KABANATA 22: You Are Safe

1219 Words
Gustong tumakbo palayo ni Adity pero mabilis siyang nahawakan ni Boni sa bewang at binuhat pabalik sa papag na naroon. Halos mamilipit siya sa sakit ng maramdaman ang pagbagsak ng katawan niya sa matigas na kawayang kama. Hindi na siya nakatayo pa dahil agad siyang dinaganan ng binata. "Ano ba. Umalis ka diyan!" Sigaw niya sa binata. Pinaghahampas niya ito pero nagawa nitong salagin ang mga ginagawa niya. Hinawakan nito ang dalawang kamay niya gamit lang ang isa nitong kamay. Inilagay nito iyon sa ulo niya at sinimulan siyang halikan sa leeg. Naglandas ang mga luha sa kaniyang mata. Kahit anong pagmamakaawa niya ay hindi niyon natinag ang binatang nasa ibabaw niya. Madiin ang pagkakahawak nito sa dalawang kamay niya habang ang isa nitong kamay ay nagsimula ng maglandas sa dibdib niya. Punong-puno siya ng pandidiri sa ginagawa nito. Gusto niyang masuka. "Come on Adity. Moan for me." Ipinaling niya ang tingin niya sa ibang direksyon. Mas lalo siyang napasigaw ng haklasin nito ang suot niya. Napangisi ito ng lumantad ang dalawang dibdib niya. Gustuhin niya man iyong tabunan ay wala siyang magawa para gawin iyon. Para siyang kawawang bata na hindi man lang makalaban. Ilang beses na siyang umusal ng dalangin sa isip niya pero pati ata ang Diyos ay tinalikuran na siya. "Zygfryd..." usal niya. Ito na lang ang inaasahan niya. Na sana ay dumating ito at bugbugin ang lalaking nasa harap niya. Mas gugustuhin niya pang ipagkaloob ang sarili niya dito kaysa sa demonyong ex-boyfriend niya na ang akala niya ay kilalang-kilala na niya. Kahit imposible ay ipinapanalangin niya nalang na dumating ang binata. Kahit ito nalang sana ay ipagkaloob naman sa kaniya ng Diyos. Biglang bumukas ang pinto. Ilang segundo lang ay tumilapon sa kawalan ang lalaking nakapatong sa kaniya. Mabilis niyang niyakap ang sarili at tiningnan kung sino ang lumitaw para tulungan siya. Napaiyak siya ng makita si Zygfryd sa harap niya. Hindi siya makapaniwala na narito na ngayon ang lakaking iniisip niya. Labis ang saya niya na dumating ito para iligtas siya. ---×××--- "Sigurado ka bang nandiyan siya?" Nagtatagis ang bagang na napatingin si Zygfryd sa bodegang kinaroroonan nila ni Hanzo. Madilim na ang paligid. Mabuti nalang at may ilaw sa labas ng bodega kaya nakikita nila sa pwesto nila kung sakali mang may taong lalabas mula roon. "Oo." Diretsong sagot niya sabay kasa sa hawak niyang baril. Kung sino man ang haharang sa kaniya ay siguradong tutumba sa sahig. "How?" "Nilagyan ko ng tracker device ang ibinigay kong bracelet kay Adity. Mabuti nalang at palagi niya iyong suot." So that is a lucky bracelet after all. Tinapik na niya ang balikat ni Hanzo. Agad silang naghiwalay ng direksyong tinahak. Umikot ito sa bodega, samantang siya naman ay dire-diretsong tinahak ang pintuan sa harapan kung saan sinalubong siya ng isang lalaki na naninigarilyo. Nabigla pa ito ng makita siya pero agad din itong tumumba sa lapag ng paputukan niya ito. Mabuti nalang at may silencer na naka-kabit sa baril niya. Dahil doon ay wala siyang ingay na nagawa. Nang lapitan niya ang lalaki ay doon niya napagmasdan ang mukha nito. "Edgar Manobos." Muli niya itong binaril sa isa pang binti nito. Gusto niya lang siguraduhin na hindi ito makakatakas. Unti-unti niyang binuksan ang malaking pintuan ng bodega. Tumambad sa kaniya ang napakaraming tambak sa loob. Agad niyang hinanap roon ang babaeng pakay niya. Nang mapagawi ang tingin niya sa kwartong nasa dulong bahagi at nakitang may ilaw doon ay iyon ang pinuntirya niyang puntahan. Maingat ang ginawa niyang paghakbang. Para siyang isang ninja na walang ingay na nililikha habang naglakakad. Pagtapat sa pintuan ay agad nagtagis ang bagang niya ng marinig ang boses ni Adity na nagmamakaawa. Naikuyom niya ang kamao niya. "Come on Adity. Moan for me." You can't fuckin touch her! Sa narinig ay ubod lakas niyang sinipa ang pinto. Nang mabuksan iyon ay mabilis niyang kinuwelyuhan ang lalaking nakapatong kay Adity. Binuhat niya ito at ibinalibag sa sahig. "Zygfryd, nandito ka." Nabaling ang tingin niya sa dalaga. Yakap nito ang sarili. Wala na itong saplot pang-itaas. Kung nahuli pa siya ng dating ay baka napano na ito. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kung nagkataon. "f**k!" Galit na bumunot ng baril si Boni. Mabilis itong nakabawi sa pagkakatilapon nito. Nang tumayo ito ay nakatutok na ang baril nito sa kaniya. "Napakapakialamero mo talaga e no!" "Ayos ka lang ba?" may pag-aalala niyang tanong kay Adity. Hindi niya alintana ang baril na nakatutok sa kaniya. Tumango naman ang dalaga. Gusto niya sana itong yakapin pero dahil sa sitwasyon nila ay hindi niya iyon maaring gawin. "It's ok now. You'll be safe." Nakangiti niya pang sabi dito. Ibinalik niya ang tingin niya kay Boni. Ngayon ay ito naman ang dapat niyang harapin. "Huli ka na Boni Manobos." Tinutukan niya rin ito ng baril. Handa siyang makipagsabayan dito. Kahit maging patas pa ang laban. Kahit sabay pa silang bumulagta sa sahig ay wala iyong problema sa kaniya. Ngumisi naman si Boni. Nakikita niya sa mga mata nito ang determinasyon na patayin siya. "f**k you!" Hindi niya inaasahan na tatakbuhin nito si Adity. Sinakal nito sa leeg ang dalaga at dito itinutok ang hawak nitong baril na bahagyang nakapagpatigil sa kaniya. "Sige, isang galaw mo lang ay papatayin ko ang babaeng ito. Siya ang ipinunta mo rito hindi ba?" "Let her go." Kalmado niyang sabi. "Ibaba mo ang baril mo! Kung gusto mong pakawalan ko ang babaeng ito!" Sigaw ni Boni. Tinanguan niya lang si Adity. Mabagal niyang ibinaba ang kamay niya na may hawak na baril kagaya ng request ni Boni. Pero sa isang iglap lang ay tumumba na ito sa sahig. Bago pa man niya kasi tuluyang bitawan ang baril na hawak ay kinalabit niya na ang gatilyo niyon at inasinta ang binti ng binata. Pagtumba nito ay agad niya itong tinakbo at inagaw ang baril nito. "Your game is over Boni." Bago ito tuluyang talikuran ay sinipa niya pa ito sa sikmura. Magpasalamat ito at kasama niya ngayon ang dalaga. Dahil kung hindi ay siguradong tutuluyan niya ito. Pagbaling niya ng tingin kay Adity ay nagmamadali niyang hinubad ang suot niyang jacket at pinasuot iyon sa dalaga. Pagkasuot niyo ay niyakap siya nito ng mahigpit. "Dumating ka..." tila naiiyak nitong sambit. Ginantihan niya ito ng yakap. Masuyo niyang hinaolos ang buhok nito. Ang kaninang pagwawala ng dibdib niya dahil sa galit ay nawala na. Tila iba na ang dahilan ng pag tambol niyon ng mabilis. Bahagya niya inilayo ang mukha nito sa kaniya at tinitigan niya ito sa mata. Nang makita niya ang ilang butil ng luha nito sa pisngi ay agad niya iyong pinahid gamit ang kamay niya. "I'm sorry." Sa isang iglap lang ay nagawa niyang angkinin ang labi ng dalaga. Hindi naman siya nakaramdam ng anomang pagtutol mula rito. Tila tinutugon pa nga nito ang halik niya. He's been fantasizing kissing her, over and over. Ngayon na muli niyang natikman ang matamis nitong labi ay tila sasabog na ang kaniyang dibdib dahil sa tuwa. He never imagined na magagawa niya itong halikan for the second time. But this kiss was different. Lalo pa at alam niya na nasa katinuan ang dalaga. It was more sweeter than before. Tila may kuryente tuloy na nakapagpapabuhay sa dugo niya. Damn Adity! I really wanted to own you.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD