KABANATA 18: Destiny

1194 Words
"Oy hindi ako iyon a. Ikaw nga itong nagsabi na masakit ang ulo mo kaya kita ipinagpaalam na dadalhin sa clinic e. Iyon pala gusto mo lang bumili sa canteen dahil gutom na gutom ka na hahaha." Kahit papaano ay sandaling nakalimutan ni Adity ang isipin tungkol sa maraming bagay. Masarap rin palang balikan ang mga kabaliwan niya noong nag-aaral palang siya. Hindi niya ma-imagine kung paano niya nagawa iyon pero habang binabalikan iyon ngayon ay hindi niya rin mapigilang matawa sa sarili niya. "What the hell are you doing here?" Napatigil siya ng biglang marinig ang boses ni Zygfryd. Nang mag-angat siya ng ulo ay sinalubong siya ng masamang tingin nito. "Zygfryd." Bago pa siya makapagpaliwang ay hinawakan na siya ni Zygfryd sa braso at pilit na itinayo. Mabilis namang nag react si Boni na tumayo rin at pinigilan si Zygfryd sa paghila sa kaniya. "Hey. Nakita mo namang may kasama siya hindi ba? Nakakabastos ka naman." "Wala akong kailangan sa'yo kaya bitawan mo ako." Tiningnan ng masama ni Zygfryd si Boni. Napakadilim ng mukha nito. Ngayon niya lang nakita na galit ang binata. Mas malala pa sa kanina ang reaksiyon nito ngayon. Parang handang handa na ito sa suntukan. Nakaramdam tuloy siya ng pag-aalala kay Boni. Ayaw niyang mapagbalingan ito ng inis ni Zygfryd kaya agad na siyang pumagitna sa dalawa. "It's ok Boni. He's with me. Next nalang nating ituloy ang kwentuhan natin huh," aniya. Siya na ang nagtanggal ng kamay ni Boni sa braso ni Zygfryd. Pagkatapos ay hinila niya na ito palayo sa ka-kwentuhan niyang binata. Habang hawak ang braso nito ay hindi nakaligtas sa kaniya ang kakaibang init na sumisingaw sa katawan nito. Para itong may lagnat. May pag-aalala tuloy siyang tumigil sa paghakbang para salatin ang noo nito. "May sinat ka." Inis na tinanggal ni Zygfryd ang kamay niya na nakapatong sa noo nito at ito naman ang humawak sa kaniya at humila. "Sinabi ko ng 'wag kang lalabas e. Bakit ba ang tigas ng ulo mo. Paano kung may makakita sa'yong kaaway huh? Kaya mo bang ipagtanggol ang sarili mo?" "May sinat ka. Bumili tayo ng gamot doon sa grocery story, bago tayo bumalik sa hotel." Hindi niya inintindi ang sinasabi nito. Kasi naman. Masama na nga ang pakiramdam nito ay siya parin ang inaalala nito. Hindi na iyon makatarungan. Wala ng nagawa si Zygfryd ng hilahin niya ito papunta sa grocery store. Mabuti nalang at may paracetamol na itinitinda doon. Pagbalik nila sa kwarto nila ay agad niyang pinainom ng gamot ang binata. Nagkaroon pa sila ng kaunting pagtatalo pero hindi naman ito nanalo sa kaniya. Hindi na ito nagpumilit na kontrahin pa siya dahil lalo niya lang itong hindi titigilan. Pagkatapos niyang mapainom ng gamot ang binata ay inutusan niya itong magpahinga muna. Nakatulog naman ito. Tahimik niya itong pinagmasdan habang natutulog ito. "Masama na nga ang pakiramdam mo ay ako parin ang inaalala mo." Muli niyang sinalat ang noo ng binata. Mas lalo pa itong uminit kaya taranta siyang tumalikod dito at nagtungo sa banyo upang kumha ng tubig. Mabuti nalang at may stainless na tabo roon. Iyon ang pinaglagyan niya ng tubig. Kumuha rin siya ng malinis na bimpo. Pagbalik niya sa kinaroroonan nito ay naupo siya sa gilid ng kama at maingat itong pinunasan ng basang bimpo. Sinimulan niya sa noo nito. Sunod sa balikat at mga braso. Iyon lang ang naisip niyang magagawa niya para rito. Para kahit paano ay mapababa niya ang init nito. Habang pinipunasan niya ang braso ng binata ay napatigil siya sa ginagawa ng makita nang isang maliit na nunal nito sa hinlalaki. Para siyang bigla nalang nawala