"You failed Zygfryd. You failed to protect her."
Para siyang nabingi dahil sa malakas na putok ng baril na iyon. Hindi siya makagalaw para man lang sana lapitan ang dalaga na mabilis na bumagsak sa lupa. Para siyang bigla nalang nanghina. Hindi niya akalain na sa harapan niya pa mismo ito malalagutan ng hininga. Wala siyang kwentang detektib. Naunan pa siyang kumilos ng humahanap kay Adity kesa sa katotohanan na inaalam niya. Ngayon lang siya pumalpak. Much worst... Dahil iyong babae pa na pinakagusto niyang maprotektahan ang nawala dahil sa kapabayaan niya. Wala siyang kwentang mag trabaho.
Namalayan nalang niya na tumutulo na ang masaganang luha sa kaniyang mga mata. Ang sakit sakit ng dibdib niya. Parang may matinding kumikirot sa loob noon. Mabuti pa kung siya nalang ang namatay. Mas katanggap-tanggap pa iyon.
Napabalikwas siya ng bangon. Mabuti nalang at isa lang iyong masamang panaginip. Napagawi ang tingin niya sa kama na hinihigaan niya. Naroon sa tabi niya ang dalagang napanaginipan niya. Mahimbing itong natutulog. Maingat siyang bumalik sa pagkakahiga at pinagmasdan itong mabuti. Nang hindi na siya makapagpigil ay niyakap niya ito ng mahigpit. Gusto niya lang masigurado na kasama niya talaga ito.
Hindi ko hahayaan na may masamang mangyari sa'yo. I will protect you no matter what. I will never fail you.
"Zygfryd." Dahil sa ginawa niya ay nagising niya ang dalaga. Marahan siya nitong itinulak pero lalo niya pang hinigpitan ang pagkakayakap dito.
Her body was so warm. Talagang narito ang dalaga sa tabi niya at yakap niya. "I'm sorry."
"Huh? Para saan?" naguguluhan nitong tanong. She look so innocent.
Nakangiti niya itong pinakawalan. Talaga bang hindi ito nagagalit sa ginawa niya kahapon? Pinigilan niya ito sa pagpunta sa simbahan. Nag walk out pa siya at sinungitan ito. Hindi niya man lang ba iyon ikinainis?
"Sa lahat."
"Ano bang sa lahat? Wala ka namang ginagawang masama ah."
Nginitian niya ito. Yayakapin niya sana ulit ito pero nauna na nitong yakapin ang sarili kaya natawa nalang siya. "Alright I'm sorry for hugging you."
Namula naman ang mukha ng dalaga. Marahan na siyang tumayo. Maganda na ang pakiramdam niya. Mabuti nalang at nakinig siya dito na uminom ng gamot.
"Kumusta na ang pakiramdam mo?"
Lumakad na siya palayo sa kama. "I'm fine thanks." Tuloy-tuloy siyang pumasok sa banyo.
He need to refresh. Marami pa siyang kailangang gawin. Mamaya na darating ang e-mail ni Hanzo para sa picture na pinapa-enhance niya rito. Makikita niya na rin ang mukha ng lalaking gustong manakit kay Adity. He will make sure na uunahan niya ito bago pa ito makalapit sa dalaga.
---×××---
Habang nasa banyo si Zygfryd ay naisipan ni Adity na tawagan ang tito Franco niya. Ngayon niya lang ito naisipang tawagan dahil nasa binata ang buong atensiyon niya kahapon. Mabuti nalang at ayos na ito ngayon.
"Tito Franco."
"Adity. My God. Bakit ngayon ka lang tumawag? Where are you?"
"Ayos lang po ako tito. Huwag na po ninyo akong alalahanin."
"Paano bang hindi kita aalahaning bata ka ha. I know what you've been through. Alam ko na ang nangyari sa papa, mama at ate mo and I can't afford to lose you too. Ikaw nalang ang natitirang kapamilya ko Adity so tell me. Nasaan ka na ba at ipasusundo na kita. Let me protect you."
"Alam ninyo na po?"
"Yes. I've been investigating this since I was here. Alam ko na ang kailangan ng taong iyon sa iyo. So tell me where you are at ipasusundo na kita ngayon din mismo. Let's talk about this in person."
Muli siyang napatitig sa direksiyon ng banyo. How about Zygfryd? Dahil ba alam na ng tito niya ang totoo ay iiwanan na niya ito? Napahawak siya sa dibdib niya. Parang may mahinang kumirot doon. Nasasaktan ba siya dahil matatapos na ang pagsasama nila? Ano bang kalokohan ang nararamdaman niya?
"Tatawagan ko na lang po ulit kayo. Huwag na po ninyo akong alalahanin. Ayos lang po ako tito. Salamat po sa concern."
Pinatay na niya ang telepono. Ayaw na niyang humaba pa ang usapan nila ng tito niya dahil baka lalo lang itong mangulit sa kaniya. Baka sa huli ay mapilitan nalang siyang makipagkita dito. Ayaw niyang mangyari iyon. Hindi pa siya handang talikuran si Zygfryd.
Ano bang nangyayari sa kaniya? Bakit parang nasasaktan siya habang iniisip na hindi na sila ulit magkikita ng binata. Tama ba itong nararamdaman niya? How could she be more concern about Zygfryd than finding the truth about her family.
---×××---
"Hey ayos ka lang ba? Bakit parang ang lalim ng iniisip mo ha?"
Napatingin siya sa binatang nakatutok sa laptop nito ng magsalita ito. Ang akala niya ay busy ito sa ginagawa nito kaya nagtataka siya kung paano nito napansin ang pagkatulala niya.
"Iniisip ko lang. Kapag nalaman na natin kung sino ang may gawa ng lahat sa pamilya ko. Ano na ang mangyayari sa'tin? I mean. Hindi na ba tayo magkikita ulit?" Wala sa loob na tanong niya.
Napatingin naman sa kaniya si Zygfryd. "Pwede naman tayong mag date kung gusto mo."
Agad namilog ang mga mata niya. "D-date?" Para tuloy siyang napahiya sa tanong niya. Parang siya pa itong mas nag-aalala na hindi na ulit sila magkikita ng binata pagkatapos ng lahat.
"Biro lang. Masyado ka namang seryoso. Haha." Tumatawa nitong sagot. Binalik na nito ang atensiyon sa monitor ng laptop.
Maya-maya lang ay napatigil ito at napatingin sa pinto kung saan tila may sumusubok na magbukas niyon. Agad naging alerto si Zygfryd. Tumayo ito at kinuha ang baril na nasa sofa. Pagkatapos ay pina-pwesto siya nito sa likuran. Lihim siyang napangiti habang pinagmamasdan ito. Humahanga talaga siya sa mga lalaking kayang ipagtanggol ang mga babaeng kasama nila. Iyon ang dahilan kaya mabilis na nawala sa isipin niya ang tungkol sa humahanap sa kaniya. Dahil feeling safe siya kapag nariyan ang binata sa tabi niya. Nasa ganoon silang ayos ng biglang tumunog ang buzzer na nakadikit sa pinto.
"Hey, nandiyan ka ba Zygfryd?"
Tila nakahinga naman ng maluwag si Zygfryd na isinukbit na sa tagilaran ang baril at nilapitan ang nakasarang pinto. Pagbukas niya niyon ay tumambad sa kanila si Hanzo. May dala itong brown na envelope na tuloy tuloy pumasok sa unit nila.
"Ow hi Adity. Nagkita tayong muli." Bati nito sa kaniya. Diretso itong naupo sa sofa at sa center table nito inilapag ang hawak na envelope.
Pagkatapos namang maisara ni Zygfryd ang pinto ay agad nitong kinuha ang inilapag na envelope ni Hanzo. Binuksan iyon ng binata. Pagkatapos makita ang laman niyon ay muli nitong ibinalik iyon sa loob.
"Ito lang ang nalaman mo tungkol sa Edgar na iyon?"
"Oh bakit? Atleast mayroon na tayong pwedeng pagsimulan. Diba?"
Tumingin si Zygfryd sa kaniya. Tila nagtatanong ang mga mata nito. "Wala ka bang pwedeng tuluyan muna sandali? Someone you could trust. May kailangan lang kaming gawin nitong si Hanzo. Kailangan naming hanapin ang Edgar Manobos na iyon. Alam na namin kung saan magsisimula kaya siguradong magiging madali lang ito."
"Yeah. Sa tito Franco ko."
"Except him. I still don't know him kaya ayokong sumugal sa kaniya."
Sandali siyang nag-isip. Naalala niyang bigla si Monica. Iyong nakasama niya noon sa kombento. Hindi nito tinapos ang pagma-madre dahil hindi daw talaga iyon ang gusto nito. Napilitan lang ito dahil sa udyok ng pamilya. Nangako nga pala siyang bibisitahin ito kapag nakalabas siya. Malapit lang ang bahay nito sa lumang bahay nila. Kaya niya ito nakalapit dahil sa parehong lugar na pinagmulan nila.
"Meron. Si Monica."
"Who is she?"
"Nakilala ko siya sa kombento."
"Ow. So isa rin siyang madre."
"Hindi. Hindi niya natapos ang pagma-madre dahil hindi daw talaga iyon ang gusto niya. She's a good friend."
"Ok. Sounds good to me. Mas may tiwala pa ako sa kaniya kaysa sa uncle mo na parang napakaraming itinatago, tch!"