we are an organization of streamers kaya.
"What is a Matia ba?" utal-utal kong sambit, but I finally gathered my courage para makapagsalita.
"Di mo alam, Miss Valerie?" 'di makapaniwalang sambit niya.
I shook my head sa ikalawang pagkakataon na. Wala talaga akong alam patungkol sa Matia na 'yan. Kasalukuyan naming binabaybay ang crossing ng Ceres Liner Cubao, pero hindi siya lumiko papuntang Annapolis where Van's Toy Shop ay located. But nag-travel lang siya into straight line which is papuntang New York Ave. No, Cody. Take me sa Van's Toy Shop now na para matawagan ko ang management ko.
"'Di na kita madadala sa Van's Toy Shop ngayon, Miss Valerie. Mamamatay ka lang 'pag hinatid kita doon." Nabasa niya ang nasa mind ko.
"Ano? Bakit made-deads?" Another surprise na naman ang nag-caught sa aking attention.
"Mukhang wala ka ngang alam na Matia ka, Miss Valerie." he let out a sigh at nagsimulang i-explain sa aking ang sitwasyon. "Ang mga Matia ay kakaibang lahi ng tao—hindi sila normal. Mayroon silang mga kulay-abo na kaliwang mata. At hindi lang normal ang kaliwang mata nilang ito, dahil may kapangyarihan itong pumatay ng tao. Kaya naman ay pinaghahanap kayo ng gobyerno. Numero uno kayong kaaway ng mga pulis."
"Hala? Ako Matia? Dahil sa left eye ko?"
"Oo, Miss Valerie. Hindi 'yan contact lens 'di ba?" Napahiya naman ako at i looked downwards. Nag-lie ako sa kanya earlier about my left eye na contact lens.
So Cody is trying na sabihin sa akin na I am a member ng isang race ng tao? Tapos extraordinary itong left eye ko? May powers ako? Now na na-bring up ang topic na ito, I have realize that 'yong mga images na nag-flash sa mind ko earlier sa sasakyan ay nagkatotoo. Give Cody's sinabi, mukhang hindi 'yon coincidence. Is that ba ang power na tinutukoy ni Cody? Oh my, I'm powerful? Pero what naman ang kinalaman ng powers kong ito para patayin kami?
"Pero why naman papatayin kami? Anong kinalaman ng powers namin?" I inquired.
"Miss Valerie, ang Matia ay may aggresibong ugali dahil sa kapangyarihan ng kaliwang mata nila. Ang daming mga krimen na Matia ang kagagawan. Kaya naman 'pag may Matia ay tinatawagan namin ang mga Visionaries para i-handle kayong mga Matia," he looked at me tapos nag-smile. "Kaya naman hindi ako naniniwalang aggresibo ka kasi kilala kita, Miss Valerie."
Aggressive? Do I look like ba na aggresibo ako? Hindi kaya. I'm so demure at sweet para ma-consider na aggressive. Grabe naman pala itong ibang mga Matia at dinungisan ang mga name ng kalahi nila. Pero thank you Cody kasi you didn't think na I'm like those Matia because I'm really not—I'll never be like them. I am Valerie at hindi ako gagawa ng krimen, impossible 'yon.
"Visionaries? What is that naman?" This is what made me curious now.
"Ang Visionaries ay special task force ng mga police na mas may impormasyon patungkol sa mga Matia. May kaalaman sila tungkol sa kung paano hulihin at talunin ang isang Matia dahil sinanay sila ng mga batikang scientist," seryosong saad niya. "Kung may makikita kang pulis na may badge na itim na shield sa uniporme nila, Visionaries 'yan. Iwasan mo ang mga ganyang pulis."
Ang daming mga information na new sa isip ko ngayon. Nahihirapan akong i-absorb lahat. 'Di pa ako nga ako maka-get over sa left eye ko na may powers. Mayroon na naman 'tong Visionaries. Pero ang hindi ko gets is why hindi alam ng mga sibilyan ito. How come na 'di publicize ang information na 'to. Now ko lang nalaman na may iba pa palang race ng people and then may Visionaries.
"Why is this information hindi alam ng many?" I need this one to be answered talaga.
"Miss Valerie, if malalaman ito ng mga tao ay magkakaroon ng panic sa bupng bansa. Hindi 'yon magiging maganda. Mga kapulisan at mga nasa pamahalaan lang ang may alam ng impormasyon tungkol sa mga Matia."
Now alam ko na kung bakit. Correct nga naman. If ever may panic tiyak na it is hard to contain the mamamayan. Ang question ko lang now is how ba paganahin itong powers ko. Ano ba ang mechanics ng powers na ito?
"Cody, how do I use my kapangyarihan ba?"
"'Yan ang 'di ko alam, Miss Valerie. Wala kaming impormasyon diyan. Pero ang alam ko, kapag ginagamit ng mga Matia ang kapangyarihan nila, umiilaw ang kaliwang mata nila at gathering ang tawag n'on," ani niya at may kinuha sa gilid ng kanyang bulsa. "Kita mo naman 'to? Ito 'yong ginamit ko sa iyo kanina. Lighttracker ang tawag dito. Umiilaw ito kapag nakadetect ng gathering na paligid. Umiilaw rin ito kapag nilapit mo sa mata ng isang Matia na kakagamit lang ng kapangyarihan niya."
Confirmed na powers ko nga 'yong makita ang future. After nag-ilaw ang eyes ko kanina, kasunod n'on is ang pag-flash ng images na siyang nangyari nga sa akin. May bago na rin akong knowledge sa device na to na may ability to know if gumagamit ang isa Matia ng powers. How convenient para sa mga police. Oh my gulay. Disadvantageos ang isang Matia against this lighttracker.
Tunog ng gunshot at pag-break ng glass ay siyang bumasag sa aking suppose to be pag-analyze ng things. Nanumbalik ang nginig ng aking mga katawan at ang kaba na pinipilit kong kinalimutan. When I looked back, basag na ang glass ng likuran ng aming sasakyan at nakikita kong nakasunod sa amin ang isang pulang car—my car to be exact. Nakalabas ang ulo ni Hernan sa aking car habang may hawak-hawak na baril.
"Pagsisisihan mo 'to, Cody. Mas inuna mo pang protektahan 'yang iniidolo mo kaysa sa pagkakaibigan natin!" puno ng galit na sigaw na ito.
Oh my, oh my, what is this again. Natataranta na ako sa kung ano ang gagawin. This is getting real. Hinahabol kami ni Hernan at pinagbabaril. Just oh my goodness. Grabe naman ang galit niya to even do this. I remember he said na pinatay ang pamilya niya ng isang Matia, but what naman ang involvement ko doon. Bakit ako damay?
"Miss Valerie, dapa," said Cody at after that maririnig ang putok ng baril.
Mabilis akong dumapa at tinakpan ang aking tainga. I don't want to look with what is happening right now. Tuloy ang pagputok ng guns. Later, may putok ng mga baril na rin akong naririnig na coming sa car namin. Mukhang Cody is retaliating na rin at binabaril si Hernan ngayon. Umaagos na naman ang luha ko right now. I'm scared at its finest.
"Woah, wala talagang mananalo sa akin kapag accuracy ang pinag-uusapan," saad ni Cody nang humupa na ang gunshots. Ilang minuto rin ang tinagal noon. After din ng pagsambit ni Cody ng words na iyon ay ang malakas na nakakarinding sound ng brake ng sasakyan.
"Natamaan ko engine ng sasakyan mo, Miss Valerie. Sorry. Pero kailangan kong gawin 'yon para mapigilan ang pagsunod ni Hernan sa atin."
I really don't know what to say. Destroy that car if you want as long as matigil lang 'yong putukan. You have my permission. But all those words na stuck lang sa akin head. I'm mute na ulit dahil sa nangyari earlier. Ilang minuto rin akong lutang at nakatitig lang sa kawalan when the car stopped.
"Miss Valerie, ibaba na kita dito. Na-delay ko man si Hernan ay makakahanap at makakahanap 'yon ng sasakyan at makakahabol mamaya-maya lang." He smiled at masayang tumingin sa akin. "Hindi na kita puwedeng isama. Dahil sigurado ako mamaya, hahabulin na rin tayo ng mga Visionaries. Dito ka na at tumakas. Lilituhin ko sila habang ililigtas mo ang sarili mo."
Isang halik sa cheek ang kanyang ginawad niya to me before pumasok ulit sa patrol car at humarurot na. Nanginginig pa rin ako until now. I can't get over sa kung ano ang nangyari just recently. Nakakaiyak ang ma-stuck between sa putukan ng baril na iyon. Mas lumalala ang trauma ko. Right now, my katawan telling me na kailangan ko kumilos bago pa ako Hernan will find me sa gilid ng kalsada na ito.
If I remembered it nang tama, this road is Montreal. What should I do ba? I need to think talaga. I have to do something right now. My life is really in danger because Matia nga ako. Valerie, use your mind. My power, I need you na gumana right now. I need your help, I need your to do your thing. Diba you can see the future. Gumana ka now rin! To no avail, walang nangyayari. Paano ba kasi i-activate 'tong power na 'to.
I am the middle of my paglalakad, pero I feel no sense direction. Walang patutunguhan 'tong ginagawa ko. But then I can sense my left eye na nag-iinit. I feel like something is accumulating sa left mata ko. And when I happen to touch my eyebrow, may mga larawang nag-flash sa aking mind. Paulit-ulit iyong nag-play sa mind ko hanggang sa masaulo ko na.
Una ay nakasakay ako sa isang train at isang boy na nakablack hoodie ay kayakap ko. Second is nasa eskinita ako. The third is me na nasa isang bahay na big with the same lalaki pa rin and I feel safe. This power is really napakagaling. I know what I need to do now… ang i-ride ang train station. My really first thought is ew—I'm disgusted. But if I want to be saved, I need to go at sumakay ng train station at hanapin ang lalaki na 'yon.