sa sarili. Inilapit niya pa iyon sa mata niya para masiguro na hindi siya dinadaya ng paningin niya. Is this fate? Siya ba ang batang tumulong sa kaniya noon sa America? "Are you lost?" Napatigil siya sa pag-iyak ng marinig ang boses na iyon. Kahit nahihirapang makakita dahil sa namuong luha sa kaniyang mga mata ay pinilit niyang titigan ang batang lalaking nakatayo sa harap niya. Halos ka-edad niya lang ito. Nakangiti nitong iniunat ang kamay. "Let me help you." "Don't talk to me. You are a stranger." Naka-pout niyang sagot dito sabay yuko ulit ng ulo. "Tutulungan na nga sana e, ang sungit sungit pa, uhmpp..." Nang marinig niya ang pagtatagalog nito ay biglang nangislap ang mga mata niya. Muli siyang napaangat ng tingin at muling tinitigan ang bata. "Pilipino ka rin?" Para namang nabigla ang batang lalaki dahil naintindihan niya ang sinabi nito. Tumawa pa ito. "Aba, kaya pala masyadong iyakin. Pilipino pala." "Naliligaw ka rin ba?" Balik na tanong niya dito habang patuloy parin siya sa paghikbi. Masyado ng malalim ang pag-iyak niya kaya naman kahit gusto na niyang tumigil ay humihikbi parin siya. Nagpalinga-linga ito sa paligid at kumamot ng ulo. "Hindi ah. Ano. Medyo napasarap lang ang laro ko kaya napalayo ata ako sa mga kuya ko." "Kung naliligaw karin, paano mo naman ako matutulungan na mahanap ang mama ko?" Nagpunas na siya ng pisngi at tumayo. "Alam mo ba, magaling akong maghanap ng mga bagay. Pangarap ko kasing maging detective e. Kayang-kaya kitang dalhin sa mama mo kung gusto mo." "Talaga?" "Tara. Hanapin na natin siya." Muli nitong iniunat ang kamay. This time ay tinanggap na niya iyon. Nang mahawakan nito ang kamay niya ay sinimulan na siya nitong hilahin paikot sa malawak na parke. Si Zygfryd ba ang batang iyon? Masyado na iyong matagal na nangyari pero malinaw parin iyon sa kaniyang alaala dahil halos maghapon silang magkasama ng batang iyon. Nang dumating ito ay hindi na niya naisip na naliligaw siya. Ang iniisip niya nalang ay masaya siyang nakikipaglaro dito. Ipinagpatuloy na niya ang pagpupunas kay Zygfryd. Hindi niya mapigilang mapangiti habang ginagawa iyon. Hindi niya akalain na hihingin niya ulit ang tulong nito. Nakakatuwa dahil para silang pinagtagpo muli ng tadhana. Masaya siya para dito dahil natupad na nga nito ang pangarap nito. Hindi katulad niya na iba ang landas na pinili niya dahil sa nangyari sa kaniya. "Bakit gusto mong maging detective?" tanong niya sa batang lalaki na kasama niya. Busy ito sa paglinga-linga sa paligid. Samantalang siya naman ay busy sa pagtitig dito. "Gusto ko kasing makatulong sa kagaya mong iyakin." "Hindi naman ako iyakin e." "Ikaw ba, ano ang gusto mong maging paglaki mo?" "Ako? Gusto kong magkaroon ng flower farm. Tapos magbebenta ako ng maraming maraming mga bulaklak." "Talaga? Ang malas naman." "Huh? Bakit naman malas?" "Allergic kasi ako sa mga bulaklak e. Kaya hindi ako pupunta sa flower farm mo." "Gano'n." Para tuloy siyang nalungkot. Balak niya pa naman sana itong bigyan ng bulaklak. "Iyon oh, parang may hinahanap 'yong lalaki. Kilala mo ba siya?" Pagpihit niya ng tingin sa tinuro ng bata ay kumislap ang mga mata niya. Agad niya itong binitiwan at tinakbo ang tito Franco niya. "Adity? My God!" Niyakap at binuhat naman siya nito. Talagang nag-alala ito sa kaniya. Halos pupugin nito ng halik ang pisngi niya. Pagtingin niya sa batang tumulong sa kaniya ay kumaway na ito at umalis. Hindi na siya nakapagpasalamat sa pagsama nito sa kaniya. "Isa ka ng magaling na detective ngayon. Masaya ako para sa'yo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD