"Hindi ka man lang ba attracted kay Zygfryd? Hindi ba ang gwapo niya naman? Ang lakas pa ng dating."
Napatigil sa pagsubo si Adity dahil sa sinabi ni Monica. Magpasalamat ito at may kasama silang kumakain ngayon. Kung hindi ay baka nadagukan na niya ito. Hindi man lang ba kasi nito naisip ang kalagayan niya.
"Ahem. Isang madre ang kausap mo Monica. Pinapaalala ko lang ha."
"Ano ka ba. Hindi ka pa naman ganap na madre ah. Pwede ka pa namang umayaw kung nagdadalawang isip ka na e." Nakangisi nitong sagot sabay tingin sa asawa nito na kasabay nilang kumakain.
Mukha namang wala itong pinagsisisihan sa naging desisyon nito. Nakikita niya kasi ang labis na kaligayahan sa kislap ng mga mata nito. Talagang masaya ito.
"Sino ba ang may sabing nagdadalawang isip na ako ha?"
"Wala lang. Hula ko lang. May kakaibang kislap kasi akong nakikita sa mga mata mo kapag tinititigan mo si Zygfryd e. Parang may something." Kinindatan pa siya nito.
Sinamaan niya ito ng tingin. Muli na niyang itinuloy ang kaniyang pagkain. Kakaibang kislap sa mga mata niya? Wala naman siyang napapansin na ganoon. Nagpapasalamat lang siya sa ginagawang pagtulong sa kaniya ni Zygfryd. Iyon lang iyon.
Muli siyang napatigil sa pagsubo ng may narinig na malalakas a katok mula sa pinto. Agad na tumayo si Monica para silipin iyon. Pagbalik nito sa hapag-kainan ay kasama na nito si Boni. Napakunot tuloy ang noo niya. Paano nito nalaman na naroon siya? At bakit tila bagsak ang balikat nito?
"Boni? Anong ginagawa mo dito?"
"Your uncle. Something happened to him?"
"Ano?" Nabitawan niya ang hawak na kutsara ng marinig ang sinabi nito. Taranta siyang napatayo para harapin si Boni. "Anong nangyari sa uncle ko?"
"I'm sorry Adity pero may nagtangkang pumatay sa kaniya. He need you."
Napatingin siya kay Monica. Wala pa man siyang sinasabi ay tumango na ito sa kaniya. "Sige na puntahan mo na ang uncle mo."
"Samahan mo ako sa kaniya."
Tumango naman si Boni. Agad niya itong sinundan hanggang sa sasakyan nito. Kinakabahan man siya dahil sa balitang narinig ay pilit niyang nilalakasan ang loob niya. Hindi pwedeng basta nalang mamatay ang tito niya. Hindi niya iyon matatanggap. Lalo na at hindi niya pa ito nagagawang makausap ng matagal. Hindi niya man lang ito nakamusta ng mag-usap sila sa telepono. Binabaan niya pa ito.
"Hey, relax. Magiging ayos rin ang lahat."
Nakita niya ang pagtaas ng sulok ng labi nito. Mukhang may doble meaning ang sinabi nito. Pero masayado siyang nadala ng balitang narinig niya kaya hindi na niya iyon binigyan ng pansin. Ang mahalaga sa kaniya ngayon ay ang malaman niya na ayos lang ang tito niya.
---×××---
Nagising si Adity na may humahaplos sa kaniyang pisngi. Nang magmulat siya ng mata ay tumambad sa kaniya ang mukha ni Boni. Galit siyang bumangon. Bago pa niya ito masampal ay nahawakan na nito ang kamay niya.
"Pinatay mo ang mga magulang ko! Mamatay tao ka Boni!" Sigaw niya. Agad naglandas ang mga luha sa kaniyang mga mata.
Hanggang ngayon ay hindi parin siya makapaniwala sa katotohanang inamin nito sa kaniya. Paano nito nagawa iyon sa mga magulang niya. Sa ate niya. Bakit dinamay nito ang pamilya niya.
"Malayo pa ba tayo Boni?" Nagpalinga-linga siya sa paligid. Wala naman siyang nakikitang bahay kaya napakunot ang noo niya. Ibinalik niya ang tingin niya kay Boni. Diretso lang itong nakatingin sa dinadaan nila.
Nagulat pa siya ng bigla nitong itinigil ang sasakyan. Para siyang bigla nalang kinabahan. Lalo pa ng humarap sa kaniya si Boni na suot ang isang nakakalokong ngiti.
"Do you really trust me that much, huh Adity?"
Para siyang bigla nalang nakaramdam ng kakaiba kay Boni. Bigla nalang kasing nagbago ang awra nito. Kahit ang paraan ng pagsasalita nito ay nag-iba rin. Malayong-malayo ito sa Boni na naka-kwentuhan niya noong isang araw.
"Ano bang sinasabi mo? Nasaan na ba si uncle? Ang akala ko ba ay dadalhin mo ako sa kaniya?"
