KABANATA 20: His Secret

1321 Words
Inilabas ni Zygfryd ang laman ng envelope na dala ni Hanzo kanina. Mabuti nalang at sinamahan siya nito ngayon. Nagkaroon tuloy siya ng kotse at driver. Kinailangan niya munang iwanan si Adity upang mapabilis na ang ginagawa niya. Masyado na kasi siyang nag-aalala sa kalagayan nito. Kapag nagpa petiks petiks pa siya ay baka magkatotoo na nga ang panaginip niya. He never failed. And he never will. Hindi niya hahayaan na ang pagkakagusto niya sa dalaga ang magpahamak dito. Isa-isa niyang binasa ang nakasulat sa profile ni Edgar Manobos. Masyadong konti ang detalyeng nakasulat roon pero sapat na iyon para mayroon siyang mapag-umpisahan. "So tell me, ano naman ang nalaman mo sa uncle ni Adity?" tanong ni Hanzo. Ibinalik niya sa envelope ang laman niyon at inihagis iyon sa likod ng kotse. "He is a twin brother of Adity's father. Matagal na siyang naninirahan sa Amerika. He is still single. Walang asawa, walang anak. In short he has a miserable life, unlike his brother. Mayroon siyang ilang negosyo na pagmamay-ari sa Amerika. Recently ay bumili siya ng ilang ektarya ng lupain dito sa Quezon. Nagpatayo rin siya ng mansion. At dahil namatay na ang kapatid niya ay siya na ang nagpatuloy ng negosyo nito." "Aba good job. Ang dami mong nalaman sa loob lang ng isang araw ah." Proud na sabi sa kaniya ni Hanzo. "Ikaw isang litrato lang umabot pa ng dalawang araw. Tsk, kinakalawang ka na ata." "Hoy, hindi ah. Akala ko lang gusto mong tagalan ko pa ang ginagawa ko dahil nag e-enjoy ka na makasama si Adity. Haha." Tumatawa nitong sagot. Hanzo was right. Iyon nga sana ang gusto niya. Gusto niyang magtamad-tamaran upang tumagal pa ang pagsasama nila ni Adity. But if he'll do that. Baka mapahamak lang ang dalaga. Kailangan na niyang malaman kung sino ang taong gustong magpapatay dito. Kailangan niya itong maunahan upang mailigtas ang dalaga. Isasantabi niya muna ang pansarili niyang kagustuhan dahil hindi iyon ang makabubuti sa babaeng gusto niya. Gusto niya. He was admitting it now. Alam niyang hindi niya iyon matatakasan dahil iyon ang isinisigaw ng loob niya kaya wala siyang balak na itanggi pa iyon. Siguro nga, ako na ang pinakamasamang lalaki sa mundo. Nakakatawa dahil sa dami ng karibal. Diyos pa ang hinamon ko. Nakakatawa. Hindi niya naman gustong hamunin ng suntukan ang Diyos dahil alam niya na wala siyang binatbat dito. Pero... Parang gusto niyang subukan. Kahit alam niyang wala siyang sinabi dito ay gusto niyang makipagbugbugan dito. Para lang maipakita niya dito na hindi naman tama ang ginagawa nitong pang-aasar sa kaniya. Tch! Pagdating nila sa isang maliit na barangay ay nagtanong-tanong sila roon sa mga tao kung may nakakakilala ba kay Edgar. May nahanap naman sila. Itinuro nito ang dating bahay ng hinahanap nila. "Diyan nakatira dati si mang Edgar. Pero matagal na siyang hindi umuuwi e. Mga ilang taon na rin. Ang kwento-kwento dito ay naaksidente daw siya at na-ospital. Pero simula ng lumabas siya sa ospital ay hindi na siya nagawi dito." "Anong klase ng aksidente?" tanong ni Zygfryd. "Uh. Sabi nila ay pinagtripan daw siya sa isang masukal na kagubatan e. Binugbog tapos nang akalang patay na ay iniwanan nalang," sagot nito. Tumango-tango si Zygfryd. Agad nitong sinenyasan si Hanzo na magbigay sa binatilyo ng pera bilang pasasalamat sa pagtulong nito. Kakamot-kamot ulo tuloy na humugot sa wallet si Hanzo. "Sige salamat boy ha. Ito oh pang meryenda mo." Inabutan ito ng limang daan ni Hanzo. Tuwang-tuwa namang tumakbo palayo ang binatilyo sa kanila. "Ang yaman ha. Limang daan talaga." Pang-aalaska niya dito. "Ulol. Babayaran mo iyon no. Ano ka sinu-swerte. Ako na nga ang tumutulong sa'yo, ako pa ang pinaglalabas mo ng pera." "Siraulo. May sinabi ba akong limang daan ang ibigay mo?" "Sus nag reklamo ka pa e barya lang naman iyon sa'yo." Nagkatitigan sila ni Hanzo. Mukhang pareho sila ng iniisip sa bahay. Dahil siya naman ang may