Nagising si Adity sa isang hindi pamilyar na kwarto. Marahan siyang bumangon. Naupo siya at inilibot ang tingin sa paligid. Maliwanag na sa labas. Umaga na. Ang huli niyang natatandaan ay buhat siya ni Zygfryd palayo sa pinagdalhan sa kaniya ni Boni. Sa sobrang pagod ay nakatulog siya sa mga bisig nito. Nang marinig niyang bumukas ang pinto ay nilingon niya iyon. Agad lumatay ang ngiti sa labi niya ng makita ang tito Franco niya. Masaya siya nitong nilapitan. "Mabuti naman at gising ka na. Kumusta na ang pakiramdam mo? May masakit ba sa iyo?" "Ayos lang po ako. Nasaan po ako?" "Nandito ka sa bahay ko iha. Dinala ka dito ni Zygfryd." "Si Zygfryd po. Nasaan na siya?" Naupo ang tito niya sa tabi niya. "Nang maihatid ka niya dito ay umalis rin kaagad siya. Tapos na raw ang trabaho ni