Tinanggal nito ang suot na seat belt at humarap sa kaniya. Lalo pang lumakas ang hinala niya na may hindi tamang nangyayari ng makita ang isang panyo na kinuha nito mula sa likod na bahagi ng kotse. Bago pa niya matanggal ang suot niyang seat belt ay napigilan na siya ni Boni. Ito na mismo ang humawak sa seat belt para hindi niya matanggal ang pagkaka-lock niyon.
"Ano bang ginagawa mo Boni?"
"Do you know how your parents died Adity?" bulong nito sa tainga niya. "I killed them. Ano, masaya bang mawalan ng pamilya ha?"
"Ikaw? P-pero bakit?" Hindi niya napigilang mapaluha. Hindi siya makapaniwala na si Boni lang pala ang hinahanap niya. Pero bakit? Bakit nito gagawin ang bagay na iyon?
"Bakit? Wala ka bang natatandaan ha? You killed someone. Iyon ba ang dahilan ng pagma-madre mo hindi ba? Kaya ka pumasok sa kombento ay dahil gusto mong magmalinis. Gusto mong maghugas kamay sa ginawa mong krimen. Your parents paid your sins. Ganoon din ang ate mo. Namatay sila ng dahil sa kasalanan mo."
Nagsimulang maglandas ang mga luha sa pisngi niya. Bigla nalang bumabalik sa isipan niya ang mga nangyari ng araw na iyon. Bawat pagbagsak ng batong hawak niya sa mukha ng lalaki. Bawat pagtalsik ng dugo nito sa kaniya. Bawat impit na sigaw nito. Muli iyong bumabalik sa kaniya na parang kahapon lang iyon nangyari.
Her sins makes her life miserable. Dahil sa kaniya kaya namatay ang pamilya niya. Kasalanan niya ang lahat.
"Pinagtanggol ko lang ang sarili ko." Umiiyak niyang sagot. Napayuko na siya. Buong-buo niyang tinatanggap ang ginawa niya. Kahit pa alam niya na self defense lang iyon ay alam niyang may kasalanan parin siya. Dapat siya ang nagbabayad sa mga ginawa niya. Siya lang dapat at hindi nito dinamay ang pamilya niya.
Nang marinig niyang bumukas ang pinto napaangat ang ulo niya. Gulat na gulat siya ng makita kung sino ang iniluwa ng pinto. Bigla nalang nanlamig ang buong katawan niya. Biglang naging doble ang bilis ng pagtambol ng kaniyang dibdib. Isang demonyo ang nakikita niyang nakangisi sa kaniya. Nanlilisik ang mga mata nito at napakadilim ng mukha. Paanong hindi siya matatakot dito.
"Sa wakas. Nagkita na ulit tayo. Kumusta na ang pagiging kriminal mo?"
Napaatras siya sa kinauupuan niya. Salitan niyang tinapunan ng tingin si Boni at ang lalaking dumating. Hindi niya parin alam kung ano ang nangyayari. Paano nagkakilala ang dalawa? Bakit sila magkasama? Naguguluhan siya. Natatakot siya.
"Adity, meet my father. The person you tried to kill three years ago. Ano masaya bang magkita ulit kayo ha?" Tumatawang sabi ni Boni.
"Father?" Kaya ba nito pinatay ang pamilya niya? "Pinatay mo ang pamilya ko dahil sa walanghiyang tao na iyan?" Turo niya sa lalaking dumating.
Tumigas naman ang panga ni Boni. Kinuha nito ang kamay niyang nakaturo sa lalaki at mariin iyong hinawakan. "Alam mo ba kung gaano naging miserable ang buhay ko ng dahil sa ginawa mo sa lalaking iyan ha? You turn my world upside down Adity. Sinira mo ang buhay ko. Dahil sa'yo ay napilitan akong kumapit sa patalim para lang maipagamot ang lalaking sinubukan mong patayin." Galit nitong sabi.
Napailing-iling siya. Paanong naging kasalanan niya iyon? Ipinagtanggol niya lang ang sarili niya sa ama nitong manyak.
Lumakad papalapit sa kaniya ang ama ni Boni. Hindi parin nawawala ang nakapaskil na ngiti sa labi nito.
"Pwede na ba nating ituloy ang plano nating gawin, three years ago?"
Pinanlamigan siya sa sinabi nito. Isa talaga itong demonyo. Ganoon din ang anak nito. Mag-ama nga sila.
Isang tao lang ang naiisip niya ng mga sandaling iyon. Si Zygfryd. Nasaan na ba ito?
Alam niyang kahit malaman pa nito na nawawala siya ay malabo siya nitong mahanap. Baka abutin pa ito ng isang linggo bago siya matagpuan. Siguradong patay na siya noon. Pero kahit ganoon ay umaasa parin siya. Ito lang ang maaasahan niya.
Zygfryd...
-----
Hello. May nabasa akong comment, hirap daw siyang basahin ang pangalan ni Zygfryd. ? So ito. Ganito ko po kasi iyon binabasa.
Zyg-fryd
( Zig-frid )
Sana nakatulong. Haha.