"Pinal na ba ang desisyon mo? Talaga bang babalik ka na sa kombento?" Napabuntong-hininga siya. Tinapunan niya ng tingin ang tito Franco niya. Bakas niya sa mga mata nito ang kalungkutan. Nais niya sanang pawiin iyon pero isa lang naman ang alam niyang makapagpapasaya dito. Ang manatili siya sa tabi nito. Alam niya kung gaano siya nito kamahal. Matagal na niyang alam kung bakit espesyal ang turing nito sa kaniya pero nanatiling tikom ang bibig niya dahil gusto niya, kung ano ang mayroon sila. Mahal na mahal niya ito kahit ano pa ang posisyon nito sa buhay niya. Hindi man ito perpektong tao ay sapat na sa kaniya na nagawa siya nitong pakitaan ng maganda. Sapat na, naiparamdam nito sa kaniya ang pagmamahal nito bilang isang ama. "Ano bang sinasabi mo mommy?" Naguguluhan niyang tanong sa k