kailangan ng katotohanan ay siya na ang gumawa ng pinakaunang hakbang palapit sa bahay. Siya narin ang nagbukas ng pinto niyon. Napaubo siya ng tuluyang maitulak ang pinto. Napakarami kasing alikabok na bumagsak mula sa itaas. Ang dami ring agiw sa dingding. Halatang napabayaan na talaga ang lugar. Dahil madilim sa loob ng bahay ay kinuha niya ang cellphone at ginamit ang flashlight niyon. Sinimulan na niyang libutin ang loob ng bahay. Naghiwalay sila ni Hanzo. Ang tinungo niya ang mga kwarto. Doon ay may ilang larawan siyang nakita. Larawan ng isang masayang lalaki na nakasuot ng pang janitor na uniporme. Kinuha niya iyon at pinagmasdan. It was Edgar. Tama nga ang pinuntahan nila pero nasaan na ito ngayon? Bakit nito pinatay ang ate ni Adity? Ito rin ba ang nag set up ng pagkamatay ng mga magulang ng dalaga? Bakit nito pinapakidnap si Adity? Ano ba ang atraso ng pamilya ng dalaga dito? He need to find the truth. He need to find that man. Pero bago iyon, doon muna siya pupunta sa taong alam niya kung saan hahanapin. Franco Santos. ---×××--- He has a busy day ahead. Dahil may pinakisuyo siya kay Hanzo ay mag-isa lang siyang nagpunta sa uncle ni Adity. May ilang bagay lang kasi siya na gustong itanong dito. Gusto niyang malaman kung tama nga ang hinala niya dito. Gusto niyang marinig ang lahat sa mismong bibig ng matanda. Pagdating sa tinutuluyan ni Franco ay sinalubong siya ng dalawang bodyguard nito na di hamak na mas matangkad sa kaniya. Hindi niya matatalo ang mga ito kung lakas ang gagamitin niya. Gagamitan niya ito ng bilis. Wala pa man ay inihahanda na niya ang mga binti sa anomang mangyayari. "Ikaw. Ikaw iyong lalaking kasama ni Adity sa may simenteryo hindi ba?" Sinenyasan nito ang dalawang bodyguard na sumalubong sa kaniya. Agad namang nagkulasan ang dalawa. Inaya siyang maupo ng matanda sa wooden chair na naroon sa ilalim ng isang arko na ginagapangan ng mga bulaklak. Agad siyang napaismid. Ayaw niya pa naman ng mga bulaklak. Hindi naman siya gaanong allergic sa lahat ng klase ng bulaklak pero mayroong klase na talaga namang nagpapasakit ng ilong niya. Iyon ang dahilan kung bakit iwas siya sa mga iyon. "So, what brought you here Mr. Quinn? Am I the suspek of your investigation now?" Naka-smirk nitong tanong. Mas matinik pa ito sa inaakala niya. Mukhang napaghandaan na nito ang pagkikita nila. Dahil sa estado ng pamilya nila ay hindi na nakapagtataka kung paano nito nalaman ang pagkakakilanlan niya. Siguradong marami na itong nalaman tungkol sa kaniya. "Nice job. You do your research very well." Sarkastiko niyang sagot dito. Nanatili lang siyang nakatayo sa labas ng arko. Hindi niya kasi talaga kayang maupo sa ilalim ng mga naglalakihang bulaklak na nakalaylay doon. "So, dapat ay may nalaman ka na rin tungkol sa akin. Umaasa ako na marami-rami kang nahalungkat tungkol sa pagkatao ko. Because if not, I'm going to be disappointed. Inaasahan ka pa naman ng pamangkin ko." "Your right. May nalaman ng ako tungkol sa iyo. The biggest secret your hiding in your whole life. Gusto mo bang ipaalam ko na iyon kay Adity?" Para naman itong natigilan. Kita niya ang pagkagulat sa mga mata nito. Mukhang tama nga iyong nalaman niya tungkol dito. Kahit siya ay hindi makapaniwala sa sikretong natuklasan niya. But now confirming it. Damn! Paano niya iyon sasabihin sa dalaga? Siya ba ang magsasabi niyon? O hahayaan niyang ang uncle nito mismo ang magsabi sa dalaga ng itinatago nitong sikreto. "Your really good Zygfryd." "So is that a yes? Talaga bang totoo ang bagay na iyon ha?" "It was a long story. Minsan lang iyong nangyari pero wala akong pinagsisisihan sa mga ginawa ko. Yeah, I am suffering now. But despite all that, I was still happy. Dahil sa pagkakamaling iyon ay nabuo ang buhay ko. At kung babalik ako sa nakaraan ay uulitin ko pa rin ang pagkakamaling iyon. Don't ask me why, because I still wanted to do it."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD