bc

One Night With Him (Tagalog)

book_age18+
56.1K
FOLLOW
384.9K
READ
billionaire
sex
one-night stand
sweet
bxg
poor to rich
love at the first sight
affair
addiction
seductive
like
intro-logo
Blurb

DO NOT READ THIS STORY... PLEASE!!!

Sa bawat araw na nagdaraan, pahirap nang pahirap ang kaniyang buhay. Kaya ang isang inosenteng babae ay naging wild dahil pinasok niya ang isang maruming trabaho. Trabaho na pinandidirihan ng karamihan. Isa siyang bar dancer at prostitute at nang dahil sa trabahong iyon, hindi naglaon ay guminhawa na ang buhay niya kasama ang isa niyang anak at walang kuwentang ina.

Pero hanggang saan lang ba aabot iyon?

Kailan matatapos ang pagsasayaw at pagiging pokpok niya?

Hanggang sa makilala niya ang isang lalaking nagngangalang Blight Elizalde...

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
MAGSASAYAW para mabuhay. Iyan lamang ang ginagawa ni Maya tuwing sasapit ang gabi. Tama. Nagsasayaw siya sa isang bar at ayon ang pinagkukuhanan niya ng pera. Hindi lang siya basta-basta dancer dahil isa rin siyang prostitute. Maraming mga lalaki ang kinakama siya na lalong nagpapasaya sa kaniya dahil nagkakaroon siya ng malaking halaga ng pera. Mahirap ang trabahong iyon pero kailangan niyang gawin para sa isang taong gulang niyang anak. May anak siya sapagkat nabuntis siya sa lalaking hindi naman siya pinanagutan. Ano pa ba ang magagawa niya? Isang hamak lang naman siyang prostitute. Nakaupo siya sa may tapat ng isang salamin habang puro make-up ang nasa harap niya. Inaayos niya ang sarili niya dahil siya na ang susunod na magpe-perform sa stage. Habang inaayos ang sarili, biglang dumating ang kaibigan niyang dancer din ng bar na si Pamela. "Maya, ikaw na pala ang susunod? Galingan mo dahil mukhang jakpot ang gabing ito," saad nito. Itinigil niya ang pagme-make-up sabay mabilis na inikot ang upuan sa kaibigan. "Ano namang ibig mong sabihin?" kuryos na tanong niya. "Nakita ko kasi iyong mga lalaki. Mukhang mayayaman lahat at may nakita akong isang hotty," kinikilig pang saad ni Pamela na ikinangisi na lang niya. "Ano ngayon? Huwag ka ngang bobo, Pam! Puro mayayaman talaga ang mga napunta rito. Wala akong pake sa hotty na sinasabi mo. Huwag mo nga akong istorbohin at ako na ang susunod!" inis na anas niya sabay mabilis na iniharap ang upuan sa salamin at ipinagpatuloy ang kaninang ginagawa. "Sorry naman!" Narinig niya pa ang boses ng kaibigan pero hindi na niya ito nakuha pang sagutin. Baka kasi tawagin na siya ng momshie nila agad-agad. "Maya, ikaw na!" Ayan na nga, narinig niya ang tinig ng momshie Caren nila. Nang tingnan niya iyon sa salamin ay nakabusangot itong nakatingin sa kaniya. "O-opo, susunod na po ako momshie Caren." Dali-dali niyang inayos ang sarili. Pinakatitigan ang mukha sa salamin. Nang makuntento ay agad siyang humarap sa momshie niya. "Tara na po," nakangiti niyang saad na tinanguhan lang nito. NAKAKAENGANYONG tunog ang maririnig sa lugar na iyon. Nasa gitna ng stage si Maya habang unti-unting ginagalaw ang sariling katawan. Sumasabay siya sa saliw ng kantang romansa. Ayon ang araw-araw niyang ginagawa. Ang magsayaw ng nakakadiri; sabi ng iba. Humakbang siya ng bahagya pauna at naroroon ang isang pole kung saan ayon ang susunod niyang gagawin. Dahan-dahan siyang umakyat at iwinagayway pa ang mga kamay na parang isang model. Marami pa siyang ginawa sa pole na iyon. Nang makaramdam ng pagod ay bumaba na siya. Doon nagsimula ang paghagis ng mga lilibuhing pera ng mga lalaking nanonood sa kaniya. May mga matanda at mayroon ding mga binata sa hinuha niya'y kasing edad lang niya. Nasiyahan siya dahil doon kaya ipinagpatuloy niya ang pagsasayaw. Nakakalaswa ang suot niya dahil naka-two piece lang siya kaya aliw na aliw ang mga lalaki. Hanggang sa may biglang umagaw ng kaniyang atensyon. Isang lalaking guwapo. Sa tantiya niya ay ayon lang yata ang guwapong nilalang na naroroon. Napakagat labi niyang tiningnan iyon. Ang lalaki naman ay bigla na lang napailing at napainom ng alak. "Ang pogi!" bulalas niya sa sarili at paseksing bumaba ng stage at lumapit sa lalaki. Umupo siya sa may tabi nito. "Hi, pogi!" nakangiti niya sabi. Pinagmasdan niya ang mukha nito na parang perpekto ang pagkakagawa. Nakita niya pa ang adams apple nitong nagtaas-baba. Hindi man lang siya nito pinansin kaya gumawa siya ng aksyon. Dahan-dahan niyang pinadapo ang kamay niya sa binti ng lalaki na ikinagulat nito. Iyan, napansin mo rin ako! "What the hell are you doing?!" pagalit na tanong ng lalaki. Kahit hindi naman siya nakapag-aral ay alam niya pa rin iyon. "Ayaw mo bang hinihimas ko ang binti mo? Baka mamaya niyan ay manlambot ka sa akin at baka mapakapit ka sa patalim ko o sabihin na lang nating patibong ko. Madali naman akong kausap..." Inilapit niya ang bibig sa tenga ng lalaki. "...kahit magkano ay tumatanggap ako." "What the f**k are you saying? Are you insane?" "No. I'm not!" "If you're not insane then leave me alone." Kita niya sa mukha ng lalaki ang pagka-inis sa kaniya. "Ayaw mo ba?" Nakakalokong ngiti ang ibinigay niya rito with matching kagat-labi pa. Ganito ang ginagawa niya sa mga ibang lalaki, kinakagat lang ang sariling labi tapos ayon nahulog na sa patibong niya. "Don't me, dirty girl because I'm not that kind of a man na kayang mahulog sa iyong patibong! Do what you want and I don't care!" Natawa na lang siya sa pinagsasabi nito. Ito lang ang lalaking hindi siya nagustuhan. Ayaw pa, eh ang ganda-ganda naman niya saka malakas ang s*x appeal niya. "Kung ayaw mo... e'di wag!" Tumayo siyang nang pakendeng-kendeng ang puwit. Hindi mabilis ang paglalakad niya at ginawa niya iyon para lalo siyang matipuhan ng lalaki. "Wait..." Natigilan siya nang biglang umimik ang lalaki. Masaya niyo itong hinarap. "Yes, Mr. Pogi?" "How much?" Boom! Mahina rin pala ang isang ito, eh. Nahulog ng ganoon na lang. "Bakit, gusto mo ba?" "I asked you, how much?" ulit nito. Nag-isip siya. "30K?" "What a cheap!" Nakita niyang umirap ang lalaki. Anong cheap ang pinagsasasabi nito? Cheap na para sa kaniya ang 30K? Kung ayon nga ang punto ng lalaki, eh bakit hindi niya dagdagan. "Deleted ang 30K, Mr. Pogi." Umupo muli siya sa tabi nito. "So, how much?" "50K! That's all! Singkuwenta mil dapat!" saad niya. "Okay!" sabi ng lalaki at bigla na lang siyang hinila papalabas ng bar. Nang nasa labas ay bigla siyang isinandal sa pader at walang habas na hinalikan ang kaniyang labi. Kaagad din siyang gumanti at ang mga braso niya ay nakadantay sa batok nito. Lasap na lasap niya ang alak nitong laway. Nage-espadahan ang kanilang mga dila. Naramdaman din niyang hinamas ng lalaki ang kaniyang dibdib na kaniya na lamang binaliwala. Mapusok ang bawat halik nila na parang nasa isang hollywood movie. Masarap iyon. Mayamaya pa ay humiwalay ang lalaki sa kaniya. Tinitigan ang kaniyang nagkikislapang mga mata. "I'm horny," mahinang wika nito. "Ako rin. Ituloy natin at nabitin ako," atungal niya dahil sa pagkabiting naramdaman. "I will but not here. We'll do that at my car." Napatango na lang siya kaya kaagad siyang hinila ng lalaki sa isang kulay asul na kotse. Sumakay sila roon ng lalaki at ipinagpatuloy ang nasimulan. Muli na naman siyang nabitin ng biglang humiwalay na naman ito. "Ano ba?" may pagka-inis niyang sabi. "I'm sorry but I need to turn off the lights at baka may makakita sa atin." Dumukwang ang lalaki at pinatay ang ilaw ng kotse. Akmang babalik na ang ulo nito sa tamang posisyon nang bigla niyang sinalakay ito ng halik. Halik na parang wala ng bukas. Halik na parang wala ng katapusan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
416.6K
bc

My Possessive Boss (R18 Tagalog)

read
573.3K
bc

The Innocent Playgirl (R18 Tagalog)

read
476.8K
bc

My Cold Husband(Tagalog)

read
854.0K
bc

Contract - Tagalog

read
755.9K
bc

I Sold My Virginity To A Billionaire. RATED SPG/ R-18

read
2.3M
bc

MISTAKE (Tagalog)

read
3.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook